Share

Chapter 39

Chapter 39

Hindi na ako nakapagpaalam kay Prince Johannes dahil sobrang abala namin sa trabaho. Hindi ko rin nagawang makapamasyal dahil kailangan pa rin nila ang serbisyo ko sa cruise kahit nakadaong iyon sa Greece.

After doing the port call, lumayag na naman kami. Croatia is our next destination.

"Hay nako, Nala. Ilang beses na kitang sinabihan na huwag na huwag kang pumapatol sa customer, sige ka pa rin. Mabuti na lang at napakiusapan ko siya kung hindi tanggal ka na sa trabaho."

"Kasi naman..." She pouted.

"Learn to be more patient," saway ko sa kanya. Kumakain kami ng dinner dito sa Crew Mess.

Sumimangot lang siya at pinaglaruan ang chicken curry na nasa plato. Indian food is on the menu for today. Meron din namang mga salad at vegetables, pero purga na kami sa ganoon.

"Sumusobra na kasi. Hindi naman porque customer siya, lagi na siyang tama. Alam nating pareho na gusto niya lang ng libre kaya kung anu-ano ang inaarte. Wala talaga siyang chicken allergy, imbento lang iyon para
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status