Share

Chapter 18

Like Kuya Darwin said, umalis na nga ito nang sumapit ang hapon.

Ngayon ay naririto lamang ako sa aking kwarto, as usual ay nakahiga na naman. Bilin ni Kuya Darwin na huwag raw muna akong gumamit ng cellphone, huwag na rin daw akong manood sa TV ng news or kahit paraan. Naiintindihan ko naman.

Bago umalis si Kuya Darwin ay dumating na ang pamilya ng mga tauhan ni Kuya Darwin. Naroon na ang mga ito sa kalapit lamang na bahay namin.

They are all aware of my identity, of course.

Dumating na rin ang magiging kasambahay namin dito. Mag-ina sila and they really love each other. Parang kami lang ni Nanay noong nabubuhay pa siya.

Para maiwasan ang boredom ay napag-isipan ko na bukas na bukas rin ay magtatanim ako ng halaman sa labas ng aming bahay. Maybe, ayain ko rin si Anthony kung hindi siya busy.

Habang nagmumuni-muni ay bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa noon si Anthony.

Agad naman akong ngumiti rito nang tumabi siya.

"How are you?" Tanong nito.

"Mas better" sagot ko saka ngumiti.

"I'm so happy to hear that" aniya.

"Anthony" pagtawag ko rito.

"Hmmm?" Sagot nito saka humikab pa.

"Nag-aaral ka pa ba?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko rito.

Humarap naman ito sa akin bago sumagot.

"Yeah, pero online classes lang" sagot nito.

"E paano ka natututo?" Tanong kong muli.

"Wala, madali lang naman 'yung mga lessons" sagot n'ya.

"Anong kinuha mo nga palang course?" Tanong kong muli, haha.

"Chemical Engineer" sagot nito.

"Wow" tanging sagot ko.

"How about you, gusto mo bang mag-aral din?" Tanong n'ya pabalik sa akin.

Saglit akong natigilan.

"I'll call Kuya Darwin, sasabihin ko sa kaniya bukas na gusto mo rin mag-aral" dagdag pa n'ya.

Mabilis naman akong nagreact rito. "Hoy, nakakahiya"

"Sa amin ka pa nahiya, e parte ka na nga ng pamilya namin" tamad na sagot nito.

"Don't worry, okay? We got you" dagdag pa nito saka hinaplos ang pisngi ko.

"About our friends. Si Jhamir, anong course ang kinuha n'ya?" Tanong ko.

"BS Architecture" sagot n'ya.

"Weh ba?" Tanong ko. "I mean, wala sa kulo ni Jhamir na magtitino na s'ya" natatawang ani ko.

"Tino naman talaga 'yon" sagot ni Anthony sa seryosong boses.

Hala, baka na offend ko s'ya!

"Kapag tulog nga lamang" dagdag pa nito saka tumawa.

Ako naman ay napatawa na rin.

"Kung papipiliin ka ni Kuya kung anong course ang kukunin, what is it?" Tanong nito.

"Bachelor of Science in Customs Administration sana" sagot ko rito. "Pero okay na rin 'yung Bachelor of Science in Fashion Designing. Mahilig rin kase ako na manahi at magdisenyo ng mga damit" dagdag ko pa.

"Wow. Ang ganda naman ng preferred course mo" sagot nito.

Nag usap pa kami ng tungkol sa studies nila hanggang sa mayroong kumatok sa pinto. It was Lyka, anak ni Manang Lydia. Ang aming katulong.

Sinabihan kami ni Lyka na kakain na raw kaya naman ay sumunod na kami rito papunta sa kusina.

Gaya ng mga napapanood ko sa television ay hindi rin sumasabay sa pagkain ang mga katulong sa kanilang amo.

Sina Lyka at Manang Lydia ay ganoon rin, pero Anthony and I are insists.

Hindi kami pumayag na hindi kami sabay-sabay na kakain.

Sa huli ay pumayag rin ang dalawa.

"Sarap ng luto mo, 'nay Lydia" sabi ko na lamang saka sumubo muli ng kare-kare.

"Naku, talaga 'nak?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako.

"Yeah, It was so so good talaga, 'nay Lydia. The best ka" ani ni Anthony.

Nakangiting nagpasalamat na lamang si 'nay Lydia sa amin. Si Lyka naman ay tahimik lamang na kumakain. Bata pa kase ito. Isinama lamang ni 'nay Lydia para makawala ang bata sa kamay ng abusadong tatay n'ya.

At syempre, dahil likas na mabait si Kuya Darwin, well, lahat naman ng Montenegro, ay pinapag-aral nito si Lyka kahit through online classes lamang din.

Nang makakain at makapaglinis si 'nay Lydia ay hinayaan ko na sila na makapagpahinga. I know na pagod pa silang pareho.

Kinabukasan, gaya ng plano ay maaga akong gumising.

Pagkalabas ko sa aking silid ay wala pang tao sa loob ng aming bahay. Siguro ay tulog pa sina 'nay Lydia, Lyka, and Anthony kaya naman ay sinilip ko muna kung gising na ang mga tauhan ni Kuya Darwin.

Napahinga naman ako ng maluwag ng makitang gising na sila.

Ang ilan ay nasa labas na ng bahay.

Wala na akong inaksaya pang oras. Tamang-tama at maaga pa. Agad kong kinuha ang mga kailangan ko. Buto ng mga halaman at gulay, at ilang gardening tools.

