Share

Kapitulo 9

HINDI na nagawang alamin ni Austin kung gaano katagal ang kaniyang tulog, basta na lang siyang ginising ni Lysandros at hinila papunta sa second-floor ng mansion.

“Fuck you, Ly, you didn’t even ask me if I already had eaten!” he abrasively yelled.

Muntik pang matalisod si Austin dahil hindi niya nakita ang hagdanan at ang masakit pa dito dahil nakapaa siya ang hinliliit sa paa nito ang natamaan.

Napaupo siya sa sakit habang hinimas ang paa bago masamang tumingin kay Lysandros.

“Not my fault, don’t be tanga-tanga next time okay?” he mocked as he patted his head. “Don’t worry, makakakain ka naman huwag ka nang makulit.” Pinatayo na siya ni Lysandros, nakaakbay na silang pumunta sa taas.

Pagpasok sa gaming room nila bumungad sakaniya si Anthony, tinutukan siya nito sa lalamunan ng nerf gun.

He looked at Anthony, annoyed. “Really? A nerf gun? You shot me on the throat with a nerf gun?!” he said out loud.

He didn’t have time to react when someone splashed him a water and when he saw Efron running away from him he chased him fast.

“I’m going to fucking kill you, dingleberry!”

Efron jumped and hopped on their couch as Austin chased him. “Come here this instant---” Everyone laughed at him when he slipped on the floor with a puddle of water.

He is now angry this time, he got up and saw his shirt soaking wet. Pinasadahan niya ng matalim na tingin ang mga kaibigan niyang hindi parin tumitigil sa kakatawa.

Nang nakita niya sa paanan niya ang water gun agad niya itong dinampot para pagbarilin ng tubig ang mga kaibigan na nakasaksi ng kamalian niya sa buhay.

“Fudge!” Lennon ran out of the room.

“Hey! Stop messing up our gaming room!” Sigaw sakaniya ni Lawrence na sinasalag ang tubig na tumatama sa mukha niya.

When the gun runs out of water he throws it away at Efron’s head. “Headshot!” nagagalak niyang tinapunan ng pamatay niyang gitnang daliri si Efron na ngayon ay umuusok na ang ilong.

“We should clean this mess, may laro pa tayong gagawin.” Sumangayon naman silang lahat kay Helios.

Tulong-tulong na silang linisin ang kalat pagkatapos tupiin ang kanilang foldable couch. Si Helios, Lazzini at Larkspur ang nagmop habang sila ni Lysandros at Lawrence ang nagpupunas sa pader na nabasa nila.

Lahat sila ay nakahubad dahil basa ang damit nila maliban kay Lennon na nandidiring nakatingin sakanila. “Stop being gay and help us!” Sigaw dito ni Anthony na abala na nagpupulot ng mga damit na hinubad nila kung saan-saan.

“Hindi ako bakla! Tamad lang ako,” nakahalukipkip nitong sigaw pabalik.

“Itong mga gagong ‘to nagsi-hubad agad,” naiiling na sabi ni Anthony saka lumabas dala ang mga basang damit nila.

Madali lang na nalinis nila ang kwarto, maliban sa couch nila wala nang sagabal doon. Ang kwartong iyon ang pinanggamitan nila kapag maga-activity game sila.

Napalingon sila kay Divine nang mag-aya na itong kumain ng pananghalian.

Sumunod na silang lahat, hindi na nakakapagtaka ang ingay nila sa hapag-kainan.

Abalang nakikinig si Austin sa mga kwento ng mga kaibigan hanggang sa nagambala siya ng katabi niya, inis na binalingan ni Austin si Lazzini na tulalang iniikot ang tinidor sa plato dahilan para magkalat ang pinagkainan nito.

Pinitik niya ito para kunin ang pansin niya. “Don’t play with your food.”

Umupo na siya ng tuwid saka kumain na ng maayos. Hindi na nag-abala pang tanungin ang problema ng kaibigan dahil hindi naman rin niya sasabihin ito sa kaniya.

Makaraan ng sampong minuto ang ingay nila kanina ay napalitan sa seryosong usapan matapos ng pagkain.

“If you ever spot Fauzia in this house please be careful,” paalala ni Mavis sakanila.

Nagtaas ng kamay si Lawrence dito para kunin ang atensiyon nito sa layo ng agwat ng upuan nila. “What do you mean? Para namang papatayin niya kami para mag-ingat,” he joked, he sounded like he’s saying ‘duh’ to Mavis.

Austin rolled his eyes at Lawrence. “What she means is be careful when you’re near and when you talk to her. Hindi natin alam ang tumatakbo sa isipan niya, baka mamali ka ng kilos,” he explained.

“Where is she by the way? Nasa kwarto mo ba siya?” napunta naman kay Lumiere ang tingin niya.

“Yep, tulog parin siya mula pa kaninang alas otso ng umaga.” Tumayo siya at dumukwang para kunin ang pitsel saka nagsalin ng tubig sa baso niya.

“What happened to her?” Shanoa innocently asked.

Tumikom ang bibig ng mga lalaki, they all know what really happened to her. While the girls---except Mavis and Divine---doesn’t know anything.

“Hell.” Was the only word he could say.

