Share

II. Begin Again

Six Months Later

"Ang daming kliyente kanina, sabay-sabay pa iyong mga site project tapos nakapagclose tayo ng kontrata sa isang firm. Nakakapagod pero worth it naman." si GM iyon, katatapos lang ng meeting namin para sa kontrata ng isang malaking firm na nagpasyang magpakontrata para sa gagawing bagong building ng opisina nila, ang JYB Interiors.

Ang proyekto ay para sa six storey building na gusto nitong ipatayo para sa bubuksang opisina nila dito sa Manila. Ayon sa nakausap namin, nais mag-expand ng may ari at dahil maganda ang potential ng market ng Manila at dito nito napiling magbukas ng main office.

"Oo nga, worth it naman and this calls for a celebration. Malaki-laking kontrata rin iyon at isa pa, pwedeng hindi muna tayo tumanggap ng ibang project for the meantime." sabi naman ni Chu na siyang assistant ni GM.

"Oo nga, hanggat hindi natatapos iyong sa JYB pwedeng hindi muna tayo tumanggap. Baka hindi rin kayanin ng mga tao, ano tara?"

"Sige ba, o Eli tara na sumama ka, yayain din natin ang iba pa."

"Ha? A-ano kasi ma-"

"Ano ba ang gusto mo? Beer, wine or ladies drink? Kahit ano, pwede mong orderin." nagpatuloy si Chu sa pagkumbinsi sa kanya.

"Beer na lang ang akin, kaso kas-"

"Okay, we're set then. Five minutes na lang before matapos ang office hour, see you sa lab-"

"Hindi ako pwede," sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig na nagsalita. Eksakto namang palabas si Maple sa meeting room at eksaktong papalapit sa amin. Nauna kasi kaming lumabas sa kanya kaya naiwan siua sa loob ng meeting room kanina.

"Ganoon ba? Sayang naman, pero hindi bale at kami na lang ang aal-"

"Hindi rin makakasama si Eli."

Pagkasabi ni Maple noon ay agad ko siyang tinignan ay ngumiti lamang soua sa akin.

"I have to talk to the suppliers para JYB project natin. Kailangan ko naman si Eli to search on something for me para pa rin sa project kaya hindi siya pwedeng sumama."

"Ano ba yan, ang kj mo naman. We still have time," reklamo ni Chu kay Maple. "Bukas ninyo na iyan gawin, hindi naman nagmamadali ang JYB."

"Hindi pwede, konti na lang ang oras ng team ko para sa kakailanganing materyales sa construction. We still need to consult JYB Interiors kung anong gusto nilang design for their project and I heared metikuloso pagdating sa designs 'coz its their expertise, hindi natin afford na mapahiya kaya ngayon pa lang wala nang dapat aksayahing oras."

Tinitignan ko lamang si Maple habang nagsasalita siya dahil sobrang seryoso niya si Chu naman ay halatang naiinis na samantalang tatawa-tawa na lang si GM.

"Napaka mo, kung ayaw ninyong sumama bahala kayo. Tayo na lang dalawa GM, ang kj ng mga tap rito." sabi pa nito sabay lakad palayo.

"Hala, nagtampo ata si bakla." natatawang sabi ni Maple pagkaalis ni Chu.

"Hayaan na ninyo siya, kami na lang ang lalabas mamaya. Let's do a team dinner kapag natapos na lang JUB project natin."

"Copy, GM" nakangiting sabi ni Maple.

Samantalang tumango naman ako sabay ngiti na rin.

Nagpaalam si GM upang habulin ang nagtatampong si Chu pagkaalis na pagkaalis noto ay saka naman ako nilapitan ni Maple sabay tawa.

"Nakita mo ba iyong reaksiyon ni bakla? Parang iiyak na."

"Oo nga, mukhang nadisappoint talaga siya." sang-ayon ko sa kanya.

"Magtigil siya, kagabi lang magkakasama tayo sa Angelo's tapos gusto niya lumabas na naman tayo? Ano iyon araw-araw walwal?"

