Share

Game 02

Game 02
It's Just a Game (Chapter 02)

Irish’s POV

Sa pagtatapos kong kumain ng agahan ay napagpasyahan kong pumunta na sa school. Ilang oras nalang ay mag 7 o’clock na kaya sa paglabas ko ay ito na rin ang pamamaalam ko sa aking kuya na naglilinis ng kinain namin.

“Bye kuya!” sigaw ko mula sa pintuan. Napagpasyahan kong lumabas na at mag commute na lamang ng sagayon ay makakatipid ako sa pamasahe. Since ayaw kong mag-agrabyado na mag pahatid kay kuya dahil malate lamang ako kakahintay sa kanya.

NDIA

Pagdating ko roon ay dagsaan ng mga estudyanteng papasok ng Gate. Inobserbahan ko ang mga bawat kilos o ekspresyon nila. 

Ang iba ay masayang papasok, nakikipagchismisan sa kaibigan na para bang matagal na silang hindi nagkita, and iba naman ay nababagot katulad ko. Nagtungo ako sa Auditorium kung saan gaganapin ang Program ng First Day. 

Buntong hininga lamang ang aking ginawa sa pagpasok rito. Umupo ako sa likuran banda nang masigurong walang makakakita sa akin. Nag earphones ako habang nanonood ng Frozen. Maganda ang palabas na ito, ayaw kong mag spoil kaya hindi ko na sasabihin ang buong detalye ng Movie.

Papalapit na ako sa Climax ng marinig ko ang isang tinig. Sumunod ang mga hiyawan ng mga estudyante. Napatigil ako sa panonood at nabaling ang atensiyon ko sa harapan. Nagsimula na ang Prayer kaya lahat ng estudyante ay nagsitayuan. Tumayo na rin ako ng masiguro kong wala silang napansin nan aka-upo. Habang nagsisimula ang Dasal ay may naririnig akong murmur ng mga estudyate.

Sana ay hindi matulad ang ibang tao sa mga ginagawa ng mga kapwa kong estudyante. Kahit papaano ay dapat nating itong respetohin at manalangin ng taimtim sa kanya dahil pinaranas niya sa atin ang mundong ginawa niya. 

Maganda ang naturang kaanyuan ng kanyang ginawa ngunit ang mga taong ngayon ay nanaising masira iyon. Binaling ko na lamang ang aking sarili. Nakita ko na ring sinita ito sila ng mga SSG officers na taga bantay roon. 

Habang nagdadasal ako ay puno ng pasasalamat ang nais kong sabihin sa kanya dahil narito pa ako sa mundong ito ay nabubuhay pa. Humihingi na rin ako ng kapatawaran sa mga kasalanan na aking ginawa mula noon hanggang ngayon. Alam kong naririnig mo ito kaya umaasa ako sa iyo na hindi mo kami pababayaan kahit anuman ang mangyare.

Sa pagtatapos ng dasalan ay siya’y pag-upo namin muli. Dumarami ang ingay na nagmumula sa akin harapan na excited sila sa pasokan ngayon. Kabaliktaran naman sa akin dahil puno ng bagot ang aking nararamdaman ngayon. 

“Sana matapos na ito agad at nang makapanood na ako ng anime sa Apartment,” saad ko sa aking isipan. Ang totoo ay mas kinahuhumalingan ko ang panonood kesa makig sa Programa rito sa school. 

Hindi ko na alam kung bakit ako bagot na bagot rito, samantalang ang kapag nanonood ako para ng ayaw ko nang matulog.

“Let us welcome our School Director Mr. Garcia, a round of applause please,” saad ng emcee. Lumabas ang isang Gwapong nilalang na may katandaan na ang mukha ngunit nasa porma nitong ang ma awtoridad. Puno ng tilian sa loob nang gym.

Tumikhim ito saka natahimik ang lahat ng estudyante. Kahit ako napapatingin ako rito dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Kung naabutan ang kapanahunan niya siguro Ultimate crush ko na ito. 

Kahit matanda naman ito ay gwapo pa rin kaya isa na siya sa mga crushes ko.

Boses palang nito ramdam mona ang awtoridad habang nagsasalita ito. Lahat ng estudyante ay tahimik, ang iba ay humahanga sa taglay nitong ka-gwapuhan kasali rin ako. 

Napapatulala kami sa kanya. Sa pagtatapos nito ay lahat ay nasitayuan at meron pa itong confetti. “Magsigabong palakpakan naman jan Marista,” saad ng emcee. Lahat ay muling nagsigawan.  Napagdesisyonan kong mag cr dahil nangingiliti ang pantog ko.

“We have intermission number. Let us welcome THE BADDEST,” saad ng emcee. Rinig ko pa ang hiyawan ng mga kapwa ko mag-aaral. Nakapasok na ako sa cr kaya hindi ko na ito kung sino ang nag intermission.

