Share

III. What Is Happening?

Pinagsalikop ko ang mga kamay ko upang gumawa ng kunwaring telescope, sinilip ko sa pamamagitan noon ang mga bituing animo'y parang mga mumunting diyamante sa langit, maging ang bilog na buwan na para bang malaking plato sa kalangitan. 

Nagsimula kong igala ang paningin ko sa kabuuan noon at pagkatapos ay bumaling sa lalakeng nakaupo sa di kalayuan. 

"Anong ginagawa mo?" 

"Tinigtignan ko sila." sabi ko sabay turo sa langit. 

"Sila? Sinong sila?"

"Iyong mga bituin, ang ganda hindi ba? Hindi ka makakakita niyan basta-basta kahit saan. Alam mo ba na ito ang pinakamataas na lugar dito at ito rin ang perfect na ligar para pagmasdan sila."

Tapos ay kinuha ko ang banana milk na binili ko kanina. "Oh." sabay abot sa kanya. 

"Ano 'to?"

"Luh, bulag ka ba? Banana milk, ano pa ba sa tingin mo?"

"Alam kong banana milk iyan, ayan oh ang laki ng nakasulat. Ang ibig kong sabihin ay bakit iyan lang, nasaan na iyong sinabi mo kaninang ililibre mo ako?" may himig ng pag-angal ang boses nito habang kinakausap ako. 

"Ano bang gusto mo? Magpa-cater ako? May nakita ka bang pwedeng pagbilhan?" inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid bago muling bumaling sa kanya. "Wala, hindi ba?"

Alanganin niyang tinanggap iyon, bago nanahimik at hindi na muling nagsalita. 

"May gusto pala akong itanong sa iyo." basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin. 

"Ano iyon?" tanong naman niya nang hindi ako nililingon. 

"Bakit mo kasama sina Gim at Cris?"

"Bakit? Bawal ba?"

"Wala naman, hindi ko lang kasi lubos maisip na makakasundo mo ang mga iyon. Ang bu-bully kaya nila noong highschool. Tapos kanina narinig kong pinag-uusapan ka nila."

"Sumbungera ka din eh 'no? Tapos nakikinig ka sa usapan nang may usapan, so chismosa ka na rin."

Muntik na akong masamid sa narinig kong sinabi niya. Tinignan ko siya ng masa bago nagpatuloy sa pag-inom ng natitirang banana milk sa maliit nitong karton. "Excuse me, I just overheared them habang padaan ako magkaiba iyon sa pagiging tsismosa. Isa pa, mukha namang hindi sila mabubuting impluwensiya."

"Assumera ka rin pala, judge ka ba?"

"Siraulo ka ba? Kanina ka pa kasi naminilosopo, napipikon na ako sa iyo."

Siya naman ang tumingin sa langit at saka nanahimik.

"Two bottles tayo." biglang yaya ko sa kanya. Hinawakan ko pa siya sa balikat para makuha ang atensyon niya dahil nakatingin pa rin siya sa langit na puno ng mga bituin.

"Bakit? Lasenggera ka ba?"

"Hindi naman, pero kasi noong nakita kita kanina biglang gusto kong mag-inom."

"At bakit naman?"

"Alam mo ikaw, ang dami mong tanong. Pa-virgin ka pa, hindi na lang sumama."

"Bakit nga kasi,"

"Wala nga, bigla ko lang kasi na-realize na hindi pala ako okay. Mukha lang akong masaya and I am trying to move forward pero ang totoo, hindi pa ito buo." sabi ko sa kanya sabay turo sa bahagi ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko. 

Otomatiko ring pumatak ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan at doon tuluyang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. 

Mabilis kong pinahid ang mga iyon at saka ngumiti na para bang binalewala ko ang nangyari. He started to have this softer expression at iba iyon sa makikita sa mukha niya kanina. 

"Ikaw ba ang taya?"

"Ako nagyaya hindi ba?"

"Call," sabi niya sa akin sabay tayo mula sa kinauupuan niya. 

Inilahad rin niya ang kamay niya pagkatapos upang tulungan naman akong makatayo. Tinignan ko iyon saglit at saka inabot ang kamay ko pagkatapos. Naramdaman kong bahagya niya akong hinila para matulungan akong maiabgat ang katawan ko, hindi na rin nakakunot ang noo niya at doon ko rin napansing maganda pala ang pares ng mga mata niya. 

Hindi niya na binitawan pa ang kamay ko hanggang sa makapaglakad kami pabalik sa sasakyan niya. Iyon ang ginamit namin kanina dahil ayaw niyang sumakay sa sasakyan ng iba. 

Pagkarating namin sa kinaroroonan ng sasakyan niya ay agad niya akong pinagbuksan ng pintuan. Sinenyasan niyang sumakay na ako at tahimik naman akong sumunod. Umikot siya pagkatapos sa driver's seat at sinimulang ii-start ang kotse. 

