Share

Lucky 1: Open and read it

(Missamy Charm POV)

Four o'clock in the morning!

Ganyan ako kaaga gumising with full recharge ng energy! Bawal ang simangot. Dapat naka-smile lagi at tumawa ng sagad!

Kaya ngumiti ako sa sarili ko, ang ganda ko.

Inhale… Exhale… Oh come with me fresh air! Good blessing and everything good!

Inhale… Exhale… I love myself! I love you all!  And I love everything!

Inhale… Exhale… Mabait ako! Masaya! Masigla! At MAGANDA!

Inhale… Exhale… I love you Almighty Father, please Guide Us and I thank for this sweet day! Amen.

Bangon!

Ayos ng hinigaan at full energy na tinakbo ang banyo. Hilamos, mugmug.

Takbo sa maliit naming terrace, at pinagsigawan kasama ng mga Tandang…

“Good morning everybody!” sabay unat ng mga kamay ko.

“Good Moring Charmie…” bati ko sa sarili.

“Good Morning Uncle Bert!” Sabay cross arm ko kasi di pa ako nakakapagbunot ng buhok sa kilikili. Ahehehe.

“Tiyak mauubos ang paninda niyo ngayon!” Habol kong sigaw dahil maaga na naman ngang umalis yung matanda para maglako ng mainit na taho.

“Sinabi mo! Aasahan ko yan Charm!” pahabol niya na may ngiti din sa labi.

Oo, naman ubos yan panigurado.

Haist ganda ng umaga.

I close my eyes once again and feel the presence of the Lord. 

Thank you for such a wonderful and joyous day! I love you so much!  Amen.

Pagkatapos, di pa ako nakuntento, sumigaw ulit ako ng…

“Magandang umaga sa LAHATTT!” 

Whooooo! Baliw talaga ako.

Bumukas ang ilaw sa bahay ni Aling Marta. Yan! Gising na siya. Ahaha. Sa ako ang nagsisilbing alarm clock dito sa baryo namin.

“Good Morning Aling Mar—. Awww!” May humampas sakin ng twalya.

“Aray naman!”

“Ikaw ba ang Tandang dito sa baryo natin?! Maka-tilaok ka kinakareer mo.” si kuya Carlos. Ang ultimate killjoy ng buhay ko. But I love my brother. Hihihi.

“Good Morning Kuya. Wag kang simangot! Dapat…” Lumapit ako sa kanya at sabay hawak sa pisngi niya. Inunat ng pa-ngiti.

“Dapat Happy! Wag manakit!”

Ngunit asar lang niyang inalis ang mga kamay ko at binati ako ng…

“Morning…”

“Oy, asaan yung Good!”

“Good Morning…” Wala paring mood na sabi niya sa akin.

“Smile naman kasi dyan. Masaya ang araw na ito!”

“Talaga lang ha?” Sabay sampay niya sa balikat nung twalya.

“Kuya, ang pessimist mo talaga no?” Talikod ko sa kanya. Sa nakaka-bad vibes minsan ang pagiging killjoy niya.

Dumiretso sa mini kitchen namin. Alamin kung ano ang maaring agahan naming magkapatid.  

Wow. Ganda talaga ng umaga ko!

Nakahanda na kasi yung agahan namin. Naks naman Kuya my labs. Ano nakain mo?

Thank you Kuya.

Lumingon ako sa kanya at palapit na ito sa mesa.

“Birthday ko kuya?”

Ngumisi si kuya Carlos ng makaupo.

“Masyado kang asa.”

“Birthday mo?”

“Pssh. Ang bilis ng kalendaryo mo. Tatanda kaagad ako.”

“Eh, anong meron? Bakit ang daming pagkain para sa breakfast lang? Na-promote ka?” Kain lang ako ng kain.

Nang…

“Soon. Mapo-promote ako, after your wedding.”

Nguya-nguya. Anong pinagsasabi ng bakulaw na to?

