Chapter Seven

THIRD PERSON's POINT of VIEW

"If I am not mistaken, He is the father of Rasheen, right?" 

"Daddy Paul is not my Dad." 

Parang bigla yatang namutla si Rasheeqa pagkatapos ng ilang ubong pinakawalan niya. Kailangan niyang paganahin ang utak niya at mag-isip ng magandang depensa sa sinabi ng bata.

Alam ni Rasheen na hindi niya totoong ama si Paul, pero nakasanayan niya itong tawaging Daddy dahil ito ang pumupuno sa pagkukulang ng totoo niyang ama. 

"I mean, he is not just my Dad because he is my kuya, my only bestfriend, my playmate and my everything. That's what my Daddy Paul makes the best Daddy ever." dagdag ni Rasheen at parang nakapagtanggal iyon sa tinik na nararamdaman ni Rasheeqa.

'Argh. Bakit ba ako pumayag na isama 'to?' isip isip ng dalaga dahil muntikan na naman siyang mabuking sa pangalawang pagkakataon.

"Is that so?" 

Muling natahimik ang loob ng kotse dahil wala na namang gustong magsalita. Palihim namang nagdasal si Rasheeqa na sana hindi na muna magsalita ang kanyang anak hangga't hindi pa sila nakakarating sa kung saang lupalop man sila dalhin ni Spruce.

"We're here." 

Inihinto ng binata ang kotse nang makarating sila sa isang Restaurant. Lumabas siya sa kotse at sunod namang lumabas si Rasheeqa. 

"Why is there no one inside? Is it close?" napatanong pa si Rasheen nang buksan ni Spruce ang backseat para sa kanya. 

Walang katao-tao ang loob ng restaurant maliban sa mga crew na nakaputi. "I rent the whole place out for the both of you. Don't you like it?" pagsisinungaling ng binata.

Hindi naman talaga niya nirentahan ang buong restaurant dahil pagmamay-ari niya ito at lingid iyon sa kaalaman ng dalawa. Ang tanging alam lang ni Rasheeqa ay mga sikat na mall lang ang pagmamay-ari niya. 

"Sobra naman yata 'to Spruce. Mag-uusap lang tayo at hindi mo kailangang rentahan 'to." kapag kuwan sambit ng dalaga habang papasok sila sa loob. 

"Baka pagkaguluhan ka lang." maikli nitong sagot.

Binati sila ng iilang crew kaya masaya namang bumati pabalik ang bata. Halata ang pagkagalak sa expresyon niya at hindi maalis ang ngiti na nakapaskil sa mukha nito.

"It's so nice of you. I like it." sabi pa niya at iginala ang paningin sa kabuuan ng restaurant. "But I still don't like you." dagdag nito at naunang umupo sa mesang nasa gitna.

"I like your kid." mahinang kausap ni Spruce kay Rasheeqa.

"Pero ayaw niya sayo?" medyo patanong na sagot niya at lumapit kay Rasheen.

"Okay, let's eat first before talking about my proposal." walang kagatol gatol at tinawag ng binata ang isang waiter. 

"Ommo. Are you proposing to my mom?" gulat pero mahinang tanong ng bata kay Spruce.

Baka kasi may makarinig sa kanya na tinatawag niyang mommy si Rasheeqa. Hindi pa naman nila alam ang tabas ng dila ng mga crew na nandirito at pagnagkataong nalamang may tumatawag na mommy sa artista, tiyak na magkakagulo. 

"We're going to eat our lunch na diba? What do you want?" pag-iiba sa usapan ni Rasheeqa pero hindi naman nagpaawat ang bata. 

"Are you going to marry that guy?" tanong pa niya sabay turo kay Spruce na gulat na gulat din.

Mukhang iba siguro ang pagkakaintindi ni Rasheen nang marinig niya ang salitang proposal. Nasa grade school pa lang siya at ang tanging proposal lang na alam niya ay ang patungkol sa kasal dahil iyon ang napapanood niya sa mga palabas. 

"Hindi sa ganon, baby. Ibang proposal ang tinutukoy niya. It's not about marriage." giit ng dalaga.

"You're funny, huh. Marrying your mom is out of my plan. S-She's not my type, okay?" depensa ng binata at napatingin naman sa kanya si Rasheeqa.

Napairap ito at umupo sa kaliwang upuan katabi ng kay Rasheen. Parang may naramdaman siyang inis dahil sa narinig niya mula sa binata. 

"Why isn't she your type? Are you blind? My mom is pretty and smart and a lot of guys would die just to see her." rason na parang kinukumbinsi nitong almost perfect na ang ina. 

