Share

CHAPTER 4

Halley's P.O.V

"Anong nangyari? At bakit ka nandito?" tanong sa akin ni Dexter.

"Oo nga at isa pa hindi ka naman namin nakakasama kanina." pag sang ayon naman ni Elaine.

Pati ako ay hindi ko maalala kung bakit ako nandito. Bumalik na lang ako sa aking kotse saka sumakay at naisipan ko ng umuwi na lang dahil padilim na naman. Binuksan ko na 'yong music dahil ito na 'yong nakakasanayan ko na sa tuwing magmamaneho. Medyo traffic kaya magabihan na akong makarating sa bahay.

Bigla akong napatigil sa pagmamaneho nang may biglang tumawid na hindi man lang tumitingin sa daan at muntik ko na siyang masagasaan.

"Hoy, magpapakamatay ka ba?!" sigaw ko sa kaniya nang na iparada ko na ang aking kotse kaya napatingin naman siya sa akin na may halong pagtataka.

Lumabas ako sa kotse at hinarap siya. Tinignan ko siya sa ulo hanggang paa at sobrang weird niya. Naka t-shirt lang siya hanggang hita at mukhang wala siyang suot pang ibaba kahit short man lang at sobra pang gulo ng kaniyang buhok.

"Miss, kung gusto mong magpapakamatay 'wag dito dahil makakaabala ka pa ng ibang tao," sabi ko na halos hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa hitsura niya.

Parang pamilyar sa akin ang kaniyang mukha at mukhang matagal na kaming nagkakakilala. Pilit ko mang isipin ngunit wala talaga akong maaalala, sumakit pa tuloy ang aking ulo. Marami na ang nag bubusina kaya hinihintay ko siyang sumagot pero hindi siya sumasagot habang nakatingin lang siya sa akin kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay at saka pinapapasok sa aking kotse. Sumakay na rin ako para mag maneho na dahil marami na ang nagagalit dahil nakaharang kami dito sa gitna. Nang makapasok na ako sa kotse ay laking gulat ko nang nakikita ko siyang nakatayo lang dito sa loob ng kotse.

"Hoy babae, umupo ka nga." Kaya umupo naman siya. 

Ang weird niya talaga.

Nakapagtaka lang na hindi siya nag sasalita kaya napatingin naman ako sa kaniya. Ang weird niya talaga dahil parang naninibago siya dito sa loob ng kotse at mukhang first time pa lang niyang makasakay ng kotse.

"Saan ka ba nakatira?" tanong ko sa kaniya ngunit tahimik lang siya.

Mayamaya ay tinanong ko na naman siya ngunit ganon pa din siya, hindi sumasagot. Naka ilang tawag na ako sa kaniya pero hindi siya tumitingin sa akin at nanatili lang nakatingin sa labas. Nag patuloy na lang ako sa pag mamaneho at nang may naiisip na ako kung saan ko siya maaari dalhin ay agad kong ipinarada ang aking kotse sa tabi at saka ko siya tinatawagan. Nakaka ilang ring pa ako bago ito sinagot ni Calum.

Si Calum ay kaibigan ko at isa rin siya sa grupo ng aming banda. Kahit na busy siya sa pagiging CEO niya sa kaniyang sariling hotel ay nagawa niya namang pag laanan ng oras ang aming banda. 

"Hello, dre," tawag ko sa kaniya sa kabilang linya.

"Oh, hello?" sagot niya naman.

"Pwede ba akong magpapagamit ng isang kwarto?" nahihiya kong tanong sa kaniya habang nasa babae ang paningin ko.

"Oo naman, pero sino naman ang papagamitin mo dito?" tanong niya sa kabilang linya.

"Ah basta, bukas ko na lang ikwento sa 'yo." Saka ko binaba ang tawag. 

Hindi naman medyo malayo 'yong hotel niya kaya agad na namin itong narating. Lumabas na ako sa 

kotse, nagtataka naman ako dahil hindi siya lumabas kaya pinag buksan ko na lang ito.

Iba talaga siyang klase, sa dinami-dami ng babaeng lumalapit sa akin ay siya pa 'yong unang napag buksan ko ng pinto.

"Lumabas ka na,” sabi ko pero hindi siya sumasagot, na para bang hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko.