“My Wedding? Ano ka ba?! Five years from now pa yun Kuya! Yun kapag natagpuan na ako ng aking Prince Charming. Ang gwapo ng ideal mate ko Kuya.”

“Five hours from now.” Subo. Hahaha. Di man lang pinansin ang daydreaming ko ng umag. Haist.

“Kuya, bilis naman ng years mo. Gising ka na ba? Wala pa akong boyfriend. Di mo pa siya kilala. Kasi kikilatasin mo pa diba siya para sa akin. Iigib pa siya nang pangpaligo mo. Sisibak ng kahoy at ----.”

“I'm deadly serious Charm.”

Tinignan ko siya. Eh, sanay na ako sa seryoso niyang mukha. Parang binuburo sa manga. Ahahaha.

“May lagnat ka ba Kuya?”

“Tss…”

Tumayo siya sa pagkaka-upo. May kinuha sa taas ng mini-Ref at inilapag sa harapan ko.

Isang wedding invitation. Ang bonga naman ng style. Ang ganda! Red invitation.

“Eh…” nang mahawakan ko yung papel. Ganda ng texture. Masyadong pinagkagastusan. Magkano kaya pagawa nito? Gusto ko ganto ang Wedding Invitation ko.

“Sino ang nag-invite sayo? Ganda naman nito.”

“Open and read it.”

Ginugoodtym ata ako ng kapatid ko.

Binuksan ko nga. Ang bango!

Ngunit halos nagtaka ako sa nabasa ko.

My name was printed neatly… as a bride!

Natawa ako.

“Kuya naman eh. Ginugoodtym mo ako. Installation fee ko na yung tawa kanina ha.”

“Charm, I'm not playing with you! This is a serious matter.”

Oo, halata naman at kailan ba ako jinoke nang kapatid ko?

Nang tumunog yung phone niya. Tinalikuran ako. Di ko alam kung sino sa aming dalawa ni Kuya Carlos ang nanaginip.

Tinignan ko ulit yung invitation.  

At lam niyo ba kung sino ang groom ko?

I couldn't believe it. Hahaha.

Bwisit tong si Kuya. Bwahahaha. Lakas ng trip niya ngayon ah.

Jeff LEE CHAN lang naman. Yung CEO ng sikat na entertainment industry saka Game and Stuff Manufacturer. Loko ang kapatid kong to.

Kuya, he is my type, but not our reach.

Very good tricks! I love it kuya Carlos! Lakas ng trip mo.

I already heard his name. Pangalan pa lang crush na sa campus namin. Pero, Lee Min Ho talaga ako eh. Kaya di ko siya nililingon, itong Jeff Lee Chan na ito.

Sa busy ako magpaka-avid fans ni Lee Mi ang Jeff Lee Chan na yan.

Kuya naman nag-aksaya ka lang naman ng mamahalin na papel, bakit di na lang Lee Min Ho ang inilagay mo?

Tsk. Tsk. Sayang talaga.

“Charm, get ready may susundo na dito maya-maya lang.”

“Get ready your face Kuya. Itatago ko to.”

“Charm?”

“Huh?”

“This is serious matter. Ikakasal ka na.”

“Kuya, may nagsabi na ba sayo na ang pangit mo kapag naka-seryoso mukha mo?”

@Death Wish

Hi sa lahat!

Alam ako na ang makakapagbasa lang naman nito ay yung marunong umintindi ng tagalog. Ahahaha. So Nice to meet you all! Pa-REVIEW NA DIN PO.

Marami akong tagalog books and will update sooner. Love you guys!

Drop kayo ng napakagandang comment!

Taming the Dangerous CEO [TAGALOG]

Fated to Mary the Devil [TAGALOG]

Doctor Alucard Treasure [TAGALOG]

Alpha King Checkmate [TAGALOG]

Nine Months [Tagalog]

The Devilish Billionaire [Tagalog]

Love you all! And thank you sa supporta ng napakarami!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joh 💞
nice story ...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status