Natawa ako nang maalala ang sinabi niya, kagabi lang kasi ay magkakasama kami sa isang bar dahil birthday ni Chu at doon ito nag-celebrate. Wala namang itong halos kaibigan at kami lang ni Maple ang madalas niyang kasama. Kaya rin siguro parang nagtampo ito na hindi kami sasama ni Maple sa kanila ni GM mamaya.

"Oo mga pala, ano ba iyong ipapagawa mo sa akin?"

"Wala, may ipapagawa nga kami pero hindi pa ngayon kaya pwede ka nang umuwi."

Bigla akong maguluhan sa sinabi ni Maple. Ngumiti siya sa akin bago muling nagsalita.

"Nabanggit mo na may lakad ka ngayon hindi ba? Kaya sinabi ko na lang na may ipapagawa ako kasi alam kong hindi ka naman makakatanggi sa kanila, At saka isa pa, gusto ko rin kasing umuwi nang maaga kaya nagdahilan na ako." kinindatan niya ako sabay tawa.

"Thank you, oo nga may lakad nga ako."

"O siya sige na, hindi na kita patatagalin pa. Umuwi ka na, magkita na lang tayo bukas at bukas ko na lang ibibigay iyong ipapagawa ko sa iyo."

"Sige, salamat."

Matapos kong magpaalam kay Maple ay nauna na akong umalis, nagpaiwan siya dahil hihintayom pa raw niya ang sundo niya at kailangan pa niya magligpit ng mga gamit.

Pagkalabas ng opisina ay dumiretso ako sa isang restaurant kung saan kami magkikita ng ate ko at ng asawa niya. Nakapangako akong sasama ako sa kanil para sa anniversary dinner nilang dalawa.

Sa probinsiya na nakatira ang kapatid ko at ang asawa niya, eksaktong lumuwas sila ng Manila kaya nagpasya silang makipagkita sa akin at yayain akong lumabas. Nasa Amerika pareho ang mga magulang namin at doon na naninirahan, kami naman ay piniling manatili dito sa Plipinas dahil sa sarili naming mga dahilan. Si ate ay dahil sa asawa niya at ako naman ay...

"Eli!"

Napaangat ako ng tingin at hinanap ang direksyon na pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Eksaktong kapapasok ko pa lang ng restaurant kung saan kami magkikita ni ate at kuya Jun ay narinig ko na ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

Kumaway ako at ngumiti ng makita ko ang ate ko, agad akong nagtungo sa mesa nila at matapos silang batiin ay naupo na ako. She was still beautiful at kahit pa nasa late thirties na siya ay hindi naman iyon mababakas sa mukha ng ate dahil bata pa rin siyang tignan.

"I missed you, mabuti na lang at dito sa Maynila ang appointment ng kuya Jun mo." bungad ni ate sa akin pagkaupo ko.

Natawa naman ang asawa niya dahil sa ginawa niya.

"Naku Eli, kanina pa ako kinukulit nitong ate mo. Miss na miss ka, kanina ka pa pinapatawagan sa akin at baka hindi ka raw sumipot."

"Hindi ka pa ba nasanay diyan sa misis mo, kuya?" sabi ko naman sabay tawa.

"Malamang, dadalawa na lang tayong nandito at saka hindi naman malapit ang Isabela 'no. Kaya sinusulit at sinasamantala ko kapag alam kong magkikita tayo." depensa naman ni ate Elise.

Napuno na kwentuhan at tawanan ang mesa namin hanggang sa matapos kaming kumain, muntikan pa naming hindi maubos ang lahat ng inorder ni ate sa sobrang dami. Akala ata niya ay lima kami sa mesa, panay rin ang kwento ng mag-asawa tungkol sa US trip nila at sa pagbisita nila kina mama at papa doon bilang parte ng anniversary treat ni kuya Jun sa kanya.

"Miss na miss ka na rin nila papa at mama, tinatanong nila kung," bahagya siyang tumigil at tinignan ako sa mga mata.

