Share

Game 08

Game 08

It's Just a Game (Chapter 08)

Irish's POV

Magkakaroon kami ng event sa nalalapit na Nutrition month, narito pa rin sa gilid nakikinig sa anunsyo ng aking guro. Nababagot akong pakinggan dahil katulad rin ng dati ay Fiesta sa Nayon ang pakulo ng school.

Magkakaroon ng Paligsahan sa Loob ng klasrum at per section. Ang nutrition month ay isang selebrasyon sa araw ng wastong pagkain natin sa araw-araw, pinapakita rito na dapat ay masustansya ang ating kinakain. Ito lamang ang aking basehan.

"Since I've already explain what nutrition month is. Right now we're going to discuss kung anong plano natin sa classroom na ito," ma'am pasco said. Mukhang excited ang ibang estudyante siguro magugustohan nila to dahil makakapagsuot nanaman sila ayon sa gusto nila.

"Ma'am, what if ang settings nitong room natin is like a rural style and also we must need to preserve ang culture noon kaya magsusuot tayo ng barong at saya," saad ng aking kaklase. That was a nice idea, preserving our culture noon.

"Good idea," napatango ang aming guro.

"So any suggestions," saad ni ma'am.

"What about our president," saad naman ng isa kong kaklase.

Napatingin naman silang lahat sa'kin. Kamalas malasan ako pa ang president dito sa room. Ewan ko ba kay ma'am bakit ako napadiskitahan niya. Nananahimik nga lang ako sa gilid pagkatapos malalaman ko nalang na i-elect nila ako.

Tumayo ako "It was a good idea ma'am, also we must build a mini kubo to place some fruits and vegtable also we must make it a fiesta style ang iba ay sasayaw ang mga kalalakihan naman ay kakanta."

"As expected magaling talaga itong president natin," natutuwang saad ni ma'am. I raised my hand again.

"Ma'am, what if my other classmates will not cooperate," saad ko. Napatingin naman sila ng
masama. Nagsasabi lang naman ako ng totoo dahil matulad sa ibang section noong JHS pa ako. Grabe ang suot nila 'di na kinaya at parang socialization lang ang kanilang ginawa.

"Will clean the classroom for 1 month," ngising saad nito.

"Okay irish since ikaw ay may idea rito, can you explain it to us," saad ni ma'am. Pumunta na ako sa harap at ibinahagi ang aking idea.

"Mayayaman naman kayo kaya wala na tayong problema sa babayarin tama ba?" tumango naman sila. 

"Medyo rarami ang kakalanganin natin rito. Una ang mini kubo, Pangalawa ang gagamitin nating bambaboo para pang decoration sa labas at dito banda sa board, Pangatlo
ang bandles na isasabit. Kapag alam niyo ang ginagawa sa mga bukid bukid na fiesta it means
may idea na kayo. Any suggestions or clarification?" saad ko sa kanila.

Ito ang isa sa pinakagusto kong gawin ang mag design. I love making designs pero sa gagawin ko rito ay hahaluan ko ng pang modern since Generation X na din kami and we're not millennial so may idea na rin ako sa gagawin kong twist nitong classroom namin. I hope they will cooperate.

"When we will start doing these things?" tanong ng aking kaklase.

"Tomorrow," saad ko sa kanila.

"WHAT ARE YOU INSANE!" reklamo nilang lahat.

"Sige, we only have a couple of days to prepare, then mag-aarte pa kayo. I know some of you can afford but i need that we must need to cooperate as a class─no as a family. Minsan lang
itong paghandaan kaya kailanganin nating gawin ito ayon sa nakagawi noon na dapat paghirapan natin gawin ito. Maliwanag," paglalahad ko rito. Ang iba sa kanila ay sumang-ayon, iba naman ay nakikita ko ang lukot sa kanilang mga mukha.

"Magpaplano na kami ng treasurer ngayon para sa gagastosin natin. Business manager kailangan ko rin kayo mamayang uwian ng makabili tayo ng kakailanganin para bukas," saad ko rito. 

"And sa mga gustong mag donate ng kahoy para sa kubo natin don't hesistate to ask me ah!" dagdag ko.

