"Rinig mo 'yun? Tulog na," sabi ni Leaf. Magkaharap silang dalawa na nakahiga. Pumikit na si Elm pero nanatiling bukas ang mga mata ni Leaf. Pinapanood niya lang ang kasintahan hanggang sa makatulog ito.Hinawi niya ang buhok ni Elm. Mahimbing na ang tulog nito. Nag-monologo siya habang nakatitig sa mukha ni Elm.Hindi mo alam kung gaano mo ako tinakot kanina. Akala ko mawawala ka na sa akin. Hindi ko pa kaya at sana huwag sa ganoong paraan. Siguro, hindi mo pa nga talaga oras. biglang pakiramdam na hanapin kita, tingin ko plano 'yun ng Diyos para mailigtas pa kita. Marami pa siyang plano sa'yo. Marami pa siyang plano para sa atin. Kaya pangako ko, hindi na kita iiwan. Magiging mas maingat na ako sa nararamdaman mo. Manatili ka lang. Kumapit ka lang. Malalampasin natin lahat ng problema.Hinalikan niya ito sa labi at muli pa niyang tinitigan ang binatilyo bago niya ipinikit ang mga mata niya nang may ngiti sa labi.🍀🍀🍀Kinabukasan. Pinahiram muna ni Leaf ng uniporme si Elm para maka
Tapos na silang maghapunan nang kausapin ni Elm si Leaf. Paakyat na sila ng hagdan papunta sa taas. “Uuwi pala ako ngayon. Hinahanap na ako ni Papa. Gusto niya rin daw ako makausap.” Humarap si Leaf kay Elm habang umaakyat sila ng hagdan. “Ipangako mo muna. Hindi mo na gagawin ulit ‘yun.” Nasa ikalawang palapag na sila ng bahay nina Leaf. Ngumiti si Elm sa kaniya at nagtaas ng kamay. “Promise, master. Hindi na.” Hinawakan siya ni Leaf sa kamay. “Kapag pakiramdam mo mag-isa ka na lang at wala ng solusyon sa problema mo, andito lang ako palagi para sa’yo. Ako ang magiging solusyon mo.” Hinila niya si Elm para yakapin. “Tawagan mo ako. Puntahan mo ako. Kahit nasaan ako, dadating ako. Kahit anong ginagawa ko, ititigil ko, tutulungan kita. Palagi mo akong maasahan kapag kailangan mo ako. Pangako iyan.” Tinanggal ni Leaf ang suot niyang pulseras. Mayroon itong kalawit na korteng luha. Isinuot niya ito kay Elm pagkakalas niya sa pagkakayakap. “Para saan ‘to?” tanong ni Elm. Pinagmamasda
Nakangiti si Hazel habang palabas si Elm ng banyo papalapit sa kaniya. Suot pa rin ni Elm ang bag niya kung saan niya isinilid ang unipormeng binihisan niya. “Ginagawa mo rito?” ani Elm. Hindi siya ngumiti pabalik. “Sungit mo naman agad. Nag-iba ka na nga talaga. Nakilala mo lang ‘yung beki na ‘yun.” Nag-flip pa ng buhok si Hazel. “Ano bang kailangan mo? May laro pa ako.” “Wala akong kailangan sa’yo. May kinuha lang ako rito sa eskwelahan pagkatapos binisita na rin kita.” Naghalukipkip si Hazel. “Buti nga nakita kita rito. Sabi kasi nila, bihira ka na raw mag basketbol. Baka mangayayat ka.” Hinawakan niya sa braso si Elm at napakagat labi. Inalis naman agad ni Elm ang kamay ng dalaga.” Ano ba! Pwede ba umalis ka na?” “Pwede ba chill ka lang? Dapat nga masanay ka na kasi...dito na ulit ako mag-aaral sa susunod na sem. Isn’t exciting?” Nanlalaki ang mga mata ni Hazel at malakas ang boses niya iyong sinabi. “Ano?” Nanlaki rin ang mga mata ni Elm. Ang hindi alam ni Elm ay nakita p
Nilagpasan na lang ni Leaf si Hazel at hinanap na ang silid-aralan niya.Alam na niyang hindi na niya kaklase si Elm dahil naging labo-labo ang paglalagay ng eskwelahan ng estudyante sa bawat seksyon. Paulit-ulit niya pang tiningnan noon ang listahan na ibinigay sa kanila ng eskwelahan nila. Mabuti na lang at kaklase pa rin niya si Clover.“Mabuti na lang at nakita na kita,” ani Leaf nang makitang nakatayo si Clover sa pasilyo at nakikinig ng tugtog mula sa pang-ulong hatinig na nakasalpak sa tenga niya.Pinatay na ni Clover ang tugtog at tinanggal ang pang-ulong hatinig na suot niya. “Bakit? Anong nangyari?”“Nasalubong ko si Hazel. Hindi talaga maganda pakiramdam ko sa pagbabalik ng babaeng ‘yun sa eskwelahan na ‘to.” Lumingon pa siya pero wala na si Hazel sa kung saan niya ito nakasalubong kanina.“Nako. Kaya ikaw, bantayan mo ‘yang si Elm. May mga desperada talaga na gagawin ang lahat maiputan ka lang sa ulo. Bantayan mo kung anong sa’yo. At saka kung mahal ka naman talaga ni Elm
Hindi nakapasok ng eskwelahan si Hazel kinabuksan. Naisip ni Elm na marahil ay nagpapahinga siya dahil masama nga ang pakiramdam kahapon pa.Pagkatapos ng mga klase ni Elm, pinuntahan niya si Leaf sa may silid-aralan nila. At ‘di tulad kahapon, si Leaf naman ang may ginagawang aktibidad kasama ang mga kagrupo niya sa loob ng silid-aralan nila. Tahimik silang nagkukumpol-kumpol sa nag-iisang laptop na mayroon sila. Kumaway si Elm at tumayo naman si Leaf sa kinauupuan niya nang mapansin niya si Elm na nakatayo sa labas ng pintuan. Lumapit siya sa kasintahan.“Antayin na kita. Matagal ba ‘yan. Yayain sana kita pumunta sa bahay,” ani Elm. Hinawakan niya sa kamay si Leaf at hinalikan siya dito. “Miss na rin kasi kita.”Nilingon ni Leaf saglit ang mga kasama sa loob. “Mukhang matatagalan pa kasi kami rito. Tapos kung pupunta pa ako sa inyo, baka late na ako makauwi. Sige na. Umuwi ka na. Huwag mo na akong antayin. Kita na lang tayo sa ibang araw. Ingat,” saad ni Leaf na wala man lang sigla.
