Share

xiv. Mango Farm

Wala na sa tabi ko si Wred nang magising ako kinabukasan. Hindi ako nag-alala. Siguradong kasama ito ng kanyang ama, siguro ay kinuha ni Wregan Leath ang anak namin nang makatulog na ako kagabi.

"Inumaga ka na ng gising, ah?" puna ni Kuya Peter, isa sa mga nakatatanda kong pinsan na lalaki at sa pagkakaalam ko mas matanda siya kay Hyacinth, nakasalubong ko siya sa hagdan nang pababa ako.

"Wala pa kasi akong maayos na tulog mula noong nakaraang araw, kuya. Nasaan pala silang lahat? Bakit ang tahimik ng mansion?" tanong ko nang wala man lang akong makitang tao sa salas ng mansion. Nakakapagtaka lang kasi dahil laging maingay ang mga pinsan ko, parang may meeting ng mga bebe kapag nagsamasama.

"Nagpunta silang lahat sa mango farm. Gusto kasing umakyat nang bisita natin ng mangga, ayon sinamahan siya ng lahat,” sagot ni Kuya Peter.

"What? Paano ang anak—niya?"

"Si Wred, ba? Kasama siya ng parents mo, nasa garden sila. Naroon ang mga nakakatanda, mga pinsan lang kasi natin ang sumama kay Wr
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status