Share

VI. Unexpected Things Happens

Nadatnan ko si Maple na nasa pantry at nagtitimpla ng kape, hindi niya ako napansing pumasok kaya naman nagpatuloy lang ito sa ginagawa niya habang ako naman ay kumukuha ng baon ko na nilagay ko sa ref.

"Kalabaw na buntis!" nagulat pa siya nang tuluyan na akong mapansin na paupo sa tapat niya.

Naupo siya sa mesang naroon at hinintay akong matapos.

"Saan ka nagpunta kahapon, bigla kang nawala."

"H-huh?" hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Alangan namang sabihin kong kasama ko ang kliyente namin nagkataong kaklase ko pala noong highschool. "W-wala naman, may pinuntahan lang."

"Kasama si JYB?"

Natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan ni Jae.

"P-paano mong nal-"

"Nakita kong sinundo ka niya kahapon, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" nagpatuloy ito sa pag-uusisa at alam kong hindi siya basta titigil.

"M-may tinanong siya tungkol sa project."

"Seryoso ka? Totoo ba iyan?" halata sa tono niyang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko, sinabayan pa niya iyon ng nagdududang mga tingin.

"Actually, kaklase ko siya noong highschool. Kahapon ko lang rin nalamang siya si JYB pero bago pa siya magpunta kahapon ay nagkita na kami." naalala kong bigla ang nangyari nang gabing iyon.

"Tapos?"

"Wala na, i-iyon lang. Nagkita kami sa restaurant na kinainan namin nina ate Elise at kuya Jun noong isang gabi. Aksidente kasing nagkapalit iyong cake naming dalawa, sinundan niya ako at doon ko nalaman na siya pala iyong kaklase ko noong highschool."

"Tapos?"

"Tapos na, iyon lang talaga iyon."

"Promise?" paninigurado niya.

Tumango ako at saka dumiretso sa pintuan upang lumabas,para na rin makaiwas na sa iba pang tanong ni Maple.

Pagkalabas ko ng pantry ay si Chu naman ang nakasalubong ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap dahil sa hindi ko pagsama sa kanila ni GM noong isang araw.

"Ghorl, galit ka pa rin?" malambing na tanong ko rito.

Umismid lang ito sa akin at saka ako inirapan.

"Ang taray nito, huwag ka nang magalit. Ililibre na lang kita ng miryenda mamaya."

"Ano namang tingin mo sa akin? Easy? Miryenda lang okay na?"

"Ano bang gusto mo?"

"Beer! Mamaya after work, bawal tumanggi at hihintayin ko kayo ni Maple."

Hindi na ako umangal pa at tumango na lang para hindi na siya magtampo. Mahirap mag-inarte ang baklang 'to, masuadong demanding.

Pagkalabas namin sa trabaho ay tumuloy kami sa isang bar na madalas daw puntahan ni Chu kapag gusto niyang mag-unwind. Hindi ako pamilyar sa lugar at ganoon rin si Maple dahil wala ni isa sa amin ang nahilig sa paglabas. Hindi rin ito iyong bar na pinupuntahan namin nila Chu noon tuwing magyayaya ito kaya wala talaga kaming idea ni Maple.

"Bago ba 'to?" mayamaya ay tanong ko nang makaupo kami.

"Hindi, matagal na. Hindi lang talaga kayo naglalalabas pagkatapos ng trabaho kaya you're missing all the fun stuffs in life." sarkastikong sagot ni Chu sa akin. Inirapan pa niya ako at sa totoo lang ay ang sarap dukutin ng mga mata niya.

Nagkatinginan na lang kami ni Maple sa huli at nagkibit-balikat na lang habang nakatingin rito, malamang ay badtrip pa rin si Chu sa amin dahil nung huling gabi na nagyaya siya ay hindi namin nagawang sumama.

"Galit ka pa rin, ghorl? Sumama na nga kami dito ni Maple para mapagbigyan ka tapos tinatarayan mo pa rin kami."

Doon lang tila lumambot ang expression nito at saka ngumiti sa amin na parang walang nangyari.

"Fine!" sabi pa nito sabay irap. "Kasi naman, nakakainis kayo. Alam niyo namang minsan lang magyaya si GM tinanggihan niyo pa."

"May lakad kasi ako that time, nakipagkita ako kay ate Elise. Okay na bang valid na reason iyon?"

"Eh iyang si Maple?"

