Share

KABANATA 12

KAHARAP ni Margaux ang ama niya na kagagaling lang sa Batangas dala ang iilang keychains at mga imported na kagamitan na alam niyang personal na ibinili ng ama niya para sa kanya.

Ngunit imbes na matuwa sa pasalubong nito, magkahalong takot at kaba pa ang nararamdaman ni Margaux habang nakaupo siya sa kama niya na nakatalukbong ng kumot ang kanyang katawan.

Hindi makatingin nang diretso dahil sa sobrang talim nang tingin na iginagawad nito sa kanya.

"Sino iyong lalaki na nakita kong lumabas kanina sa may gate, Margaux?" Dumadagundong ang boses nito na tila ay ipinapahiwatig sa kanya, na isang maling sagot lang ay malilintikan talaga siya.

"K-Kaibigan ko lang iyon noong-"

"At kailan ka pa nagkaroon nang kaibigang lalaki ha? Margaux?" Nakagat niya ang dila dahil sa malakas na boses nito.

Paniguradong rinig na rinig na naman sa karatig-bahay ang malakas na boses nang ama niya na parang pinagsama ang dalawang kulog at kidlat.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status