Share

Kapitulo 7

NADATNAN niya si Larkspur doon na naglilinis ng pinaggamitang pot habang sila Lazzini at Helios ay walang kibuang kumakain ng vanilla custard cream donut na gawa ni Larkspur.

Dumeretsyo siya sa pakay niya saka ipinasok ang bowl sa microwave, hinintay niyang matapos initin ito. “Good morning mga dingleberries,” bati niya sa mga ito ng hindi man lang siya pinansin.

“Ugh, that endearment is disgustingly iconic sino nga ulit ang nagsimula niyan?” nilingon siya ni Lennon na narinig pala siya kahit nasa malayo. Katabi niya si Efron at Lysandros na naglalaro sa x-box nila.

“Well, Anthony was the mastermind,” sagot ni Lazzini.

“Kagigising ko lang narinig ko kaagad ang gwapo kong pangalan? What’s up?” Napatingala sila sa boses na nagmumula sa hagdanan nilang nakakahilo dahil sa pabilog ito at mataas.

“That ‘dingleberry’ thingy again,” sagot ni Lysandros habang tutok pa rin ang tingin sa malaking monitor.

“That shit was 10 years ago hindi pa rin kayo makamove on?” naiiling na sabi ni Helios na tumatakbo sa sink dahil naputukan sa mukha nito ang cream na nanggaling sa kinakain nitong donut.

“Gago mas marami pa ‘yung cream kaysa sa tinapay Lark!” reklamo habang hinihilamos ang mukha.

Hinanap niya ang basahan na nakasamay sa pintuan ng refrigerator nila pero wala siyang nakapa, nilalabhan na ito siguro ngayon ni Divine, narinig niyang nasa laundry area ito kanina.

“Here.” Abot ni Lazzini ng panyo kay Helios na agad namang tinggap nito para punasan ang mukha.

Minsan naiisip niyang parang may mali sa dalawa niyang kaibigan, ramdam niyang iwas ang parehas na parang hindi rin dahil kung titignan parang maayos ang kanilang samahan.

Naitanong na din nila iyon minsan kay Lazzini at Helios pero ang sagot lamang nito ay wala silang problema kahit na napapaghalataan na. Pinagsawalangbahala na lang nila ang dalawa, baka may nangyari sa pagitan nila at nirerespeto nilang lahat ito.

“Pasalamat ka pinapakain kita dito sa pamamahay na ito tangina ka.” Biglang kinuha ni Lark ang panyo na binigay ni Lazzini kay Helios para punasan ang kamay nito saka ibinalik kay Lazzini muli.

“Lark, lahat naman tayo pinapakain ang isa’t isa wag kang hugas kamay.” Biglang sulpot ni Lawrence saka umakbay kay Lennon na umiinom ng tubig sa tabi.

Nandidiring lumayo naman si Lennon kay Lawrence.

Hindi nakatakas ang pagawa dito ni Austin, nakahubad-baro kasi si Lawrence. “Panic gay.” Naiiling na tukso niya kay Lennon.

“Ano? Panic gay? May asawa at anak ako, gago.” Inangatan ni Lennon ng kaniyang gitnang daliri si Lawrence.

Napalingon siya sa microwave nang tumunog ang timer. Kinuha niya na ito at babalik na sana siya sa kwarto nang humarang sila Efron, Anthony at Lysandros sa dinadaanan niya.

Naka linya ang mga ito na parang tren habang tumatakbo at sumisigaw ng pagkapanalo. Nag-isang linya ang labi niya, ang aga-aga nang bubulabog sila.

Nang makalampas na ang tatlo saka na niya sinimulang umakyat sa taas para ihatid ang pagkain ng dalaga.

Kumatok muna siya dito na nagpapaalam ng presensiya niya, pagpasok niya nakatakip pa rin ang mga mata nito at nakahiga.

Lumapit na siya dito, umupo siya hindi kalayuan sa tabi ng dalaga na umayos na rin ng upo.

Ihinipan ni Austin ang noodles at iniumang ito sa dalaga, para maiwasang tumulo ang sabaw nito inalalayan niya ang baba ni Fauzia gamit ang kaliwang kamay niya. Sa hindi inaasahang pangyayari umurong sakaniya ang dalaga na ikinagulat niya.

