The Cold Billionaire's Secret WifeSa edad na diyese-nuwebe ay nagpakasal si Liza kay Midnight, ang bilyonaryong binili ang lupaing pamana ng yumao niyang lolo. Subalit tila naging masikip ang mundo niya sa piling nito. Ni hindi siya maituring na asawa ni Midnight.
Kasing lamig ng yelo ang puso nito, ayaw ng atensiyon. Gusto na niya itong sukuan kahit nasanay na ang puso niya rito. Ngunit isang gabi ay umuwi ito at sinugod siya sa kuwarto, hinalikan at inangkin. At dahil sa kapusukan, nagparaya siya.
Inakala ni Liza na mamahalin na siya ni Midnight pagkatapos ng gabing pinagsaluhan nila. Ngunit bigla sila nitong inalok ng sampung milyon kapalit ng divorce. Labag man sa kalooban ngunit pumayag siya.
Subalit sa kaniyang pag-alis ay nagimbal siya sa natuklasan. Nagbunga ang gabing pagniniig nila ng dating asawa! Hahabulin ba niya ang karapatan, o ililihim ang katotohanan?
Dealing With The Arrogant CEOIt's just a deal, but destiny was playful sometimes. Sa halip na ipakulong dahil sa ninakaw niyang singsing matapos ang kanilang one-night stand, pumayag si Cassandra sa deal ni Stefan na pakasalan ito. She got the benefits she wants, ang matustusan ang paggagamot sa kaniyang type 1 diabetes. Tiniis niya ang aroganteng binata para lang maresolba ang kaniyang problema. Ngunit ang desisyon pala niyang iyon ang magdadala sa kaniya sa mas mabigat na responsibilidad, ang lihim na pag-ibig sa binata. Hanggang kailan niya matitiis ang sarili gayung nangako siya sa ex-girlfriend at babaeng mahal ni Stefan na isang taon lang ang marriage agreement? Palalayain ba niya ang hinaing ng puso o magpaparaya?
The Mafia Boss's Naive Wife (Cosa El Gamma # 1)️ Warning: This story contains violence/graphic sexual scenes. Please read at your own risk!
She was abducted after her wedding, and the abductor was unaware that she was a wife of the sadist mafia boss. They claimed the merciless punishment!
Sa edad na biyente ay ikinasal si Kira sa lalaking kumupkop sa kaniya noong dose anyos siya. Isang bilyonaryong ni minsan ay hindi niya nasilayan ang mukha dahil may suot na maskara. Nagkaroon siya ng malalang trauma matapos masaksihan ang karumal-dumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang. Isang proseso ang ginawa sa kaniya upang mabura ang kaniyang alaala, ngunit tila isinilang siyang muli, inosente, limitado lamang ang kaalaman.
Akala niya’y matanda na ang kaniyang asawa na si Don Dimitri, ngunit nawindang siya nang masilayan ang mukha nito. Hindi naman ito matanda, kundi isang imahe ng perpektong lalake. Subali’t sa kabila niyon ay napupuno ng misteryo ang pagkatao nito. Matutunan ba niyang mahalin ang isang katulad nito? O isa rin itong banta sa kaniyang buhay?
The Taste Of Lust Warning ⚠️ This novel has er*tic elements, detailed s*xual scenes. Please read at your own risk.
Mula pagkabata ay gusto na ni Elise si Thrasius, na kasama niyang lumaki sa orphanage at naghiwalay nang kunin ito ng tatay. Sa pagkikita nilang muli, nagbago na ito, tila limot na ang pangako sa kaniya. Nang malasing siya sa reunion ng pamilya ni Thrasius, nabuo ang kanyang plano, ang akitin ito at ibigay ang kaniyang sarili. Nagtagumpay nga siya, ngunit tila may mali. Hindi alam ni Thrasius na may nangyaring sekswal sa kanila. Halos matunaw siya sa kahihiyan nang matuklasan na ang lalaking nakaniig niya ay si Terrence, ang half-brother ni Thrasius!
She hates Terrence because he's a naughty playboy and curses a lot. Pero wala siyang choice at nakisama rito dahil ito lang ang willing magpatira sa kaniya sa bahay nito. But while staying at Terrence's house, she discovered something interesting about him, especially how he pleasures women with his odd styles. She found a cure for her traumatic past. Until lust linked them, and it became their addiction.
Halos makalimutan na niya si Thrasius dahil kay Terrence, ngunit bigla naman itong nagparamdam. Ano ang pipiliin niya, ang sigaw ng puso, o tawag ng kamunduhan?
Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)Rhod Selda
Rated 18 Read at your own risk
Walang ibang nais si Monica kundi ang makaahon sa hirap at buhayin ang kaniyang isang anak na lalaki, na bunga ng one-night stand sa isang estranghero. Kahit anong trabaho pinapasok niya maging ito ay kapit sa patalim. Pinatos niya ang trabaho bilang ispiya ng mafia organization.
Subalit sinubok ang kaniyang prinsipyo nang makilala si Federico Sartorre, ang mafia boss na unang target na ibinigay ng kaniyang amo. Si Federico ay isa sa miyembro ng pinakamalaking mafia organization, ang Cosa El Gamma. Bukod sa pamilyar ito sa kaniya at hawig ng kaniyang anak, nakitaan niya ito ng tattoo na katulad sa lalaking nakaniig niya noon sa isang bar sa Japan.
Habang nasa puder siya ni Federico bilang maid, hindi lamang trabaho ang kaniyang pakay, kundi ang tuklasin ang misteryo sa pagkatao nito. Ngunit mabilis nahulog ang puso niya sa binata at nag-assume na ito ang ama ng kaniyang anak. Paano kung si Federico nga ang tatay ng kaniyang anak? Susuwayin ba niya ang misyon at piliin ang sigaw ng puso?