Share

Ika-labing limang Kabanata- Raindrops of my past

Onie.

Nakapangalumbaba ako habang nakatanaw sa labas ng aking bakeshop. Dapat ay nakauwi na ako sa bahay, ang kaso'y bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Kung kailan wala akong dalang payong, at isa pang kamalas-malasan na nangyari'y na flat pa ang gulong ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung mayroon bang empleyado o customer ang may galit sa akin kaya binutas ang gulong ng 'baby' ko. O sadyang balahura lang talaga ako sa pagpark niyon kanina. Huli na nang mapansin ko ang problema, wala naman akong gamit para maayos ang sirang tire, at mas lalong wala akong excess tire ngayon. Grabe! It was really a bad day talaga.

Hindi ko na rin inabala ang mga empleyado ko regarding my problem dahil maghapon na silang nagtrabaho, this should be their rest time naman. Pinaki-usapan ko na lamang si Manong security na hintayin ako kahit saglit pa hanggang sa dumating lang si Lance. I texted him naman na baka puwede niya akong sunduin dito sa shop. At saka on the first place, siya ang unang nagsend ng message sa 'kin regarding sa 'pag-uwi' issue kaya gi-nrab ko na.

The time is ticking, siguro'y isang oras na rin akong naghihintay, medyo tumitila na ang ulan kaya bahagya akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Baka busy pa si Lance sa trabaho, hindi rin siya nagreply sa message ko sa kaniya. Oo, baka nga busy pa . . . sinipat ko ang aking relos to see na alas siyete pasado na ng gabi.

Sinulyapan ko si Manong, panay ang tingin niya sa kaniyang telepono, bigla akong nilukuban ng pagkakonsensiya, baka may nakaplano siyang gagawin ngayon pagkatapos ay naabala ko pa. Dali-dali akong tumayo'y pinuntahan si Manong. I told him to prepare na para sa pag-uwi. Hindi ko naman maisasara ang harapan ng bakeshop dahil sobrang taas at bigat ng sliding no'n. Hindi ko keri ngayon, nag-iingat din ako sa katawan ko.

Nakisuyo na lang ako na ilabas ang isang silya upang doon ako mag-antay kahit na sarado na ang shop. Sooner or later darating na rin 'yon si Lance, dapat lang dahil magwawala talaga ako kapag hindi siya dumating.

Nagawa na ni Manong ang iniutos ko kaya naman hinayaan ko na siyang makauwi sa kanila, habang ako'y nakatungo lang sa labas at tinitignan ang bawat pagpatak ng ulan galing sa bubong ng aking bakeshop.

Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ulan, malamig, nakakagaan ng pakiramdam . . . tamang-tama sa maalinsangang gabi.

Ini-unat ko ang aking mga paa't papalit-palit na pinagsalikop ang tuhod. Simple exercise para sa mga joints ko.

Maya-maya pa'y tumayo ako't lumapit sa parte kung saan pumapatak ang tubig-ulan, tumingala ako bago inilahad ang aking kaliwang kamay upang saluhin ang nag-uunahang luha ng kalangitan.

Ilang minuto rin akong naglagi sa gano'ng posisyon. Raindrops remind me of something . . . special. May ilang similar 'vibes' na biglang nagbabalik-tanaw sa utak ko.

'Yeah. It was the moment with him. My ex.'

Ilang ulit kong pina-iling-iling ang ulo ko, at sinasabing 'wag nang alalahanin pa ang bagay na 'yon. The past should be buried deep down my mind and heart.

Wooh.

Subalit na putol ang pagmumuni-muni ko ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko 'yon at nalaman na si Nanci ang tumatawag, ang personal assistant ko. Bukas pa ang simula ng duty niya ha, hmm . . . baka magtatanong lang ng ilang bagay.

Sinagot ko 'yon at binati siya. Gano'n din ang ginawa ko, 'tapos ay nagtanong siya kung nakauwi na raw ba ako. Syempre, sinabi ko na stranded ako rito sa shop, and I am still waiting for Lance to pick me up.

Then after that, bigla siyang nanahimik. I tried asking her kung ano ba ang kailangan niya talaga but she just said na nangangamusta lang naman raw siya sa kaniyang boss, na hindi ko pinaniwalaan. Pero dahil nga parang wala naman siyang balak na magsabi ng totoo ay nagpaalam na ako.

And as I was about to end the call ay narinig kong muli ang pagtawag niya sa pangalan ko. Pinakinggan ko ang sinabi niya, buong akala ko naman ay gano'n 'yon kaimportante para maglaan pa siya ng oras na tawagan ako. After hearing the things she said ay itinago ko na ang cellphone ko sa bag.

