Share

Lucky 3: There's no time

(Missamy Charm POV)

Paglingon ko, dalawang katulong na naka-unipormeng ruffles-ruffle. Ang cute nila sa uniform.

“Yes?” Kung ako nga ang tinatawag nilang ‘Miss.’

“Inutusan kami ni Master Jeff na ipaghanda kayo ng agahan. Nakahanda na sa hapag.”

“Ah eh. Salamat na lang. Nakakain na ako.”

Saka bumalik ulit ako sa upuan.

Hay naku Charm stay upo lang. Baka ano pa mabasag natin dito.

Pero pala-isipan talaga sa akin kung bakit naroroon ang bracelet ko. Oo kumpirmado na akin yun, dahil last minute na lang nakita ko pangalan ko.

Charm. Naalala ko kung paano yun pinagawa ni Mama para sa akin.

 Anong ginagawa ng bracelet na yun doon?

“Kung ganoon, maghahanda na po tayo para sa kasal ninyo mamaya.”

Natigilan ako sa narinig ko.

Mamaya? What!?

“Hehe. I'm not yet decided na magpapakasal nga ako. Tapos di ko pa alam yung agreement.”  Baka sakali na alam nilang laro nga lang ito.

“Charm.” pagbabalik ni Kuya. “Sundin mo sila.”

“Pero…”

“I already talk to him. Kumakain pa siya ng agahan. Mas better na mag-prepare ka na. The time is running.”

Hinila ako ni Kuya.

Wait! Bakit in rush?!

Saka ako pinagtulakan sa mga katulong.

Sama naman ng kapatid ko. Masyadong kinakareer ang laro ng Boss niya. Kala mo naman laro niya ‘to.

Pumasok kami sa napakalaking room. Kanya-kanya hila na sila sa akin. Kung ano-ano ang ginawa. Di sila yung tipong maingay at umiimik.

Nagulat na lang ako ng tumampad sa akin ang isang bathtub na may lumulutang na mga petals ng rosas.

Ayyy. Hahaha. Langya naman. Bakit ako yung nahiya sa Bathtub?

“Maligo na muna kayo. After fifteen minutes, balikan namin kayo. O kailangan ninyo ng assistant?”

Naligo na ako sa amin.

Assistant? Hahaha. Di na ako Baby!

“Wag na. Kaya ko sarili ko.” Kaya nagsi-alisan na sila.

Parang binabangungot ako sa sobrang elegante ng paliguan.

Hahaha. Uwi na ako sa amin. Kuya Carlos! Asan ka na ba?!

Nang di pa ako kumilos yun tinulak na nila ako. May natira pa pala, para siguraduhin na kikilos ako.

Di ko nga kailangan ng assistant diba? Saka ang sungit naman nila. Dahil nga siguro sa sinabi ni Kuya na kung patulala-tulala daw ako hilahin na at wag daw sila patalo sa akin.

Kaya siguro tinulak na ako ng mga to!

Kuya, alam mo bang, napaka maldita nila. Tapos binigyan mo pa ng authority ang mga to sa akin?!

Di naman malamig yung tubig. Okey lang. Pa-bubbles pa ang peg ko. Hahaha. Feel na feel sa ilog ni Mother Nature naliligo.

Nang magsidatingan ang mga katulong.  Time's Up!

Gaga naman, masisilipan ako sa mga ginagawa nila ng dis-oras sa akin.

Paglabas ko naka-bathrobe. Syempre bagong underwear's ang nasa ilalim. Ganda kaya ng tela. Yung tipong di makati. Charot lang. Haha.

Hinila naman nila ako sa isang mini spa at doon ako halos matawa dahil sa nakakakiliting masahe!

Bwisit naman. Kailangan talaga may masahe! Ganito ba nafeel ni Mama nung nagpapamasahe siya noon kasama ako nung nagdadalaga pa lang ako?

Namiss ko tuloy si Mama.

Nang tumagal yung kiliting nakaka-ihi, nasanayan na din ng katawan ko. Magian sa pakiramdam, kaya namalayan ko na lamang nakatulog ako.

Nagising lang ako ng maramdaman kong halos mapunit ang tenga ko dahil sa pingot ni Kuya.

Oo, ang sadista nang kapatid kong yan. Sarap ipakain sa pating. Kala mo di nagkamali ever since.

“Arrrayyyyy naman Kuya!”

“There's no time for having a nap! Malayo pa ang simbahan dito!”

“Kuya naman eh! Kahit malayo yun, wala naman yung paa para makalayo ng sagad sa atin.” Di niya ako pinakingan. Sa Pilosopo nga ako. Hihihi.

“Asikasuhin na ninyo siya!”

Ay aba maka-utos sa mga utusan dito, utusan niya?!  Sabagay, bata pa ako nung may utusan pa kami. Kaya Bossy itong kapatid ko.

Sabi nga nagmana daw sa Papa ko, na ubod sungit at kay Mama naman minana ko ang aking kabaitan at mapagmahal ng sobra. 

Charrr… Hahaha.

Hinarap nila ako sa napakalaking salamin. Hinila yung upuan. Na-upo ako. May nag-ayos ng buhok ko habang yung iba sinusukatan ako.

Pulbos dito. Make up diyan. Lipstick at kung ano-ano pang kaartehan sa mukha.

Napapikit na lang ako na baka, maya-maya lang tapos na ang mga pag-iinarte na ito.

After ilang taong nagdaan… pagmulat ko.

Wow. Is this me? Bakit parang ang nakikita ko, si mama?

Kaso habang nakapikit ako kanina nakaramdam ako ng sobrang kaba. Parang di tama itong ginagawa namin. Mali ang biglaang kasalan na ito. Kahit mawala pa ang gravity ng mundo.

Tinapunan ko ulit ng titig ang sarili ko sa salamin. Nakatayo ako ngayon na kitang –kita ang refleksyon ko. I didn't wear my smile. Ang lungkot ko.

Dahil siguro, di ko nagugustuhan ang nangyayari ngayon.

“Miss, kailangan na natin ito isuot.” Sabay pakita sa akin ng Wedding gown na halos napanganga ako sa sobrang ganda.

Bakit ang daming magaganda ngayong araw?

Isang Wedding gown na halos tatalon na ang puso ko sa sobrang kaba.

Napakabilis ng tibok na puso ko.  Natatakot ako.

Yes, this is a game. Laro lang to? Laro na sa mata ng ilan, totoo.

Saka, marriage is a serious matter, sacred. Diba?

“Miss?” napailing ako.

“No, hindi ako susuot niyan.”

Kaya naman may isang babae na lumabas ng silid.

Nanginig na ako kaya napaupo ulit. Biglaan lang to at si Kuya lang ang kilala kong kakampi sa laro. Higit sa lahat, this is not our game.

Bumukas yung pinto…

“Charm…” Si Kuya na parang may pinag-paguran kaagad. “We are in hurry. Anong problema?”

“Kuya, hindi biro ang pinapagawa mo sa akin.” Reklamo ko na.

@Death Wish

Hi sa lahat!

Alam ako na ang makakapagbasa lang naman nito ay yung marunong umintindi ng tagalog. Ahahaha. So Nice to meet you all! Pa-REVIEW NA DIN PO.

Marami akong tagalog books and will update sooner. Love you guys!

Drop kayo ng napakagandang comment!

Taming the Dangerous CEO [TAGALOG]

Fated to Mary the Devil [TAGALOG]

Doctor Alucard Treasure [TAGALOG]

Alpha King Checkmate [TAGALOG]

Nine Months [Tagalog]

The Devilish Billionaire [Tagalog]

Love you all! And thank you sa supporta ng napakarami!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status