Mahinang tumikhim si Rasheeqa. Hindi man siya nakatingin sa binata pero naghihintay pa din siya sa isasagot nito. Medyo nakakababa lang kasi sa ego niya ang sinabi ni Spruce na hindi siya type. 

"Physical appearance isn't enough for a man to love a woman." 

Inis na tinanggal ng dalaga ang suot nitong shades. Napatingin siya sa binata at kaagad itong inirapan. Napakunot naman ang noo ni Spruce dahil hindi niya malaman kung para saan ang pag-irap na iyon. 

"Stop talking about love, I'm not even asking you to love my mom. Anyway, you'll be the one to pay, right?" pag-iiba ng bata sa usapan.

"You wanna pay for it?" tanong ni si Spruce 

"Of course not. Why are you letting me pay for it? I don't even have money to buy things that I want." nakanguso pa si Rasheen. 

Ginulo muna ni Spruce ang buhok ng bata bago umupo sa katabi nitong upuan. "Are you planning to buy something?" tanong niya dahilan para pagtaasan siya ng kilay ng bata. 

"Will you buy it for me if I told you?" nanghahamong tanong ni Rasheen. 

"Rasheen, that's enough." sumali na sa usapan si Rasheeqa dahil baka kung saan pa umabot ang kanilang pag-uusap at baka sakaling ilaglag na naman siya ng sarili nitong anak. Naninigurado lang siya. 

"Why not?" nakangiting sabi ni Spruce at kumindat pa sa bata. 

"Spruce, don't spoil my daughter." 

"Really?" hindi makapaniwalang sagot ni Rasheen at hindi inantala ang suway ng kanyang ina.

"I said enough." pigil ni Rasheeqa sa dalawa at medyo napagtaasan pa niya ng boses. 

"Okay," natatawa pa ang binata habang si Rasheen naman ay nakayoko lang dahil napagtaasan siya ng boses ng ina.

Inis na bumaling ng tingin si Rasheeqa kay Spruce kaya kaagad itong napahinto sa tawa. "Ang saya mo naman yata," sarkastikong puna niya sabay irap.

Napapailing na lang si Spruce at palihim na napangiti hanggang sa may maramdaman siyang nagva-vibrate sa suot niyang suit. "Mauna na kayong kumain, I'll just answer this call." sabi pa niya at pinakita ang cellphone na nagri-ring. 

Tumayo siya at tinungo ang labas, pero bago pa man siya tuluyang makalabas, sinenyasan niya muna ang isang waiter na kunin ang order ng mag-ina.

"What do you want, punk?" panimula niya nang sagutin ang tawag.

[Naming me foolish again, huh] naasar na sagot ng pinsan niyang si Denver na siyang nasa kabilang linya.

"Why are you calling me all of a sudden? Siguraduhin mong magkakainterest ako sa sasabihin mo." walang ganang sabi ng binata at kapag kuwan ay napasuklay pa ito sa kanyang buhok gamit ang sariling daliri.

[How much would you pay me?] tanong ng pinsan niya

Medyo nagtaka naman si Spruce sa kung anong ibig nitong sabihin. Kahapon lang siya nagdeposito ng pera sa pinsan niya para pambayad sa inuutos niya. 

"What?"

[Tungkol sa anak ni Rasheeqa.]

"Bakit?"

[Shall we start with ten million?] hindi talaga mawala sa utak ni Denver ang pera.

Para sa kanya, everything will work with the use of money kaya dapat lang na maging wais siya kapag kasali ang pera sa usapan. 

"Fvck you. Isaksak mo na lang sa baga mo ang nakuha mong impormasyon" aakmang tatapusin na sana Spruce ang tawag nang magsalita ulit su Denver.

[Seryoso ako, dude. Sigurado akong pasasalamatan mo 'ko pagkatapos mong marinig ang sasabihin ko.]

"I'm not interested, Denver. Nakuha ko na ang gusto ko kay Rasheeqa kaya hindi ko na kailangan ang—"

[Paul is not the real biological father of Rasheen.] sagot ng pinsan niya na nakapagpatigil sa kanya. 

Magkasalubong ang kilay niyang napatingin sa kalsada at pilit na inintindi ang sinabi ng kanyang pinsan. Paanong hindi si Paul ang ama, gayong ito ang pangalan na nakarehistro sa ama ng bata? Papanong hindi ito ang totoong ama ni Rasheen?

"What do you mean?" kunot noong tanong ng binata. 

Napabaling pa siya sa mag-ina na nasa loob ng restaurant habang naghihintay sa sagot ng nasa kabilang linya. 

[What about Fifteen million?] hirit ni Denver

"Just fvcking spill it. I'm going to give you twenty million tax free." galit na sagot ni Spruce at sinundan naman ng tawa sa kabilang linya.

Curiosity is killing the cat right now.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
butterfly 🦋
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status