“KUNG tiyanak ka, ipakita mo ang totoo mong anyo at kung tao ka, tumawa ka! Tawanan mo na lang ang iyong problema! Para hindi ka ma-stress sa buhay! Ang daming namamatay dahil diyan!"
Tama ba iyong sinabi niya? “Inuulit ko. Ganyan nga. Sige pa. Tumawa ka pa. Tawanan mo na lang ang iyong stress. Hahaha…Hahaha…”
Freni knew she looked like a mad woman. Right now.
Nagsalubong ang kilay niya.
Walang nangyari.
Hindi naging halimaw ang sanggol. Nakatagilid ang ulo nito at mataman siyang pinagmamasdan. Kumurap-kurap ang maliit nitong mga mata hanggang tumaas ang mga kamay nito at papunta sa kanyang direksyon.
Napigil niya ang kanyang hininga nang tumawa ang sanggol. Hindi katulad ng mga tawa na nakikita niya sa mga kontrabida sa mg telenovela kung hindi iyong tawa ng mga sanggol.
Nakakaakit.
Nakakahalina.
Awtomatikong nakuha ng sanggol ang kanyang puso. Dahan-dahan siyang lumapit rito. Nag-aatubili pa siya kung bu
TAHIMIK na sinusundan ni Freni sina Starry. Lumalayo na sila sa simbahan haggang sa biglang nag-iba ang kanilang paligid at napunta sa lugar kung saan napalot niya ang sanggol. The place was still the same. It still looked abandoned. Ilang metro mula sa kinaroonan nila, naglalandian ang dalawang ibon na hindi pamilyar sa kanya. They looked so much in love with each other.Tiningnan ni Starry ang pinagmasdan niya. He smirked.“Bakit tayo nandito?” nagtatakang tanong niya. As much as this place brought good memories (nakilala niya ang baby sa lugar na ito) but bad memories also emerged. This place made her feel that she was all alone.She missed her mother. She missed Lilac. Gusto na niyang umuwi.Namintana ang luha sa mga mata niya.&nbs
“Nacho, dito ka lang muna ha? Huwag ka na ring kumain,” bilin ni Freni sa bata. “May gagawin lang ako. Ngumiti sa kanya si Nacho. Iyon lang ang signal na hinintay niya at iniwan na niya ang bata sa mesa. Pinuntahan niya ang kinalalagyan ni Mercy. Tumayo siya sa gilid ni ng babae na abala na ngayon sa pag-re-retouch. Napakaraming pampaganda sa bag nito at uumagahin siya kung iisahin ang lahat i-identify ang mga iyon. In fairness dito, hindi ito makalat. “Mas lalo na ba akong gumanda?” tanong nito sa kasamang babae. Ibayong pagpipigil sa sarili ang ginawa ni Freni upang huwag lang sampalin ang babae. Wala talagang awa na babae. Hindi man lang nakaramdam ng konsensya sa pagsira ng buhay ni Lilac! Maganda nga at matalino ngunit kasing–itim ng pwet
SA GUARDHOUSE hinintay nina Freni at Nacho si Starry. Sa bawat paglabas ng mga estudyante sa San Benedicto University ay parang tinutusok ang kanyang puso. Parang tino-torture niya ang sarili sa ginagawa niya. Gusto na niyang bumalik sa pag-aaral at tapusin ang abogasya.Nagtataka man sa pagbalik niya pero hindi na siya tinanong ng bata. Ni hindi na ito humingi ng paliwanag kung bakit ang tagal niyang bumalik. Marahil naiintindihan nito ang pinagdaraanan niya. She was thankful for that.Kinalabit siya ni Nacho. “Gusto kong kumain.” Pang-siyam na taong gulang na ang katawan ng bata nang makabalik siya. Hindi ito nakinig sa sinabi niyang huwag nang kumain. Para bang takam na takam ito sa lahat ng pagkain sa cafeteria. Na para bang ngayon lang ito nakakain ng ganoong klaseng mga pagkain.
