Hinawakan ni Daisie ang likod ng kamay ni Freyja. “Kailangan mong magtiwala kay Colton. Aayusin niya ang bagay na ‘to. At kay Deedee, alam kong inosenteng bata lang siya at hindi lang uupo si Colton at manonood habang nahihirapan siya.”Ngumiti si Freyja.Naghintay sandali si Daisie bago umalis. Lumabas siya sa courtyard at isang pamilyar na sasakyan ang nakaparada sa gilid ng kalsada sa labas ng courtyard.Mabagal na bumaba ang rear window at si Nollace ang nasa loob ng sasakyan.Tumama ang ilaw sa salamin at nakasuot siya ng puting short na sinabayan ng walang katapat niyang itsura.Huminto si Daisie sa harap ng sasakyan. “Paano mo nalaman na nandito ako?”Hindi niya sinabi kay Nollace na nandoon siya kay Freyja.Mahinang ngumiti si Nollace. “Naisip ko na nakita mo ang balita at base sa nalalaman ko sa'yo, nandito ka.”Binuksan ni Daisie ang pinto, pumasok sa sasakyan at bumulong, “May hindi ka pa ba nalalaman sa akin?”Hinaplos ni Nollace ang buhok niya. “Pwede mo malaman a
Bumagsak ang singsing sa sahig, nag-iwan mahinang kalansing.Yumuko si Daisie para kunin ang singsing at nakita ang maliit na gap sa gitna ng singsing.Kinuha niya ang singsing sa kaniyang kamay at nagtaka. “Paanong ang singsing…”Habang may tinitingnan, nagulat siya sandali at pinaghiwalay ang singsing, nailabas non ang kasing liit ng langggam na device sa harap ng mata niya.Sa study, nakaupo si Nollace sa likod ng mesa. Nakakrus ang mga daliri niya at nakapatong ang baba niya sa kaniyang kamay habang iniisip ang bagay tungkol sa pagitan ni Donald at Sandy.Umilaw ang screen ng cellphone niya. Tiningnan niya yon at nakita ang notification na sinasabing nawala ang tracking device. Hindi niya mapigilan na magtaka.May lumitaw sa isip niya pero binuksan na ni Daisie ang pinto.“Nollace Knowles!” Lumapit siya at nilagay sa harap ang singsing na binigay sa kaniya ni Nollace three years ago. Halata naman na nalaman niya ang nakatago sa singsing. “Sana ay may mabuti kang paliwanag
‘Hindi ko na siya kayang pakawalan.’Biglang may humawak na palad sa kamao niya at napuno ng init ang tahimik niyang puso. Bahagyang nagulat si Nollace. Yumuko siya kay Daisie na lumapit sa kaniya habang nag-iisip siya at ang manipis niyang labi ay mahigpit na nakatikom.Niyuko ni Daisie sa ulo niya. “Nollace, wala akong pakialam kung perpekto ka o hindi.”“Talaga?” Binalot ni Nollace ang braso niya sa bewang ni Daisie at inangat ang baba niya. Mas lumalapit ang labi niya sa pisngi ni Daisie at tumama ang mainit niyang hininga sa maputing balat ni Daisie. “Kilala mo ba talaga ako? Hindi ako perpekto tulad ng iniisip mo. Madamot akong tao, gusto ko sa akin ka lang at gusto ko tusukin lahat ng mata ng ibang tao kapag pinagpi-piyestahan ka ng mga mata nila.”Pinadulas niya ang daliri niya sa bahagyang basa na buhok ni Daisie, nilagay ang kamay niya sa batok nito, at hinaplos ang labi ni Daisie gamit ang kaniyang daliri. “Kapag nagsawa ka sa akin at iiwan no na ako, hindi ko talaga ala
Sinara ni Daisie ang bibig niya, masunurin na humiga sa dibdib ni Nollace at sinubukan na matulog.Umikot si Nollace at niyakap siya. Makapal na kumot ang nakabalot sa bewang ni Daisie at sa baba ng tiyan ni Nollace para maiwasan na magdikit ito. Ayaw niyang idaan si Daisie sa trick para pumayag ito. Ang gusto niya ay ang kusang kagustuhan ni Daisie.Sa oras na yon, sa loob ng Comfort Inn…Dahil pumunta si Colton, hindi hinayaan na hindi siya mag iingat.Inimpake ni Sandy ang bagahe niya at binuksan ang kahon dahil madaling araw na. Buong araw na nakakulong si Deedee sa kahon na walang pagkain o tubig. Hinang-hina na siya sa oras na ito.Pilit na dumilat ang mata niya sa malakas na ilaw at hinang-hina ang boses niya. “Lola, nagugutom ako…”“Hmph! Hindi ka mamamatay sa kaunting gutom.”Inilabas ni Sandy sa kahon si Deedee.Halos hindi na makatayo si Deedee at namanhid ang braso na hawak-hawak ni Sandy.“Bilisan mo! Kapag pinatagal mo ang pagtakas ko, papatayin kita.”Hindi na
