CHAPTER FIVE
“PRINCESS TIANA”
NANG ARAW na iyon ay pinatawag si Lana ni Wayne para pagsilbihan ang dumating nitong mga barkada. Dalawang babae ang naroroon at dalawang lalaki. Ang isa sa mga lalaking iyon ay nakilala niya. Iyon ay 'yung doktor na nagpagaling sa kanya noong pinakaladkad siya ni Wayne sa kabayo. Si Raffy. Iyong isa namang lalaki ay hindi pa niya alam ang pangalan pero parang naiilang na siya agad. Pakiramdam kasi niya ay para siyang hinuhubaran nito kung makatitig ito sa kanya mula ulo hanggang paa. Hindi pa ito nakuntento at sinipulan pa siya.
"Kung gano'n ay siya pala ang bago mong laruan, Prince Wayne. Wala akong masabi. Napakaganda niya..." Punong-puno ng pagnanasa ang mga mata ng may kayabangang lalaki. May hitsura naman ito pero nagmumukha itong pangit sa paningin niya dahil sa kilos nito.
"Kailan ba ako pumili ng pangit na laruan?" pagyayabang pa ni Wayne.
Nilapitan siya ng dalawang babaeng naroon. Napaatras siya dahil unang tingin pa lang niya sa dalawa ay mukha nang hindi gagawa ng mabuti ang mga ito. Parehas na maganda at mukhang sopistikada ang dalawa.
Hindi man lang nag-abalang ipakilala sa kanya ni Wayne ang mga kaibigan nito. Sabagay, sino ba naman siya para ipakilala nito sa mga kaibigan nito? Pero isa lang ang nasisiguro niya. Mataas din ang antas sa lipunan ng mga bampirang bisita nila. Dahil kung hindi ay 'di naman ito magiging mga kaibigan ni Wayne. At dahil mga kaibigan ng prinsepe, nasisiguro niya na katulad ng master niya ay malulupit din ang mga ito sa mga taong katulad nila...
"Pwede rin ba namin siyang gawing laruan habang nagbabakasyon kami rito sa palasyo?" tanong ng isang babae.
"Oo nga. Nakakaboring naman kasi kung wala kaming magiging laruan pansamantala. Ang alipin kong tao ay napatay ko noong nakaraang buwan kaya matagal-tagal na rin simula ng huli akong nakapaglaro."
"Ganoon din ang nangyari sa alipin ko. Hindi ko sinasadya pero nasaid ko ang dugo niya no'ng minsang uhaw na uhaw ako, e. Nagkasakit siya dahil do'n. Nakakainggit ka, Prinsepe Wayne, maaari kang bumili kahit ilang tao o ilang beses pa sa Slavery District dahil isa kang maharlika. Hindi katulad namin na isang beses lang sa isang taon pwedeng bumili ng iisang tao," sabi ng isa pang babae.
"Tama sila. Maaari kang pumatay kahit ilang tao pa kung gugustuhin mo. Maaari mong ubusin ang dugo nila nang paulit-ulit," sabi naman ng isang lalaki na hindi si Raffy.
Nang dahil sa mga narinig ay kinilabutan siya. Sinasabi nga ba niya at tipikal na bampira rin ang mga kaibigan ni Master Wayne. Isang tipikal na bampira na walang pagpapahalaga sa buhay ng mga tao.
"Hindi ko siya na-enjoy no'ng dinala mo siya sa clinic ko pero sa totoo lang, simula nang makita ko siya ay hindi na ako mapakali. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang tikman ang dugo niya. Maaari ba akong tumikim ng dugo niya kahit na kaunti lang?" sabi naman ni Raffy.
"Sige na, Prince Wayne. Pumayag ka nang paglaruan namin siya!" sabi ulit ng isang babae.
Lalo lamang lumakas ang tibok ng puso niya sa sobrang kaba. Kay Wayne pa lamang ay nanginginig na siya sa takot dahil sa mga posibleng pagpapahirap na maaaring gawin sa kanya nito, iyon pa kaya na apat na ang magtutulungan na pahirapan siya? Baka sa pagkakataong ito ay mamatay na talaga siya.
