( Zhia )
Kinakabahan ako na di ko alam. Truman a ata ito.
Pinagpapawisan na ako. Di na effective ngayon yung Ice cream na kinain ko kanina.
Mga taong 'to. sila naman ang gumagawa ng rason kung bakit nagiging demand ang isang situation or bagay. Sarap bigyan ng tig iisang upak! Dapat maging concern kami sa Nature, hindi ng dahil sa tao. Napa-cross arm na lamang ako at napailing.
“Ano ba yan. Di na ba tayo makakaalis dito Zhia?” tanong sa akin ni Dra. Evenarte.
Ngunit nanlaki ang mata ko na parang tarsier. Napasinghap ako na parang ten minutes mawawalan ng supply ng Oxygen. Nang makita ko ngang itinaas ng isang lalaki na kabilang sa tauhan nila ang ID ko!
Yun ba ang dahilan kung bakit siya nadapa?!
Oh my ghad, Shit! ID ka! Bakit ako pa ang naging dahilan ng kaguluhang to?!
Halos mahihimatay ako. Kilala ko ang School ID cord namin eh, Neon Green. Kaya pansin na pansin.
Pero ang sumiksik sa isipan ko, tungkol nga sa Permit na nakasiksik sa ID ko. Ibalik niyo sa akin Please! Ang hirap humingi ng pera sa kapatid ko! Maawa kayo sa akin!
Ngunit. Shit Zhia! Yung ID mo may nabiktima. Bisita pa ata ng bansa ninyo! Anong gagawin mo ngayon? Napakagat kuko na lamang ako.
“Ano ba yan, di ba nila alam na nadadamay nila ang ilang negosyo sa mga pa-engrandeng welcome nila dyan sa isang tao lang naman. Ano naman ngayon kung siya yung pinakamayaman sa boung mundo, bakit magbibigay ba siya ng pera sa oras na makita siya?” reklamo ni Dra.Evenarte. Oo nga naman, pero nanginginig na ang mga kamay ko. Diyos ko po, sino ba siya para manginig ang isang kagaya ko?
Nang makaharap na nga namin si Kuya Guard Jayzel.
Sinalubong niya kami ng ngiti. Sus, sayang magagalitan ka lang naman. Ngiti-ngiti pala? Haha. Sakto mainit ang ulo ni Dra. Evenarte. Kung pinapasok mo sana ako, edi sana marami na akong nagawa sa little dental Clinic ni Doktora. Kaya malilintikan ka talaga Kuya Jayzel. Ipagpray ko na lang kaluluwa mo.
Ngumiti ako sa kanya ahahaha. Ako ang karma mo at yung Id ko naman ang karma ko! Kakainis no?
Lahat nga naman ng bagay dito sa mundo maaring maging karma ng isang tao.
“Ikaw naman. Alam mo nang empleyado yan dito. Bakit di mo pinapapasok kaagad?! Gusto mo ireklamo kita sa admin ng building na ito! Sa agency mo?” bulyaw kaagad ni Dra. Evenarte.
Napayuko na lamang itong si Kuya Jayzel. Yan makuha mo. Sabay belat ko sa kanya. Halata naman kasing pinag titripan ako ng guard na ito. Trip pa more! O ano ka ngayon. Tsk! Don't dare me! At belat pa ng tumalikod na si Doc sa amin.
Tama na Zhia, ang karma nga naman kapag hinusgahan ka na di ka makakatangi.
“Tol, mas maangas pa ako sayo.” Sabay tapik ko sa likuran niya. Ahahaha. Bwis*t. Ayaw ko pa talaga paawat. Sa ako naman ang mangtrip diba?
Binuksan na ni Dr.Evenarte ang Little Dentist Clinic niya sabay pailaw sa loob at automatic On ng Flat screen TV na para sa mga customer na habang naghahantay may paglilibangan sila. Inilapag ko sa desk ko yung slingbag ko na medyo may kalumaan at favorite kong gamitin dahil wala naman itong kaagaw. No choice yun lang ang ginagamit ko.
Napatitig ako sa TV ng marinig ko ngang may Flash Report.
Napasinghap ako. Oh my gulay, Zhia! Laman ka ng balita ngayon! Sikat ka na my friend!
Nanghina ang tuhod ko, ito na sinasabi ko eh!
Tinatalakay yung tungkol sa nadulas na Multi-Billionaire ng Pilipinas. Ang kapal ng mukha ng ID ko para idamay ako sa issue na yan. Papa God! Ididikit mo lang naman ang pangalan ko sa mga Billionayo, bakit ako pa yung nambiktima.
Pero yung accidente lang ang sinasalaysay ng reporter at sadyang inilihim kung kanino yung ID which is akin nga. Parang gusto ko nang ngumuw.
“Hay naku naman buti nga yan sa kanya.” pahayag ni Dra.Evenarte. Mabuti nga sana Doc kung hindi ko po ID pero ID ko lang naman yun! Gusto ko magtago sa drawer ng mini desk .
Part Time-Cashier kasi ako dito and alalay sa records ni Doctora.
Dahil malapit lang kami sa may Residential na pinangyayarihan madami parin ang naghihintay na Media sa labas. Magulo parin.
