Share

Chapter 6 Fighting Spirit

( Zhia POV)

Napapikit na lamang ako sa hiyaw ng lalaking nasa sahig. Bakit may mga ganitong tao sa mundo? Sadista?!  At bakit naduduwag ang lalaki na lumaban sa kanila? Bakit?

Ginagawa ba nila ito ng dahil sa pera?

Bakit hinahayaan ninyo na saktan kayo ng pera at alipinin kayo!

Di na ako makapag-pigil. At ang dugo na kanina nasa unahan ko pa lang ay dumaloy na sa ilalim ng dollshoes ko.

Nanaginip lang ako diba? Natatawa ako sa sarili ko. Panaginip lang ito my dear. Pwede akong lumipad na parang si Peterpan. Magpaka-bayani sa ikinukwento ng isipan ko.

Kaya lang, bakit pinapakita sa akin ang pangitain na ito? Parang may darating na kung ano sa buhay ko.

“Enough.” At ibinagsak ng lalaking nasa bintana ang hawak niyang wineglass. Kaagad na tumayo ang bugbug saradong lalaki kahit na nahihirapan itong gumalaw. Saka naman may itinulak na isang lalaki sa nilisan niyang posisyon. At nanlaki ang mga mata ko dahil ang nasa harapan ko ay ang kapatid ko na humihingi ng kapatawaran sa ginawa ko? O anong ginawa niya?!

Napailing ako. Hindi kami pinalaki ng mga magulang kong ganito. Laban kung laban!

“Start.” Utos ng lalaking yun na ang bawat hampas, pagmamakaawa at hiyaw ay parang musika sa kanyang tenga. May mga ganito talagang mga tao sa mundong ito. Hindi sila tao! Kundi demonyo. Kumpirmado na ang boses na naghihinagpis na biktima ay ang kuya ko.

Kumulo ang dugo ko. Lalo na sa walang awang humpay na paghahampas sa kanya ng golfbat at walang magawa ang umag nito? Himala Kuya!? Sa basagan lang naman ng ulo, nangunguna ka diba?

Panaginip ata ito? Ang shunga talaga. Zhia, ayusin mo imagination mo. Pinaglalaruan ka ng imagination mo! Ano ba yan.

Napahakbang na ako at lakas loob na sinabing…

“Kuya, kinakawawa ka sa panaginip ko. Kailangan mo ata ng tulong ko.” Panunuya ko kay Kuya. Sa totoo naman talaga hindi padadaig ang kapatid kong gorilya sa mga engot na yan!

Nawala ang ingay ng paghampas dahil sa akin. Ang ultimate papansin na kapatid mo Kuya Joshua. Heto na to da resback na para sayo.

At yung lalaki na nasa bintana, napangisi at itinayo ang sarili ng matikas.

Bakit para siyang demonyo sa ngising niya? Nanaginip talaga ako. Haha. Namiss ko to ah. Tagal na din na wala akong nightmare.

Inabot sa malademonyong lalaki yung Golf Bat. Lumapit sakin, sa harapan ko. Kanya-kanyang atrasan naman yung mga bodyguards na weak na parang umiwas sa isang napakalaking alon na parating sa akin.

“So your next.” Titig niya na walang kupas, na kasing talim ng dulo ng kutsilyo.

Masakit sa tenga yung golf bat na sa tingin ko sinadya niyang  ikiskis ito sa sahig. Nakakatakot ang aura niya. Naniniwala ako na ito ang pinaka nakakatakot na lalaking nakita ko sa panaginip. Pero, loyal ang takot ko na mas nakakatakot pa naman yung mga multo kaysa sa kanya. I don't like them, lalo na si Valak. Anak niya ata ang lalaking to.

Siya lang naman yung nakakatakot pero ang cool tignan. Matangkad sa akin at ito ata yung foreigner na nadulas ng dahil sa ID ko. Karma niya yun at kailangan niyang tangapin!

Napapikit ako. Dinig ang tinis ng kiskis na tunog. Iniirita ako ng sagad. Panaginip lang ito. Simula ng mawala ang ID ko hanggang dito meaning nasa school pa ako.

Alam ko nakatulog na naman ako sa klase ko.

“Ms.Sontoria!” sigaw ng Prof ko. Yun ang hiniintay ko!

Ngunit ng mapamulat ako agad na sumalubong sa paningin ko ang golf bat na tumama sa katawan ng… Kuya ko?

Nangangamoy ng dugo ang paligid at sa lalaking to, halimuyak na gustong-gusto niya.

Bakit ang bitter niya?

Bigla akong napaluhod ng may sumipa ng binti ko. Naging pundasyon ko ang mga palad ko sa sahig para di ako matumba ng tuluyan. Patuloy ang paghampas niya sa kapatid ko.

Ang kamay ko, nang inangat ko... dugo.. dugo… dugo nga!  At sa amoy pa lang, nahilo na ako.

Yung kulay… yung amoy na parang gusto ko nang magsuka. Napapikit na lamang ako at parang nalantang bulaklak na napahandusay sa sahig, dahil ito na lang ang pagkakataon ko para makatakas sa panaginip na ito. Magkunwaring nahimatay sa panaginip.

Nakita kong parang nainis yung lalaki sa nangyari sa akin.

Yuck naman, nagswimming ang buhok ko sa dugo. At pakiramdam ko talagang masusuka ako! Tipong ako yung baboy na binebenta sa palengke.

Ngunit nakonsensya lang ako dahil walang humpay niyang pinaghahampas yung lalaking walang hiya na tinuhod ako. Saka ito yung nawalan ng malay, pareho na kaming nakahiga sa sahig.

Hi! Nagkukunwari ka din ba?

Si Kuya di na makakilos.Totoo ba din yung kanya? O kunwari lang?

At hinagis sa paanan ko yung Golf bat…

“Kill them all.” Bigla akong nagkamalay ng marinig ko yun! As in yung bumangon ako bigla na marealize ko na may pasok ngayon at bawal malate! At pinigilan ang binti ng lalaking demonyo, bago pa man ito makapaglakad palayo sa amin.

“Aba naman! Tigil!” Eh meron ako ngayon.

Kala ko mapapakalma ko ang lahat kung mag kunwari akong nahimatay.

Jusko, Kill them all?!

Nasa laro ba kami ng Counter Strike! Go Pokemon?  Zombie apocalypse?! Mobile Legends?!

Nagsilapitan sakin ang mga bodyguard ng demonyo at bago pa ako damputin nila. Itinaas niya ang kamay niya. Hudyat na tumigil sila.

Humarap siya sa akin. At saka ako tumayo.

Duguan na yung damit ko, para akong yucks. Pero hindi eh. Kailangan makatikim ang lalaking to. Bago pa man niya ako matitigan, ang kamay ko na kanina pang naka yukom ang sumalubong sa mukha niya. 

“Yan, nababagay yan saiyo. Sadista ka. Grabe ka!” Kikilos na sana yung mga tauhan niya. Pero muli niyang itinaas ang kamay niya. “Papatay ka dahil napahiya ka kanina. Para kang bata. Nakikita mo yang mga ginawa mo! Parang di ka tao! Demonyo ka!” Nakatitig lang siya sakin habang hinihimas yung pisngi niya.

“Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo. Sadista ba din sila?! Sa tingin mo ba masaya silang makita kang ganyan! Asaan tatay mo! Asaan Nanay mo-------.” At naramdaman ko sa pisngi ang sampal na sapat na para magising ako sa panaginip na ito. Pero hindi.

Whoa! Nasampal ako?!

Lalong kumulo yung dugo ko sa inis! Bakit di man lang ako nagising?!

@DeathWish

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status