“Hindi mo kailangan manghingi ng tawad.” Nilagay ni Colton ang kamay niya sa balikat ni Freyja. “Samahan mo muna siya. Ako na bahala sa iba.”Tumalikod siya at unlis pero hinawakan siya ni Freyja.Tumingin si Colton sa kaniya. “Anong problema?”Binitawan siya ni Freyja, umiwas siya ng tingin at tinikom ang bibig niya. “Salamat.”Tiningnan siya ni Colton at tinanong, “Ayan lang ang gusto mong sabihin?”Tumango siya.Nilagay ni Colton ang kamay niya sa likod ng ulo ni Freyja, hinila siya palapit, at bumulong, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, ipakita mo yun sa kinikilos mo.”Nagulat si Freyja pero bigla siyang hinalikan ni Colton.Matagal niya itong hinalikan bago niya ito bitawan at umalis na siya ng kwarto.Napahinto si Freyja at nararamdaman pa rin ang halik sa labi niya. Samantala, nang gumising si Sandy, sumakit ang leeg niya. Napansin niyang nakahiga pala siya sa sahig buong gabi at biglang may pumasok sa isip niya, agad niyang binuksan ang pinto. “Deedee!” Wala
Matapos ang sampung minuto, bumalik na ang pulis na kumuha ng footage ng pangyayari. “Sir, pinanood ko na po ang footage at nakita ko si Mr. Goldmann kasama ang ilang grupo ng tao at umalis din matapos ang ilang sandali.”Na-overwhelm si Sandy. “Paano naman yung nangyari sa footage kahapon? Inatake nila ako at kinuha ang apo ko!”Tiningnan siya ng pulis at kumunot ang noo. “Walang footage sa pag-atake nila sayo.”Nagulat si Sandy. “Hindi… imposible yan!”Sumigaw siya, “Inatake nila ako kahapon! Paanong hindi na-record iyon!? Siguro takot ka sa mga Goldmann at nagsinungaling ka na lang sa akin!”“Ma’am, pwede mo tingnan mismo kung hindi ka naniniwala sa akin.”Agad siyang pumunta sa manager na may hawak ng tablet. May timestamp ang footage at pinapakita nito ang nangyari kagabi. Walang pinakita na inatake siya.Namutla ang mukha ni Sandy dahil hindi siya makapaniwala. Imposible yan!Hindi niya yun tatanggapin. “Hindi! Siguro dinaya na ito!”Nang mahirapan ang mga pulis na pakal
Sabi ng lawyer, “Huwag ka mag-alala, malakas ang loob kong mananalo ako dito.”Samantala, sa ospital…Unti-unting nagiging masigla na ulit si Deedee sa piling ni Freyja. Natatakot si Freyja na baka na-trauma si Deedee dahil sa nanay niya kaya talagang sineryoso niya ang counseling.Nasa pinto si Daisie at mag hawak ng cake, kumatok siya.Tumalikod si Freyla at ngumiti. “Deedee, ito si Tita Daisie. Hello ka sa kaniya.”Hindi na naaalala ni Deedee si Daisie pero hindi na siya mahiyain tulad ng dati. “Hello.”Lumapit sa kama si Daisie, binaba niya ang maliit na cake, ngumiti, at sinabi, “Binilhan kita ng maliit na cake na ito kasi sabi ni Tita Fey paborito mo raw ito.”Nang makita niyang binuksan ni Daisie ang box, tinitigan ni Deedee ang anim ba slice ng chocolate cake at nagsimula siyang maglaway. “Pwede po ba ako makahingi?” Dahan-dahan niyang sinabi.Nagulat si Freyja nang marinig niya iyon. Marahil dahil kay Sandy kaya naging matatakutin si Deedee.Ngumiti si Daisie. “Syempr
Para sa isang babae, ang pamilya ng pakakasalan niya ay hindi kasing tulad ng sarili niyang pamilya pero kung gusto ni Colton na putulin ang relasyon ng asawa niya sa sarili pamilya nito, gaano kasama ang pamilya niya?Nanginginig pa rin si Sandy at biglang nag iba ang ekspresyon niya. “Anong sinabi mo!?” Malamig ang ekspresyon ni Colton habang nakatingin sa kaniya. “Lagi mong tinatawag na anak si Freyja pero ano bang ginawa mo sa kaniya bilang isang ina?“Pinabayaan mo siya dahil isa siyang babae at hindi isang lalaking anak at hindi ka niya sinunod bilang nanay. Sisirain mo pa ang reputasyon niya kaya bakit ang lakas ng loob mong tawagin ang sarili mo na isang ina?”Nagsimulang mag-usap ang mga tao. ‘Kumalat’ na ‘iniwan’ ni Freyja ang anak niya para mapakasalan niya ang Goldmann family. Sariling nanay niya ang nagsabi nun!?”Hindi na makapag-isip si Sandy. “Ano naman? Nagmula siya sa akin, ako ang nagbigay ng buhay sa kaniya kaya ako ang magdedesisyon kung mabubuhay siya o mama