Share

Kapitulo 6

BUMILIS ang tibok ng puso ni Austin nang napagtanto kung gaano siya kalapit sa dalagang nakapikit ang mga mata.

Binigyan niya ng maayos na distansiya ang pagitan nila. “It seems like you can’t move freely when I’m around so…” Napakamot sa likod ng ulo ito.

“I’ll call Mavis and leave you be. Eat your breakfast,” paalam niya bago lumabas sa kwarto niya para makahinga na ng maayos ang dalaga.

Nasa tapat pa rin siya ng pinto ng kwarto nito nang tinawagan si Mavis. “Hey Mave,” tawag niya dito kahit na nasa iisang bahay lamang sila. Tamad lang lumakad si Austin dahil malawak ang kanilang mansion.

Hindi pa agad sumagot ang nasa kabilang linya kaya naglakad muna siya sa kaniyang office. Nang makaupo na sa kaniyang swivel chair nakita niya sa monitor na hindi pa rin ginagalaw ng dalaga ang dinala nitong pagkain hanggang sa napukaw ng atensiyon niya ang boses ng kaibigan.

“Dang it, dingleberry, ang aga-aga tumatawag ka---”

“Hindi ikaw ang tinawagan ko, gago, si Mavis ang tinatawagan ko,” putol niya kay Larkspur.

“Gago tignan mo nga yung name contact mo sakin, istorbo.” Inilayo naman ni Austin sa tenga ang phone niya saka niya namalayan na ‘Mavis’ bitch’ ang nakalagay. Rinig niya ang pagsapo ng kaibigan sa noo nito sa kabilang linya.

“Oh.” Was the only word he could say, he hung up his friend then contacted Mavis’ right number. After one ring he heard his friend’s voice again.

“My baby is sleeping what’s your problem this early morning?” he grunted irritably.

“Hindi niya pa rin kinakain ‘yung hinanda kong pagkain. She’s been awake for 2 hours and she is pretty jaded. I’m worried, dingleberry, “ sabi niya sa kaibigan na tila nagmamaktol na bata.

He heard his friend’s exasperated sigh. “My wife said that we must treat her as a friend and not as a threat. Go to her and at least make her feel better.”

“B-But what if I make it even worse? Baka mas lalong lumayo loob niya sa’kin.”

He doesn’t know what happened in the other line, seconds later he is now talking to Mavis. He heard her footsteps and the closing of the door.

“Let’s just have patience with her, lilipas ang panahon at mawawala na sa isip niya ang nakaraan na nagde-depina sa puso niya. We’ll not give up on her, okay?” Hindi na nadinig ni Austin ang mga yabag nito at saka niya nakita sa monitor na nasa tapat na ng kwarto na inookupa ng dalaga si Mavis.

“Wala sa plano ko na abandonahin at iwan siya.” May pinalidad sa pananalita ng binata.

“That’s great, mukhang nakikita ko na ang kahihinatnan ng mga ginagawa natin,” nasisiyahang bulong nito bago nagpaalam na papasok na sa kwarto ng dalaga.

Nang ibaling niya ang tingin sa monitor napalitan ng paga-alala ang mukha ni Austin.

Fauzia’s hands are on her head, she was having a hard time breathing again.

FAUZIA feels like dying, her heartbeat is not normal that it suffocates her. Her sweats are cold, numerous thoughts popped in her head and it’s slowly making her weak, no use even if she breathes in and out normally to make herself calm. It’s unremitting.

She keeps washing her face up to her hair, this is the worst thing that she’ll ever experience in her life aside from nightmare, the suffering she had experienced etched her whole.

She would rather get shot on the head than to not be able to breathe painlessly. At least if she got shot it will only make her shock, this excruciating pain is making her soul suffer to death.

Sa sobrang pananakip ng dibdib niya nahihilo na siya at gusto niya na lang mawalan ng malay bigla pero kung iyon naman ang mangyayari magigising lang siya ulit at hinahabol na niya ang kaniyang hininga dahil sa takot.

Pati sa pagtulog ipinagkakait sakaniya.

Kahit saan siya lumugar wala siyang kawala.

“Oh my God. Austin I know you can hear me please bring me a lemon this instant.” Sa sobrang sakit ng nadarama napapayuko at napapatingala na lang si Fauzia, hindi niya na nagawang pansinin ang kapaligiran niya.

She senses someone’s hand that is caressing her back, that simple touch made her dizziness decreased. “It’s okay, you’ll overcome it, okay? Everything will be just fine there will be an end to your suffering. You can do this we’re here,” she said with gentleness in her voice.

“Here! I already cut it---”

“Aust, don’t panic. Huwag kang sumabay, bilisan mo.”

She can’t hear her surroundings, all she can hear is the ringing in her ears, Fauzia bang her head on the wall to ease the pain. “Stop banging your head sweetie, take a bite.”

Nararamdaman niya na lang na may nagbuka sa kaniyang bibig, may isinubo sa kaniya ito.

Marahang nginuya ni Fauzia ito hanggang sa malasahan niya ang maasim nitong lasa, kahit papaano gumaan na ang kaniyang paghinga at nabaling na ang atensyon niya sa kinakain.

