AGAD nabaling ang pansin ni Varun sa pinto ng elevator nang kusang bumukas iyon.
Isinilid na niya ang kanyang aparato,matapos siyang makipag-usap sa taong inatasan niyang mag-imbestiga.Ilang hakbang ang ginawa pa bago tuluyang sapitin ng paa niya ang bukana ng kanyang private office. Napabaling siya sa wall clock na nasa gilidang bahagi ng hallway, alas-siyete pa lang naman. Kahit kailan ay 'di pa siya naatraso sa oras ng pagpasok.Bagama't siya ang boss ay hindi iyon invalid reason na hindi siya pumasok sa takdang-oras.Ini-implement niya iyon na kahit na sino ay hindi magiging eksempsyon sa mga panuntunan niya sa kaniyang establisyemento. Kahit na sino... kahit na siya.May karampatang parusa ang magiging pasaway sa kanyang kumpanya.Pagkatapos niyang iswipe ang kanyang ID card at ilagay ang kanyang thumbnail para sa finger print at i-scan ang kanyang mga mata ay tuluyan na siyang nakapasok sa loob.Pinindot na niya ang intercom para sa kanyang secretary, may mangilan-ngilan siyang ibinilin dito na mga importanteng bagay para sa araw na iyon.Makaraan ang ilang sandali ay nakarinig na siya ng mahinang katok sa may pinto."Come in,"bigkas niya.Agad pumasok si Mrs. Francia tangan nito ang umuusok pang tasa na may lamang mainit na kape. Nginitian siya nito na sinagot niya lamang ng pagtango.Agad nitong inilapag ang kape, nakita pa niyang may inilapag din itong isang hiwa ng sandwich."Magandang umaga Varun, ginawan na kita ng sandwich. Baka hindi ka na naman kasi nag-agahan."paliwanag ng babae marahil ay napansin ni Mrs. Francia ang pagdako ng tingin niya sa sandwich.Bagamat, man of few words si Varun ay isa ito sa nakakaalam ng kung anong klase siya ng tao.Alam nitong sa bawat nagiging desisyon at klase ng ginagawang pamamalakad ng binata sa kumpaniya nito'y naroon lamang sa binata ang labis na pag-iingat na makagawa ito ng maling desisyon.Dahil ayaw na nitong maulit ang nanyari noon."Thankyou po, pero hindi niyo na kailangan gawin ito."maiksing paliwanag ni Varun."It's okay besides kayang-kaya ko naman gawin."Tumango na lamang ang binata. Agad ng lumabas ang ginang.Inumpisahan ng asikasuhin ni Varun ang mga folders na kasalukuyang nakatambak sa kanyang lamesa.Isa na roon ang mga folders ng mga may edad na rin na nagtatrabaho sa kumpaniya nito. Actually katatapos niya lang asikasuhin ang business niya na nasa Texas, maayos naman niyang naisarado ang deal niya sa isang kumpanya roon. Sa mga susunod na Buwan ay magkakaroon ng expanksyon ng kanyang kumpanya sa isang malaking korpurasyon roon. Kung saan tuluyang magmemerge ang dalawa. Matagal din niyang pinag-laanan ng oras iyon. Kaya sa mga araw na lumipas na Buwan ay halos wala na siyang oras sa iba pa niyang kumpanya.Katatapos niya lang roon ay agad na siyang nagpabook ng flight. Ka-uuwi niya lang kagabi at ramdam niyang may jetlag pa siya. Ngunit kahit pagod ay kailangan na niyang matapos iyon. Ipapasa pa kasi iyon sa ibang sektor, bago maaprubahan. Bagamat nasanay siya dati sa mga illegal na kontraktuwal ay unti-unti na niya iyon iniiba.Muli ay nabaling ang pansin niya ng marinig niya ang tinig ni Mrs. Francia sa intercom.Patuloy lang siya sa ginagawa ng makarinig siya ng marahang katok, kasabay ng pagbukas at pagsarado ng kanyang pinto.Agad siyang napatayo ng makita niyang ang kaibigang si Gabriel na isang Detective ang kasalukuyang pumasok. Kababata niya ito sa Bayan ng San Salvation, matagal din silang hindi nagkaroon ng kumonikasyon nito dahil sa isang kilalang kumpanya sa America ito nagtatratrabaho. Pero dahil sa social media ay nagkaroon sila ng chance para makipag-ugnayan ulit."Kamusta Varun, mukhang busy ka?"Tanong nito sa kaibigan matapos itong makipagkamay sa binata."Hindi naman, infact kanina pa kita hinihintay pare."sagot naman ng binata matapos nitong imuwestra sa kababata ang upuan na nasa harapan ng lamesa niya.Pinagsalikop ng binata ang mga kamay sa kanyang lamesa saka marahan niyang pinagdadampot ang mga litrato na inilatag ng kaibigan.Napangiti siya. Hindi nga talaga siya nagkamaling ito ang kuhanin niyang tao para imbestigahan ang mga taong nagpahirap sa kanya. Wala pang isang Buwan ay mabilis na nitong nakalap ang mga impormasyon na hinihingi niya.