Binigyan niya ng nakikiusap na tingin si Prince Wayne na nakapangalumbaba lamang na nakatitig din sa kanya habang hindi mababakasan ng kahit anumang reaksyon ang mukha. Alam niyang imposible pero palihim siyang umaasa na sana ay hindi pumayag ang master niya. Sana ay hindi nito isalalay ang buhay niya sa mga kaibigan nito na alam niya na hindi siya gagawan ng maganda.
Maya-maya ay ngumisi ito. "Bahala kayo kung anuman ang gusto ninyo sa kanya. Kapag napatay ninyo siya, maaari naman akong bumili ng kapalit niya kung kailan ko man gustuhin," malamig na sabi nito.
Nawalan siya ng kaunting pag-asa at nanlumo siya dahil sa narinig. Inaasahan na niya ang magiging sagot nitong iyon pero kahit papaano ay umasa pa rin siya na baka kahit kaunti ay may makuha siyang awa mula sa master niya.
Maya-maya ay nakarinig sila ng katok mula sa pinto. Isang napakagandang babae ang iniluwa niyon. Ang babaeng iyon ay 'di hamak na mas triple ang ganda kung ikukumpara sa mga babaeng may hawak sa kanya ngayon.
Matangkad at balingkinitan ang katawan ng babae. Morena ang kulay ng balat nito at may pagkacurly ang buhok nito. Maganda rin ang mukha nito. Matangos ang ilong, manipis ang labi at napapalibutan ng mahahabang pilik ang mga mata na purong brown ang kulay. Maganda rin ang pagdadala nito ng damit. Sa mundo ng mga tao ay maihahantulad sa isang napakagandang modelo o artista ang physical appearance nito.
"Ikaw pala, Tiana. Mabuti at napadalaw ka." Biglang tumayo si Master Wayne at ngumiti pa ito nang makita ang babae. Natigilan pa siya ng bahagya dahil iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang ngumiti ang prinsepe. Palagi kasi na 'ngisi' ang ibinibigay nito sa kanya.
"Kanina pa ako rito pero hindi kita makita kaya dinaanan ko si Stefan at siya ang nagsabi na nandito ka ra--" Hindi na naituloy ni Tiana ang sasabihin pa sana nito dahil hinalikan na ito ni Wayne sa labi!
Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya pero parang nakita niya si Wayne na tumingin sa gawi niya habang hinahalikan nito si Tiana. Ano ang ibig sabihin niyon?
"Masyado mo naman yatang namiss ang fiancee mo," pagbibiro ng babae saka napatingin sa kanila. "Nandito rin pala kayo. Mabuti naman dahil gusto kong sabihin na inaanyayahan ko kayo sa birthday party ko sa susunod na buwan. Pumunta kayo, ha?" nakangiting paanyaya ng babae. "Wait, sino siya?" Nakuha niya ang atensyon nito.
"Isa lamang siyang hamak na alipin kaya wala ring kwenta kung malaman mo kung ano ang pangalan niya. Ang mga mabababang nilalang katulad niyan ay walang karapatan na kilalanin ninuman," pang-iinsulto sa kanya ni Prince Wayne.
"Ang mean mo naman, Wayne! Of course, may karapatan siyang kilalanin dahil katulad natin ay may buhay din siya!" pagdedepensa ng babae. Tumingin ito muli sa kanya. "Now, little girl. May I know your name?" nakangiting tanong nito sa kanya.
Sinuri niyang maigi ang sincerity ng babaeng nasa pinto. Mukha namang genuine ang ngiti na ibinibigay nito sa kanya. Isa rin ba itong bampira? Kung siya ang tatanungin, mukha rin itong anghel katulad ni Prince Stefan.
"L-Lana. Lana po ang p-pangalan ko," nakayukong sagot niya.
"Nice to meet you, Lana. Ako si Tiana! Isa akong prinsesa mula sa kabilang kaharian at fiancee ako ni Prince Wayne at kababata ko sila ni Prince Stefan. Kinagagalak kitang makilala!" sabi pa nito na nilapitan pa talaga siya para kamayan.