She was coughing while holding her neck, as if someone is choking her.

“Hey, sorry did I do something wrong? Mainit pa rin ba?” he panicked, akmang lalapit siya ng pigilan siya ng dalaga. Inuubo pa rin siya.

“Wait, n-no touching p-please,” pakiusap nito sa nahihirapan boses.

It was just a single touch but it frightened her.

“Sorry, I don’t know. Are you calm now? May masakit pa ba?”

Umiling ang dalaga kaya ipinagpatuloy niya na itong pakainin, iniiwasang mahawakan ito sa kahit saang parte ng katawan.

Austin can’t stop smiling while he feeds her, he can see that Fauzia likes the curry udon he made for her.

Out of the blue, a thought popped out of his head that made him down. “Is it okay if I ask you something?”

Sandaling tumigil ngumuya si Fauzia, kita ni Austin ang mabagal na paglunok nito. Naga-alangan pa ito pero tumango rin kapagkuwan. “Okay, I’ll try.”

“Do they choke you when you’re eating?” Natigilan si Fauzia sa tanong niya na agad naman niyang binawi. “Sorry I asked, you don’t have to answer that,” paumanhin niya.

Napapikit siya sa inis nang hindi na muling gumalaw ang dalaga.

Akala niya wala na itong balak magsalita man lang o gumalaw, maya-maya lang ay nakita niya ang marahang pagtango ng dalaga at kahit pa may panyong nakatakip sa mga mata nito may kumakawalang luha dito.

Mahinang napamura si Austin at akmang pupunasan ang luha niya ng agad na pumasok sa isipan niya na baka mapaigtad ulit ang dalaga.

He’ll asked her first to make sure, mahirap na baka matakot ulit ang dalaga sa maling galaw niya.

“Can I wipe your tears?”

Dahil sa tanong niya, natauhan siya at nagkukumahog pang pinunasan ang basang pisngi.

“How did you know?” her voice was at the edge of breaking.

“I deduced, you would not react like that if they didn’t---” he paused. “---you know what? I’ll keep my mouth shut, I might say something that’s not good for you to hear. I’m shutting my mouth now.” He moved his fingers to zipped his mouth.

Mabuti nang manahimik, alam niyang bulgar at hindi nagi-isip ang kaniyang pagkatao, hindi marunong lumugar ang bibig niya at hindi pa marunong makinig.

Hindi na kumibo pa si Fauzia at hindi na nito natapos ang pagkain, nagsisisi na siya kung bakit nagtanong pa siya. Minsan naiinis na siya sa mga lumalabas sa bibig niya, hindi ito umaayon sa sitwasyon.

He was silently punching his head when Larkspur suddenly entered that made him stop, he looked at him confused. “What are you doing, dingleberry?” usisa sakaniya nito.

Napakunot ang noo niya. “Ikaw, bakit ka nandito sa kwarto ko?” tanong nito pabalik.

“Inutusan ako ni Mavis na ibigay ‘to kay Fauzia.” Inilabas ni Larkspur ang isang bowl ng donut na gawa niya.

Lumakad siya papalapit dito para kunin na sana ang donut nang ilayo nito ito sakaniya para bumulong. “What kind of tangina happened to you?”

“I asked the most tangina question to her,” dismayang sagot niya sa kaibigan.

“Oh, that tangina.” Hinawakan ni Lark sa balikat ang kaibigan, dama pa nito ang pagpikit at pagtango. “I understand, we make mistakes sometimes but you’re fucked up for not thinking before you speak.” Itinapik niya ang pisngi ni Austin, inabot na ang donut at umalis.

Nadatnan niyang nakajiga na sa kama ang dalaga, itinabi niya na lang ang donut saka siya umalis para dumiretsyo sa kaniyang opisina.

“Drink the glass of water on the side table, kapag matutulog ka hindi ka na babangungutin,” sabi niya gamit ang intercom bilang paalala.

Nangingiting pinanood muna saglit ni Austin ang dalagang mabilis na naubos ang donut, sarap na sarap ito at kita niya kung gaano kagutom ito. Wala na itong suot na panyo at kita niya ang paglibot ng paningin nito sa kwarto niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status