Ashton
Lumabas muna ng kwarto si Zie para iligpit at hugasan ang mga pinagkainan namin. Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ang nagawa ko mula kanina pa. Malungkot kong tinungo ang aking bag at kumuha ng presentabling damit. Nagtungo ako sa banyo at mabilis na naligo, paglabas ko sa banyo ay napalunok ako ng makita ang hubad na likod ni Zie, na naman. Hindi nito alam na nakatingin ako sa kanya. Napakasexy talaga niyang tingnan lalo na ng iangat nito ang kanyang paa para suotin ang kanyang brief, hinintay ko muna siyang matapos magbihis bago ako nagtungo sa aking bag at kinuha ang aking damit. Nakita kong umupo si Zie sa kama habang inaayos nito ang neck tie sa suot nitong corporate attire. Muli akong nagtungo sa banyo dala ang damit at mabilis na nagbihis.
"Maraming salamat sa pagpapatuloy sa akin, Zie." Pasasalamat ko kay Zie, kung hindi dahil sa kanya baka sa waiting shed na ako natulog kagabi. Isinukbit ko ang aking bag sa aking likod. Kailangan ko ng umalis at maghanap ng marerentahang bahay at pagkatapos ay maghahanap ng trabaho, sa murang edad kong ito I wonder kung anong trabaho kaya ang naghihintay sa akin.
"I didn't tell you to leave, Ash." May awtoridad na saad ni Zie, may halong galit ang awra nito, nagpadagdag pa sa aking kaba ang suot nitong corporate attire, napakabossy nitong tingnan.
"Kailangan ko na kasing umalis." Ang tanging naitugon ko lamang sa kanya. Lumapit ito sa akin at kinuha ang aking bag. Tila naguluhan ako sa ipinapakita niya sa akin ngayon.
"Hey baby, diba sinabi ko sa'yo kanina na tutulungan kita?" Masuyo nitong sambit sa akin. Napakasarap pakinggan ng tawag niya sa akin.
"Gusto kong tumira ka kasama ko, hindi mo na kailangan pang magtrabaho baby, I'll provide you everything that you need. Ako na rin ang magpapaaral sa'yo." Seryosong saad nito na nagpatameme sa akin. Did he just offer me to live with him? Pero bakit? Alam kong may kapalit itong offer niya sa akin.
"A-anong kapalit?" Tanong ko habang tumatakbo sa aking isipan ang iba't ibang spekulasyon.
"Nothing to worry baby, I'll just want you to be my escort in every event na pupuntahan ko." Saad nito. He wants me to be his escort, anong klase ng mga event naman kaya ang tinutukoy niya? Simpleng mga gathering lang ba iyon ng mga mayayaman?
"You'll be safe by my side, Ash." Masuyo niyang saad sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at malalim na nag-isip. Kung tatanggapin ko ang offer niya ay solve na lahat ng problema ko. Hindi ko na kailangan pang humanap ng matitirhan at trabaho.
"O-okay." Saad ko, ngumiti ito sa aking sagot at niyakap ako.
"It settled then. Um, I have some paper works to do kaya kailangan ko ng pumunta sa opisina. Gusto mo bang sumama o dito ka na lang sa apartment? You can watch another movie, kung hindi mo gusto ang mga CD's then you can browse on Netflix. I also have library here so kung gusto mong magbasa I can tour you to the library before I go." Napangiti ako sa kanyang sinabi. Hindi ko mapigilang maantig sa pagtrato niya sa akin. I've never treated like a diamond before and it's very overwhelming on how he treated me. So kind and gentle.
"I want to come with you." Saad ko. I really love watching and reading as well as eating pero ayokong maiwan mag-isa rito sa apartment ni Zie. Gusto kong sumama sa kanya, though hearing that he'll be doing paper works sounds boring pero alam kong sanay na siya sa mga ganyan. Hmm, ano namang gagawin ko sa opisina ni Zie?
"Okay then." Saad nito. Lumabas kami ng apartment niya, mayroong nakaparada roong kotse at isang lalaking hindi mo gustong galitin dahil tiyak na may paglalagyan ka. Ngumiti ito pagkakita kay Zie at pinagbuksan kami ng pintuan. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan.
Ilang minuto lang ay pumarada ang kotse sa harap ng isang malaking building. Bumungad sa akin ang nakapaskil na malalaking letra na nakadikit sa pader ng building. 'Mendez Printing Corporation.' Nanlaki ang aking mata na napatingin kay Zie.
"Ikaw ang may-ari nito?" Excited kong tanong sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot. Oh my god, si Zie ang may ari ng isang sikat at ang number one leading printing company sa bansa.
"Labas ka na baby." Utos sa akin ni Zie, may ngiti sa labi akong lumabas ng sasakyan, ipinihit ni Zie ang kanyang kamay sa aking bewang at magkasabay kami na pumasok ng building. Medyo kinakabahan ako, for sure nasa loob ng building na ito ang mga paboritong writer ko. Bago kami tuluyang pumasok ay hindi ko mapigilang mapayakap kay Zie.
"Hey, what's wrong baby?" Tanong nito na may himig pag-aalala.
"I just can't believe na makakapasok na ako sa building na 'to, matagal ko na talagang pangarap ang makapasok dito pero napakahigpit ng security niyo. Kahit noong nagpasa ako ng manuscript ay hanggang dito lang ako sa labas." Kwento ko sa kanya at napatawa na lang ng maalala ko ang araw na iyon kung saan nagpumilit talaga ako sa guard na ako na mismo ang magbigay ng manuscript ko pero hindi talaga ako pinapasok.
"Really? Nagpasa ka ng manuscript? Nag email na ba sayo ang editor?" Tanong ni Zie.
