Share

Game 07

Game 07

It's Just a Game (Chapter 07)

Irish's POV

Continuation of Flashback

"Ano ba bitawan mo ako!" inis kong saad rito kaya tinadyakan ko ang paa nito. Rinig kong napamura ito sa sakit ngunit wala ako pakealam mabuti nga sa kanya.

"How.Dare.You.Woman." pagdidiin nito sa kanyang sinabi. 

"How dare you also alam mo bang..." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hinalikan ako nito sa labi. 

"Pre, wala dito," rinig kong saad ngunit hindi ako makapaniwala sa nangyare like My first kiss was taken by him. Tumigil ang oras─lahat ng bagay parang huminto. Hindi ko inakalang may ganitong mangyayare, bumalik bigla sa realidad. Biglang nasampal ko ito wala sa oras.

"How.Dare.You." mangiyak iyak kong saad rito.

"I'm sorry," mahina nitong saad. 

Naiinis ako sa sinabi nito alam niyang valuable ang first kiss ko bigla nalang nito kinuha. Hindi ako katulad ng ibang tao na okay lang kung sino ang kahalikan ko. May respeto ako sa sarili ko at ibibigay ko ang first kiss ko sa taong tingin ko ay karapat dapat para sa akin pero ngayon nawalan na dahil sa kinuha ng ungas na ito.

Umalis nalang ako sa sobrang inis hindi ko kinaya ang kanyang ginawa. Mas lalo niyang dinadagdagan ang mga kasalanan nito sa akin. Una ang pagmamaga ng wrist ko, Pangalawa naman ito pero mas malala ito.

"Hey, I just want to apologize but hindi sa ginanitong sitwasyon," paglalahad nito ngunit umalis na rin ako. Hindi ko na kailagan pakinggan ang mga sinasabi nito basta ang importante ay masama talaga ang loob ko rito.

"I hope you could forgive me," he said. I didn't bother to look at him, basta tumuloy nalang ako sa cr at umihi na.

Sa paglabas ko ay naghugas na ako ng kamay ng may biglang pumasok na dalawang babaeng nagtatawanan.

"Did you know na may rumor na kumakalat na may paglalaruan sila Tristan ngayon," maarteng saad ng babae ngunit pinagpatuloy ko ang paghugas ng aking kamay.

"Yeah, kawawa naman yung girl. Matulad nanaman siya kay Amanda," saad ng kasama nito. Umalis na rin ako agad roon at bumalik na sa room.

End of Flashback

Ayon nga gumagawa ng paraan ngayon si Tristan na humingi ng tawad sa akin. Actually napatawad ko naman ito ngunit ayon hindi pa rin tumitigil. Hindi ko alam kung bakit napapatiisan pa rin ako nito but honestly speaking mabait naman ito. Maangas nga lang.

"I think sa pagtitig mo palang matutunaw na ako," nakangisi nitong saad. Umirap nalang ako at umalis sa kusina.

"Ang gwapo ko naman," natatawa nitong saad. 

"The hell i care, men!" sigaw ko rito tumungo na ako sa sala upang manood na ng Anime sa Animax. Ang palabas ngayon ay HunterxHunter, since asawa ko rin si killua kaya naman tatapusin ko ito at hayaan ang lalaking iyon.

Favorite anime ko rin ito actually. I'm an anime lover but not an otaku. Know the difference?─ I guess not. I explain it (in my opinion) kapag isa kang otaku ay grabe ang addiction mo sa anime. Like halos lahat dapat mapapanood mo. Sasali ka rin sa mga Cosplays or any other events na may kinalaman sa Anime. Anime lover is the word itself lover it means mahal nila ang Anime but not typical na addicted ka rito. Also pili lang din ang mga papanoorin mo yung kuha lang ng panglasa mo. That's my opinion about Otaku and Anime lover.
(Mga fans jan, wag ma triggered sa'kin. It's a fact for me! Hindi ko alam kung legit ba or hindi correct me if I'm wrong.)