Isa-isa niyang pinagtitignan ang mga litratong nasa harapan, hanggang sa napako ang mga mata niya sa kuha ng isang babae.Tila nangislap ang mga mata niya, habang nakatunghay sa napakagandang mukha nito."Ano ng plano mo Varun?"Tanong ni Gabriel dito matapos ng mahabang sandali.Nag-alis muna ng bara sa lalamunan si Varun, bago muling binalingan ang kaibigan. Isang buntong-hininga ang ginawa niya kasabay ng pagtayo niya at paglakad palapit sa glass wall niya na nasa likurang bahagi ng kanyang kinauupuan.Nanatili lamang siyang nakatanaw sa labas kung saan kitang-kita niya ang patuloy na daloy ng mabigat na traffic sa ibaba."Like some old time Gab, paiikot-ikutin ko muna sila. Hahayaan ko muna silang isipin nila na naayon sa kanila ang gusto nilang mangyari. Make them believe are better, kaysa madaliin. Just continue to find some stuff. So when the right time comes we will use that for a strong evidence..."malamig niyang dikta sa kausap. Mariin niyang naikuyom ang kamao sa pamamagitan niyon ay mailabas man lang niya ang namuong galit sa dib-dib niya na matagal ng namamahay sa kanyang kaloob-looban...NAPASULYAP si Varun ng makarinig siya ng marahang katok mula sa pintuan.Isang pamilyar na mukha ang sumungaw roon, kalakip niyon ang nakapaskil na sedaktibong ngiti.Walang patumanging naglakad ito papasok sa kanyang opisina, hindi alintana ang pagsunod ng kanyang sekretarya rito."Sorry Sir, sinabi kong may kasalukuyan kayong kinakausap dito sa loob ng opisina pero pinagpilitan pa rin po niyang pumasok."agad na eksplika nito."It's okay Mrs. Francia."maiksi naman niyang tugon dito."Sige mauna na ako pre, may dadaanan pa ako. I'll call you later kapag may bagong update ulit."makahulugang saad nito, maiksi lamang sinulyapan ng binatang detective ang babae.Nagpalitan lamang ng ngiti ang dalawa.Matapos maisarado ni Gabriel ang pinto ay agad ng naupo sa upuan ito.Isang matipid na ngiti ang iginawad ni Varun sa labi."Ano na naman bang kailangan mo Camella, hind
GULAT at pagkamangha ang bumalot sa sistema ni Pamela ng makaharap niya si Varun.Hindi niya aakalain na makikita niya ito, oo matagal na niyang hinahanap ang lalaki sa mga nakalipas na taon.Mabuti nalang at nasabi ng ate Camella niya na umuwi na ng Bansa ang binata.Labis-labis ang kasiyahan at pagkasabik ang namayani sa puso niya ng maconfirm niya mismo na narito na nga ito ng Pilipinas. Heto nga't nasa harapan na niya ito mismo.At katulad ng inaasahan niya, napakaguwapo pa rin nito. Sa dami ng mga naggagwapuhang adonis na nakilala niya'y isa ito sa mga lalaki na habang nagkakaedad lalong gumagwapo. Kaya magpahanggang ngayon, wala pa siyang nagiging nobyo. Nakikipagdate din naman siya, pero hanggang doon lamang siya.Sa mga lumipas na taon bagamat walang araw na lagi siyang nahihirapan sa pakikisama sa Daddy niya'y pinatili niyang focus at hindi siya tinatablan sa mga ginawang pagpapahirap nito sa
NAPADILAT siya ng mata nang maramdaman niya ang pagkabasa sa kaniyang mukha ng malamig na tubig upang maging dahilan ng pagkakabalikwas niya at mapaubo siya ng ilang beses. Ramdam niya ang isang pares ng mga mata mula sa kaniyang kinahihigaang sementadong lapag ng kulungan. Madilim sa kaniyang kinaroroonan kaya hindi niya maaninag nang husto ang mukha ng taong nakatunghay sa kaniya. Ang huling naalala niya'y pinagtulungan siyang bugbugin ng mga kasama niya sa kulungan. Marahan niyang inilibot sa kabuuan ng silid ang kaniyang mga mata na patuloy pa rin sa pag-adjust sa madilim na kinaroroonan. Mula sa kinasasadlakan, naaninag niya ang isang bombilya na nakabitin sa ere, kung saan may lamesa na nakatapat mula roon. May mga na
