Share

Chapter 15

[Past]

BUMUKA ang bibig niya at bumuwelo ng sasabihin, “Ngayon ko lang nalaman na…” sinadya niyang bitinin ang sasabihin para talagang ma-curious ako ng husto.

“Ano? Anong nalaman mo, pabitin ka naman, e.”

“Ngayon ko lang nalaman na tsimoso ka pala. Siyempre, ba’t ko sasabihin sa ‘yo, e, secret nga.”

“Pambihira naman! Ano nga kasi, ba’t ayaw mong sabihin?” ang pangungulit ko pa pero tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo. “Hoy, Felipe! Ang KJ naman nito!” ang habol ko naman.

Pero ayaw na niyang magsalita. Kainis! Curious na curious na ako, e. “E, ano namang pinag-usapan niyo ni Caleb sa loob?” ang tanong na lang nang makahabol sa kanya.

“W-wala, may pinabibili lang siya sa ‘king gamot.”

Gamot? May kailangan pa ba itong inumin na wala sa clinic? Nakakaduda naman. “Sure?” ang paniniguro ko.

“Ayaw mong maniwala? Edi balikan mo siya do’n sa clinic tapos tanungin mo.”

“Okay,” mabilis kong sagot. “Anong gamot naman pinapabili niya?”

“Iniisip ko pa,” ang bulong niya sa sarili pero hindi nakatakas sa pandinig ko. Nagsisinungaling siya! May itinatago talaga sila sa ‘kin! “’W-wag kang mag-isip ng kung ano-ano, wala siyang sinabing pangalan ng gamot, basta raw para sa sakit sa tiyan.” Pero umiwas naman nang tingin.

Hahayaan ko na nga lang siya, kahit anong pilit ko naman ay hindi siya magsasalita.

*****

SUOT ang blue striped pattern crew-neck at denim pants ay lumabas ako ng kwarto. Dumiretso ako sa sala kung saan ay naghihintay si Caleb.

“Ano sa tingin mo?” ang tanong ko nang mapatingin siya sa akin kasabay nang pagtayo niya. Gusto kong makuha ang approval niya sa suot ko, kung bagay ba sa akin.

Lumapit siya at bahagyang inayos ang buhok kong isang oras ko yatang inayos. “’Yan, mukha ka ng pupunta sa date.”

“E, date naman talaga ang pupuntahan ko.”

“Hindi naman niya sinabing date, ang sabi lang niya ay magpapasama siya.”

“Gano’n na rin naman ‘yun.” Tapos ay nangiti.

Tinawagan ako kahapon ni Nikki— ang babaeng nililigawan ko ng halos limang buwan na. Ka-batch ni Caleb kaya abot langit nga ang tuwa ko nang pumayag itong magpaligaw, dahil sino ba naman ako kumpara rito na Muse ng school. Dalawang taon din akong may crush rito at ngayon nga ay tuluyan na ako nitong napansin.

“Ngiting-ngiti, a.” Ang puna niya pa.

“Pakiramdam ko kasi ay malapit na niya akong sagutin kasi napapadalas na ang labas naming dalawa.”

Bigla siyang tumalikod. “Come on.” At nauna nang lumabas.

Anong problema niya? Naiinggit ba siya kasi wala siyang ka-date o baka meron talaga at ayaw niya lang sabihin?

Maporma rin kasi siya ngayon at nagpresinta pang ihatid ako sa mall kung saan makikipag-meet si Nikki. “E, ikaw?” ang puna ko. Ang sabi ay may bibilhin daw siya sa mall pero duda talaga akong may imi-meet din ‘tong babae. “Baka may ka-date ka talaga, ayaw mo lang aminin sa ‘kin.”

Bigla siyang humarap at muntik ko nang mabunggo. “Why would I deny kung may ka-date akong iba?” Nakataas ang kilay kaya hindi na ako nag-react at baka masupalpal pa niya. Matapos ay nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kotse niyang bagong bili. Gift nila Tita for his 18th birthday dahil pwede na siyang mag-drive ng kotse.

Pumasok din ako at masayang naupo sa passenger seat katabi niya. Sobrang saya ko nga no’ng unang beses akong makasakay sa kotse. Birthday niya ‘yun at kabibigay lang ng susi ng kotse ni Tito sa kanya pero ako pa talaga ang unang sumakay kaysa sa kanya.

