JULIAN'S POVKung sinuswerte ka nga naman, nakita ko pa na naghahalikan sa loob ng Gymnasium sina Alanis at Russel kaya ang ginawa ko ay vinideohan ko silang dalawa habang naghahalikan.Pagkatapos kasi nila kahapon lumabas ng classroom ay nag-excuse ako kunwari kay Ms. Fuentes na mag ccr lang ako at sinundan silang dalawa. Napangisi ako, magandang pang blackmail ito para mapasunod ko si Alanis sa mga gusto ko dahil kapag hindi niya ako sinunod ay ikakalat ko ang video nila sa buong YGA at kahihiyan iyon para sa kanilang dalawa.Ang isang transferee student ay nakikipaghalikan sa isang nirerespetong Student School President? Ang talino mo talaga Julian!"Ang mataray na pinsan pala ni Uste my loves ang kinababaliwan mo ngayon, kuya?" tanong ni Chloe.Mas matanda ako sa kanya ng isang taon kaya kuya ang tawag niya sa akin.Tumango ako at ininom ang wine na nakalagay sa lamesa.Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Why you seem so happy? May binabalak ka na namang masama, no?" I laughed."Ki
ALANIS POVNang mag-break time na ay kaagad akong nilapitan ni Marinel habang sila Julian naman at ang mga kaibigan nito ay nag-uusap.Hinila niya ako papalayo sa pwesto nila Julian saka kami pumwesto sa pinakasulok ng classroom."Bakit ka tinawag na babe ni Julian? Saka bakit doon ka na umupo ulit sa tabi niya? Hindi ba't ayaw na ayaw mo sa kanya? As your new friend, i-explain mo sa akin ang lahat, Alanis kasi naguguluhan talaga ako sa mga pangyayari." Natataranta niyang sabi.Pagod akong umupo sa isang upuan at yumuko. "Kami na dahil sa utos niya. Nakita ni Julian ang paghahalikan namin ni Russel kahapon sa Gymnasium. Vinideohan niya kami. He even blackmailed me na kapag hindi ko sinunod ang lahat ng utos niya ay ikakalat niya ang video sa buong YGA. Ayoko namang mangyari 'yon dahil alam ko na masisira si Russel sa mga estudyante dito sa oras na makita nila ang video na 'yon. He's a Student Council School President at malaki ang respeto sa kanya ng buong YGA." sabi ko.Umupo si Mari
USTE'S POV"Vien! What's happening to you? Bakit parang wala ka sa kondisyon ngayon?" tanong ni Coach Aldrich nang mapansin niyang kanina pa palpak ang pagtira ko ng bola sa net.Napahinto ako at napayuko. "I'm sorry, coach."Bumuntong-hininga ito at inabutan ako ng bottled water. Kinuha ko naman iyon."Sige, pagbibigyan kita ngayon dahil isa ka sa pinakamagaling na player ko pero sana kung anuman ang issue na meron ka ngayon ay hindi ito makaapekto sa mga susunod na practices mo. Maliwanag ba?""Opo, sorry po ulit." sabi ko. Tumango lang ito at pinagpahinga na ako.Umupo ako sa isang bench at galit na sinipa ang batong tinatapakan ko sa field. Hindi ako makapaniwalang gusto ni Alanis si Julian. Ang alam ko ay ayaw niya sa lalakeng iyon.Hindi ko maintindihan. Hindi ko makitang gusto nga niya si Julian.Parang may mali."Tomas my love, nandito ka pala. I'm glad to see you again,"Napaangat ako ng tingin nang makita si Chloe sa harapan ko.Ang kulit talaga ng babaeng 'to! Ayaw akong lu
ALANIS POVMabuti na lang at sabado ngayon kaya wala muna akong makikitang Julian o Russel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari sa akin. Ang paglipat namin sa Maynila, ang pagpasok ko sa YGA, na nakilala ko ang bagong kaibigan ko na si Marinel, ang paghahalikan namin ni Russel, ang pagkagalit sa akin ni Uste at ang pangba-blackmail sa akin ni Julian para lang hindi niya ikalat ang video.Halos isang linggo pa lang ako dito sa Maynila pero ang dami nang nangyari. Namimiss ko na tuloy ang mga kaibigan ko sa probinsya hays."Mall tayo?" Pagyaya sa akin ni kuya Travis habang naglalaro kami ng chess sa sala.Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay dahil nasa trabaho si papa habang si mama naman ay may pinuntahang kakilala niya dito sa Maynila."Eh? Bago lang tayo dito sa Maynila, kuya at hindi pa natin alam ang mga pasyalan at puntahan dito. Paano 'yon?" Tanong ko at pumahalumbaba."I read a book yesterday about Manila's destinations, ways and tours. I