Hindi alintana kay Fauzia ang lasa nito, mga ilang minuto pa ay gumagaan na ang pakiramdam niya at maayos na ang lagay habang nakapikit parin ang mga mata para bumawi sa kaniyang paghinga.

“Para saan ang dayap?” tanong ni Austin kay Mavis.

“Matapang ang lasa ng lemon, iyon ang ginagamit ko noon para tumigil ang panic attacks ko,” nakangiting paliwanag ni Mavis, inayos na niya ang upo ng dalaga na nakapikit parin ang mata.

“Ano naman nagagawa niyan para tumigil ang pagpanic?” tanong muli ni Austin at akmang lalapitan ang dalaga nang patigilin siya ni Mavis.

“Diyan ka lang muna.” Pigil niya dito. “Sa tapang kase ng lemon mababaling ang atensiyon doon, marami kasing pumapasok sa isipan ng mga may panic attacks at iyon ang kailangan nila, ang mawala ang atensiyon doon sa pumapasok sa isipan nila para kumalma,” salaysay nito.

Pinanood ni Austin si Mavis na asikasuhin si Fauzia, pinupunasan nito ang namuong pawis hanggang sa minulat na ang mata ng dalaga na sakaniya agad dumapo ang mga mata nito.

Napaatras si Austin dahil sumiklab ang takot sa mga mata nito, naging alerto naman si Mavis at ihinarang ang ulo para di siya makita nito. May kinuha itong panyo sa bulsa saka isinuot ito sa ulo ng dalaga para takpan ang kaniyang mga mata.

“Austin magsalita ka nga,” utos sakaniya ni Mavis nang matapos itali ang panyo.

“Ha? Ano sabihin ko?” tanong pa nito pero hindi na siya sinagot ng huli.

“Does hearing that guy’s voice frightened you?” Dumiin ang pagkakasara ng labi ni Fauzia sa tanong sakaniya. “Austin try saying something else.”

Tumayo siya ng ayos. “Ahm, okay…” hindi niya alam ang sasabihin kaya nagpakilala na lamang siya tutal hindi naman siya kilala ng dalaga. “I am Austin Devereux Sevilla, I’m the best of the best in battlefield here in SJ.” Sinamaan siya ng tingin ni Mavis sa sinabi. “What? Nasa SJ naman tayo at malaya akong magsalita ng gano’n ng walang takot.” Napapakamot na aniya.

Napailing nalang si Mavis bago ito bumaling kay Fauzia na walang kibo parin. “Would you rather see him or stick with that blindfold? ” tanong nito dito at sa wakas sumagot na ang dalaga.

“A-Ahm.” Tumikhim ang dalaga, may namuo na sa lalamunan nito sa tagal na hindi nakapagsalita. “E-Even if I can’t s-see, the t-thought of it still h-haunts me.” May takot parin sa boses nito pero hindi na katulad noon na halos pandirihan na siya nito nang makita.

“The thought that we might hurt you?” tanong ni Austin nang hindi nagsalita si Fauzia nagpatuloy siya. “I know you are having a hard time trusting us but we won’t do any inhumane to you.”

“Austin! Don’t talk like that.” May pasigaw pero hindi kalakasang saway ni Mavis sa bulgar na pagsasalita nito. “Fauzia, sweetie. Is it okay if you stay like this for a while? Saan ka ba mas komportable?” tanong niya dito habang sinusuklay ang mahabang buhok nito.

“I c-can live with this.” Her tone was somehow anxious, the way she spoke it was a bit louder compared to her quiet voice earlier.

“Is it okay if Austin feed you?” tanong dito ni Mavis na hindi naman kinibuan ng dalaga.

“Uunti-untiin natin ito hanggang sa mapabuti na ang kalooban mo, wala nang takot dito…” tinuro ni mavis ang sentido niya bago ang dibdib. “…at dito.”

“You’ll lose your patience if you help me,” mahinang tugon nito.

“We are willing to be with you, no matter how long you’ll cope. So let me feed you to build your strength back.” Lumapit na at umupo na sa kama si Austin sa harapan niya.

Hindi na nagreak ang dalaga at hinayaan niya na lamang.

Bago pa man tuluyang maka-alis si Mavis tinapunan niya muna ito ng masayang tingin saka walang ingay na isinara ang pinto.

Nang lingunin niya si Fauzia napansin niyang pigil ang paghinga nito. “Hey, let that breath out. You’re safe here, okay?” Umangat ang labi niya nang kumawala nga ito ng paghinga.

“What’s the use of this blindfold?” mahinang tanong nito na ikinangiti niya. Mas maayos ang dalaga kumpara sa nakikita siya nito.

Mas maganda nang makakausap niya si Fauzia ng malapitan kahit hindi siya nakikita nito.

“To lessen your fear?” patanong niya ring sagot, tumayo na siya para lumabas saglit para initin muli ang hinanda niyang curry udon sa dalaga na kanina pa lumamig. “I’ll come back, you can take off the blindfold, kakatok ako kapag papasok na ako iinitin ko lang ang umagahan mo.”

Hindi na siya sinagot ng dalaga kaya isinara na niya ang pinto, bumaba na siya sa kusina para i-microwave ang pagkain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status