Share

Kabanata 4

Ashton

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tumabi sa akin si Zie na tanging boxer brief lang ang suot, sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako kinabahan ng todo sa tabi ng isang lalaki. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking imahe ang hubad na larawan ng likod ni Zie. Ang napakapulidong hulma ng kanyang likod, ang matambok na umbok ng kanyang pang-upo na tila ba kay sarap lamasin. Hindi ko mapigilan ang hindi tayuan habang iniisip si Zie kaya naman agad kong kinuha ang kumot sa aking tabi at ipinantabon sa maselang bahagi ng aking katawan.

"Anong gusto mong panoorin?" Tanong ni Zie at isinandig ang kanyang likod sa dingding, ilang pulgada lang ang layo niya sa akin at parang may mga boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa pagitan namin.

"Um, Gone Girl." Ang nahihiya kong tugon, hindi ko naman kasi alam kung ano ang gusto niyang mga pelikula at tsaka sa kanya naman ito so I assume na gusto niya rin itong panoorin, bakit niya pa bibilhin ang CD na 'to kung hindi niya naman pala gustong panoorin diba? But still, kinakabahan pa rin ako. Kinuha niya ang CD sa akin at agad itong isinaksak sa DVD, nagtungo ito sa kitchen pagkatapos iplay ang movie, pagkalabas nito ay may dala na siyang pagkain na akin namang ikinatuwa kahit kagagaling pa lang namin sa hapunan. Inilapag niya sa kama ang mga pagkaing dala at hindi ko mapigilang hindi maglaway sa mga pagkaing abot kamay ko lang. Ang sarap ng itsura ng mga waffles at cupcakes.

"Um, pweding humingi? Kahit isa lang please?" Pagpapacute ko kay Zie na tila effective naman dahil bahagya itong napatawa at ginulo ang aking buhok.

"You don't need to ask for my permission, baby." Malumanay nitong sambit, tila natunaw naman ako sapagtawag nito ng baby, though hindi ako sanay sa tawag niya sa akin but I can't deny na gusto ko ang tawag niya sa aking iyon.

Tumabi ako kay Zie at tahimik na kinakagat ang waffles habang nanonood ng pelikula. Wala ni isa sa amin ang gustong basagin ang katahimikan, napakainteresante kasi ng palabas kaya talagang nag- aabang kami kung ano ang magiging ending ng storya.

Hindi ko mapigilan ang aking ngiti habang nagfaflash sa screen ang mga pangalan ng gumanap sa pelikula. Napakaganda ng storya at satisfied ako sa ending nito. Ini-off na ni Zie ang TV at ang DVD at agad ding bumalik sa kama pagkatapos.

"Tulog na tayo." Sambit nito, napalunok ako ng laway. Matutulog na ba talaga kami? O may gagawin pa kami? Shit! Nababaliw na ata ako. Pero ito naman ang rason niya kung bakit niya ako dinala rito diba? Para matugunan ang init sa kanyang katawan.

Wala na akong nagawa pa kundi ang humiga sa tabi nito. Ilang sandali pa ay ipinulupot ni Zie ang kanyang isang kamay sa aking bewang kung kaya ay bumilis ang takbo ng aking pulso. Maliban doon ay wala na itong ibang ginawa pa.

"Um." May gusto sana akong sabihin pero nahihiya ako. Ibinuka ni Zie ang kanyang mga mata at
tumingin sa akin na tila ba nagtatanong.

"Bakit?" Takang tanong nito.

"A-are we not gonna do it?" Ang halos pabulong ko na lang na saad pero alam ko namang narinig niya iyon.

"Do what?" Saad nito ng nakasmirk, alam kong alam niya kung ano ang tinutukoy ko.

"N-nothing." Saad ko na lang at ikinulong ang aking mukha sa unan para hindi nito makita ang aking pamumula. Narinig ko na lamang ang pagtawa ni Zie kaya agad akong nag-angat ng ulo at puzzle na tiningnan ito.

"Come on Ash, were not gonna do it because first, hindi naman ako si Rex and second, hindi ako ang nakausap mo na imemeet mo pero kung gusto mo talaga, handa naman akong paligayahin ka ngayong gabi." Turan nito na nagbigay kilabot sa aking kalamnan lalo na ng banggitin nito ang mga huling salita, muli ko na namang narinig ang kanyang mahinang pagtawa.

Hinawakan ni Zie ang aking katawan at inilapit sa kanya. Iniunan niya sa akin ang kanyang malambot na braso at ang malayang kamay naman niya ay ipinulupot sa aking bewang. Dahan dahan kong iginapang ang aking kamay sa kanyang katawan, gusto ko ring yakapin siya, gusto kong mas lalo pang maramdaman ang init na hatid niya sa aking katawan. Napakasarap pagmasdan ng kanyang katawan lalo na't nakadikit ang aking mukha sa kanyang pormadong dibdib.

Maya-maya pa ay iniangat ko ang aking ulo, nakapikit na si Zie pero alam kong hindi pa siya tulog. Hindi ko napigilan at bahagya kong iniangat ang aking ulo para lumebel sa kanya at agad itong ninakawan ng isang halik, akmang bibitaw na ako sa halik ng imulat niya ang kanyang mga mata. Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko at sa isang iglap lang ay muli na namang nagdikit ang aming mga labi. Kung kanina ay walang tugon ang paghalik ko sa kanya ngayon naman ay kapwa na kami tumutugon at halos kapusin ako sa hangin sa tagal ng aming paghahalikan.

Pagkabitaw ng mga labi namin ay doon ko napagtanto na ibinigay ko sa kanya ang aking first kiss, sa lahat ng lalaking nakameet ko ay ni isa sa kanila ay wala akong hinalikan, pero kay Zie ay walang pagdadalawang isip ko siyang hinalikan. Fuck! Anong nangyayari sa akin? Nasaan na iyong pangako ko sa sarili ko na ibibigay ko lang ang mga labi ko sa taong makakasama ko habang buhay?

"Hey! Are you okay?" May pag-aalalang tanong ni Zie. Humugot ako ng hangin at ngumiti kay Zie para sabihin ditong okay lang ako. Iwinakli ko na lamang ang isipang iyon at hinigpitan ang hawak sa bewang ni Zie. Ipinikit ko ang aking mga mata, bago ako tuluyang nakaidlip ay naramdaman ko pa ang paulit-ulit na paghalik ni Zie sa aking noo. Nakaramdam ako ng kapanatagan sa sarili at natulog akong may ngiti sa aking mga labi. Nawala na sa aking isipan ang mga ideyang gumugulo sa akin tulad ng kung ano na ang mangyagari sa akin paggising ko kinabukasan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status