I don't bother looking at what Nanci told me. Mai-stress lang ako at papangit.

Bagkus ay inayos ko na lang ang aking sarili at napagpasyahan na suungin na ang ulan at mag-abang ng taxi sa unahan. Wala kasing dadaan na taxi sa bandang ito ng shop e.

'Iinom na lang ako ng gamot para sa sipon , sorry baby, kailangan ko nang suungin ang ulan.' Hinimas ko ang umuumbok kong tiyan at kinausap ang little baby ko na na'ron.

"Promise, uuwi tayo agad, gutom na rin si mommy, ikaw ba?"

Hihintayin ko sana ang isasagot sa akin ng anak ko, pero ang ewan ko ata kung gayon nga ang gagawin ko. Bahagya akong natawa sa aking sarili, hindi ko talaga maipagkakaila na may pagka-abnormal din ako paminsan-minsan.

Naihakbang ko na ang aking mga paa palabas, isinara ang gate at dahan-dahan na naglakad. Hindi na gano'n kalakas ang ulan pero may kalakihan pa rin ang butil ng tubig-ulan. Dahan-dahan na tinatahak ko ang daan patungo sa station at nang makasakay na pauwi.

It took me about ten minutes bago nakarating sa may bench kung saan maaring dumaan ang taxi. Ngunit okupado ang upuan kaya naman tumayo na lang ako sa malapit. Patak-patak na lang din ang ulan, kaya keri ko na.

I tried reaching out for my phone to see if my reply na si Lance, pero wala. Inis na ibinalik ko na lang ang cellphone sa aking bag. Ilang saglit lang ay may taxi na tumigil at sumakay ang dalawang babae na kasabay kong nahhihintay do'n. Ipinagdasal ko na sana'y may mapadaan pa ulit na isa, para ako naman ang makasakay. Ako na lang kasi mag-isa ang naroon ngayon.

Alas otso na ng gabi, wala masiyadong tao ang nasa kalsada, siguro'y dahil sa pag-ulan. May mangilan-ngilan na naglalakad, habang nakasukob sa kanilang mga payong. Bukas pa ang ilang establishimento katulad ng fastfoods at covienience store, pero mas marami na patay na ang ilaw sa store, tanging street lights at ilaw galing sa headlights na lang ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Binalak ko na magtungo na lang muna sa fastfood na bukas sa may kabilang kalsada, kakain na lang ako baka gutom na rin si baby. Ngunit bago pa man ako makatawid ay hinarang na ako ng dalawang lalaking tila tambay sa kanto sa suot nilang jersey short, t-shirt na may mukha ng kandidato noong nakaraan eleksiyon 'tas balbas sarado pa, wala atang pang-ahit sa kanila.

"B-bakit? Ano'ng kailangan niyo sa akin?" tanong ko sa kanila.

"May pera ka ba riyan, miss? Baka puwede kaming makahiram,' saad ng unang lalaki.

'Hiram? Paano naman nila ibabalik sa akin ang bayad if ever?'

"Naku! Wala ho ba kayong mga trabaho? Magnanakaw ata kayo e." Hindi ako nagpasindak sa kanila, ang lalaki ng katawan nila, dapat ay nagbabanat sila ng kanilang mga buto.

"Hiram nga Miss, 'di ba? Huwag ka ng madamot, mukhang maraming laman 'yang bag mo, e. Sige na. Kahit one thousand pesos lang." Ngayon ay ang isang lalaki na mas malaki ang katawan sa nauna na.an ang nagsalita.

Nakipagmatigasan pa rin ako sa kanila't pinilit na lisanin ang lugar na kinatatayuan ko. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa dalawang lalaki na 'to. Subalit hindi ko nagawa ang nais ko ng higitin nila ang aking bag at sapilitan na binuksan 'yon. Nakipag-agawan pa rin ako sa kanila kahit na medyo delikado,

Nagtatawanan na ang dalawa ng mailabas ang wallet ko at nakita ang ilang malutong na tig-isang libo.

"Tiba-tiba tayo rito, pre."

"Hoy, ibalik niyo sa akin 'yan, ka-lalaki ninyong tao hindi kayo magbanat ng buto. Mga magnanakaw!" Galit na galit kong sigaw sa kanila. Nanghingi ako ng tulong sa ilang tao na napapadaan sa may gawi namin ngunit wala ni isa ang nagkusang lumapit, siguro'y dala ng takot ay ayaw nilang mangialam sa nangyayari.

