Share

Chapter 3.2 : Hell

NAPATILI SI LANA nang mamalayan kung ano ang katabi niya. Isang napakalaking daga na mukhang plano siyang kagatin!

"Aahhh!!!" Napatili siya sa sobrang gulat.

Saka niya namalayan na hanggang ngayon ay nakahubad pa rin pala siya.

"Mas masarap yatang katabi ang isang daga kaysa sa master mo na tinulugan mo lang kagabi, alipin."

Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang boses ng master niya.

"Prince Wayne!"

"Inaasahan mo ba na magigising ka sa bisig ko habang nakahiga ka pa rin sa malambot at mabangong kama? Huwag kang umasa, Lana. You're just a slave. You don't deserve my love," malamig na sabi ng prinsepe.

Hindi na siya nagsalita. Sino'ng tao ang maghahangad pa na mahalin nito pagkatapos siya nitong pagsamantalahan at ilang beses nang muntikang patayin?

Sa isang maharlikang katulad ni Prince Wayne, ang pagiging babae niya ay hindi rason para respetuhin siya nito kahit na kaunti. Hinayaan lang siya nito na matulog sa sahig na napakarumi at dinala sa kwarto niya na hindi man lang binibihisan. Naaamoy pa niya ang katas ng pagkalalaki nito sa katawan niya. Nararamdaman niya na pinagsawaan nito ang katawan niya habang natutulog siya kagabi. Bukod doon, ang dugo sa leeg niya ay patuloy lang na tumutulo. Dahil doon ay namumutla siya.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ka pa rin mamamatay kahit na maraming tumutulo na dugo sa leeg mo. Bilang royal blood vampire na kumagat na ng unang beses sa 'yo ay may kakayahan na akong kontrolin ang pagdaloy ng dugo ngayon sa katawan mo. Kaya nga kitang patayin sa isang iglap kung gugustuhin ko," nakangising sabi nito.

Hindi siya nakapagsalita. Alam niya ang bagay na iyon dahil minsan na rin siyang naging alipin ng isang royal blood vampire. Hawak na ngayon ng master niya ang buhay niya. Literal.

"Para malinaw sa 'yo ang lahat, gusto kong malaman mo na bilang alipin ko ay akin ka. May mga bagay ako na gusto kong gawin mo at kamatayan ang magiging kapalit kapag sinuway mo ako, Lana," muling sabi nito.

"Masusunod, Prince Wayne," sabi na lang niya. Kailangan na niyang tanggapin ang malupit na kapalaran niya sa malupit na mundong ito.

"Unang-una, gusto ko na kalimutan mo na ang pagiging tao mo at kahit na sino ka pa noon. Kung sino ang pamilya mo, mga naging kaibigan mo o kahit ano'ng bagay na may kinalaman sa buhay mo bago ka napunta rito. Akin ka at bilang alipin ko, wala kang ibang dapat na iniisip kundi ako lang," sabi nito.

Hindi siya nakaimik agad sa narinig niya. Kulang na lang ay sabihin ng prinsepe na ito na mabuhay siya na parang isang robot na lang. Walang emosyon o walang taong minamahal kundi ito lang.

"Masusunod, mahal na prinsepe," ang sabi na lang niya. Ayaw niyang kalimutan kung sino siya pero alam niya na mas makabubuti sa kanya na ganoon na lang ang gawin.

"Pangalawa, call me master," utos nito.

Alam niya ang dahilan kung bakit gusto nito na tawagin niya itong master. Dahil sa pagtawag na master ay pinapaalala lamang nito na isa lang siyang hamak na alipin at ito ang master niya.

"Yes, master," sabi niya.

"Pangatlo, you will do anything I say without any hesitation. Kapag sinabi ko na maghubad ka ay maghuhubad ka. You will have a s e x with me whenever I want at ayokong makakarinig pa ng pagsigaw o pagtanggi mula sa 'yo katulad ng ginawa mo kagabi." Bumakas ang galit sa tono ng boses nito nang sinabi nito iyon. Alam niya na insulto para rito ang naging reaksyon niya kagabi habang nagse-s e x sila.

"Pang-apat, ayokong makikita na nakikipag-usap ka sa kahit na sinong tao. Kahit sa mga katulong sa palasyong ito. Wala kang ibang kakausapin kundi ako lang pero magsasalita ka lamang kapag kinakausap kita. Ayoko sa babae ang madaldal at mabilis akong mapikon sa maraming sinasabi. Gawin mo ang gusto ko kung ayaw mong matulad sa dating alipin ko na tinahi ko ang bibig," nakangising sabi nito.

Doon siya kinilabutan. Alam niya na hindi nagbibiro ang prinsepe. Ganoon ito karahas at kalupit sa mga hamak na taong katulad niya.

