Share

Game 04

Game 04

It's Just a Game (Chapter 04)

Third Person's POV

Sa pagtingin ni Irish sa kanyang likuran ay gulat ang kanyang reaction. Hindi niyang inaasahan na makikita niya muli ang lalaking na nasa gilid ng mga lalakihang nagtatawanan Sa pagtingin ni Irish sa kanyang likuran ay gulat ang kanyang reaction. Hindi niyang inaasahan na makikita niya muli ang lalaking na nasa gilid ng mga lalakihang nagtatawanan.

"Zayn," bulong ni Irish.

Nagtaka naman ang mga kalalakihan sa humarang sa kanilang daan. Kaya napakoono't ng noo ang kanilang leader na si Tristan.

"Get out of our way," sigaw ni Tristan kaya nagulat ang babae at umurong ito sa kanyang pwesto.

"So-sorry," saad ng babae na nakayuko.

"Pathetic," saad naman ni Tristan at pumunta na ito sa kanilang pwesto. 
Napasinghap naman si Irish sa sinabi ng kanilang ng lalake sa harapan. Napako lang ang kanyang tingin sa lalaking nasa pinaka gilid nito.

Inaaalala nito ang pagtulong rito, gusto nitong magpasalamt ngunit nahihiya siya.

"How can i thank him." napapa-isip si irish kung anong maganda ireregalo bilang pasasalamat rito. Humanga rin si Irish kay Zayn dahil sa pinakita nitong magandang kabutihan sa kanya.

Hindi nya alam ang kanyang gagawin o wala pasiyang kaya buntong hininga na lamang ito. Tumungo ito sa Counter upang piliin ang kayang bibilhin. Sa pag hihintay nito sa pila ay hinihintay niya ang kanyang oorderin. Sumulyap ito sa mga grupo ng kalalakihan at pinagmamasdan si Zayn.

Kapag napapatingin ito sa gawi niya ay binabalik ang atensyon sa harapan. Pagkatapos ng ilang minuto ay titingin muli. Napansin ng isa sa grupo ng mga kalalakihan ay napapatingin ito sa gawi ng isang babae mula counter.

"Hey guys, school sucks. Walang thrill sa buhay," saad ng isang kaibigan nila na si Harry.

"Sinabi mo pa," pag sangayon ni Clark.

"Hook-up some girls like you always do," saad naman ni Zach. Ang iba naman ay tahimik lamang sa sinasabi ng tatlo.

"What if magkakaroon tayo ng Game. So that ang buhay natin here in school ay hindi boring," tass kilay saad ni Harry.

"Ano ka bata?" saad naman ni Tristan.

"NO, it's not a kid's play. It's an adult's game," nakangising saad ni Harry.

"I'm in," saad ni Zach.

"Also me," saad ni Clark.

"Zayn are you going to join?" saad ni Harry rito. Ngunit umiling lamang ito.

"Kahit kailan ito ang KJ," saad ni Clark sinamaan ni Zayn ng tingin ito.

"Tristan are you willing to join?" ngising saad ni Harry.

"Oh, fucking yeah!" ngising saad ni Tristan.

Irish's POV

"Ehemm," saad ng babae sa counter. Napatingin ako rito na may gulat sa aking mukha. Hindi ko akalaing na ako ang susunod.

"Hehehehe sorry po," nakangiwi kong saad rito.

"What's your order?" mataray nitong saad. Napakamot na lamang ako sa hindi inaasahang Spokening Dollars pala si Ate.

"Hmm, Value meal please and a mineral bottle," sa pagkakasabi nito ay kusa na itong gumalaw upang kunin ang aking order.

"150 pesos," mataray nitong saad. Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Value meal lang umabot 130 pesos tapos ang tubig 20 pesos. Kinuha ko ang wallet ko saking bulsa at kinuha ang 150 pesos.

"Sana pala hindi na ako bumili rito!" bulong ko.

"What did you say?" mataray nitong saad.

"Ah..no I didn't say anything your just having hallucination," saad ko rito.