ISANG nahihiyang ngiti ang ipinaskil ni Pamela nang tuluyan ngang mapagbuksan siya ni Camella ng pinto. Nakita niya ang lantarang pagsimangot ng Ate niya sa kaniya. Bagama't nahihiya ay pinakapal na lang niya ang mukha. Wala kasi siyang ibang mapupuntahan.Sa totoo lang, daig pa nila ang daga sa kahirapan. Tumawag kaninang pauwi siya ang bangko at sisimulan na raw ang pagkuha ng mga gamit sa kanilang mansyon. Maski ang hacienda nila'y tuluyan nang inilit ng pinagkakautangan ng ama niya. Lalong nadagdagan ang bigat na nadarama niya sa dibdib nang mapag-alaman niyang inilipat na ng ibang kulungan ang Daddy Crisanto niya.Sa ibang araw na lang niya dadalawin ang ama kapag nagkaoras siya. Sa ngayon ay kailangan niyang maghanap ng mapapasukang trabaho. Sa totoo lang, parang alanganin siyang makapasok sa kumpaniya ni Varun. Paano ba naman kasi, siya ang naging dahilan kung bakit ito naipakulong dati. Kung nagpigil na
AGAD binawi ni Varun ang pansin kay Pamela. Dinampot niya ang telepono na patuloy lamang sa pagtunog. "Hello? Yes, Mrs. Francia. Yeah I know, hayaan mo at ako ang kakausap kay Mang Hector. Yes, thank you," sagot ng binata sa kausap nito sa telepono.Dahil sa mga naringgan niyang mga pangungusap sa binata'y bigla siyang napaisip."Maari ka nang lumabas ng aking opisina, Ms. Juan. Puntahan mo si Mrs. Francia dahil ituturo niya sa'yo ang mga dapat mong gawin bilang secretary ko,” paliwanag ng binata sa kaniya."Okay, Sir," tugon ng dalaga rito.Pipihitin na sana ni Pamela ang seradura ng pinto nang muli niyang lingunin si Varun. Nanatili pa rin namang abala ito sa ginagawa sa work desk nito."Ahm, Sir, maaari ka bang makausap? A-about the scene this morning sa matandang guwardiya. Alam mo kasi. . ." biglang saad niya upang tuluyang ma
INIWANAN ng masamang tingin ni Varun ang lalaking kausap ni Pamela. Pauwi na siya galing sa bar kung saan lagi siyang pumupunta kapag gusto niyang makalimot. Ang sabi ng kaibigan niyang si Manny at may-ari rin ng bar na may bagong pasok na babaeng tiyak nitong matitipuhan niya. Ngunit sa pagkadismaya niya, naburo lang ang babaeng ipina-table sa kaniya. Patapos na siya sa pag-inom nang mapansin niyang kung saan-saan na humahaplos ang malilikot na kamay ng babae. Willing itong magpa-take out at maikama nang walang bayad ngunit tinanggihan niya lang ito. Binigyan na lamang niya ng malaking tip ang babae bago siya tuluyang umalis.Heto nga siya at kasalukuyang nagdadrive sa kaniyang minamanehong kotse. Katabi niya si Pamela. Kahit nakainom ay kaya pa niyang mag-drive. Hindi pa naman siya nadidisgrasya sa daan kahit kailan. Nang nag-red light ay tinapunan niya saglit ang dalaga mula sa kinauupuan nito. Nakita niyang himbing na himbing na
"I-I'm sorry," tanging nasabi lamang ni Pamela. Dahan-dahan siyang naglakad at hinawakan ang mga kamay ni Haime. Sa pagkagulat ni Pamela at Varun, biglang tumunog nang pagkalakas-lakas ang makinang nagbibigay buhay kay Haime. Biglang nabitiwan ng dalaga ang kamay nito dahil tuluyang nanginig ang katawan nito. Tuluyang naestatwa si Pamela at hindi niya alam ang gagawin."Anong nangyari?" tanong ni Samantha. Nagmadali na siyang kumuha ng mga gamit sa katabing lamesa ng kama ni Haime."Excuse me, puwedeng lumabas ka na?!" marahas na anas ni Samantha.Napaatras pa si Pamela dahil tinabig siya nito. Agad siyang tumalikod, habang sapo pa rin niya ang bibig. Patuloy lamang siya sa mabigat na pagtangis. Ewan niya pero labis-labis ang pag-aalalang nararamdaman niya kay Haime. Mayamaya'y naramdaman ni Pamela ang pagdantay ng kamay ni Varun sa braso niya."Halika na muna sa labas,
MANAKA-NAKANG sumusulyap sa relong suot niya si Varun. Kanina pa sila naghihintay ng kasama niya. Mukha inindian na sila ng imi-meet nito. Halos nakakalahati na niya ang iniinom na brandy."Hindi pa ba tayo uuwi Elios? Mukhang hindi ka na sisiputin ng mga iyon," walang-gana niyang sabi sa kasama.Actually, kanina niya lamang nalaman na may pamangkin si Haime. Kahit matagal niyang kasama at halos pamilya na ang turing sa kaniya ni Haime ay madami pa rin pala siyang hindi nalalaman dito. Kauuwi lang ng mga ito galing America. Ang kuwento nito sa kaniya ay doon na sila tumira at nag-aral magmula ng mawala ang Mom ng mga ito. Mukhang madali niyang makakasundo ang mga ito. Isa lang ang natitiyak niyang mahihirapan siya. Magkamukhang-magkamukha kasi ang dalawa."Tumahimik ka nga, Kuya Varun, kaloka naman kasi si Art! Lagi na lang ako ang ipinapasubo kapag may mga ganito,