Share

Chasing 08

Chasing Dreams (Chapter 08)

Fria's POV

Kinuha ko ang aking alakansya na nakatago sa ilalim ng higaan ko.

Binuksan ko ito at binilang ang perang gagamitin ko next week. Masasabi kong sapat na ang perang dadalhin ko ngunit kukulang naman ako sa kakainin ko.

Napabuntong hininga lamang ako at dinukot ang cellphone ko mula sa bulsa. I open my DATA and click the facebook app. Hindi naman kalakihan at kamahalan ang cellphone ko tulad ng ibang estudyante sadyang nabili ko ito sa isang shop at mura lamang ito.

Nagulat ako ng biglang nag pop-up ang pangalan ni Sernity Luna sa Friend request. I accept her and also stalk her pictures. Well-marami siyang likers, hindi na natin maipagkakaila na meron talaga itong maipagmamalaki sa kanyang itsura dahil maganda talaga ito.

Senerenity's POV

"Achuuu~" sabay takip ng aking bunganga.

Fria's POV

Pagkatapos kong i-stalk ito at binalik ko sa Timeline at kumuha ng updates. Hindi ko rin kahiligan ang maggamit ng social media kung wala rin akong gagawin rito. Sadyang kailangan ko lang ng information about updates sa school or may ipapagawa ang Prof namin through GC.

Sa pag scroll ko ay biglang nag pop-up ang isang friend request na si Terrence ngunit hindi koi to pinansin. Bahala nga siya, akala niya hindi ko nakakalimutan yung sinabi nung biglaang audition kahit ako ay hindi makapaniwala roon.

Pinatay ko nalang ang cellphone ko at walang atubaling binasa ko na ang mga libro ko dahil nakakawalang gana ang mukha ng lalaking iyon.

Pumasok na ako sa school ng makita kong nagsisingil na pala sila tungkol doon sa babayarin next week.

"Fria," sabi ng Treasurer namin.

Ngumiti lamang ako rito pero deep inside ay gusto kong mag simangot dahil kakapasok ko pa nga ay bigla na akong sasabihan na babayad. Nag sign ako rito ng 'wait' kaya umupo na ako.

Sinundan ako nito hanggang sa makaupo ako ay still nakatayo pa rin ito at tila hinihintay ako nitong magbigay ako ng pera. No choice, nagbuntong hininga lamang ako at binuksan ko ang maliit kong pitaka at binigay ang pera sa kanya.

Ngumiti naman ito at nagpasalamat. Umalis na rin ito sa harapan ko saka ako nanlunmo. Kung hindi lang talaga ito Performance task ay hindi talaga ako sasali atsaka opportunity na rin ito dahil mas marami akong makikita ng iba't ibang halaman.

Napa-isip naman ako kung papaano madagdagan itong perang naipon ko. Siguro maghahanap na naman ako ng Part-time job kapag weekends. Ang hirap talaga kapag ganito ang buhay tipong mag-iisa ka lang sa buhay.

Tapos na rin ang klase at nagsisimula akong nag-iisip kung anong pwedeng pagkitaan. Hindi ko napansin ang daan na tinatahak ko ng biglang may nakabangga sa balikat ko. Natumba ako kaya paaray ako sa sakit.

"Aray," daing ko. Habang ang isang kapre ay nakatayo lamang tila pinagmamasdan ako nito. Tumayo ako ng sa sarili ko at nainis ako kung bakit hindi ako nito tinulongan.

Tila pinagmamasdan lamang ako nito, tiningnan ko ito ng masama at nag simulang maglakad ng paika-ika. Nakakainis ang mga taong ganon hindi naman marunong makiramdam, nakita na niya pero tuminganga lamang ito.

"Kainis~" daing bulong ko. Nagulat ako ng may humawak sa braso ko. Tiningnan ko iyon kung sino yon, laking gulat ko ay yung nakabangga sa akin kanina.

"Sorry for what I've deed," hinihingal pa nitong saad. Mabuti na rin iyon at humingi ito ng tawad. Tiningnan ko lamang ito.

"Hmm...I'm really sorry I've didn't expect you since your 'lutang' and also hmmm..." tila hindi na nito matapos ang sasabihin nito. Kahit ako ay hindi na rin makapagsalita at gusto kong matawa rin rito dahil mukha palang nito ay parang hindi sigurado.

