Share

Kapitulo 4

FAUZIA was tired when she headed back home. She does not know why but school makes her tired all the time. Maybe because she doesn’t have a companion, though she doesn’t want one.

Having a friend can tire her too.

When she slid the door open her eyes widened at the sight she’s seeing. Her father was grabbing her mother’s hair, he slapped her.

She ran hastily to at least protect her mother. “Stop!” Ginamit niya ang sarili para salagin ang kamay ng ama niya. 

“Stay away from this, Niryana! Go to your room,” Tinulak siya nito palayo ng isang kamay lamang, sa sobrang lakas ng puwersa na iyon ay bumagsak siya sa sahig.

“Who the fuck are you to do this to me, huh?!” puno ng galit na tanong ng ama niya at mas hinigpitan pa ang paghawak sa buhok ng kaniyang ina.

“Hindi ko ‘yon magagawa, Leander, alam mo ‘yan. How could you say that… H-Hindi kita niloko.” Halos mapaos na ang boses ng ina niya habang humahagulgol.

“Then how would you explain this?! Huh? Ito ba ang ‘hindi niloko’ na sinasabi mo?!” Ipinakita dito ng ama ang video kung saan nakikita niya ang kaniyang ina at ang matalik na kaibigan ng ama na si Tito Zedrick doon.

Nasapo ni Fauzia ang kaniyang bibig sa nakita. Kitang-kita niya ang kalaswaan ng ina niya at ng kaniyang tito.

Napapailing ang dalaga sa gulat, hindi maaari. Paanong nagkaganito? Hindi makapaniwala si Fauzia.

“P-Paano---hindi ‘yan totoo! Hindi ‘yan totoo, ni kailan hindi kami nagkikita ni Zedrick, Leander. Hindi, hindi, hindi.” Patuloy ang pag-iling ng ina niya.

Hindi napansin ni Fauzia ang luhang umaagos sa mga mata niya habang napapakinggan at nakikita ang pangyayaring iyon. Nakasalampak pa rin siya sa sahig, hindi makagalaw.

“Hindi kita pinakasalan para lang lukohin mo, Hera!” Hinawakan ng ama ang mukha ng ina niya, niyugyog niya ito na parang ginigising. “I want you out of our life! Please don’t show your face to us ever again. Out of my sight! Now!” Napapikit sila sa dumadagundong na sigaw nito, namumula ang mukha nito sa sobrang galit.

“You can’t do that, father! It was just one mistake! I bet my mother didn’t mean it!” She turned her look to her mother. “This is not true right, mother? Father is just lying to us right?” she asked still tears streaming on her cheeks.

“Can you hear yourself, Niryana?” his father scoffed, “You think I’m lying?” Her father’s gaze turned to her.

“What if your friend planned this?” That made her father is stunned. “Mom and I are always together, you’re always away. Hindi ka nga umuuwi kahit isa sa isang linggo tapos bigla kang magpapakita dito para lang sabihin ito? Are you okay?” Fauzia sarcastically said between her tears.

“What do you expect huh?” he looked down on her mother. “May kompanya akong inaasikaso tapos biglang may magpapadala sa’kin ng ganito habang naghihirap akong magtrabaho! Do you even think how hard to be away from you? Tapos ito lang ang gagawin mo saakin?! At sa kaibigan ko pa?!” Napapikit ang ina niya sa lakas ng boses ng ama.

Fauzia’s teeth gritted. “That could be the reason why she cheated on you, kung niloko nga ba niya talaga kayo---” her father didn’t let her finish.

“Shut your mouth, Niryana, you don’t know anything! Huwag kang magmagaling! Guard! Throw this woman away, hindi ko kailangan ng katulad niya dito.” Tawag nito sa guwardiya nila na agad namang sinunod ng mga ito.

Umawang ang labi ng dalaga sa nasasaksihan, bakit ang daling nagbitaw ng desisyon ang kaniyang ama? 

“No! You can’t do that!” Pinipigilan niya ang mga guwardiya na binibitbit palabas ang ina niya.

Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ng ama niya sa kanila, back when she was young her family never had a huge fight. Nagsimula lang ito nang tumuntong siya ng high-school. 