Siya ba si Prince William? Prince Henry? Hary?
Kahit sino pa silang sikat na tao dito sa mundong ito. Bakit yung ID ko pa talaga. Maaaaaaaaaa, bakit ako? Hahanapin ba nila ako? Su-sure? Sana naman palampasin nila. Aksidente lang ang nangyari! Huhuhu.
Di naman ata na injure yung bisita at kung na injure man wala akong pera para pang pa-hospital sa kanya lalo na pang admission sa VIP Room.
Gusto nila sa Pang MASA ward na lang? Iyak Zhia.
At halos madismaya ako na sinabi ng reporter na hahanapin ang may ari ng ID. Pagbabayarin at papatayin kagaya ni Jose Rizal sa Luneta Park. Joke lang, OO, sarili ko na lang ang pinagbibiro ko.
What to do now Zhia? Yung Id ko. Bakit ganito ka sa akin?
Kumain naman tayo ng Cornito O sadyang nag inarte ka dahil nadumihan yung ID Cord ko.
“May Problema ka ba Zhia? Namumutla ka?” Di ko namalayan, nap- angat ako ng paningin at ipinatong ni Doc sa mesa ko yung Records book.
“Ahahaha. Doc, baka kasi may makulit na naman tayong pasyente. Alam niyo na, mga bata today.”
“Naku, lam mo na ang gagawin sa kanila para kumalma at wag na masyado itangkilik ang mga matatamis na pagkain.Pero wag mo naman sagarin ang pag promote mo ng No SWEET CANDIES for Kids, baka mawalan tayo ng mga customers.” Napatango ako saka talikod ni Doktora.
@DeathWish
( Zhia POV's )Haist. Naglalaro parin sa isipan ko yung palpak na ID ko. Ampangit ko pa naman dun, haggard at langyang photographer na yun di man lang ako ninotify na ang pangit nang kuha niya sa akin. Paano na lang kung i-flash sa TV mamaya yun diba naging memes pa ng boung Pilipinas ang picture ko! Ang dami pa namang astler sa photoshop ngayon.Diba nabunyag sa mundo an
( Zhia POV)Nang matameme ako bigla ng maalala ko nga yung tungkol sa ID ko. Tipong nakipag join force ako sa yaya ni Tobby. Patayin niyo na lang kaya ako. Pero napaunat na lamang ako ng kamay ko sabay, hikab.Muling narinig ko ang pagbukas ng pinto, halos natrapik ata yung mga customer namin. Lumabas ulit ako para salubungin ang bagong pasyente.“Miss Zhia Sontoria.&rdquo
( Zhia POV)Napapikit na lamang ako sa hiyaw ng lalaking nasa sahig. Bakit may mga ganitong tao sa mundo? Sadista?! At bakit naduduwag ang lalaki na lumaban sa kanila? Bakit?Ginagawa ba nila ito ng dahil sa pera? Bakit hinahayaan ninyo na saktan kayo ng pera at alipinin kayo!
( Zhia POV )“Wow naman, ganyan ba ang sampal ng lalaki? Wow.” Paghahamon ko sa kanya. Kung di ito panaginip. Sige, ibubuhos ko ang buhay ko para may matutunan ang lalaking to! Bahala ka na Mr.President kung matagpuan mo akong patay at na-aagnas nang bangkay kapag tinapon nila ako sa ilog. Sa naalibarbaran ako sa kayabangan ng foreigner na ito na kala mo kung sinong alien dito sa mundo na di alam ang utos na: THOU SHALL NOT KILL!
( Zhia POV)Humakbang ako ng tatlo patalikod at nag bow, since labanan to, sorry na lang kung masaktan ko siya. Oo. Babae ako sa paningin pero lalaking-lalaki ang determinasyon ko na bigyan to ng sakit sa katawan. SORRY Talaga!Hinigpitan ko ang tali ng buhok ko at di nga niya namalayan simula na yun ng laban namin, ngunit agad niyang nahawakan ang kamay ko at naramdama ko ang sikong tumama sa likuran ko. Awww
((( GEORGE POV’s )))Palaisipan sakin kung paano nakatakas ang babaeng sa kamay ng isang tao walang nararamdamanng awa. Di ko masyado alam ang personalidad
((( ZHIA POV’s )))Napamulat lang ako bigla. Di ako nanaginip or what basta napamulat lang ako. Pero agad naman pumikit ulit. Sa sarap matulog eh. Mahimbing nga ang tulog ko at parang bagong sanggol ang feeling ko. Sarap kaya matulog sa may aircon. Gandang ganda pa naman ang feeling ko sa sarili ko kapag nagigising ako na ganito. Natulog na sobrang pagod at magigising na fully charge. Ahaha. Ang cute ko kaya.
((( LEON POV’s )))Di ko alam kung sa paglabas ko dito lalabas pa kayang buhay ang babae. Wala lang sa kanya. Pareho mataas ang pride ng dalawa. Kaibahan lang may paninidigan sa kayabangan si Master Sean ngunit ang babaeng, utak bata. Spoiled na ewan. Kung umakto ang babae kala mo may kalaban laban siya?The way she talked