Share

Chapter 8 We're not Done Yet

( Zhia POV)

Humakbang ako ng tatlo patalikod at nag bow, since labanan to, sorry na lang kung masaktan ko siya. Oo. Babae ako sa paningin pero lalaking-lalaki ang determinasyon ko na bigyan to ng sakit sa katawan. SORRY Talaga!

Hinigpitan ko ang tali ng buhok ko  at di nga niya namalayan simula na yun ng laban namin, ngunit agad niyang nahawakan ang kamay ko at naramdama ko ang sikong tumama sa likuran ko. Awww

Parang hindi rin siya ordinaryo sa Martial Arts at wala siyang pakialam na babae ang kalaban niya. Grabe. Hingal ko ang naririnig sa loob ng boung silid. Pagod na nga ako. At yung mga tinamaan niya sa akin feeling ko anytime, mamaga na. Halos di ko siya magawang tamaan dahil agad niya akong napipigilan at parang sumasayaw lamang siya na di ko madepensahan ang sarili ko. Ang galing niya. Namalayan ko na lamang nanghina ang tuhod ko at ubos na ang lakas ko, napaupo na lamang ako sa sahig.

“Get up.”

“Demonyo ka ba?” Hala wala kang hapunan ngayon Zhia. Ano pa ginagawa mo.

“Shut Up.”

Naalala ko tuloy ang Mama ko. Siya lang naman ang gumagawa nito sakin hindi niya iniisip na anak niya akong babae at ganitong ganito siya ka seryoso. Sabi niya sakin, mas kailangan ko matuto dahil ang akala ng mga lalaki mahihina ang babae. Hindi sapat na isipin ng lalaki na babae tayo, mahihina. Iniisip nila na mas nakakalamang sila sa mga babae at  mga pahina lamang kami sa mga lalaki. Kaya madaming napaglalaruang babae dahil, marupok daw tayo. Mama ko ang nagsabi na wag na wag ako magpapakahina. Sabagay Mama ko kasi mas malakas pa sa Papa ko. Nerd type ang papa ko, matulungin ngunit laging kinakawawa lalo na ni Mama. Na halos balian nito ng buto ang Papa ko pero mahal nila ang bawat isa.

Nasasaktan na ako sa mga sipa, suntok na natatangap ko galing kay Mama. At sa tuwing nasasaktan na ako, nauupo na lang ako. Iiyak na nagmamaka-awa ngang di ko na kaya. Sa upo kong ito, bigla na lang ako iiyak. At sasabihing,

“Tama na po!” saka niya ako itatayo at sisipain niya ako sa huling pagkakataon.

Pero di ko naramdaman ang sipang yun. Kundi isang twalya na sapat lang para maitago ang pagsuko ko. Narinig ko na lang...

“George!” Bumukas ang pinto at isang matangkad na lalaki na may salamin ang pumasok. Di ko sila mamukhaan ng maayos sa panaginip kong to.

“Give the Philippines Government a Budget for nationwide dinner Treat.”  Mahihimatay na ata ako.

“And her, give her a three days Body treatment.” napasilip ako, ngunit napatago ako sa twalya ulit. Nakatitig siya sa akin.

“We're not yet done.”

@Death Wish 

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Maribel Gabres Vanguardia
p unlock po
goodnovel comment avatar
Analiza Altura
nde b pwede lebre dto hahaha
goodnovel comment avatar
TazmanianSol
paunlock nmn po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status