"I have expectation sa inyo kaya, don't drag me this time dahil may narinig akong several cases sa iba niyong mga kaklase rito and I've already tell it to the POD. Irish- you must need to lead
your classmates. Okay class you back to our lesson..." saad ni ma'am. Ang sipag din pala ni ma'am sa pagtatapos ng plano ay magle-lesson na ito.

-

Uwian na kaya naman naghanda na kami ng business manager para sa bibilhing gamit sa mall. Since, may expectation si ma'am. We must exceed it, sad to say na may kaso dahil sa bullying na naman. Sa classroom naming ay Apat kaming mga scholar at lahat kami ay dumaan sa
bullying.

Karamihan sa'min ay malalaking ambag ang binigay nila. Meron na ding mag bigay ng bamboo
or kahoy for kubo.

Smooth pa ang plano namin ngayon, sana ay tuloy-tuloy na. Habang papauwi ako kasama ang business manager. Si Johnna pati Yavier, hindi ko naman sila close totally at mabuti na rin na hindi sila bully na tao.

"Johnna, Yavier. may sasakyan kayo or wala?" tanong ko sa kanila. Assurance lang karamihan kasi ng estudyante rito ay may kanya-kanyang sasakyan ang iba naman ay sinusundo sila. Except sa'kin tamang commute lang.

"I didn't brought my car, sorry," saad ni Yavier.

"Nagpapasundo lang ako Irish pero kanina nag paalam ako sa parents ko dahil may lalakarin tayo," saad naman ni Johnna.

"Commute nalang tayo," saad ko sa kanila. Habang papalabas kami sa gate ay may humarang na sasakyan sa harapan namin na ikinagulat rin ko.

Sa pagbukas ng bintana ay muling nagpakita ang mokong sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong nito. Hindi na nito tinitinggan ang mga kasama ko. Tumingin ako sa gild na kita sa kanila ang gulat sa mukha nila.

Nagsalita ako ngunit walang tunog, sinesenyasan kong umalis na ito. Mukhang hindi niya nakukuha ang nais kong sabihin. Kunoo't ang noo nito na patingin sa'kin.

"What!" seryosong saad nito. Napabuntong hininga lang ako sa katangahan nito.

"May bibilhin," bulong ko. Hindi ko alam kung nakuha niya ba ang gustong kong iparating o wala.

Bumaba ito sa sasakyan niya at lumapit sa'min. Kita ko parin ang gulat sa mukha nila. Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa kahihiyan ngayon. Sa paglapit nito ay kita ko parin ang ka-seryosohan sa mukha nito.

"Gosh, bimby why so serious?" saad ni Johnna na hindi naman kalakasan ngunit rinig ko. Sa paglapit nito ay hinawakan ang aking pulsohan at hinila kaya naman ay tumama ako sa
matigas nitong dibdib. Ramdam ko ang pamumula ko sa kahihiyan ngayon. Hindi na ako muling
tumingin sa aking paligid dahil nahihiya ako.

"Ano ba bitawan mo ako, hindi ka ba nahihiya sa paligid mo!" mariing kong saad rito ngunit hindi niya pinansin ang mga sinabi ko. Nakita kong nakatingin pa rin ito sa akin. Sa mga tingin nito ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Where the hell are you going," seryosong saad nito. Napalunok ako sa sinabi nito. Atsaka this past few days ay iniiwasan ko na ito. Kaya siguro nagalit ito dahil sa hindi ko pagpansin nitong dumaang araw.

Nagulat na lang nga ako dahil kusang itong nagpakita kahit madalas tumatago ako kapag magkikita ang landas namin. My reason is just simple, i don't want to have an attachment on him kahit sabihin niyong oa pero iniiwasan ko dahil sa mukha palang nito na lapitin ng mga
babae.

"Mall," mahina kong saad.

"Halikana ihahatid na kita doon," sabay hila nito ngunit hinila ko rin ang kamay ko kaya napatingin nanaman ito ng seryoso.

"May kasama ako, so walang hatid na mangyayare. Sorry," saad ko. Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya. Tumingin ako sa mga kasamahan ko na nakanganga pa rin sila.

"Guys, tara na," nagmamadali kong saad sa kanila ngunit kita parang mga estatwa na hindi makaalis sa pwesto nila.

"Hoy, gising." Sabay palakpak ng magising sila. Nakita naman ang gulat sa kanila kaya napatingin ito sa gawi ko.

