Share

Chapter 15

NAPAGOD si Yumi sa pamamasyal kaya nama'y pagkarating niya sa mansyon ay nais na niyang matulog. Quarter to eleven nang gabi na rin naman kasi sila dumating. Itong si Yvonne ay tila walang kapaguran sa pamamasyal kung saan-saan. Hindi lang sila sa mall nagpunta, nagpunta rin sila sa park at tila isang modelong naglakad doon ang dalaga. Sumusunod lang naman siya kasama si Vincent dito at para hindi siya mainip ay panay kuwento ang pekeng asawa niya.

Padapa siyang nahiga sa kama kahit hindi pa nakakapagpalit ng damit man lang. Si Vincent ay nauna na sa banyo. Hindi niya malaman kung bakit pagod na pagod ang katawang lupa niya. Pakiwari niya'y hinigop lahat ni Yvonne ang kanyang lakas.

"Are you still awake?"

Ungol lang ang isinagot niya kay Vincent. Hindi niya namalayan ang paglabas nito ng banyo. Naramdaman niya ang pagdantay ng palad nito sa likod niya.

"Change your clothes first bago ka matulog."

"Antok na nga ako." Hindi niya napigilang sungitan ito.

"Magpapalit ka ng damit o ak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status