Kung nagkataon nga na marunong akong mag-drive? Ay baka binigay na niya sa akin ang susi. Nang gabi nga ring ‘yun ay nag-joyride kami at halos madaling araw nang umuwi.

“’Wag mo naman masiyadong ipahalata na excited ka sa date niyo kuno ni Nikki,” aniya pa nang mapatingin sa akin matapos patakbuhin ang sasakyan.

“Hindi naman dahil do’n kaya ako nakangiti. Naalala ko lang kasi ‘yung unang beses na nakasakay ako rito sa kotse mo.”

Napasulyap siya sa akin at hindi nakaligtas sa paningin ako ang pag-angat ng gilid ng labi niya. “Sobrang saya mo nu’n, ayaw mo na ngang lumabas, e.”

“Ulitin natin uli ‘yung joyride… tapos isama natin si Nikki at Felix!” ang excited kong sabi pero umismid lang siya.

“Ba’t mo sila gustong isama? Pwede namang tayo lang dalawa.”

“The more the merrier kaya,” nang sabihin ko ‘yun ay napansin ko na umigting ang panga niya. Mukhang ayaw niya ata sa idea ko. “Ayaw mo ba dahil baka madumihan ‘tong kotse kung may ibang sasakay?”

Napasulyap siya sa akin saglit bago nangiti. “Oh goodness,” ang bulong niya. “Yeah, think whatever you want.”

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa mall at sabay kaming pumasok. “Kita na lang tayo mamaya.” Kailangan na kasi naming maghiwalay dahil imi-meet ko na si Nikki sa second floor ng mall habang siya ay rito lang sa ground-floor.

Sumakay ako sa escalator at pumunta sa store na sinasabi ni Nikki na meeting place namin. Maaga ako ng ten minutes sa pinag-usapan at sana ay wala pa siya para hindi naman nakakahiya sa kanyang pinaghintay ko pa siya.

Huminto ako saglit sa harap ng clothing store na sinasabi niya at tiningnan ang signboard sa itaas ng pinto. Pagkatapos ay tiningnan ang loob dahil glass naman ang pinto at dingding sa store kaya madaling makita kung may mga customer. May iilan-ilan na custumer akong napansin nang tuluyang pumasok.

Pero hindi ko pa napapansin si Nikki kaya marahil ay wala pa ito rito. Nilabas ko ang cellphone at nag-text para ipaalam na narito na ako sa store na sinasabi niya.

Tumingin-tingin muna ako ng damit habang hinihintay siyang dumating. Halos nalibot ko na ang buong lugar nang dumating siya. Sa malayo pa lang ay napapatulala na ako sa ganda niya habang panay ang kabog ng d****b. Bawat galaw at kung paano siya maglakad palapit sa akin ay malinaw kong natatandaan.

“Sorry, I’m late,” ani Nikki. Napansin kong may dala na siyang shopping bag na inabot niya agad sa akin. “May pinuntahan pa kasi akong shop.”

“Ayos lang,” ang tugon ko na halos umatras ang dila dahil sa presence niya. Nang mag-umpisa siyang gumalaw para magtingin-tingin ng damit ay para akong asong sumunod agad sa kanya.

Kinuha niya ang isang dress na kulay pink. “I like it, kaso wala na ‘kong pera to buy this.”

“Ako nang bahala,” at kinuha sa kanya ang dress para dalhin sa counter habang napapaisip kung may enough money ba ako sa wallet para bilhin ang dress na nagkakahalaga ng hindi bababa sa three thousand. Nakahinga naman ako nang maluwag ng may sapat pa pala akong pera sa wallet. Buti na lang talaga at nagtitipid ako pagdating sa binibigay sa aking allowance.

“Thank you, Kenan,” aniya at kumapit sa braso ko matapos ibigay ang shopping bag na naglalaman ng dress na gusto niya.

Hinila niya ako palabas sa store kaya naisipan kong yayain siya, “Sa’n mo gustong pumunta?”

“Wala na.”

“How about kumain tayo or manuod ng movie?”

“I have other plans kaya I have to go na,” tapos ay binitawan ang braso ko at nag-umpisa nang maglakad palayo. “Bye— Ay, wait!” bigla akong napangiti nang bumalik siya. “I forgot this,” at akmang kukunin sa akin ang shopping bag na pinabitbit niya sa akin kanina. “Too heavy, pwedeng patulong hanggang sa entrance?”