Hindi ko namalayan ang oras. Commercial na saka ako naalala na may lalaking nagluluto pala. Sa pagbabalik ko sa kusina ay nakahanda na ang mga pagkain, pati ang mga binili nito ay nakahanda na rin.

Hinanap ko kung na saan ang lalaking iyon, ba't biglang nawala ito. Nagulat nalang ako ng lumabas ito galling banyo. 

"Sorry, if i use your cr," pagpapaumanhin nito. Biglang nag pop-up sa'kin ang pagsampay ko sa mga undies ko na ikinapula ng mukha ko.

"TRISTAN!" sigaw ko sa kanya sabay pasok sa cr. Nahihiya na talaga ako rito. Dali-dali ko kinuha ang mga undies ko.

"Oh! Sorry it's not my intention but-really! Strawberry," natatawa nitong saad pati na rin ang mukha ko ay namumula sa inis.

"Che!" sabay punta sa aking kwarto doon ko na lamang isasampay ang aking mga undies. Nakakainis talaga swear. Tahimik akong bumalik sa kusina. Nakita kong umupo na ito. 

"Walang hiyang lalaking ito," saad ko sa aking isipan. 

"I didn't meant to see your underwears," defensive ang mokong.

"Just eat okay," inis ko saad rito.

Umupo na rin ako at nagsimulang magpasalamat sa taong bumibigay nang biyaya sa pang araw-araw ko. Sa pagtatapos ko ay nagsimula na rin akong kumain. Nakita kong natigilan ang mokong sa kanyang ginawa.

"What?!" pagtataray ko rito. Hindi ko naman niya kasalanan actually dahil may kasalanan rin ako.

"Nothing," saad nito. Nagpatuloy na rin ito sa pagkain. 

"Sorry," saad ko rito. "Sadyang oa lang talaga ako, alam mo na nakakahiya rin kasing makita mo ang underwear ko since you're a boy─ actually a man na. Hindi rin talaga ako mag react if you know you're a girl also," pagpapaliwanag ko rito.

"No, I should be the one who'll say sorry kasi hindi ako nagpaalam sayo nagagamitin ko ang banyo mo," saad nito.

"Hayaan na nga natin, nakita na ang nakita. Mag move-on na tayo kahit maliit lang na bahay dapat hindi na pinapalaki," saad ko rito.

"Sorry," saad nito.

"Hayst! What did I told you, diba stop na," saad ko rito nakita ko naman na ngumiti ang mokong ito. Sa totoo lang natatakot ako sa pagstay nito dahil may tendency na hahanap hanapin ko ang presensya nito.

"Ganyan ba talaga ako ka-gwapo ng matigilan kang kumain?" nakangisi nito. Napansin kong hilig nitong ngumisi minsan naman seryoso ang mukha nito like men saan ba ito pinalihi.

"Iww, no way. Hindi ka pa nakakalahati sa mga crushes ko duh!" sabay irap rito. Nakita kong sumeryoso ang mukha nito.

"Who's your crushes," seryosong saad nito na napatigil sa pagkain. 

Napalunok naman ako sa asta nitong lalaking ito.

"Hmm, Sarawat and etc," proud kong saad rito.

"And who's that ******** SARAWAT!" seryosong saad nito.

"My Husband," nakangiwi kong saad. Bigla itong tumayo sa kanyang kinauupuan at lumapit ito sa'kin. Hindi muli ako nakasubo ng kakainin ko sa kanyang ginawa.

"Remember I'll be your husband," sabay bulong nito sa tenga ko. Again, ramdam ko nanaman ang mga pananayo ng balahibo ko. Sa pagtatapos ay umalis na rin ito ng walang paalam.

"What was that?" napatanong ako sa isipan ko kung anong sumanib sa kanya. Hindi ko gusto ang mga paraan na ganon. Nawalan na rin ako ng gana kumain kaya napag desisyonan kong i-steam nalang mamaya.

Itutuloy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status