Nakatingin parin siya sa akin kaya kinuha ko na lang 'yong kamay niya saka ko hinila palabas.

Pumasok na kami sa loob habang binabati kami ng mga tauhan dito. Halos kilala na ako ng lahat ng mga tao dahil sikat na nga ang aming banda at maliban diyan ay kaibigan ko ang CEO ng hotel na ito.

Pumasok na kami sa pansamantala niyang kwarto. Tumawag na lang ako ng mga tauhan dito para mag aasikaso sa kaniya. Pina pabili ko na rin sila ng mga damit para may maisuot na siya ng maayos.

"Makinig ka babae," sabi ko at agad naman siyang tumingin sa akin. "Babalikan kita dito bukas at sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira para ihahatid kita dahil hindi 'to pang habang buhay mong bahay." Saka ako lumabas.

Sumakay na ako sa aking kotse at nagmamaneho pauwi. Bigla ko naman siyang na iisip, parang pamilyar siya sa akin. Kaya ko nga siya dinala sa hotel para mababantayan siya ng mga tauhan doon at gusto ko rin mag tanong sa kaniya kung may kinalaman ba siya sa aking nakaraan na kailanman ay hinding hindi ko pa naalala.

Huminto na ako sa gate at agad naman akong pinag buksan ni nanay Sam. Ipinarada ko muna ang aking kotse bago ako lumabas.

"Magandang gabi ijo," bati niya sa akin nang makababa na ako at saka ako nag mano sa kaniya.

Pumasok na kami sa loob at agad naman akong sinalubong ni kuya ng hampas.

"Bakit ang tagal mo? Tinawagan ko pa naman sana si Dexter at sabi niya ay umuna ka daw umuwi sa kanila. Saan ka ba galing?" Kaya natatawa naman ako sa inaasta niya ngayon.

"Teka lang bro, concern ka ba talaga sa akin o prank lang 'yan?" natatawa kong tanong sa kaniya at saka niya ako pinalo sa balikat.

"Gago ka ba? Kelan ba ako nag pa-prank ha?" natatawa niyang sabi.

"Kahapon," walang gana kong sagot.

"'Yan naman pala eh, kahapon naman pala." Saka na naman niya hinampas ng malakas ang aking balikat.

"Bakit ba ang hilig-hilig mong manghampas ha?!"

Babatukan ko na sana siya pero naunahan na niya ako at saka siya tumakbo pa akyat. Ayon tuloy, naiinis na naman ako sa kaniya.Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumigaw na lang ng malakas dahil sa inis na paghampas ni 

kuya sa akin. 

Ano ba ang akala niya sa braso ko ha? Kainis naman!

"Tahan na ijo, hinampas ka na naman ba ng iyong kuya?" Kaya tumango naman ako sa kaniya. "Oh siya, halika na at kumain na," sabi ni nanay Sam at saka siya nag lakad papuntang kusina.

Sumunod naman ako sa kaniya at pinaghain niya ako ng mga preskong pagkain tulad ng mga gulay. 

"Umupo ka na ijo." Kaya umupo naman ako.

"Si mom at dad po?" tanong ko sa kaniya habang nakanguya pa.

"Nasa kwarto na nila," sagot niya. Hindi na lang ako sumagot pa dahil alam ko namang kahit kelan ay 

walang oras si mom sa amin, palagi na lang negosyo ang inaatupag. "Bakit ka nga pala na gabihan, ijo?"

"May hinatid lang po ako," sagot ko sa kannaman

"Sino naman 'yon? Maaari ko bang malaman?" No choice ako dahil honest naman talaga ako kay nanay kaya kinuwento ko na lang sa kaniya ang mga nangyayari kanina.

"Sigurado akong maganda 'yon dahil sa magaganda ka naman tumutulong eh," pang aasar niya sa akin kaya tumawa na lang ako.

Maganda naman talaga ang babaeng iyon ngunit hindi lang talaga marunong mag ayos parang galing sa ibang planeta.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umakyat sa aking kwarto para matulog. Hindi naman ako nahihirapang patulugin ang aking sarili dahil sa pagod kong nararamdaman ngayon kaya agad na akong nakatulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status