WALANG ANO-ANO’Y humagalpak ng tawa si Freni. Lumabas ang isang butil ng luha sa kanyang mata sa sobrang tawa. She couldn’t help it. Si Nacho? Isang bantay ng Ebrosirka? Ano iyon, child abuse? Child labor? There was no freaking way! Wala itong ginawa kundi kumain buong maghapon.Ginulo niya ang buhok ng bata nang mahimasmasan. “Hindi mo kailangang magpatawa, Nacho. Pero salamat din. I felt better.” Although she was still not sure if she would survive her first journey. Ngunit gaano nga ba kalawak ang Ebrosirka? Na kailangan pa ng apat ng bantay? How dangerous is this place?“Hindi ako nagbibiro. Isa rin akong mamamayan ng Ebrosirka at itinuturing na isang malaking kasalanan dito ang magsinungaling,” seryoso nitong turan.She waited f
MAGAAN ang mga hakbang ni Nacho na animo mas excited pa kaysa kay Freni. Pinahiram siya ni Starry ng backpack para lagyan nila ng mga pagkain, inumin at maging damit. Isang bagong t-shirt at pantalon ang suot niya, galing ulit sa lalaki. Kung hindi lang nito palaging pinapaalala sa kanya na papatayin siya nito kung may mangyaring masama sa bata, matagal na niya itong naging crush. Kaso…mas nauna niyang naramdaman ang inis rito kaysa pagkagusto. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanyang kasamaan. So therefore, kahit na kamukha nito si Daniel Padilla o kahit na sinong artista sa balat ng lupa, never na magkakagusto siya sa rito. That sounds so wrong. Ibang usapan kapag hihingi ito sa kanya ng tawad. Baka pag-isipan pa niya.Hanggang ngayon, hindi pa rin niya sukat akalain kung paano nito nagagawang basta-basta na lang sumusulpot. Mabuti na lang at malakas ang kanyang puso at kaya pa n
MADILIM ang paligid na kinaroroonan ni Freni nang magising siya. Ang tanging ilaw lamang ay ang liwanag na pumapasok sa siwang ng kinalalagyan nila. That was enough for the sky to welcome her. Nakikita niya sa itaas ang pagkindat ng mga bituin sa kalangitan.Nakakabingi ang marahang pagpatak ng mga tubig. Nang dahan-dahan. Hindi niya alam kung saan banda iyon.Gabi na. Ibig sabihin matagal siyang nakatulog.Napatigil siya nang biglang bumalik ang lahat ng nangyari kanina. Si Nacho. Ang dragon. Ang pagkahulog nila. Dali-dali niyang hinanap ang bata upang mapatigil lamang nang makita ang isang bulto ng tao.Bumalot ang kaba sa kanyang puso. Paano kung isang kalaban ang taong ito? Paano kung huli na ang lahat? Paano kung nasaktan na nito si Nacho? Wala siyang pakialam
KAPWA TAHIMIK na tinungo nina Freni at Nacho ang daan palabas ng kweba. Mabuti na lang at walang anumang masamang nangyari sa bata. Kahit na hindi na siya pagbantaan ni Starry, alam niya ang responsibilidad niya sa bata. Poprotektahan niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Ito ang kapatid na hindi niya naangkin. Palibhasa, nag-decide mama niya na tama na ang isang anak.Bago pa man sila nagsimulang maglakbay, nilagyan muna nila ng pagkain ang mga tiyan nila. Mas mabuti na iyong hindi kumakalam ang mga sikmura nila sa pagpapatuloy ng paglalakbay na ito.Nagpalinga-linga si Freni.Nasaan na ba iyong labasan?"Nacho, may alam ka ba sa kwebang ito?" Sabi nga nito, isa ito sa mga bantay. Baka nakapunta na rin dito ang bata."Pumunt
SA SUMUNOD NA mga oras, walang nagawa si Freni kundi tingnan ang lumalalang kalagayan ni Nacho. Inaapoy ito ng lagnat. Halos mapaso siya sa tuwing nilalagay niya ang kamay niya sa noo nito. Hindi na niya halos alam kung ano ang susunod niyang gagawin. She also uttered countless heartfelt prayers upang marinig ng Diyos ang panalangin niya. Baka kaawaan siya Nito at pagalingin si Nacho. She did not want anything bad to happen to him. Pinainom niya rito ang natitirang tubig na dala sa bata. Sa loob ng mga oras na iyon para siyang baliw na tinitingnan ang paghinga nito. Natatakot siya na baka hindi na ulit ito kumuha ng hangin. Malapit na namang lumaganap ang gabi. Sa ngayon, wala siyang pakialam kung matagpuan man siya ng mga alaga ni Sophia. Mas mabut