Sa isang sikat na bar kami nagpunta. Umorder kaagad ako ng maiinom at wala akong narinig na pag-angal sa kanya. He just let me do what I wanted to do at iyon ay ang magpakalasing. 

Habang hinihintay ang order ko para sa aming dalawa ay napansin kong tinignan niya ang cellphone niya tapos ay ibinalik rin niya kaagad iyon sa bulsa ng suot niyang pantalon at saka ako tinignan. 

"Bakit?" maikisng sabi niya sa akin. 

Umiling ako at alanganing ngumiti sabay inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Hindi masyadong crowded ang lugar na pinuntahan namin, palibhasa'y weekday kaya kakaunti lang ang mga taong naroon. May pailan-ilang nagsasayaw sa dance floor at may ilang lamesang okupado pero mas marami pa rin ang bakante. 

Ilang saglit pa ay dumating na ang inorder kong 2 bucket ng beer. I poured some on my glass habang siya naman ay diretsong uminon sa bote. Hindi kami nag-uusap. Magkasama kami pero walang ni isang nagtangkang magsalita sa amin hanggang sa... 

"Alam mo ikaw, ganyan ka ba talaga? Bakit ang tahimik mo? Ano tayo nasa sementeryo?" reklamo ko sa kanya nang maka-apat na bote na ako. 

Hindi ko na rin binabaso ang iniinom ko at diretso nang tinutungga iyon mula sa bote kagaya ng ginagawa niya. 

"Okay ka lang ba? Laseng ka na ata eh?"

"Akoh? Lasheng? Baka ikaw, nakainom ka lang ng beer umurong na iyang dila mo. Kanina lang ang dami kong sinasabi, namimilosopo ka pa ngayon naman para kang patay na bata."

"Tama na iyan, huwag ka nang uminom."

"Ayokoh ngah," sabi ko sabay tungga ulit sa bite ng beer hanggang sa maubos ang laman nito. "Iinom ako hanggat gusto ko kasi ako naman ang magbabayad nito."

"Nakakaapat ka na, magtira ka ng pang-uwi mo kaya tumigil ka na riyan."

"Anoh? Hindih mo hako ihahatid?" umakto akong parang nagulat pa. "How ungentleman of you. Pagkatapos kitang iligtas doon sa mga kasama mong bully, ito pa ang igaganti mo sa akin?"

Umiikot na ang paningin ko at ramdam ko na ang hilo nang mga sandaling iyon. Hindi ko rin alam kung paano kong nagawang makalapit sa kanya dahil kung kanina ay parang hindi kami magkakilala, ngayon naman ay halos isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa. 

"Alam mo bang pinagtsitsismisan ka noong dalawang kasama mo kanina?" sumbong ko sa kanya sa pagutan ng pag-inom ng beer. "S-sabih nila akala mo raw kung sino ka. Tapos nag-uusap sila ng kung hanu-hano habang kausap mo iyong babae kanina. Iniligtas lang kita sa mga iyon kaya kita niyaya tapos pinipilosopo mo pa ako? How dare you?"

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Hedi layuan mo, tanga ka ba?"

"Okay."

"Hokay? Iyon lang ang sasabihin mo?"

"Oo," sabay kuha niya ng bote ng beer sa kamay ko. "Iyon lang, at tama na iyang kakainom mo dahil lasing ka na."

"H-hindi, hindi nga ako lasheng sabi."

"Laseng ka na,"

"Hindi ngaa!"

"O sige, kung hindi ka laseng, ilan 'to?"

Pinakatitigan ko ang mga daliri niya at sinipat iyon bago ko sabihin ang sagot ko. Hindi pa man niya sinasabi kung tama ako ay agad na niyang inilayo ang ilan pang bote ng beer na nasa harapan ko at saka tinawag ang waiter. 

"Bill out please." 

Sumunod naman ang waiter at saglit kaming iniwan para kunin ang bill. Akma namang kukunin ko ang isang bote na malapit sa kanya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan ako.

Tinignan ko siya ng masama bago ako nagsalita. 

"Hooy! Sayang iyan, maraming lasenggong nabibitin sa alak tapos ikaw mag-aaksaya ka?"

"Tama na, kung ayaw mong sa kalsada ka pulutin."  

"Aaahah! Iiwan mo ba ako sa bangketa dahil lasheng na akoh? Wala kang awa at puso. Wala kang kaluluwa, atay at balu-balunan. Paano mo maatim na iwan ako sa kalsada sa ganitong sitwasyon."

"Sir, bill niyo po?" sabi ng waiter pagkabalik sa mesa namin.

Otomatikong kinuha ko ang credit card ko sa wallet na nasa loob ng bag ko upang bayaran ang order namin, ngunit pagka-angat ko ng ulo ko ay wala na ito. 