"Well, I have no valid reason. I just feel like kailangan kong mag-reason out para makalusot si Eli at hindi mo na mapilit pa."

"Aha! So magkakutsaba kayo?"

"No!" sabay naming sagot ni Maple.

"Hindi niya alam na tatanggi ako sa pagyaya mo, isa pa napagod ako sa dami ng ginawa ko maghapon. I don't feel like going out at narinig ko na makikipagkita si Eli sa ate niya. C'mmon Chu, alam mo naman na minsan lang pumunta dito ang ate ni Eli at minsan lang tayo makapagpahinga. Can't you just let it pass?"

Nag-isip saglit si Chu at saka bumuntong hininga.

"Fine, I am letting this slide. Isa pa, nandito na kayo so absuwelto na kayong dalawa."

"Mabuti naman, pakiramdam kasi namin para kaming invisible sa iyo kapag nasa opisina tayo. Para kaming nakikipag-usap sa hangin."

Natawa ito sa sinabi ko. "That's what will happen kapag inindiyan ninyo ako."

Nakita kong umiling si Maple habang natawa naman ako sa pagmamalditan ni Chu. Sa amin kasing tatlo, si Chu ang pinakamaldita. Siya iyong tipo na madaling magalit pero matagal suyuin. Si Maple naman ang pinaka-outspoken sa aming tatlo. Sasabihin niya kung anong gusto niyang sabihin kahit sino pa ang kaharap niya, most of the time ay siya lang ang nakakatapat sa kamalditahan ni Chu at siya lang din ang bukod tanging nakakataggi kay GM.

"Oo nga pala, tungkol sa bagong project natin with JYB? Nakipagkita na ba sa inyo iyong may-ari? I heard he is a hottie, ang gwapo raw eh."

Muntik na akong masamid bago pa man matapos si Chu sa sinasabi nito, lalo na nang makita kong tinignan rin ako ni Maple.

"O ghorl, ayos ka lang?"

"Oh, a-ayos lang. Masyadong matapang yung iniinom ko eh. Nasamid ako kasi gumuhit sa lalamunan."

"Kailan pa naging matapang ang beer, Elijah? At kailan pa gumuhit iyan sa lalamunan?" nagdududang sabi ni Maple sa akin.

Napatingin muli ako sa mesa namin at nakitang puro beer nga lang ang inorder nila at wala nang iba pa.

"A-ano kasi, matagal na akong hindi umiinom." pagsisinungaling ko sa kanila. At kung malalaman lang nilang nag-inom ako noong isang gabi kasama si Jae ay malamang na malilintikan ako sa kanila.

Pinili ko na lang panindigan ang sinabi ko para hindi na sila magtanong pa. Nagdududa pa rin ang mga tingin nila sa akin ngunit sa huli ay tinantanan na rin nila ako at nagpatuloy na lang sa pag-inom.

"Speaking of the devil," mayamaya pa ay bulalas ni Maple habang nakatingin sa kabilang direksyon ng bar pagtawid lang ng dance floor.

Napatingin na rin kami ni Chu at maging ito ay napako na rin ang tingin sa lalakeng tinitignan ni Maple.

"Kung ganyan naman kagwapo ang devil, baka hindi na ako kailangan pilitin para sumama sa impyerno. Sino siya?"

"JYB." maiksing tugon ni Maple kay Chu.

Tinignan ko si Chu na nakatulala pa rin sa lalakeng nasa kabilang direksyon ng bar. Samantalang si Maple naman ay nagpatuloy na sa pag-ubos ng inumin niya. Hindi ko na rin napigilang tignan ang lalake mula sa pwesto ko, may kasama itong mga lalake sa mesa nito na tila abalang nagkukwentuhan. Habang tinitignan ito ay napaisip akong tama nga si Chu, tama ito na gwapo nga ang lalake.

Sa takot na mapansin kami nito ay agad ko siyanh tinapik upang tigilan na ang ginagawa nitong pahtitig sa kabilang mesa.

"Bakit ba? Tignan mo nga iyan, hindi ka ba mababaliw kapag iyan ang jowa mo?"

"Magtigil ka na at tigilan mo na rin ang katitingin mo dahil baka makahalata iyan."

Ngunit sa halip na sundin ako ay nagpatuloy lang ito sa tila pagpapantasya sa lalake. Pinabayaan ko na lang siya at katulad ng ginawa ni Maple ay nagpatuloy na lang ako sa pag-inom.