Doon pa lang ay alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Alam kong labis na nag-aalala sa akin ang mga magulang ko matapos ang nangyari anim na buwan na ang nakakalipas. Hindi ko rin naman sila masisi, bunsong anak ako at alam kong kung hihilingin ko ay uuwi sila rito para samahan ako.

Ayoko na silang pag-alalahanin pa kaya isang malaking ngiti ang isinukli ko sa ate ko at kay kuya Jun.

"Okay naman na ako, I'll call them later. Okay naman na talaga ako, ate."

"Sigurado ka?"

"Okay ka na ba talaga? Kung gusto mo naman ay pwede kang mag-stay sa amin sa Isabela. Pwede namang ikaw na ang magmanage noong flower shop ng ate mo doon at pwe-"

"Okay lang naman ako dito, kuya. Nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko at saka isa pa, nakalimutan ko na iyong nangyari. Nakamove on na ako 'no."

"Eli sum-"

"Ate, may trabaho ako rito at masaya ako. Gusto kitang makasama, pero gusto ko rin namang tumayo sa sarili ko. I wanted to do something for myself, at saka hindi ko na iniiyakan yung abnormal na si Ry- iyong siraulong iyon. Okay na talaga ako, sobrang okay na talaga."

"Talaga?" paniniguro ni ate.

"Oo nga, promise!"

"O siya sige, naniniwala na kami. Ay oo nga pala, nag-order ako ng strawberry shortcake nila rito. I ordered two dahil sa iyo ang isa."

Alam ni ateng paborito ko ang kahit anong gawa sa strawberry, noon bata pa ako ay madalas ko siyang niyayaya sa Baguio para lang doon at wala siyang magawa kung hindi ang pagbigyan ako dahil sa kukulitin ko siya halos araw-araw.

"Thank you."

Mag-aalas nuwebe na nang gabi nang magpaala sila ate sa akin. Niyayaya pa nga nila ako sa hotel nila para makasama pa ako ng matagal ngunit hindi na ako pumayag dahil ayoko na silang maabala pa.

"Magkita na lang ulit tayo bago kayo umuwi ng Isabela, huwag niyo na akong isama sa hotel ninyo at baka makaabala pa ako." sabay tingin kay kuya Jun.

Nakuha naman nito ang ibig kong sabihin at sabay kaming tumawa habang si ate naman ay walang naman ma-gets sa pinag-uusapan namin.

"O siya, tawagan mo ako kapag nakauwi ka na."

Tumango na lang ako, matapos nilang magpaalam ay naghanda na rin ako para lumabas. Papalakad na ako sa pintuan nang may makitang pamilyar na mga mukha sa nadaanan kong mesa.

"Tignan mo ang isang iyon, akala mo kung sino. Hindi ba niya alam na maraming naiinis sa kanya?" sabi ng isang lalake.

"Oo nga, masyadong magmarunong wala namang binatbat." sabi naman ng isa pa.

Tinignan ko ang direksyon na tinitignan nilang dalawa at nakita ang isang parang pamilyar pang mukha malapit sa bar counter, may kausap itong babae at parang seryosong masyado ang usapan nila.

"Sino siya? Anong problema ninyo sa kanya?" tanong ko sa mga ito matapos kong bahagyang lumapit sa mesa nila.

Sabay na napalingon ang mga ito sa akin at nagulat pa ng makilala ako.

"Eli," bati sa akin ni Gim nang makabawi sa pagkagulat sa akin.

"Ikaw pala iyan, maupo ka muna."

Umupo ako sa bakanteng silya sa tabi ng mga ito, inilapag ko rin muna ang cake na bigay ni ate sa mesa pati na rin ang jacket ko sa sandalan ng upuan.

"Kamusta ka na, ling time no see ah. Hindi ka umattend noong nakaraang reunion."

"Busy kasi, ang daming ginagawa sa firm. Kayo kamusta?"