"Pinakahuli pero pinakaimportante. Don't talk with other guys aside from me. Hindi ka pwedeng mainlove sa ibang lalaki dahil akin ka lang. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na marami na akong pinaslang na mga insektong tao katulad mo. Kapag nagalit ako sa 'yo ay kaya kitang patayin anumang oras ko'ng naisin kaya siguraduhin mo na hindi mo ako gagalitin, Lana. Sinasabi ko sa 'yo ngayon pa lang, mas malala pa sa mga ginawa ko na sa 'yo ang kaya ko pang gawin. Isa ka lamang laruan, s e x slave at blood bank para sa akin kaya hindi ako mangingiming patayin ka kapag naubos ang pasensya ko. Pasalamat ka na lang at hindi ko inubos ang dugo mo kagabi pero maaaring hindi na ako maging lenient sa 'yo kung gagawa ka pa ng mga bagay na ikagagalit ko. Huwag na huwag kang iibig sa ibang lalaki dahil kapag nalaman ko na nangyari iyon ay hindi lang ikaw ang papatayin ko, Lana. Idadamay ko maging ang lalaking iibigin mo at ang buong pamilya na mayroon ka pa," seryosong sabi na nito.

Tuluyan nang tumulo sa mga mata niya ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilan. Bumalot ang takot sa buong sistema ng katawan niya. Pumayag siya na isakripisyo ang sarili para sa pamilya niya kaya hindi niya kakayanin kung mapupunta lang sa wala ang mga sakripisyo na iyon. Hindi siya papayag na mamatay ang pamilya niya lalo na ang taong minamahal niya.

Lumuhod siya sa harapan ni Wayne. "Pagsisilbihan kita, master hanggang sa huling hininga ng buhay ko. Gagawin ko po ang lahat ng nanaisin ninyo. Kahit ano pa iyon. Huwag lang ninyong idadamay ang pamilya ko. Nagmamakaawa ako..." Tuluyan na siyang umiyak sa harapan nito.

Tinawanan lamang ni Wayne ang ginawa niya.

"Kaaawa-awa talaga kayong mga tao. Kaya ninyong isakripisyo ang sarili ninyo para sa mga pamilya ninyo. Bagay na hindi ko gagawin kahit pa para sa pamilya ko. Sa mundong ito ay nagiging mahina lamang ang mga nilalang na nagmamahal. Hindi kataka-taka na hindi kayo kasing lakas naming mga bampira."

Siya ang naawa kay Prince Wayne sa narinig niya mula rito. Hindi raw nito isasakripisyo ang sarili kahit pa para sa pamilya nito. Hindi ba talaga nito alam kung ano ang pagmamahal na kahit ang pamilya nito ay wala itong ganoong pakiramdam para sa mga iyon? Mukhang si Prince Wayne ay hindi nakaramdam ng pagmamahal kahit sa sariling pamilya pa nito. Ito ang totoong nakakaawa.

"Bakit ba ganyan ang reaksyon sa mukha mo? Bakit parang ako pa ang kinaaawaan mo?!" Para bang nabasa ni Wayne kung ano ang nasa isipan niya.

"Hindi, master. Hindi totoo 'yan--" Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil muli na naman siyang sinampal ng malakas ni Wayne pagkatapos ay hinigit nito ng mahigpit ang buhok niya.

"Ang ayoko sa lahat ay iyong mga nagsisinungaling!"

"Master Wayne, nasasaktan po ako!"

"Talagang masasaktan ka kapag tinuloy mo pa ang mga ginagawa mo, Lana! Gusto mo ba na putulin ko 'yang dila mo? Para wala ka nang masabing kasinungalingan?!"

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang patalim na inilabas ng master niya. Mawawalan na nga ba siya ng dila?! Napapakit na lamang siya. Hindi na bago sa kanya ang balita na may iba't-ibang alipin na ang pinutulan ng bahagi ng katawan ng master niya. Kilala ito sa pagiging malupit kaya hindi na siya magtataka na putulin nito ang dila niya dahil gusto lang nito. He's really crazy at nababalot na ng takot ang puso niya!

Pero nanlaki ang mga mata niya nang imbes na putulin ang dila niya ay siniil lang siya ng halik ni Prince Wayne.

"Pagbibigyan kita ngayon, Lana pero sa susunod na magsinungaling ka pa ulit ay itutuloy ko na talaga ang banta ko sa 'yo. I'm warning you. Follow my rules at magkakasundo tayo!"

Iyon lamang at iniwan na siya ni Wayne sa bartolina. Sinara pa nito ng pabalya ang rehas na bakal.

Nayakap na lamang niya ang sarili nang makaalis na ito.

Alam niya na umpisa pa lamang ito ng impyerno na mararanasan niya habang kasama niya ang prinsepe ng mga bampirang si Wayne. Kailangan na niyang ihanda ang sarili. Her life and wants is no longer matter. She's just belong to him and he is the only one who can control her life.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status