Mayamaya pa ay naramdaman ko nang kinakalabit ako ni Chu. Napatingin kami pareho ni Maple at natiglan nang makitang nasa gilid ko na si Jae na kanina lang ay tinitignan lang namin.

Kailan pa siya nakalapit? bulong ko sa sarili ko kasabay nang pagbawi ng tingin ko kanya nang mapansing nakatingin siya sa akin.

"Hey, nakakailan ka na?" sabi nito habang ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin.

"Hi handsome," si Chu ang sumagot at naglahad ng kamay sa kanya.

Tinanggap naman niya iyon tapos ay narinig kong inimbitahan siya ni Chu na maupos sa mesa namin. Ipinanalangin kong huwag niya itong pagbigyan ngunit ikinagulat ko na lang ang pag-usod ng upuan sa tabi ko at ang pag-upo nito doon.

"Kanina pa kayo?" nagsalita muli si Jae at kinausap si Chu.

Si Maple naman ay tahimik lang habang umiinom at hinayaan na ang huli na makipag-usap kay Jae.

"Hindi naman, kakarating lang rin namin. Ikaw, kanina ka pa ba? I am Chu Ledesma, katrabaho nina Maple at Eli."

"Hi, nice to meet you." tapos ay tumingin ito kay Maple at binati rin ito bago bumaling sa akin. "Hi,"

"H-hi," alanganing bati ko sa kanya at saka ako tumayo, nagpaalam na pupuntang banyo at naglakad nang walang lingon-lingon.

Mayamaya pa ay narinig kong nagsalita sat bumulong si Maple sa akin habang magiliw namang kausap ni Chu ang bagong datong na si Jae.

"Anong nangyayari sa iyo? Nauutal ka, may problema ba?"

Mabilis akong bumaling sa kanya bago ininom ang bote ng beer na nasa harapan ko.

"O-oo naman," pakiramdam ko ay pinagpawisan ako ng malapot sa pagkakalapit sa amin ni Jae. Bawat salita niya ay inaabangan ko dahil baka bigla niyang masabi sa mga kaibigan ko ang nangyari sa amin, mahirap na.

"Oh eh bakit parang pawis na pawis ka? Ayos ka lang ba?"

"O-oo naman, m-mainit lang. Oo tama, mainit talaga. Ang dami pang tao kaya siguro pinapawisan ako."

"Bakit naman ako hindi ganyan?"

Nagpatuloy ako sa pag-inom ng beer hanggang sa maubos ang laman ng hawak kong bote, hindi pa ako nakuntento roon pagkatapos. Kinuha ko na rin ang boteng nasa tapat ni Maple at saka isinalin iyon sa baso niya at baso ko. Niyaya ko siyang uminom ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

"Something's odd, hindi ka naman ganyan kanina. Parang tensyonado ka, everything happened right after JYB approched us." Sabi pa niya sabay bulong. "May hindi ka sinasabi sa akin, tama ba?"

"Wala,"

"Wala ka diyan, hindi ka magkakaganyan ng wala lang."

"Wala nga sabi, hindi naman ako mags-"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nakita ko nang umupo si Jae sa harapan ko, na siya namang nagpa-panic lalo sa estado ko.

Nanadya talaga ang isang 'to.

"What's wrong? You looked tensed, okay ka lang ba?" he said smilling at me habang katabi na niya si Chu. He's mocking me at alam kong alam niya ang dahilan kung bakit ganon na lang ako mag-react sa presensiya niya.

"Ha? Hindi naman ah. Huwag kang feeling, ang kapal ng mukha m-" bago ko pa tukuyang matapos ang pangungusap ko ay napatingin ako kina Maple at Chu na halatang nagulat sa mga sinabi ko. Maging sa kung paano ko siya kausapin.

Alanganin akong tumawa at nagkunwaring nagbibiro lang. "A-ah, a-ang ibig kong sabihin is h-hindi naman sa ganon. M-medyo naiinitan kasi ako, tama iyon nga."

"Is that the real reason? O baka naman ayaw mong nandito ako?" He continued to tease me at kung wala lang si Maple at Chu sa mesa namin, malamang na namura ko na siya.

Kinontrol ko ang sarili ko, kailangan kong kumalma dahil kahit papaano ay kliyente pa rin naman siya. Naisip kong baka bigla siyang sapian at i-pull-out ang kontrata, mahirap na.

Kailangan kong magpanggap.

Kaya mo iyan, Elijah. Kaya mong magpigil kasi magaling ka diyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status