"Sige kuya Shun." maikling sagot niya......Sa loob ng dorm..Kumpleto ang loob ng dorm, may kusina, sala, banyo, lutuan at isang kwarto na mayroong dalawang kama. Sa tingin ko isahang kwarto lang bawat dorm kasi separate naman yung dorm ng babae sa lalaki at nilagyan lang ng dalawang kama para magkaroon naman ng privacy yung isa't isa. Nasa dorm 25 lang si Kyer, nag usap kasi kami kanina bago nagpunta sa sariling naming dorm para makapag ayos ng gamit, isang Mind Informer ang kasama niya sa dorm. Ang kakayahan ng isang Mind Informer ay kaya niyang magpaabot ng mensahe sa isang tao kahit na nasa malayo ito gamit lamang ang utak niya. Isa itong magandang kakayahan na pandepensa.Bukas na ang simula ng pagsasanay. May tatlong bahagi ng pagsasanay para sa defence at offence team na first year sa Shanya. Una ay ang Power Development, dito tinuturuan ang mga estudyante kung paano nila ma-i-enhance at makokontrol ang kanilang kapangyarihan. Ikalawa ay ang Depenc
"Shun?" rinig kong sabi nong tao sa tabi ko. "Seina, ikaw pala." Si Seina pala, yung Seer na nakilala namin kahapon ni Kyer. Sinagot ko siya at nginitian tapos nakinig na ulit sa guro sa harap.Kasalukuyan kasi kaming nakikinig sa Guro namin sa DSE na si Madam Lily, yung adviser naming DT. Nag-i-explain siya tungkol sa mga iba't-ibang uri ng strategy na pwedeng gamitin kung may magaganap na labanan. Yung mga barrier maker daw yung magiging suporta ng mga nasa offence team at healer naman daw yung tagagamot ng mga sugat. Well, actually napakabasic naman ng ganong strategy para sakin. Obvious naman na yun yung magiging ganap sa labanan, alangan na yung defence team yung aatake. Marami ang matatawa pagnagkataon, pero alam ko namang posible yun. Nakinig nalang ako hanggang matapos yung pagapapaliwanag niya samin. At the end, nag-announce na may magaganap na strategy testing bukas, by team daw at makakasama daw namin yung offence team. Magkakaroon daw ng team
Ayun nag usap na ulit sila, inantok na ako kaya nauna nakong matulog.Kinabukasan...Nasa field na kami at kasalukuyan naghahanda para sa gaganaping Strategy Testing, Marami rami kaming maglalaban kaya pati yung oras namin sa Power Improvement ay hiniram muna ng mga propesor namin. Nandito na lahat sa field pati yung mga second year at third year, pinagliban ata yung pagsasanay nila para manuod ata sa magaganap, napansin ko rin kasi yung ibang prepesor na nandito rin. "/Magandang araw sa inyong lahat, ngayung araw ay magkakaroon tayo ng Strategy Testing, dito natin malalaman kong ano anong mga estratihiya ang gagawin ng bawat team para maipanalo ang laban. Bawat team ay may limang myembro, dalawa galing sa offence team at tatlo naman ang manggagaling sa defence team. Binilang na namin ang lahat ng estudyante at magkakaroon tayo ng 20 teams, ngunit sa kasamaang palad may isang team ang magkakaroon ng isa lamang na galing sa offence sa kadahilang 39 lamang ang bilang
Marami ang nagulat sa nangyari, may mga nagpalakpakan at namangha sa teamwork namin. Tinanggal ko na ang barrier na promoprotekta kina Lesther, Seina at Dino. Masigla silang naglakad papunta sa kinaroroonan ko at pati narin si Kyer. "Nanalo tayo, ang galing mo magplano Shun." saad ni Dino na tila tuwang tuwa."Nanalo tayo bilang grupo, kung wala ang tulong ng isa't isa ay hindi tayo mananalo." sabi ko naman in a casual way."Pero ikaw parin yung planner sa grupo." sabi naman ni Kyer ng nakangiti sabay akbay sakin."Oo nga kuya Shun, ang galing mo mag isip ng strategy at parang wala kang takot sa kalaban tas parang sanay kana sa ganong mga scenario." pabibong sabi naman ni Lesther na ngiting ngiti. "Ahhhmmm, yung ending part talaga kanina diba? yung pagsigaw ni Seina? hahaha." biglang pagsingit ni Kyer. Medyo nagulat naman ako sa kanya, pakiramdam ko sa kanya ayaw niyang palaliman pa namin yung sinabi ni Lesther. Pero hindi ko nalang pinansin kasi baka naman natuwa lang talaga siya
Nagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog dahil nauuhaw ako, babangon na sana ako nang mapansin kong may kung anong umiilaw sa taas ng katawan ng natutulog na si Lesther.Ano naman yang nag-aagawang kulay asul, berde, ginto at puti na umiilaw kay Lesther? Nakalutang lang ito sa hangin at parang binabantayan si Lesther na natutulog. Sa mga nakaraang gabi na natutulog si Lesther ay wala namang ganyan. Bakit biglaan naman ata ang pagpapakita niyan? Teka lang, ang apat na nag-aagawang kulay na yan ay sumisimbolo sa apat na elemento. Apat na elemento? The quadruple elementalist? si Leo? Ano ba ang nasa isip ng taong iyon? Tumayo ako at nilapitan ang umiilaw na bagay at binalak na hawakan ito. Nagulat ako nang hindi ko ito mahawakan at para bang hindi ito solid form at isa lamang ilusyon magic. Dahil hindi ako sigurado na kagagawan nga ito ni Leo kaya nagpasya akong gisingin si Lesther.Lesther, gising, gising. inalog-alog ko siya habang mahinang ginigising.Nag-inat siya ng kamay at
Nagpaalam na si Kyer samin at pumasok na sa pinto para sa offense team, at pumasok narin kami sa kabilang pintuan. Nagulat kami dahil sa loob ng silid na pinasukan namin. Ang lawak ng silid na ito, kasing lawak ng open field sa labas. Pero kung tutuusin hindi na nga dapat kami magulat dahil nga walang imposible sa magika. Inikot ko naman ang paningin ko sa bawat pader at nakita ko ang maraming nakalutang na iba't-ibang uri ng sandata. Abot-kamay lamang ang taas ng mga ito. "Grabe ang lawak ng training room nato." rinig kong sabi ni Seina. "Oo nga ate, ang dami ding sandata dito." pagsang-ayon naman ni Lesther . "Hindi na ako makapaghintay na makahawak ulit ng espada." sabat naman ni Dino. "Tara, pumunta na tayo don kung saan nagtitipon ang iba." pagyaya ko sa kanila. Nakisali na kami sa kumpulan ng ibang estudyante. Maya-maya ay dumating narin ang propesor namin. "Maupo na muna kayo bago ko ipaliwanag ang mga gagawin ninyo." Bungad ng propesor namin. Nagtaka naman kami dahil wala
Marami pa ang sumunod na lumaban hanggang sa dumating na ang oras ni Seina.Pumunta na si Seina sa gitna, pinalabas rin niya ang Golden Chain niyang sandata, tinago niya pala ito kanina. Yung katulad ng pagtago ko sa pana ko na pinapalabas lang pagkailangan lang.Kaharap niya na ngayon ang makakalaban niya. Isa ring babae tulad niya, at ang sandata nito ay isang dagger? Ano naman kaya ang kakayahan ng sandatang yan?Pumusisyon ang kalaban ni Seina at itinutok ang punyal sa kanya. Nagulat naman ang karamihan dahil sa biglang may mga punyal na lumutang papunta kay Seina at napakarami nito. Napansin ko namang kampante lang si Seina at gumalaw narin siya at pinaikot-ikot sa ere yung kadena niya at nagpaikot-ikot ito sa katawan niya at sinasangga nito ang mga punyal na umaataki sa kanya. Itinaas niya ang kamay niya, napansin ko ang paghaba ng dulo ng kadena niya na pumulupot sa katawan ng kalaban niya at bigla itong hinagis at kasabay ng pagbagsak ng kalaban niya ang pagbagsak rin ng mga
Nang magawi naman ang mata ko sa medyo likuran ay nakita ko ang bulto ng isang tao na pamilyar sakin. Kumunot naman ang noo ko dahil lumaki ang mga mata nito at halatang gulat.(Leo POVNatapos na ang laban at nagulat ako sa naging resulta. Hindi parin ako makapaniwala na siya parin ang nanalo sa laban kahit na pinagbawalan na siya na gamitin ang ability niya. Kahit sabihin na nating malakas nga ang bracelet niya ay hindi parin sapat para manalo siya laban sa dalawa na isang stone man at isang rubber man. Ang mga galaw niya sa pakikipaglaban ay para bang hindi isang first year. Napakalisi niyang gumalaw at ang bilis niya ring mag-isip ng dapat gawin.Ang galing nya magplano, alam ko na lahat ng nangyari sa laban ay nakabase lahat sa plano niya. Ito pa rin ako sa may likod ng ibang manonood na nagsisigawan at pumapalakpak sa kanya ngunit hindi man lang siya nagpakita ng anong emosyon sa mukha niya. Tumingin siya sa pwesto nina Lesther at nagulat ako ng