"Yeah." Saad ko at napabuntong hininga.
"So?" Tanong nito.
"Nireject 'yong manuscript ko," Malungkot kong saad, "pero nakarecover din naman ako pagkatapos ng ilang araw, atleast I try."
"Anong rason kung bakit nireject ang manuscript mo?"
"Um, hindi raw kasi kayo nagpapublish ng mga books na related sa LGBT?" Sagot ko.
"Ow, so bxb theme ang ipinasa mong manuscript? I'm sorry baby pero hindi talaga kami nagpapublish ng mga ganoong storya." Saad nito at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng building. Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit naman hindi? Wala namang masama sa mga ganoong storya diba?
Panay ang bati ng mga empleyado kay Zie pagpasok namin sa loob at tanging tango lang ang tugon nito. Mukhang nagtataka ang lahat kung bakit kasama ako ni Zie pero wala namang nangahas na magtanong. Pumasok kami ni Zie sa loob ng isang maluwag ma kwarto, napakaganda ng ambiance ng kwartong ito at tanaw mula sa salaming dingding ng kwarto ang maalinsangang sitwasyon sa labas.
"Okay baby, I'll just do some paper works. I have books here if you want to read, we also have internet connection here kung gusto mong mag browse ng mga sites. Just do whatever you want. I'll be quick, okay baby?" Litanya ni Zie at umupo sa swivel chair nito.
"Um, I think I'll just read books." Saad ko at lumapit sa mga nakacompile na libro sa may bookshelf, nakakalula ang mga librong ito, mukhang mahihirapan ata akong pumili dahil sa rami ng gusto kong basahin.
ZieTahimik lang sa loob ng sasakyan si Ashton, mukhang na adik na ata siya sa librong binabasa niya kanina na hanggang ngayon ay hindi niya magawang itiklop ang libro. Tumigil lang ito sa pagbabasa ng t
AshtonNahook ako sa binababasa kong libro kaya hindi ko namalayang tapos na pala ang show, mukhang ito na ata ang huling eksena kung saan ipapakilala ang designer sa likod ng mga design na inirampa kanina. Lumabas ang isang mataba at may malaking tiyan na lalaki, nakaplaster sa mukha nito ang ngiti ng tagumpay, sino nga ba naman ang hindi matutuwa kung dagsa ang mga tao na sa tingin ko ay nasa matataas na antas ng lipunan. Tapos ko ng basahin ang chapter 39 ng nobelang binabasa ko at kasunod na
Zie"Kay Ash tayo." Saad ko kay Stuart paglabas ng building. Kaninang alas tres ay pinasundo ko si Ash kay Elena, ito ang magiging companion ni Ash para sa makeover nito, hindi naman total makeover ang kailangan nito dahil sadyang kaakit-akit at magandang lalaki naman si Ash kahit simple lang ito, but I want him to look presentable on the event tonight, gusto kong mainggit ang lahat ng naroroon na kasama ko si Ash.
AshtonAlas-diyes na ng gabi. Halos apat na oras din ang aming naging biyahe bago kami nakarating sa aming destinasyon. Paglabas namin ni Zie sa kotse ay bumungad sa akin ang isang napakalaking mansion. Nakakamanghang pagmasdan nito sa labas. Inilahad ni Zie ang kanyang balikat sa akin, ipinulupot ko naman ang aking kamay sa kanyang balikat.
AshtonHindi ko maigalaw ang mga paa ko. P-paanong buhay siya? Naghahallucinate lang ba ako? Totoo ba ito? Parang tumigil ang pagtibok ng aking puso sa aking natuklasan. Nick, si Nick ba talaga itong nasa harapan ko? Si Nick ba talaga ito na kakambal ko? Paanong buhay siya? Sino iyong pinaglamayan namin ng ilang linggo? Boung akala ko ay patay na ang aking kakambal. Boung akala ko ay tuluyan na akong iniwan ng aking kakambal."Ash?" Untag sa akin ni Zie. Tumingin ako sa kanya at kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata.
AshtonDahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, hindi ko agad ito naimulat dahil sa mahapdi ito, masakit din ang aking ulo. Kinusot ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyan ko na itong maimulat, napagtanto kong nasa loob ako ng kwarto ni Zie, sa tantiya ko ay madaling araw na, paglinga ko sa aking tabi ay ang natutulog na pigura ni Zie ang tumambad sa akin, mahimbing pa rin itong natutulog.
Zie"Sir, Ms. Anna Bud said she will not renew her contract, lahat po ng bestseller writer natin sir ay hindi nagrenew, wala na rin pong naipublish na libro for this month sir, also hindi na rin po tayo pweding mag-imprint dahil wala sa atin ang copyright ng mga libro. Ano pong gagawin natin sir? May mga freelance writer naman kaming kinontact sir pero puro nga unfinished pa po ang mga storyang sinusulat nila. Lahat ng writer natin sir ay naglipatan na sa ibang publishing company." Imporma ni Liza, ang aking secretary. Isang mahabang buntong hininga ang aking pinakawalan. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan ng aking kompanya, hindi ko alam na aabot ako sa puntong
AshtonKinakabahan ako. Tanging ang musika sa may stereo ng sasakyan ni Zie lang ang maririnig na ingay. Minememorya ko kasi ang mga salitang sasabihin ko kay Nick. Ano ba ang dapat na una kong sabihin sa kanya? Kumusta ka na? Akala ko wala ka na, o kaya ay simpling hi na lang? Hindi ko alam, hindi ako mapalagay. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita ako? Magiging masaya rin kaya siya kagaya ko?"Ash." Tawag sa akin ni Zie, lumingon naman ako sa direksyon nito at doon ko lang namalayan na nakatigil na ang sasakyan.