Kahit papaano naliwanagan ang mga kababaihan at hindi na nag-usisa pa, kung tutuusin higit pa sa impyerno para ilarawan ang nangyari sa dalaga.

Pagkatapos nilang ayusin ang pinagkainan pumunta na muli sa activity room ang mga kalalakihan, naiwan naman ang mga babae sa baba at nanood ng pelikula.

Isang linggo lamang sila mananatili dito sa mansion bago babalik na sila sa kanilang sariling mga bahay. Ang mga anak ng kaibigan niya ay nasa Playground House, napagusapan nilang magkakaibigan na sasamahan nila si Austin sa lagay ni Fauzia.

Nang makabalik na sa activity room bumungad ang napakaraming mga pagkain na nasa lamesa.

Nagtatanong na tumingin sakanila si Anthony at Efron.

“Saan naman galing ‘yang lamesa na yan?” tanong ni Anthony.

“Sino namili niyan?” pakikisabay sa tanong ni Efron kay Anthony.

Unang lumapit si Helios sa lamesa at tinignan ang mga nandoon, humarap na siya sakanila ang hawak nito. “Who the fuck buy this ranch?” may pandidiri sa mukha nito.

“My guys!” kuha pansin ni Lysandros sakanila. “We will try something new today kaya huwag na kayong mag-inarte. At least we can get to experience these babies.” Inangat niya ang ketchup at chocolate bago iwinagayway.

Napasapo sa noo nito si Larkspur. “Are we gonna die today?” may pagkaboryong sa tono ng pananalita nito.

“Did you get it in the storage room?” tanong ni Austin kay Lysandros.

“Nuh-uh, dingleberry.” Iminuwestra nito si Lennon. “L did.”

“Please bring this back in the storage room after this shit.” Bilin ni Austin kay Lennon pero hindi siya nito pinansin, abala ito sa pagkain ng chocolate.

“L! Huwag mong ubusin,” singhal ni Lawrence dito pero hindi ito pinansin ni Lennon kaya lumapit nalang siya dito para bawiin ang kinakain nito bago itinabi.

“So why are we still standing here? Explain the game then let’s get started.” Nakapameywang na si Lazzini kila Lysandros na may alam ng gagawin nila.

“Oh no, dingleberry. We are just warming up with these great foods right here.” Turo ni Lysandros sa mga pagkain.

Lennon rubbed both of his hands with anticipation. “Okay, what are we gonna do today?”

“We’ll try the weirdest food combination that people love!” Lawrence clapped his hand in excitement.

Sabay na napasapo sa noo si Larkspur at Austin. “Please tell me that we’re not gonna die on this shit, dingleberry.” He almost roughly begged, he loves food but not the experimental food!

Inakbayan siya ni Anthony bago kinindatan ito. “I’m sure we can take it if we have a strong tummy.” Tinapik nito ang tiyan niya.

“Let’s be careful so our tummy would not explode.” Dagdag niya saka na sila humarap lahat sa malaking table na puro pagkain na masasarap at may halong hindi masasarap ang nakapatong.

May kinuhang maliit na jar si Lennon, may naglalamang mga nakatuping papel ito. Inilapit niya sakanila isa-isa ito para magbunot.

Binuksan nila ito isa isa at ang nabunot ni Austin ay blanko habang ang iba niyang mga kaibigan ay may mga sulat na ‘better luck next time’. Parati nila itong ginagawa magkakaibigan, ngayon lang sila nagkaroon ng oras dahil abala na sila sa pamilya at trabaho.

“Yow! My paper is blank!” pagmamayabang niya sa mga kaibigan.

“What a lucky motherfucker.” Lumapit sa kaniya si Lennon para silipin ang papel niya. Naiiling ito. “After this food combination, we will do the ‘can’t say no’ game.”

Ngiting tagumpay si Austin ng dahil doon, marami siyang gagawin mamaya lalong lalo na kay Lennon. Natatawa nalang siya sa isip niya dahil nai-imahe na niya ang mangyayari mamaya.

“Okay! Let's start,” anunsiyo ni Larkspur.

“Wait, dingleberry, we don’t have plates, bowls and utensils go get some Ant!” sabi ni Lysandros na ikinainis nila.

“Seriously you planned this shit and you guys didn’t even think that we’ll use something to hold the food?!” inis na tanong ni Austin sa tatlong nagplano ng larong ito.

“It’s his fault tho.” Paninisi ni Lawrence kay Lysandros.

Tumatangong tinuro rin ni Lennon si Lysandros. “Yea, inutusan lang kami nito kaya hindi din namin alam,” dagdag pa nito.

“Screw you, Ly.” Lumakad na palabas si Austin bago hinila si Anthony palabas para kumuha ng mga gagamitin nila.

Napahinto si Austin nang madaanan nila ang kwarto niya, nagpaalam siya kay Anthony na sisilipin muna nito ang dalaga.

Pagbukas niya ng pinto maingat lamang siyang pumasok doon para tignan ang dalaga, mahimbing lang itong natutulog at wala na ang suot nitong panyo sa mata.

Hindi niya alam kung bakit abot tainga ang kaniyang ngiti habang pinagmamasdan ang dalagang may anghel na mukha.

“You look like a smitten puppy stop drooling.” Umakto pa itong pinupunasan ang bibig niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status