Habang nasa loob ako nang cr ay pumasok na ako sa cubicle. Sa pagpasok sa rito ay nilabas ko ang dapat ilabas.  Kinikilig ako habang lumalabas ito. Kaya sa mga gustong mag jowa jan. Kung gusto niyo kiligin lagi kayong uminom ng maraming tubig pagkatapos nito ay mararamdaman niyo na nangingiliti ang pantog niyo.

Ilabas niyo siya pagkatapos maramdaman mo ang kilig. Ang isa naman ay kapag magbabawas kayo wag niyo nang patagalin kaya diretso nalabas na ng kiligin ka rin kahit wala kang jowa.

Sa pagtatapos ko umuhi ay lumabas na ako. Naghugas na ako ng kamay sa pagkakahugas ko ng kamay ay merong dalawang babae na merong makakapal na make-up sa mukha. Makita ako ng dalawa ay nasa mukha nila ang pandidiri sa akin.

Hindi na ako nagsalita ngunit pinagpatuloy ko ang paghugas. Narinig ko ang mga tawanan nila kaya napatingin ako rito. “May problem aka ba?” mataray nitong saad sa akin. Pinabayaan ko na lamang ito at hindi pinansin. Hindi ko inasahang may bumuhos ng tubig mula sa aking ulo.

“Oops! Sorry hindi ko sinasadya,” maarteng pagkakasaad nito. Nagulat ako sa kanilang ginawa. Sa pagsisimula ko pa lamang ay ganitong delubyo na ang darating.  Aakmang aalis na ako ng biglang hinawakan nang kasamahan nito ang aking braso.

“Hep-hep! Aalis kana?, do you want some play,” sinampal nito ako ng buod ng lakas maririnig mo ang tunog nito na isa rin ang pagkakatabingi ng aking mukha sa sampal nito.

“I didn’t do anything wrong kaya pakawalan niyo ako rito!” sigaw ko sa kanila ngunit kita ko sa kanilang mga mukha ang ngisi.

“Aba!, marunong ka nang magsalita. Eto bagay sayo!” napapikit ako ng akamang sasampalin ako nito. Ilang segundo ang lumipas ngunit wala pa rin.  Nakita kong may humawak sa kamay ng babae at pinigilan ng isang malap-ugat na kamay.

Napatingin ako sa dalawang babae na parang nakakita ng multo. Tumingin ako sa lalakeng may hawak sa kamay ng babae ay isa na rin akong kinabihan sa anyong ng lalake na puno ng lamig na parang walang pakealam ito sa kanyang paligid.

“Z-zayn!” sabay na saad ng dalawang babae. Ang puno ng kaba sa kanilang mukha ay napalitan ito ng kilig. Nagtaka ako kung bakit sila kinikilig rito samantalang nakakatakot naman ang anyo nito.

“Get lost,” lamig pa sa yelo ang boses nito. Sa sobrang gulat ng dalawang babae ay nagmamadali silang umalis. Aligaga sila na para bang kinikilig. Sa pag-alis nila ay namayani ang katahimikan sa amin.

“T-thank you,” pasasalamat ko rito sabay yuko ng aking ulo dahil sa kahihiyan. Parang isang japanese ang gesture ko ngayon. Ngunit wala akong narinig mula rito kaya inangat ko ang aking ulo na napansin kong taimtim itong nakatingin sa akin.

“Thanks,” pasasalamat ko rito.

Napatingin ako sa aking sarili dahil basa na ang uniform ko. Tumingin ito saka biglang umalis. Nagtaka ako rito ngunit hinayahaan ko na lamang ito.  Napabuntong hininga ako sa aking sarili at napatanong kung anong meron bakit malapit akong kamuhian ng ibang tao.

Wala naman akong ginawa sakanila ngunit inaaway nila ako ng walang dahilan. Bakit ang kikitid ng mga ulo nila.  Napatingin ako sa salamin ng cr at napapa-isip sa mga bagay-bagay tungkol sa sarili ko.

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ay biglang pumasok muli ang lalakeng tumulong sa akin at may binigay itong paper bag. Hindi ko na tatanggapin ito ngunit kinuha nito ang aking kamay saka binigay nito sa akin.

“Change,” malamig nitong saad. Hindi na ako makapag react sa kanyang sinabi. Dali-dali akong pumunta sa cubicle at nagpalit ng damit. Sa pagtatapos kong pumalit ay lumabas na ako ngunit wala na akong nadatnan na isang tao.

Gusto kong magpasalamat rito ngunit nawala na ito. Kahit alam ko ang kanyang pangalan ngunit hindi ko naman ito kilala.

Nakakapanghinayang naman pero marami pang panahon o oras na makikita ko rin ang lalaking iyon nang makapagpasalamat ako rito.
Napagpasyahan ko nang bumalik at manood muli. 

Ngunit sa may pinakadulo lamang ako manonood ng sagayon ay makaka-uwi ako agad. Kapag maipakita na kung saang section ka mailalagay ay maari ka nang umuwi.

Itutuloy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status