RUSSEL'S POVPagkalabas ko nang mall ay padabog kong itinapon ang mga pinamili ko sa basurahan para sana sa experimental analysist ng Science Club namin sa YGA. Napakuyom ako ng kamao ko at sobrang nagdidilim ang paningin ko sa nakita ko kanina.Sino 'yung lalakeng kasama ni Alanis? Boyfriend niya ba iyon? Hindi ba't sila na ni Julian?Napasabunot ako sa buhok ko at napakuyom ng panga. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin, kinakain ako ng matinding pagseselos ko at alam ko na nakakasama na 'to.Simula nang dumating si Alanis sa buhay ko ay natuto na akong magselos at magalit sa isang tao. Unti-unti na niya akong binabago."Fucking shit!" Sigaw ko at napasabunot ulit sa buhok ko.Para naman akong baliw na tinitignan ng mga tao sa labas ng mall kaya sinamaan ko sila ng tingin."Anong tinitingin-tingin niyo diyan?!" Sigaw ko sa kanila.Natakot naman sila sa inasal ko at kaagad na nagsipag-alisan.Kaagad naman akong umuwi sa apartment ko at umupo sa sofa sabay tanggal ng suot kong t-sh
MARINEL'S POVMaaga akong pumasok para masilayan si Honeypie Neil ko. Alam ko kasi na maagang na-ischedule ang basketball practice nila ni Julian. Matagal ko na kasi siyang gusto, halos tatlong taon na nga e. Parati ko siyang nagiging kaklase pero sa loob ng ilang taon ay kahapon lang kami nagkalapit at nagkausap ng ganon kaya todo ang hiya at kilig na naramdaman ko that time.Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko kahit may pagkakengkoy nga daw siya. Siguro ganon talaga kapag gusto mo ang isang tao, wala ka nang pakialam sa mga flaws niya.Nagpunta ako sa basketball gym at nakita ko nga na nagpapractice sila ng basketball. Hindi naman nila ako napapansin dahil busy sila sa paglalaro.Napagpasyahan kong umupo sa isang bleachers malapit sa kanila saka kinuha ang cellphone ko para picturan si Neil na lumelay-up ng bola.Ang galing talaga ng honeypie ko!Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang nakatingin sa akin si Denver kaya kaagad kong itinago ang cellphone sa bag ko.Baka makit
JULIAN'S POVHindi ko alam na madali palang mauto si Alanis at napapasunod ko siya sa mga gusto ko. Napakainosente niyang babae at pabor na pabor iyon sa akin. Ayaw niya talagang ipakalat ko ang video nila ni Russel. Talagang pinoprotektahan niya ang ampon ni lolo.Si Russel na lang ang palaging nakikita nila na nakakairita na!Kakatapos lang ng practice namin nila Neil nang dumiretso na ako sa locker ko at hindi ko inaasahan na nandoon si Russel na nakasandal sa pader malapit sa locker ko.Lumapit siya sa akin na may seryosong ekspresyon ng mukha."Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.Ngumiti siya at may ipinakitang video sa akin mula sa cellphone niya.Video iyon ng halikan nila ni Alanis pero hindi iyon video na nagmula sa akin. Bago lang 'yon. Parang kahapon lang nangyari at rinig na rinig ko pa na sinabi ni Alanis sa video na gusto niya si Russel.Napakuyom ako ng kamao na mas lalong nagpangisi kay Russel."Masakit ba, Julian? Ang tindi mo rin naman, i-bab
THIRD PERSON'S POVTila may parang hinihintay na dumating si Russel kaya siya nasa likod ng eskuwelahan nila. Nakasandal ito sa pader habang naninigarilyo. Sinigurado niyang walang ibang makakakita sa kanya dahil kapag nakita ng iba ang paninigarilyo niya ay baka magbago ang tingin sa kanya ng mga estudyante ng YG Academy.Kilala siya bilang magandang ehemplo ng paaralan kaya dapat lang na malinis at disente ang tingin sa kanya.Nang makita niyang papalapit na sa kanya ang taong hinihintay niya ay itinapon nito ang hawak niyang stick ng sigarilyo at tinapakan ito."Good job. Ito na ang bayad. Ang linaw ng pagkakakuha mo." Sabi nito sa taong hinihintay niya saka iniabot ang pera ng palihim."Salamat President, kung may kailangan ka ulit ay tawagan mo lang ako." sabi ng kausap niya."Sige, umalis ka na baka may iba pang makakita sa atin." Sabi naman ni Russel habang lumilinga-linga ito sa paligid.Tumango naman ang kausap niya saka na ito umalis.Ang video na tinutukoy ni Russel na kinu