"tsk," she roll her eyes at me. Just wow ang taray ni ateng tindera at spokening dollars.

Hindi sa inaaway siya pero mabuti na rin nga na dito na aasign magpatinda. Hindi katulad in public schools na grabe kagulo ng mga estudyante. Grabe ang siksikan.

Here in NDIA lahat ay organize but you still needto wait for your bibilhin. Wag man ding echosera na gusto mo pagpasok mo palang ay may pagkain na or sa pag order mo palang naka serve na.

"Thank you." sabay bigay ng pagkain. Wala na ring sukli dahil exact 150 pesos ang ibinigay ko. Sa pag-alis ko ay muli akong sumulyap kay Zayn ngunit sa pagtingin ko ay wala na siya sa kanyang pwesto.

Lumalakad ako ng hindi inaasahang pangyayare. Nadulas ako sa isang mabasang floor. Ang kinainan ko ay sumali na ring nahulog. Sa pagkakatumba ko ay lahat ng tao ay naririnig ko ang kanilang tawanan.

"What the fuck!" rinig kong mura. pagmulat ko ng aking mata ay para bang nabasag ang aking eyeglass na suot-suot. Naging malabo ang right side nang paningin ko.

"Ayaw ko na sa earth," saad ko sa aking sarili. May humawak sa'king braso at pintayo ako.

"Hey, you nerdy what have you done to my shirt!" isang baritong boses na galit. Na patingin ako rito. Gulat muli ang aking reaksyon muli. Lahat ng tao ay natahimik rin dahil sa eksenang ginawa naming.

"Sorry, I'll just pay for your shirt," mahina kong pagkakasabi rito.

"You know how much it cost? Hindi siguro mababayad ng buhay mo ito." Aakmang aalisin ko ang aking kamay ngunit mas lalo nitong hinigpitan.

"Ouch, It hurts" saad ko rito. Wala rin itong pakealam kaya dinidiin pa nito.

"You'll pay for this," bulong nito sakin. Binitawan na rin nito ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Bintawan nito ang aking braso. Ang sakit talaga ang pagkakahawak nito sa'kin. Tumalikod na rin ito at umalis. Nasayangan ako sa nabili kong pagkain. Kawawa naman yung pera na ginastos ko at hindi rin naambag ng tiyan ko.

Pinupulot ko ang mga kalat na naitapon, syempre yung chicken talaga buong buo pa. If i see a cat roaming around sa school na ito. Ipapakain ko nalang. Habang isa-isa kong pinupulot ang ibang tao ay tinatawanan ako.

"That's gross haha," saad ni Amanda. Isa sa campus bitch dito sa school, like a mean girl. Hinayaan ko nalang sila. Wala naman din akong laban sa kanila dahil malalakas sila. Anong laban ko kung ganito tao lang ako.

"Can i help you?" mahinang saad nito. Pag angat ko ay nagpagulat sa'kin.

"Y-yeah," I'm really shock for what she said. Napatingin rin ako sa paligid lahat na ay mukhang nagulat rin sa kanilang reaction. Kahit ako ay hindi ko alam ang gagawin.

"Christine the badass girl in campus~" bulong ko. Pag squat nito ay tinulongan akong pulutin yung mga kanin na nahulog. Napatingin lang ako rito.

"Ganyan na ba talaga ako ka ganda hahaha," saad nito. Hanggan ngayon star stuck pa rin ako sa kanya. Parang bumalik ako sa sarili ko. Pikit mata ako ay nagsimula na rin akong tumulong.

Sa pagtatapos ay nagpasalamat ako rito. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na ipakilala ko ang aking sarili. Natawa naman ito pero ayos lang sa kanya.

Kaya ako nito tinulongan para ipakain sa mga alaga niyang pusa na nahanap rito sa school.

Karamihan sa mga estudyante ay nagulat sa kanilang nasaksihan kaya habang kasama ko si Christine ay bulong-bulongan ang aking nakikita.

Itutuloy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status