Natapos ang kinakanta ng banda na naabutan nila pagpasok nila. Ang sunod na kanta ay isang malungkot na awitin. Sakto sa mga sawi na nagpunta ng bar ng oras na iyon. Sakto sa nararamdaman ni Leaf. Ramdam niya rin iyon kaya naman hindi niya maialis ang mata niya sa entablado. Tutok na tutok siya sa pakikinig hanggang sa lumipad na ang isip niya at naalala na naman niya ang ginawa sa kaniya ni Elm. Muling tumulo ang luha mula sa mata niya.Agad siyang napansin ni Clover kaya hinaplos niya ang likod ng kaibigan para subukang pakalmahin siya.“Ano bang nangyari?” tanong ni Clover. Bigla na lang siyang niyakap ni Leaf. Hindi sumagot si Leaf kaya muli siyang nagsalita. “Ayos lang. Ilabas mo iyan. Ikwento mo. Makakatulong ‘yan para pagaanin ang loob mo.”“Nag-cheat siya sa akin. Nahuli ko sila ni Hazel.”Namilog ang mga mata ni Clover. “Nagawa sa’yo ‘yun ni Elm? Akala ko pa naman nagbago na talaga siya.”Kumalas na sa pagkakayakap si Leaf. “Parang wala lang sa kaniya lahat ng pinagsamahan na
Tumayo si Elm sa kama niya at inilagay ang nakabuhol na kabilang dulo ng lubid sa leeg niya. Tatalon na lang siya at malalagutan na siya ng hininga. Iniisip niyang ‘pag nangyari iyon ay matatapos na rin ang paghihirap niya. Mawawala na rin ang bigat at sakit na nararamdaman niya. Wala na siyang kailangang intindihin. Matatapos na lahat.Naging malalim ang paghinga niya. Pinagpawisan siya ng malamig.Nakahawak siya sa lubid na nasa leeg niya nang muli siyang napatingin sa pulseras na suot niya. Tinitigan niya ang palawit nito—korte ng luha.Naalala niya ang sinabi ni Leaf sa kaniya.Kung may kakayahan ka na lumuha, umiyak ka. Ilabas mo.Nanginig ang mga kamay niya at nagsimulang kuminang ang mata niya nang may luha na bigla na lang umusbong sa mata niya.“Sinong mag-aalaga kay Papa kapag lumala na ang sakit niya?” tanong niya sa sarili. “Mawawala ang bigat ng nararamdaman ko pero si Papa naman ang mas mahihirapan dahil sasaluhin niya lahat iyon.”Hindi na niya napigilan na umagos mula
"Excuse lang," ani Elm sa mga estudyanteng nakapaligid sa kaniya at lumapit siya kay Leaf. "Uy, Leaf. Pauwi ka na?"Sasagutin na sana siya ni Leaf nang makita niyang nagbubulungan at tinitingnan siya ng mga presman sa likod ni Elm."Siya ba 'yung sinasabi nilang ex?""Siya nga ata. Hindi naman maganda."“Lalampasuhin’ yung ganiyang mukha ng ibang paminta na kilala ko.”“Pero in fairness, gwapo rin naman kahit papaano.”"So, totoo nga ang chismax. Beki nga siya. Pogi rin ang bet." Nagtawanan pa sila ng mahina."Baliw. Hindi siya beki. Attracted pa rin siya sa babae. 'Di ba nga ang chismax naghiwalay sila dahil sa bilatchi.""Huwag mo na silang pansinin. Pauwi ka na ba?" pag-ulit ni Elm sa tanong niya. Gusto niya kasing hilain ang atensyon ni Leaf mula sa mga rinig na bulungan ng mga presman.Pinilit na lang ni Leaf na ngumiti at tumango. "Oo. Ikaw ba?""Tapos na klase ko. Hatid na kita?"Saglit na umiling si Leaf. "Hindi na. Hindi mo naman 'yun kailangang gawin."Napakibit-balikat si E