Share

Lucky 5 Are you ready

(Carlos POV)

Ngunit pagdating ko.

“Nagdadalawang isip yata ang kapatid mo.”

“Nakausap ko na siya.”

“Ang akin lang Carlos. She must play her role nicely. Ayoko sa mga sakit sa ulo. You know me.”

“She will do her part.”

“Ayoko masira ang plano ko ng dahil sa kanya.”

“She will not ruin it. But Jeff, I mean Master Jeff may ipapaki-usap ako sayo. Please don't hurt her. Kahit ano pa ang mangyari.”

Tinignan niya ako at ngumisi.

“I can’t promise.”

“You should.”

“The only thing I can promise to you Carlos. Susundin ko rin yung conditions and agreement. Ikaw ang naghanda noon diba? So alam mo na ata. Di ko na kasalanan kung mahulog ang damdamin niya sa akin. Meron akong fiancée, Carlos.” Mayabang niyang pahayag sa akin.

Tss. Wag niya minamaliit kapatid ko.

“She won't.”

“Good to hear. Nakahanda na ba siya?” Tumango ako. “You must prepare too. Ikaw ang maghahatid sa kanya sa akin diba?”

Tinignan ko siya. Amoy na amoy ang kayabangan ni Jeff. Alam ko yan.

Tss. Alam kong matatagalan ni Charm ang taong 'to.

Saksakan ng yabang. Tss.

Baka siya pa ang magkakagusto sa kapatid ko. At uupakan ko talaga siya kapag sinaktan niya ang kapatid ko.

“Here is your schedule.” Inilapag ko sa mesa.

Lumabas na ako ng tuluyan. Sa paglabas ko sa silid nakararmdam ako ulit ng hilo.

Sh*t!

(Missamy Charm POV)

Di ako makapaniwala sa nakikita kong reflection sa salamin.

Is this me? Oh, my goodness!

Napaghandaan talaga nila ang laro!

Sana kapag totohanan nang kinasal ako. Sana ganito rin ako kaganda haharap sa altar habang hinahantay ako sa paanan ng taong minamahal ako ng tapat at makakasama ko sa habang buhay. Tapos si Kuya ko na nakangiti sa akin habang inilalakad ako.

Haist. Pero bago yun dapat si Kuya muna ang ikasal bago ako.

Napangiti ako. Dahil sa ideya na darating yung oras na may bagong babae na magpapasaya sa kapatid ko. Dahil halos umikot lang yung mundo niya sa akin. Alam ko na maswerte ang mapapangasawa ni Kuya.

Sa totoo lang triple na yung kaba na nararamdaman ko. Sobra.

I don't know him.

Ang ini-imagine ko kay Mr. Jeff Lee Chan ay isang matabang negosyante. Oh no!

Hahaha. Joke lang. 

Gwapo naman talaga ang lalaking yun pero di ko ipagpapalit si Lee Min Ho my labs. Ahahahaha.

Hmm. Teka? May-ari ng isang broadcasting station itong si Jeff diba? Naka-public view ba ang kasal-kasalan na ito? O private?

Di talaga ako ready para sa araw na ito. Daming nangyari at madami pang mangyayari.

“Charm…” Lumingon ako. My Kuya automatically smile ng makita niya ang maganda niyang kapatid. Hahaha.

Hello Kuya! Ganda ko no?

I smile too.

“You're the most beautiful bride I ever seen.” Lumaki bigla ang tenga ko. Pero ako lang naman ang dakilang humble sa mundong to.

“Kuya, sa bride mo dapat yan sinasabi. Wag kang mag-alala for sure magbabago yan na paningin mo sa akin kapag nakilala mo na ang Sister–in–law ko. Kuya, may napipisil ka na ba?”

Di parin nawala yung ngiti niya ngunit sinagot nang…

“It depends, If I get married.”

“Kuya, ang daming babae na nagkakandarapa sayo. Babae na nga itong nanliligaw. Ni isa man lang, wala ka pang sinasagot. Kuya, ang hirap maging gwapo no?”

 Inirapan lang niya ako. As in wala siyang interest sa sinasabi ko.

Juan Carlos, kailan mo ako bibigyan ng Sister-in-Law! Gusto ko din naman, magkaroon kahit paano.

“Are you ready?”

“Yes Kuya! Game na!” Focus sa trabahong to. Focus Charm.

“Talaga lang?”

Hahaha. Nahalata ata niya na kinakabahan ako.

“Kinakabahan lang ng unti.” Sabay paypay ng mga daliri ko sa aking mukha. Parang di pa sapat yung lamig na binibigay ng aircon sa loob ng sasakyan.

 “Sino nga naman Kuya ang di kakabahan, pero I trust you naman. You're always my hero at di mo ako ipapahamak!”

Inayos niya ng unti ang likuran ko.

“Stop slouching.” Kaya napa straight ako.

“Charm. You must be careful. Just play along. Do your part and see everything simple. Wag mo na akong gayahin na seneseryoso ang lahat ng bagay. Maging matatag ka. Okey?”

“Oo naman Kuya. I will.”

“So, inhale exhale ka muna before pumasok sa larong to.”

Oo, si kuya ang nagturo niyan sa akin.

Breath in. Breath out. Kalma lang. Relaxs.

“With you kuya! I am ready! Go for it!”

My brother pinched my nose again. Aray! Di niya alam nakakasakit na siya.

“Maging matapang ka Charm. So, shall we go.” Sabay lahad niya ng kamay sa akin.

Napahawak na lang ako pero napabitiw din dahil sa damit ko na bonga!

Pagpasok ko kanina dito sa mansion naka jeans and T-shirt lang.

Tapos ngayon na lalabas ako, wow! Ikakasal na ako?! Ambilis.

Sana lahat ng babae nakaka-experience ng ganitong biglaan.

Ganda naman sa feeling na naka- wedding gown. Nakakaganda talaga. Kaya naman pala gumaganda lalo ang Bride eh.

Nakita ko si Kuya na nasa labas ng isang sasakyan. Isang limousine.

Nakatitig sa akin ang kapatid ko. Biglang sumulpot ulit yung kaba na nararamdaman ko. Parang napalala pa.

Parang anong oras ngayon aatakihin na ako sa puso.

Charm! You can do it! We can do it! Fight! Wag susuko!

Syempre… Always think positive!

Lalapit na sana ako sa aking kapatid ng makuha nang dalawang bata ang atensyon ko. Inaabutan ata ng tantrums. Kawawa naman yung mga Nanny nila kapag ganto sila.

Nagwawala sa kakaiyak.

“I guess, my flower girls are not yet ready.” Sabi ko na lang ng medyo makalapit ako dito

Napalingon sila sa akin. Di man lang sila nagandahan sa akin dahil patuloy na nag-away yung dalawa. I mean ultimate nga ang tantrums nila.

@Death Wish

Hi sa lahat!

Alam ako na ang makakapagbasa lang naman nito ay yung marunong umintindi ng tagalog. Ahahaha. So Nice to meet you all! Pa-REVIEW NA DIN PO.

Marami akong tagalog books and will update sooner. Love you guys!

Drop kayo ng napakagandang comment!

Taming the Dangerous CEO [TAGALOG]

Fated to Mary the Devil [TAGALOG]

Doctor Alucard Treasure [TAGALOG]

Alpha King Checkmate [TAGALOG]

Nine Months [Tagalog]

The Devilish Billionaire [Tagalog]

Love you all! And thank you sa supporta ng napakarami!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status