Pinagsusuntok niya ito pero hindi man lang natitinag. “Father! Make them stop! At least hear my mother’s reason first!”

Hindi siya pinansin ng ama niya sa halip ay inutusan ang mga tao sa kanilang bahay. “Guard, lock my daughter in her room.”

Lumingon ito sa kanilang katulong na kanina pa tahimik na nanonood. “Don’t give her anything, she needs to know the taste of her wrongdoings.” Saka sila nito tinalikuran.

“Get off me! Mom! Mom!” Nagpumiglas siya sa mga guwardiya, pilit na inaabot ang kamay ng ina.

“Mom…” Her face softened when she saw her mother smiling at her.

There was something in her smile, she’s telling something that she can’t pinpoint.

“Don’t worry, baby, I’ll get you after this. Babalikan kita anak. Babalik ako, I love you so much, Niryana.”

Hanggang sa tuluyan nang nawala ang ina habang siya naman ay binuhat na parang sako, inakyat na siya papunta sa kwarto niya at doon siya inilapag.

Mabilis siyang bumangon para hindi pagsarahan ng pinto pero nahuli pa rin siya at nakandado sa loob.

Napahilamos ng mukha si Fauzia, sumama ang loob sa ama na nagawang gawin ito. 

NAPABALIKWAS ng bangon si Fauzia, lumibot ang paningin niya sa kinaroroonan niya. Takot ang lumukob sa kaniya habang inaalala ang nangyari.

Kahit saan siya tumingin puro tao ang nakikita niya hindi siya makapagisip ng maayos pati ang paghinga ay nahihirapan siya. 

Dumako ang tingin niya sa lalaking papalapit sa kaniya, handa na itong kausapin ang dalaga nang biglang may isa pang lalaking pumigil dito.

“Aust. Don’t, she might snap, her mental health is fragile.”

Fauzia was shaking, shaking in fear when thoughts flashed in her mind. She kept on shaking her head and covered her face.

No, she doesn’t want to feel it again. 

“P-Please, ju---just kill m-me already. Just end my s-sufferings,” she pleads, still shaking in fear. She doesn’t even know if they heard her cracked voice.

“No, we’re here to save you. Fauzia---” Nagpumiglas ang dalaga nang hawakan siya nito. Her gaze blurred, another group of tears flowed on her face. 

Nakikita niya ang mga imaheng ayaw niyang mangyari kahit na wala na siyang kawala sa buhay na mayroon siya. Hindi pa rin tumitigil, patuloy pa ring umaagos ang paghihirap. 

Pilit siyang lumalayo sa lalaking lumapit sa kaniya. Hindi niya ito pinapakinggan. “S-Stop, I’m not a toy for you to play. Just s-stop. Stop, s-stop.” She chanted as she cried loudly even more.

Humarang si Divine kay Austin para patigilin ito. “Stop, you’re making it even worse. Let me take care of her so that we could point out how we can help her.”

Humarap si Divine kay Fauzia at pinatahan na ito.

Bagsak ang balikat na lumayo si Austin kasama si Helios pabalik kila Efron sa labas, may awang pa ang pinto para mapanood ang kalagayan ng dalaga sa loob.

Mavis joined Divine, she’s caressing Fauzia’s hair and hugging her while whispering, “Tahan na, no one’s going to hurt you.” Fauzia somehow calmed down but she’s still sobbing lightly and her eyes are widely closed.

After a couple of minutes, Mavis can feel her weight. She has now fallen asleep, she gently laid her down on the bed before facing the guys who are silently watching them.

“Fauzia has so many dislocated bones in her body, at ang mga iyon ay matagal nang humilom. This is so traumatic.” May ipinakitang x-ray si Helios sa kanila.

Gulat ang lahat sa nakita, lumapit si Helios sa dalaga para itaas ng bahagya ang damit nito. Napako sa kinatatayuan ang lahat sa nakita.

“Ang mga ito…” Austin trailed off, he moved beside her to midly traced the skin of the woman. “Nilatigo ang mga ito,” he said under his breath.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status