Share

Lucky 4 Please God not now.

(Missamy Charm POV)

Bumukas yung pinto…

“Charm…” Si Kuya na parang may pinag-paguran kaagad. “We are in hurry. Anong problema?”

“Kuya, hindi biro ang pinapagawa mo sa akin.” Reklamo ko na.

Napabuntong hininga siya ngunit nanatili ang seryoso niyang mukha. Malungkot din ito.

“Charm. One Question. One answer. Just answer me with yes or no. Do you believe on me?”

“Kuya…” Anong klaseng tanong naman yan Kuya?

“Just answer me.”

“Kuya, oo pero.”

“Wala nang pero-pero. I already heard the conditions. At binasa ko ng maigi yung agreement. Tatagal lang ang larong to, good for five months. Pagkatapos, wala na. I believe on you Charm. Your strong enough para sa larong to. I promise hindi kita ipapahamak at pababayaan. Okey?”

Paki-usap at pagpapaliwanag ni Kuya na parang kailangan ko talaga ito gawin.

Napaluha na lamang ako bilang tugon. Dahil alam ko naman pagod na sa akin ang kapatid ko. Bakit kasi napaka- dependent ko sa kanya?

“Inayusan ka lang ng ganyan biglang nawala yung masayahin kong kapatid? You're so beautiful when you smile Charm. Smile more for me. Kahit walang make-up nagpapaganda ang ngiti mo. At ngayon dahil sa make-up na yan, iniiyakan mo na ako? Hay naku. Alisin na lang natin ang make up mo?”

He holds my hands tightly…

“I don't want to see you like this Charm. Kung ayaw mo just say so…”

Mukha nang kuya ko parang ilang araw na lang lalayasan na ako.

Napakapit rin ako sa kamay niya. Kailangan ko'to gawin not just for me, for us.

“I can do this Kuya!”

“That's my Charm.” Masigla niyang sabi na lumabas na din ang ngiti niya. Binitawan niya ako.

“You can Charm!” Saka niya pinunasan sa pamagitan ng mga daliri niya ang namumuong luha ko.

“Smile Charm. You look like, Mom.”

Napangiti ako kay kuya.

Alam ko sa aming dalawa siya yung nangungulila sa parents namin. Since siya ang may napakaraming memories kasama ang parents namin.

Pero my Kuya was the strongest person na kilala ko. He did everything just for my sake. Siya lang naman ang tumatayong ina at ama sa akin. Siya na lang ang nag-iisang pamilya na meron ako.

Dahil… tinalikuran kami ng mga kamag-anak namin after malugi yung negosyo nang pamilya ko. Si kuya ang pumasan ng responsibilidad noon ng mamatay ang mga magulang namin. Worst, kung sino pa naturingan na pamilya namin, sila pa ang na-unang abandunahin kami.

Sa ganitong panahon, kailangan niya ng tulong ko. Di ko maaring tangihan ang kapatid ko. Saka never naman niya ako pinahamak. Never. I trust him.

“Gusto ko din ngumiti si Juan Carlos.” Ngumiti si Kuya and he patted me on my head.

“Don't mention the Juan, it sucks Charm.” Sabay kaming natawa.

Bakit kasi may Juan pa at ako may Maria pa talaga? 

“Ayan, gumanda na kapatid ko.”

“Thank you Kuya for everything.” Yun na lamang ang ikinasambit ko ng yakapin ko na siya. Parang iiwan ako.

Narinig ko na lamang ang mga salitang galing sa bibig niya na…

“Being your brother is the wonderful responsibility I fulfil. Seeing you have grown like this. I am happy. But always remember Charm, be a nice lady. Stay who you are. Ayokong mawala ang kapatid kong baliw ang kaligayahan.”

Di'ba? Kinareer ni Kuya ang pagiging magulang niya. Saka niya pinisil ilong ko. Ansakit!

“Follow them Charm.” Saka siya tumalikod sa akin at lumabas ng silid.

Napabuntong hininga ulit ako. Kailangan ko na nga sigurong isuot and damit na yun. Haist. Wish me luck.

Maganda naman yung gown kaya di tayo lugi sa pagandahan nito Charm.

(Carlos POV)

Sana naman tama ang decision kong to. Para sa kinabukasan ng kapatid ko. Biglang tumigas yung bagang ko. Sikmurahin ang nakasaad sa agreement. Alam ko magagawa ni Missamy ng maayos ang trabaho. Alam ko.

Kailangan niya gawin, dahil wala din akong choice.

Bakit kasi nagkaganito pa ako?

Ayokong iwan ang kapatid ko lalo na wala naman siyang malalapitan sa kamag-anak namin.

Namalayan ko na lamang napaluha ako. Ang hitsura ng kapatid ko kanina ng makita ko siya, talagang kamukha niya si Mama. Ang mukhang ipinagbilin sa huling hininga nito ang bunso niyang anak sa akin.

Sana man lang before I leave this world, makita ko lang siya na masaya at maayos ang kalagayan. Masaya akong tatalikod sa mundong ito. Kahit alam ko na napaka-unfair at puno nang pagdurusa ang mundong to.  Ayokong maramdaman niya ang kasungitan ng mundo.

God, please help me. Not now. No.

Ayoko man ipilit ang bagay na ito sa kanya kaso dapat ma-secure ko nang maayos ang kapatid ko. Habang mayroon pa akong hininga at oras na natitira. I don't want to leave her alone.

Ngunit unfair talaga eh sa dami ng taong magkakaroon ng sakit na ganito bakit ako pa yung binigyan.

Charm, I know. You can do this; I am proud brother of yours, always.

Kasabay nang pananakit ng dibdib ko agad kong kinuha ang aking panyo. I cough and the blood was worsening.  

Halos di maalis ang pananakit ng dibdib ko.

Sh*t! Not now! Please!

“Sir Carlos…” Itinayo ko ng matuwid ang aking sarili at di humarap kung sino man itong tumawag sa akin.

“Pupunta na lang ako.”

Dumaan muna ako sa banyo. In hurry, kinuha ko ang maliit na sisidlan ng gamot ko. I take my pills and breath so deep.

Please God not now.

Saglit akong napasandal sa pader.

Please let me help my sister first, please.

Yun ang taimtim kong dasal bago ko pinuntahan ang kinalalagyan ni Jeff.

Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko. 

@Death Wish

Hi sa lahat!

Alam ako na ang makakapagbasa lang naman nito ay yung marunong umintindi ng tagalog. Ahahaha. So Nice to meet you all! Pa-REVIEW NA DIN PO.

Marami akong tagalog books and will update sooner. Love you guys!

Drop kayo ng napakagandang comment!

Taming the Dangerous CEO [TAGALOG]

Fated to Mary the Devil [TAGALOG]

Doctor Alucard Treasure [TAGALOG]

Alpha King Checkmate [TAGALOG]

Nine Months [Tagalog]

The Devilish Billionaire [Tagalog]

Love you all! And thank you sa supporta ng napakarami!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status