Share

Chapter 12

Ngumiti ito sakin. Kung sinong babae siguro ay mahuhulog sa ganda ng ngiti niya pero iba ako. Wala akong naramdamang kilig o pagka attract sakanya kundi takot at kaba lang at hindi ko talaga alam kung bakit.

"Are you okay Miss?"

Napalayo ako sakanya ng bahagya habang hindi ko tinatanggal ang titig ko sakanya. Napakapamilyar niya.

"Miss? Baka matunaw ako" nakangiti niyang sabi na mukhang nang-aasar sakin.

Napabalik ako sa aking ulirat at napakunot ang noo. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.

"Oo, ayos lang ako. Pasensya na" nagkibit balikat lamang siya at napatango.

"Okay" sabi niya at tinalikuran na ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Teyka!

Bigla kong naalala nong bata pa ako. Siya yung lalaking kasa-kasama ng doktor na nakikita ko sa bahay ampunan! Minsan lamang siyang pumunta doon sa tuwing may nagkakasakit na mga bata o gumagamot sa mga may malubhang sakit. Hindi ko alam kung ano siya, mukhang hindi rin naman siya doktor kasi hindi ko naman siya nakikitang tumulong sa kasama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status