Kinuha naman niya ang kamay nito para makipagshake hands. Naramdaman niya na sobrang kinis at lambot ng kamay nito na parang isang prinsesa. Doon pa lang ay alam niya na talagang nasa magkaibang mundo sila nito.
Mukhang mabait ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Kung kababata ito ni Stefan, hindi nakapagtataka na mabait ito. Pero kababata rin nito si Prince Wayne. Bakit kaya sa tatlo ay si Wayne lang ang may masamang ugali?"Sana ay makapunta ka rin sa birthday party ko next month. Aasahan ko 'yan, ah?" mabait na paanyaya nito.Medyo natagalan bago siya sumagot. Hindi pa rin talaga siya san
SAMANTALA, tuluyan nang nawalan ng malay si Lana nang dahil sa pagsipsip ng dugo ng tatlong bampira sa kanya. Hinang-hina ang katawan na napahiga siya sa sahig habang tumutulo pa ang dugo sa sugat na ginawa ng mga bampira."Naku, napatay ba natin siya?" Biglang nakaramdam ng takot ang isang babae."Kayo kasi, bakit nakipag-agawan pa kayo sa akin? Ang akala ko ba ay gusto n'yo lang na
"Galit na galit ang buong kabaryo namin nang dahil sa nangyari, Stefan. Sobrang pagsisisi ang naramdaman ko noon. Matalino ang batang iyon at malayo pa sana ang mararating niya sa buhay kung hindi ako nagtangkang tumakas. Kasalanan ko kung bakit siya namatay!" Habang umiiyak ay patuloy pa rin ang pagkekwento niya. Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na nagpeplay sa utak niya ang lahat ng mga nangyari."Sss... Wala kang kasalanan, Lana. Lahat ng nilalang sa mundong ito ay nagnanais ng kalayaan. Kaya naman hindi kita masisisi kung gano'n ang ginawa mo noon. Hindi ikaw ang may kasalanan
CHAPTER seven“ANG PAG-AMIN”"ANO? Pinainom mo siya ng dugo mo kaya siya tuluyang gumaling?" Gulat na gulat si Tiana nang sinabi niya rito kung ano ang ginawa niya para lamang maisalba ang buhay ni Lana.
"Maaari ba tayong mag-usap?" seryosong tanong nito.Nagtaka naman siya. Matagal na rin simula nang huli silang mag-usap ng kapatid kaya talagang napapaisip siya kung ano ang maaaring pag-usapan nila ng lalaki. Nagbago na ba ang isip nito na ipaubaya sa kanya ang trono ng pagiging hari? Ito ang panganay na lalaki at ayon sa batas, ito dapat ang maging tagapagmana ng korona unless na lang kung ito mismo ang tumanggi sa posisyon. Pinalabas ng hari noon na si Prince Stefan ang ayaw maging tagapagmana kaya siya ang naging crown prince. Pero alam niya na anumang oras, kapag ginusto ni Prince St
GAYA NG INAASAHAN ay nakita ni Wayne si Lana sa kwarto niya. Nakaupo lang ito sa kama at para bang naghihintay talaga sa pagdating niya. Agad itong napatayo nang makita siya. Pabalya niyang isinara ang pinto na ikinapitlag nito.
Maya-maya ay tumingin na ulit ito sa daan at bumuntong-hininga. "Patawad kung nasigawan kita. Huwag kang mag-alala, sinisiguro ko sa 'yo na walang makakakita sa atin dahil saulo ko na ang pasikot-sikot dito sa palasyo. Alam ko na sa daraanan natin ngayon ay walang nilalang na maaaring makakita. Magtiwala ka lang, hinding-hindi kita ipapahamak," pangangako nito.Hindi na siya nagsalita at sumunod na nga lang siya kay Stefan. Habang naglalakad sila ay napatingin siya sa mga kamay nila na magkahawak. Tama si Stefan, hinding-hindi nga siya nito ipapahamak. Wala ng ibang ginawa ang lalaki kung