"Huh? Hasan yung waihter?"

"Wala na, umayos ka diyan at aalis na tayo pagbalik niya. Magpupunta lang ako sa banyo, huwag kang maglikot at baka makabasag ka."

"Wow ah!"

Umalis ito saglit at iniwan ako. Wala sa loob namang naisandal ko ang ulo ko sa sadalan ng couch na inuupuan namin. Nahihilo na talaga ako dahil sa mga nainom ko at alam kong dahil iyon sa katigasan ng ulo ko. 

Hindi ako nakakalampas ng tatlong bote na hindi ako tinatamaan at ngayon ay sinagad ko talaga ang limitasyon ko. Nakaapat ako sa kagustuhang pansamantalang makalimutan ang sakit na dala-dala ko. Sakit na dulot nga kahuli-hulihang taong minahal ko. Walang iba kung hindi si... 

"Ryan?" napabalikwas ako ng bangon habang sinidipat ang imahe ng lalakeng nakatayo sa harapan ko. 

Ang pamilyar na tindig niyang iyon ay hindi pwedeng hindi ko makilala, walong taong naging kami kaya kahit utot niya ay pamilyar ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at agad na lumapit sa kanya. Nakatsliko na siya at may kausap nang makalapit ako kaya naman agad ko siyang hinawakan da braso. 

"Hoy!" sabi ko sa kanya sabay sampal ng malakas. Tila ba naghalo-halo na sa sistema ko ang epekto ng akak at ang sakit na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon kaya hindi na gumagana ang utak ko. 

"Why did you do that for? Are crazy?" singhal sa akin nito, marahil dahil sa sakit ng oagkakasampal ko sa kanya kay ganoon na lamang ang inis nito sa akin. 

Otomatikong nagsalubong ang mga kilay nito at tumalim ang mga tingin.

"Huwag mo akong english- english-in baka tamaan ka akin."

"What the hell, anong problema mo? Sino ka ba?"

Lalo namang nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Naiintindihan kong hiwalay na kami pero ang ipagkailang kilala niya ako ay bagay na hindi ko mapapalampas. Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang pagpatak ng mga luha ko, kasabay ng sakit na muling nagpaalala sa mga bagay na tungkol sa kanya. 

"Ang kapal ng mukha moh parah tanungin kung sinoh akoh? Talagaah baa? Tinatanong mo kung sino ako?"

"Tes, who the hell are you? At sino ka para sam-"

Hindi ko na siya pinapatapos pa dahil muli ko siyang sinampal sa pangalawang pagkakataon at doon na ito tila napikon. Umamba ito at akmang sasampalin din ako nang mabitin ang kamay niya sa hangin. Sabay pa kaming lumingon sa bagong dating na siya ring dahilan lung bakit nakabitin ngayon sa ere ang kamay ng damuhong nasa harapan ko. 

"Let go of me." angil ni Ryan dito. 

"Huwag mo nang patulan, laseng iyan... at baliw."

"Hoooy! Sinong baliw? Laseng ako, oo, pero hindi ko makakalimutang tinarantado ako ng lalakeng ito." dinuro ko si Ryan at tapos ay bumaling ako kay Jae. 

Kumilos naman ito para hilahin ako at ilayo sa lugar na iyon. Marahil dahil na rin sa lasing at hilo ay wala na akong nagawa pa kahit pa magpumiglas pa ako. 

"Nakakahiya ang ginagawa mo. Umeeksena ka pa talaga, akala mo naman ang laki mong tao."

"Bitawan mo nga ako!"

"Hindi, tara na at uuwi na tayo."

"Ayoko!"

"Isa!" nagsimula itong magbilang na oara bang bata akong pinapasunod. 

"Ayaw!"

"Dalawa!"

"Kahit umabot ka pa ng isang daan, wala kang mag-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalika sa mga labi. 

Natigilan ako nang maramdaman ang lambot ng mga labi niya sa labi ko. Bahagya pang gumalaw iyon bagay na nagpagkit sa akin sa kinatatayuan ko. 

His soft lips and gentle movement got me. Para akong nahihipnotismo. Para akong namamahika and the last thing I knew, everything dimmed out hanggang sa wala na akong makita. 

-----

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong matinding sakit sa bandang sentido ko. Agad kong hinawakan at hinilot iyon habang bumabaling pakanan nang matigilan ako. 

Natutop ko na lang ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko na sumigaw dahil sa nakita kong hindi ako mag-isa sa kama. 

May katabi akong lalake at ang mas nakakabigla pa roon ay wala itong damit pang-itaas. Bigla akong napa-antanda sabay taklob ng kumot para lang malaman kong nakahubad rin ako at halos walang damit. Doon na ako napabalikwas ng bangon, dahilan para magising ang lalakeng katabi ko. 

Hindi ako makapaniwala nang makita ko kung sino siya... 

"Jae!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status