"I'm lost..." humina ang boses nito kaya hindi ko mapigilang tumawa. Itsura nito ay tila nagtataka.

"Sorry, sorry. Saan ka pala pupunta?" tanong ko rito pagkatapos kong tumawa.

"I'm going to Deans Office of Forestry Department," sabi nito napatango-tango naman ako. So, may bagong student.

Tumingin ako kung nasaan na kami pero nakita kong nasa labas na kami.

"Kapag may makita kang stairs sa pinakadulo then sa tabi nito ay doon ang office nito," sabi ko dahil naroon naman sa pinakadulo.

Tumango-tango ito at sinabing "Salamat."

Ngumiti lang ako pabalik rito at nagpaalam na rin ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Biglang may humarang na kamay sa'kin.

Napatingin ako rito kung sino ito. Si serenity na may malaking ngisi sa mukha.

"FRIIIIIA! I MISS YOU~" sigaw nito sabay yakap. Humagolgol ito na parang bata. Kahapon nga nagkita kami tapos kung mag react ito parang timang.

Niyakap ko rin ito at ngumiwi. "Tahan na," kahit ako ay hindi ko alam kung anong pinanggagawa ko kahit ako ay nawi-weirdohan. Lagi ako nitong naabangan dahil nalaman kong nasa Fashion Designer Department ito.

"Ikaw ah! aalis ka na pala next week," nagtatampo nitong saad. Nagulat naman ako paano niya nalamang merong Tree Planting.

"Grabe ka naman sa aalis, magkaroon lang ng activity," sabi ko rito at kumalas ito sa pagkakayakap.

"Sama akoooo~" nag puppy eyes pa. Kung alam lang nito na namromroblema ako sa pagbayad.

"Kung pwede ang ibang Apartment why not diba? Pero sa kasamaang palad ay hindi pwede," sabi ko rito. Nanlumo ako kahit papaano ay magiging masaya ang pag stay ko roon.

"Sayang masyado uwaaaa~" umiyak na naman ito niyakap ako. Natawa na lang ako sa kanya hindi ko talaga alam kung ano ang tinatakbo ng utak nito o siguro may saltik lang talaga ito.

"Okay lang yan. Hindi ka talaga makakasama," pagbibiro ko rito. Humiwalay naman ito sa pagkakayakap at hindi makapaniwala. Natawa lang ako sa itsura nito.

"FRIA NAMAN EHHH!" tila nagtatampo ito.

"Sorry," paghingi ko ng paumanhi ko.

"Kahit na, so pwede mo na ako pasamahinn~" masayang sabi nito ngunit umiling lamang ako.

"Tampo na ako sayo," sabay talikod nito. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa ginagawa nito. Para itong bata dahil ang gusto nito ay laging makukuha o masusunod. Sabagay napansin ko ring wala ito masyadong pinapansin maliban sa akin.

Iniwan ko ito, hindi pa ako nakakalayo ay bigla kong narinig ang pagsigaw nito sa pangalan ko. Hindi ko na ito nilingon at pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Hindi nagtagal ay nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa braso ko.

"Ito hindi naman mabiro," sabi nito sabay lakad, tumingin ako ngunit ngumiwi lamang ako.

"Anong meron sa mukhang yan?" nagtataka nitong tanong.

"Problemado ako next week dahil nagastos ko yung ipon ko," pagsasabi ko rito ng biglang pinatigil ako sa paglalakad.

"I'll help you..." sabi nito.

"Wait-what?!" nagtataka kong saad rito. Ngumisi ito ng pagkalakilaki parang hindi ko gusto ang tumatakbo sa isip nito.

"Papautangin kita then I'll help you to find a job every weekends," ngising sabi nito. Nanlaki ang mata ko rito dahil sakto sa hinahanap ko.

"But in one condition..." nakangising sabi nito.

"What it is?" tanong ko rito. Sana naman ay hindi ang pagsama next week.

"Pasamahin mo ako next week," nakangising sabi nito. Na nagpalaglag sa bunganga ko. Indeed she's really insane.

To be continue...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status