Napakurap ang mga mata at hindi agad nakapag-isip sa sinabi niya. Para akong nagayuma na agad sumunod nang nginitian niya ako nang ubod-tamis.

“Ayaw mo bang ihatid kita pauwi?” ang alok ko pa habang naghihintay ng taxi na sasakyan niya.

“May car ka?”

“Wala, hindi pa kasi ako pwedeng—“

“Oh yeah, you’re two years younger than me,” ilang sandali pa ay may humintong taxi sa harap at agad siyang sumakay. “Thanks Kenan, bye.” Pagkatapos ay kumaway habang papalayo na ang taxi.

Nang mawala sa paningin ko ang taxi ay roon lang ako napaisip. “Ano nang gagawin ko ngayon?” Tapos ay napalingon pabalik sa entrance ng mall.

Kung bumalik kaya ako, magpalipas ng oras?

Nakauwi na kaya si Caleb? Kung hindi pa ay sasama na lang ako sa kanya.

Kenan:

Hi, sa’n ka ngayon?

Pinili ko munang maupo sa bench na nasa labas ng isang shop habang naghihintay ng reply niya.

Caleb:

Why?

Kenan:

‘La lang, samahan na lang kita sa lakad mo.

Caleb:

How about your date?

Kenan:

Umuwi na siya.

Caleb:

What?! Wala pa atang isang oras nang maghiwalay tayo kanina.

Where are you now?

Kenan:

May kailangan daw kasi siyang gawin kaya umuwi na.

Ground floor, 2nd shop mula sa entrance.

Hindi na siya nag-reply kaya nagtitingin-tingin na lang ako sa paligid at sa mga taong dumadaan. Hanggang sa nakita ko siyang naglalakad palapit sa pwesto ko. Ang bilis naman niyang nakarating dito.

“Anong bang ginawa niyo?” ang tanong agad niya habang may dala-dalang box ng cake.

Kinuwento ko sa kanya ang lahat simula sa pagpasok ko sa clothing store hanggang sa sumakay sa taxi si Nikki.

“’Yun lang ang ginawa niyo pero ngiting-ngiti ka r’yan. Saka ba’t mo ba kinukwento sa ‘kin kung ano ‘yung na-feel mo nang makita siya? Kadiri.”

“E, sa ‘yun ang naramdaman ko, e.”

Naging maamo at parang awang-awa ang tingin niya sa akin. “May pera ka pa bang natira r’yan?”

“120 pesos na lang ang natira.”

“First week pa lang ng buwan pero ‘yan na lang ang pera mo?” tapos ay nailing.

“Gusto ko siyang bilhan ng gusto niya.”

“Pa’no ka naman? Nga-nga?”

Napangisi ako nang malawak. “And’yan ka naman, e, kaya hindi ako magugutom sa school.”

Pero imbis na mangiti ay naging seryoso lang ang expression ng mukha niya. “Next time na makikipag-meet siya ay sabihan mo ‘ko. Ginagawa ka lang….” hindi na niya tinapos ang sasabihin at sa halip ay binigay sa akin ang box ng cake. “Para sa ‘yo, favorite flavor mo.”

Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang maglaway. “Thank you, kanina pa nga ako nagugutom,” tumayo ako. “Tara na, umuwi na tayo para makain ko na ‘to.”

Pero mabilis niya akong pinigilan sa pamamagitan nang paghawak sa braso ko. “’Wag muna tayong umuwi… gawin natin ‘yung mga gusto mong gawin sana kasama si Nikki.”

“Ang dami,” gusto kong kumain sa restaurant habang sweet kami ni Nikki, tapos manuod ng movie habang hawak ang kamay niya, tapos maglaro sa arcade habang yakap ko siya mula sa likod, tapos—Natigilan ako at napaisip kung talaga bang gagawin namin iyong gusto ko? “’Wag na lang pala.”

“Why?”

“Pang date kasi ‘yung mga iniisip ko, hindi bagay kung gagawin natin ng magkasama.”

“Edi, ‘wag mong isiping pang date ang gagawin natin. So, shall we?” Tumayo siya at bahagyang nilahad ang kamay sa akin.

Nangiti ako at saka nag-umpisang maglakad kasabay siya. Hindi na masasayang ang oras ko ng mag-isa dahil kasama ko na siya.

***<[°o°]>***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status