Share

Kabanata 7

Zie


Tahimik lang sa loob ng sasakyan si Ashton, mukhang na adik na ata siya sa librong binabasa niya kanina na hanggang ngayon ay hindi niya magawang itiklop ang libro. Tumigil lang ito sa pagbabasa ng tumigil ang sasakyan. Tumingin ito sa labas ng bintana at alam kung nagtataka ito kung bakit hindi apartment ang kanyang nabungaran.

"Saan tayo?" Tanong nito.

"Sheri Lee, I'll be modeling their products." Tugon ko rito at lumabas na ng kotse. Sumunod naman sa akin si Ash, ipinatong ko ang aking kamay sa balikat ni Ash at sabay na nagtungo sa loob ng bulwagan kung saan gaganapin ang fashion show. Pagpasok sa loob ay agad kong nakita ang organizer ng event, nakangiti itong lumapit sa akin.

"Mr. Mendez, salamat po sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon." Saad ng organizer. Ngiti lang ang itinugon ko rito. Lumipat naman ang tingin ng organizer sa aking kasama at hindi nito maitago ang pagkunot ng kanyang noo marahil na rin siguro sa pagtataka.

"At sino naman itong plus one mo?" Tanong nito.

"This is Ash, I want you to give him a VIP seat." Tugon ko.

"Aw, okay sir." Saad nito.

"I'll be on the backstage Ash, okay lang naman siguro sa'yo kung maiwan muna kita diba?" Tanong ko kay Ash, tumango lang ito bilang tugon.

"Good, ikaw ng bahala kay Ash." Saad ko sa organizer at naglakad na patungo sa backstage.

Pagkapasok ko sa backstage ay nakahanda na ang mga model na unang sasalang, mga boxers ang kanilang imomodel. Medyo naeexcite ako sa kung ano kaya ang imomodel ko ngayong gabi, kaninang hapon pa kasi ako tinawagan ng organizer na mag model sa show na ito, alam ko namang puro boxer at briefs lang ang imomodel pero ang nakakaexcite ay kung anong klase ng briefs ang imomodel ko. Pagkapasok ko sa dressing room ay nakita ko si Sheri, ang baklang designer ng mga underwear. Nangislap ang mata nito pagkakita sa akin, malawak naman akong ngumiti sa kanya.

"Mr. Mendez, alam kong napakabusy ng sched mo pero maraming salamat sa iyong pagpaaunlak." Saad nito na parang iniipit ang kanyang boses, mukhang kursunada ata siya ng bakla pero sorry na lang siya dahil hindi ako pumapatol sa mga baklang ladlad na mataba at may malaking tiyan. I wonder ilang model na ang nagpatsupa sa kanya para lang masama sa fashion show na ito. Sheri Lee is quite popular in the country, the pay in this show is also quite good kaya isang pribilihiyo talaga ang mairampa ang isa sa mga gawa nito, kung nagkataong nangangailangan din ako ng pera ngayon ay malamang kailangan ko munang magpatsupa sa baklang ito bago ko maisuot ang brief na dinisenyo niya.

"Ano ang isusuot ko?" Tanong ko kay Sheri.

"Naku, ito ang pinakafabulous at pinakamahal na dinesenyo ko." Saad nito at nagtungo kami sa isang kwarto kung saan naroroon ang mga gamit. May kinuha ito box sa isang cabinet at masayang lumapit sa

akin, binuksan nito ang box at bumungad sa akin ang isang jockstrap na underwear. Napangisi naman ako sa aking nakita, tang-inang disenyo to, marami ang maglalaway sa akin nito dahil sa luluwa ang matambok kong pwet, tanging alaga ko lamang ang matatakpan ng kakarampot na tela na iyon.