Bitbit ang mga gamit, nang makalabas ako sa aming bahay ay tinulungan na ako ng isa sa tauhan ni Kuya Darwin na dalahin iyon dito lamang sa malapit. Plano ko kase na taniman ng halaman ang paligid ng aming munting bahay. Gulay naman sa likod ng aming bahay.

Inuna ko na maghukay saka naglagay ng buto sa mga hinukayan ko.

Hindi pa man ako nakakatagal sa paglalagay ng buto ng halaman ay sumulpot na si Anthony sa tabi ko.

"Good morning" bati nito.

"Good morning" bati ko rin.

"Tinakot mo ako" ani nito sa akin.

"Ha? Bakit naman?" Tanong ko saka itinigil muna ang paglalagay ng buto ng halaman sa hinukay kong lupa.

"E kase, ang aga-aga pa. Kinatok ko ang kwarto mo, walang sumasagot kaya binuksan ko na, wala ka doon. Wala ka sa loob ng bahay. Nandito ka lang pala" Anthony.

"Chill, hindi naman na ako mawawala. Dami kayang tauhan ni Kuya dito" sabi ko na lamang.

"Alright, basta kapag may plano ka, gisingin mo ako kapag tulog pa ako ha?" Ani nito.

Tumango naman ako.

"I will" sagot ko na lamang.

"By the way, what are you doing nga pala?" Tanong nito saka bumaling sa ginagawa ko.

"Nagtatanim ng halaman, of course" sagot ko.

"Hmmm" he groaned.

"Tulungan kita, saan pa ba?" Tanong nito.

Itinuro ko naman ang mga hukay na wala pang tanim. Dahil rito ay mabilis kaming nakatapos sa pagtatanim ng mga halaman.

Isinunod naman namin ay ang pagtatanim ng mga gulay sa likod bahay.

Okra, sitaw, talong, kamatis, sili, patatas ang itinanim namin. Mayroon din na cucumber.

Nang matapos sa pagtatanim ay pumasok na agad kami sa bahay saka naglinis ng katawan at kumain.

Pagkakain naman ay dumating na ang physiotherapist na kinuha ni Kuya Darwin.

Noong una ay natatakot ako kase akala ko, mga baliw lang ang ginagamot ng mga ito.

Bukas na bukas rin ay magsisimula na ako sa pagsisimula ng plano.

Maya't-maya rin ang pagtawag ni Kuya Darwin para mangamusta.

Kakatapos lang ng therapy ko nang hindi ko man lang nasulyapan si Anthony sa sala.

Nasa kwarto n'ya pala ito, sabi ng batang si Lyka.

Agad naman akong nagtungo sa tapat ng kwarto nito saka marahang kumatok.

"Come in" dinig kong ani nito mula sa loob.

"H-hey, kamusta ang therapy?" Bungad nito sa akin saka pilit na ngumiti.

Agad naman akong lumapit rito. "it was good" sagot ko. "nakakatakot maalala ang nakaraan" dagdag ko pa saka ngumuso.

"Mas nakakatakot kapag hindi mo pinalaya ang nakaraan" sagot nito.

"Parang peke 'yung ngiti mo kanina, may problema ba?" Tanong ko rito.

Tumingin naman ito sa akin. "No, wala naman. Bakit naman ako magkakaproblema?" Tanong nito.

"Magsabi ka nga sa akin ng totoo, tampo na ako sa'yo" ani ko rito.

Malalim ang pinakawalan nitong paghinga saka nagsabi sa akin ng nararamdaman.

Lahat ng angkan nila, the Montenegro's, ay galit raw kay Angelo.

"Ha? Bakit naman? Ayaw ba nila si Angelo para kay Pat?" Sunod-sunod na tanong ko.

Umiling naman sa akin si Anthony. "Hindi sa ganoon, kase naman itong si Bro at si Pat. Naku, sumasakit talaga ang ulo ko sa dalawang 'yan" sagot ni Anthony.

I'm still clueless. Ano bang mayroon?

"Buntis si Patricia" ani ni Anthony.

Natigilan naman ako rito saka nanlaki ang mata.

"Omg, for real?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hell, yes, pakipot pa 'yung dalawang 'yon dati, aba, tingnan mo nga naman ngayon, hindi pa sila tapos mag-aral, may sarili na agad na pamilya" si Anthony.

"E ano daw, papanagutan ba ni Angelo ang baby?" Tanong ko.

"Oo" sagot ni Anthony.

"Well, that somehow good. Pero naiintindihan ko rin ang clan n'yo, syempre mas maganda pa rin na nakapagtapos ka ng pag-aaral at successful ka na bago pumasok sa isang pagpapamilya. Though, mayaman at successful naman na kayo" ani ko.

"Hmmm, that's right" tanging sagot ni Anthony. "Concern lang ako kay Patricia. Porket crush n'ya si Angelo ay ganon na agad" napahilot naman sa sintido si Anthony.

"Huwag ka na magpaka-stress. Sige ka, baka mamaya magulat ka na lang, pangit ka na" natatawang ani ko.

Natigil naman ito sa paghilot sa sintido.

"What? No way. Bahala na ang dalawang 'yon sa problema nila. Basta ako, gwapo lang" ani ni Anthony saka tumayo na.

Ako naman ay natatawang sumunod sa kaniya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rose Maglangit Donggon
sana tuloy tuloy Ang update maganda story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status