I can't blame them, kahit ako'y natatakot na rin ngayon. Sa totoo'y nagangatal ang mga kamay at tuhod ko pero itinatago ko lang. Kapag naramdaman nila na takot ako'y mas lalo lamang nila akong gigipitin.

"Manahimik ka miss kung ayaw mong masaktan riyan."

At talagang ang lakas ng loob nilang takutin pa ako? Nagpalinga-linga ako baka sakaling may pulis na rumoronda sa mg oras na ito, kaso'y mukhang wala.

"Amina sabi 'yan!" Lumapit ulit ako sa kanila't pinilit na kuhain ang pouch ko, ngunit kabaliktaran ang nangyari, itinulak ako ng isa ma siyang dahilan ng pagkaka-out balance ko.

Lalagapak ang aking puwet sa sementadong kalsada otomatiko na inagapan ko'y ang aking tiyan.

Tila nagslow-mo ang lahat sa akin, hinintay ko na lamang na bumagsak ako. Ngunit mas ipinagtaka ko na hindi naganap ang inaasahan kong paglagpak imbes ay isang mainit na bisig ang sumalo sa akin.

Sa posisyon na 'yon mas nasilayan ko ang ginagawang kabalbalan ng dalawang lalaki sa bag ko. Ang mga walanghiya! Hindi ba nila alam na mahal ang bili ko ro'n?

Nang oras na iyon din ay nagsimulang muli ang pagpatak ng ulan, sinasalo na sila ngayon ng aking uluhan.

"Ayos ka lang ba." Tumalima ako nang marinig ang boses ng lalaki na nagsalita. Pamilyar 'yon sa akin.

Bahagyang gumalaw ang aking mga kamay, ini-angat na pala niya 'yon at saka i-pinahawak sa akin ang dala-dala n'yang payong.

Na-amaze ako sa paglalakad na ginawa niya palapit sa dalawang magnanakaw, bago lumagpas sa harapan ko'y kitang-kita ko kung paano nagtagis ang kaniyang mga kilay.

At ang sumunod na nangyari ay ikinasigaw ko na.

They were now fighting, throwing punches to each others faces.

Napatumba niya ang isa sa magnanakaw ngunit dahil sa mag-isa lamang siya ay nasilo pa rin siya ng mga ito. Natumba rin siya at nakatikim ng suntok mula sa dalawa. Ngunit sadyang hindi siya nagpatalo sa mga halimaw na iyon, lumaban siya hanggang sa kusa nang nagtakbuhan na animo'y napalo ng kanilang mga magulang ng hanger sa puwet ang naglalakihang lalaki.

Pumalakpak ang puso ko nang makitang halos madapa sa pag-uunahan na makalayo ang dalawang lalaki na 'yon sa amin.

Sumuray ng bahagya ang lalaki na tumulong sa akin, wala naman sana akong balak na lumapit sa kaniya ngunit napakawalang utang na loob ko naman ata kung gano'n ang gagawin ko.

"You're okay?" tanong ulit niya sa akin.

Tumango lang ako ng dalawang beses bago lumunok ng aking laway.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito? May sasakyan ka naman, 'di ba?" Tinignan ko siya. Dahil sa muling pagbuhos ng ulan ay nabasa na ang kaniyang buhok, pisngi at suot na black polo shirt na may mamaling logo mula sa laylayan niyon.

"Nasiraan ako ng kotse," natural na sagot ko sa kaniya. "Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" curious ako kung bakit siya narito, hindi namn siguro siya nakatira sa gawing ito dahil ang aura-han niyang pang condominium na't hindi pang apartment lang.

"May binibisita lang," sagot niya. "Hinihintay mo ba ang asawa mo rito?" segunda pa niya.

"Ahm—" natigilan ako, ano ba ang dapat na isagot ko sa kaniya? Should I just tell him na 'hindi kasi ang asawa kong may kasamang ibang babae ngayon?

"Hindi," mabilis kong tugon sa kaniya. "I'm planning on going home alone, so, thank you for helping me tonight. Kailangan ko ng umalis."

"A ride . . . baka kailangan mo."

Nakatalikod na ako no'n sa kaniya nang magsalita siya. Lunok laway.

I should say no.

"No worries, wala akong gagawing masama sa 'yo. I just want you to go home safe."

Nai-angat ko ang aking paningin at saka muling bumaling sa kaniya. Tumambad sa 'kin ang pumutok niyang labi sa kaliwang bahagi.

Kailangan niya ba talagang titigan ako ng ganiyan? I even asked myself nang magtama ang mga mata namin, same old eyes just like before.

He is my ex, and I am married to someone now. I need to put a space between us. I can't even be friend to the person who become the half of my life years ago.

I should not bring back that feeling. I should not . . .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status