"Magbihis ka na." Utos sa kanya ni Sheri, walang hiya hiyang tinanggal ko ang butones ng aking suot, sinunod kong tinanggal ang aking itim na pants. Kaming dalawa lang ni Sheri ang nasa loob at halos kapusin ito ng hininga ng makita ang nakaumbok sa aking harapan, mukhang nagdadalawang isip ito kung bibigyan pa ba ako ng tela para magkroon ng malaking hulma sa aking harapan o hahayaan niya na lang ang aking alaga na gumawa ng sariling hulma sa aking harapan.

"Shit! Ang laki nito Mr. Mendez." Puna ni Sheri at marahang hinawakan ang aking alaga na agad ko namang tinapik.

"Stop it Sheri kung ayaw mong mawalan ng mga kliyente." Banta ko sa kanya, tila nakuha naman nito ang aking nais iparating.

"Ito naman, nagbabakasakali lang namang makatsamba." Pabiro nitong tugon at lumabas na ng kwarto. Mukhang natakot nga ata talaga sa banta ko. Kinuha ko ang jockstrap sa box at isinuot ito. Iniharap ko ang aking sarili sa isang full length mirror at maiging pinagmasdan ang aking sarili. Hmm, mukhang maraming imbitasyon ang matatanggap ko ngayon pero sorry na lang sila, sa ngayon ay nasa kay Ash ang atensyon ko.

Lahat ng abalang models ay natigil sa kanilang ginagawa ng lumabas ako ng kwartong iyon na tanging jockstrap lang ang suot. Ang iba ay napadila pa sa ibabang bahagi ng kanilang labi. Isang ngisi lang ang iginawad ko sa kanila at lumabas na ng dressing room.

Paglabas ko ay bumungad sa akin ang isang naka casual dress na babae, pati ito ay hindi nakaligtas sa aking angking kakisigan. Nagpakilala itong si Diane, ang stage director, ang sabi nito sa akin ay ako raw ang rarampa para sa huling eksena ng show. Tama nga ang sinabi ni Sheri na ang suot kong produkto ang magiging highlight ngayong gabi, ang maganda pa nito ay magiging akin na itong irarampa ko ng libre pero baka ipa-auction ko na lang ito sa mas mataas na halaga.

"20 seconds and turn niyo na po Mr. Mendez." Saad ni Diane. Kanina pa nito sinabi sa akin ang direksyong lalakaran ko, saang banda ako magpopose at kung sinong mga bigating kliyente ang kikindatan ko.

Ilang sandali pa ay nagsipasukan na ang mga modelong rumarampa, ibig sabihin ako na ang susunod. Pumwesto na ako sa may gilid at naghihintay ng cue sa aking paglabas. Nang mag go signal na si Diane ay sinuot ko na ang imahing palagi kong ipinapakita sa mga tao tuwing rarampa ako. Walang emosyon akong lumabas at rumampa sa kahabaan ng stage. Nang makita ko si Mr. Balthazar, ang CEO ng K & C, isang sikat na clothing line company ay kinindatan ko ito, parang wala lang dito ang pagkindat ko pero deep inside kinikilig na iyan, hindi ko siya personal na kakilala pero ayon sa pinsan kong si Rex, isa kasi siya sa mga shareholder sa kompanya ni Mr. Balthazar ay silahis daw ito at minsan na nitong niyaya ang aking pinsan. Iba na talaga ngayon, hindi mo na alam kung sino ang hindi pumapatol at kung sino ang pumapatol. Habang rumarampa ako ay tahimik lang akong pinagmamasdan ng lahat, ng nasa may bandang gitna na ako kung saan nakaupo ang mga VIP ay namataan ko si Ash pero napasmirk lang ako ng makitang nakadungo ito at nagbabasa ng libro. Seriously? Nagbabasa siya ng libro sa isang fashion show? Hindi man lang ba siya nabighani sa mga lalaking kakarampot na tela lang ang suot na rumarampa sa harapan niya? 'You're unbelievable Ash' turan ko sa aking isipan habang tumalikod at naglakad pabalik.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status