"Ayos lang naman, hinahanap ka nila Mika. Ang akala nga nila kinasal ka na, diba matagal na kayo ng boyfriend mo, iyong classmate natin noong third year."

"Si Ryan, diba matagal na kayo? Kamusta na siya, ang balita namin kakauwi lang niya galing sa Japan. Sabihin mo naman sumama siya sa iyo kapag nag-reunion tayo."

"Talaga ba? Hindi ko alam na nakauwi na pala siya, actually hindi ko nga alam na nag-Japan siya. Wala na kasi akong balita doon, hindi na kasi kame, matagal na."

Naglalakad ako palabas ng restaurant, matapos na ungkatin nila Gim at Cris ang tungkol kay Rya- sa bwisit kong ex ay nawalan na ako ng gana at nagpaalam na umalis.

"Bakit ba kailangan pa nilang sabihi ang pangalan ng bwisit na iyon? Close ba sila? Kalalakeng mga tao nuknukan ng mga chismoso, napaka-insensitive, sinabi ko nang wala na kame nagtatanong pa rin mga bwi-"

"Miss, miss!"

Hindi ko na natapos pa ang pagmo-monologue ko dahil sa narinig kong tila may tumatawag sa akin sa likuran ko. Agad kong nilingon iyon at nakitang naroon ang lalakeng kanina lang ay pinag-uusapan ni Gim at Cris sa loob ng restaurant.

"Bakit mo ako hinahabol?"

Sa halip na sumagot ay iniangat nito box na dala-dala niya. Kapareho iyon ng box ng cake na binili ni ate sa restaurant kanina.

"Ano iyan?" nagtatakhang tanong ko sa lalake.

Hinihingal pa itong nagsalita, marahil dahil sa pagtakbo para mahabol ako. Pweo bakit?

"N-nagkapalit tayo, iyo ata ang cake na ito at akin iyang dala mo."

"Nagkapalit?" agad kong sinilip ang cake box at nakitang iba nga ang flavor ng cake na nasa loob nito.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ang loob ng box na dala niya at nakitang iyon ang strawberry shortcake na binili ng ate kanina.

Agad kong inabot sa kanya ang box na dala ko at kinuha ang ibinibigay niya. Nagpaalam siya sa akin at nagpasalamat bago tumalikod nang maalala ko ang mga sinabi ni Gim at Cris kanina tungkol sa kanya.

"Teka lang,"

Pumihit siya ng bahagya paharap at saka ako tinignan.

"Babalik ka pa ba doon sa restaurant?"

"Kailangan kong bumalik dahil nandoon pa ang mga kasama ko."

"Huwag ka nang bumalik doon, samahan mo na lang ako. May alam akong magandang lugar, may masarap ding inumin doon kaya siguradong matutuwa ka."

"Sabi ng nanay ko don't talk to strangers daw kay bakit ako sasama sa iyo."

"Ang tanda mo na, tapos lalake ka pa ano namang laban ko sa iyo? At saka hindi ako strangers, magkakilala tayo."

Buong pagtatakha niya akong tinignan.

"Ikaw si Jae Brillantes hindi ba?"

"Ako nga, paano mo akong kilala? Stalker ba kita?" buong pagtatakhang tanong niya.

"Feeling ka naman, stalker agad? Magkaklase tayo. Noong highschool, advisory class ni Mr. Hugo. Row five, gitnang upuan, section Balagtas."

"Magkaklase tayo?"

"Magkatabi tayo ng upuan huwag kang umastang may amnesia."

"Bakit hindi kita matandaan?"

"Nasa edad iyan, you know, memory gap. Ano? Tara na, hindi na ako strangers. Malinaw na magkakilala tayo."

Sa halip na sumagot ay muli itong tumalikod. Hindi na ako nagpumilit pa, bumaling na rin ako at nagsimulang mgalakad nang marinig kong magsalita siya.

"Kung sasama ba ako, manlilibre ka?"

"Call," maiksing sabi ko at saka ako nagpatiunang maglakad sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status