"Tara na," saad ko. Tumango naman sila at sumunod. Sa paglakad ko ay may humawak sa pulsohan ko.

"Ano ba!" galit kong saad rito.

"Come with me," awtoridad nitong saad. Napapalo ako sa aking noo.

"Anong come with me, paano sila?!" sabay turo sa mga kasama ko na hindi makapaniwal.

"Sumama na sila," bagot nitong saad at sumakay na muli sa sasakyan niya.

"Guys, tatak-," hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumakay na ang dalawa kong kasama. Napasinghap akong muli sa kanilang dawala. Doon sa likod sumakay ang dalawa kong kaklase kaya doon na rin ako umupo sa passenger seat. Napasinghap nalang ako sa ginagawa nitong asungot na ito.

"Ano bang nakain nitong lalaking ito at may so called 'hatid' pa ito," tumingala nalang ako sa bintana. Binuksan niya na ang makina at pinausad ito.

Kinuha ko ang mga listahan na kakailanganin naming para sa fiesta. Kaya habang nasa kotse ay may discussion ako sa dalawang Business manager.

"So, guys nandito ang mga list na bibilhin natin. Syempre uunahin ang design malabukid style so may confetti na gagamitin syempre then sa bandaritas," pagpapaliwanag ko sa kanila. Tumango tango lamang ang dalawa at hindi makapagsalita.

"Since, you said na mala bukid siya sa fiesta right?" tumango ako. "What if modern style ang gawin natin, we must put a twist sa magiging design but still we preserve pa rin yung tradition or culture nila," Jhonna said. May point naman siya.

"Can you show some examples?" tanong ko rito. May pinakita itong pictures sa cellphone nito. Napa 'o' ang aking bibig sa kanyang pinakita.

"Wow, this is great we shall need to change some bibilhin," saad ko.

"No need na irish, may artist naman tayo sa room kaya doon nalang tayo mag decorate ang gagawin natin is dumagdag lang ng exert gamit para sa decoration," Yavier smile at me.
Tumikhim naman ang kasama naming kaya napatingin kami sa kanya.

"May problem aba?" nakataas ang kilay ko sa kanya. Tumingin lang ito at nag-iwas ng tingin.

"So, ganito ang gagawin natin is bibilhin ang designs para bukas mag decorate tayo. Also list niyo ang karagdagan na gagamitin natin," saad ko sa kanila. Habang ginagawa naming ay tahimik lamang ang asungot.

Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa mall. Natapos na rin naming ang mga karagdagan na para sa designs. Tristan, park the car already at nakababa na rin ang mga kasamahan ko.

"Thank you nga pala," saad ko rito. Bababa na rin sana ako ngunit hinawakan nito ang pulsohan
ko kaya natigil ako.

"May problema ba?," tanong ko.

Walang sabi-sabi ay bigla nito akong hinalikan sa pisngi.

"My pleasure," ngiti nitong saad. Again, my heart beat so fast. Namumula na ang aking mukha
sa kanyang ginawa.

"Che...aalis na ako...s-salamat," bumaba na ako sa sasakyan nito. Tumingin ako sa palagid at hinanap ang mga kasama ko.

"Hoy, hintayin niyo ako," saad ko sa kanila. Nang makalapit ako sa kanila ay marami silang questions sa'kin at ramdam ko yon pero pinilit nalang nila manahimik. Mabuti rin sila at
marunong sa salitang 'Privacy' yung ibang tao ay hindi nila alam ang ibig sabihin ng ganyan. Kapag may naririnig silang hakahaka ay biglang ikakalat ito.

Habang sa paghahanap namin ay maraming stores na nilibot namin parang nagkaraoon din kami ng semi-bonding sa kanila. Bumili bili kami ng kung ano-ano at masaya ako dahil hindi lahat ng mayayaman ay mapanuri. Masaya kaming nagbili hanggang sa inabot kami ng gabi."Salamat sa inyo," saad ko sa kanila.

"I did enjoy it irish, sana maulit muli ito," nakangiting saad ni Yavier.

Naghintay nalang kami sa labas na dadaang sasakyan. Si Jhonna ay nagpasundo na ito sa parents niya kaya naiwan kami ni Yavier. Pinauna pa nito akong makasakay kaya nang
makahanap ako ay nag paalam na rin ako sa kanya.

Itutuloy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status