Share

VIII. What You Mean To Me

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang magpahatid sa kanya. My first plan si just to wait until Ryan and Kim left the parking lot pero mukhang hindi makapaniwala ang mga ito sa naging rebelasyon namin.

They waited for us to left first. Hindi talaga umalis ang mga ito sa pwesto nila kanina hangga't hindi kami umaalis kaya nama wala na akong choice kung hindi ang sumama sa kanya.

"So babe, what's going to hap-"

"Manahimik ka, huwag mo akong ma-babe babe diyan ah."

"Ang sungit mo naman, sa iyo naman galing iyon ah."

"Ginawa ko lang iyon para mapaniwala sila."

"Na nakamoved-on ka na?"

Napalingon ako sa sinabi niya, how does he even know all about it? Wala naman akong sinabi sa kanya.

Wala nga ba?

"I knew everything,"

"Paano, aber?"

"You told me,"

Kailan? Wala akong matandaan.

"Huwag mo akong lokohin, masakit na ulo ko. Huwag ka nang sumabay."

"Kasalanan ko pang masakit iyang ulo mo? You should be thanking me instead, I helped you out."

"So ikinagaling mo iyon?"

Hindi siya kumibo pero narinig ko siyang tumawa at sapat na iyon para mapikon ako. As much as I don't want him to see me at my lowest point, wala na akong magawa. Anumang iras ay alam kong babagsak na ang mga luha kong akala ko ay naubos na noon.

I thought I have moved on and I thought it would make me feel better if I have someone to introduce to him when we see each other again. I thought I can be happy with that.

Pero nagkamali ako.

It only brought me so much pain and anger, bagay na hindi ko maintindihan sa sarili ko.

"Pakihinto na lang sa tabi, bababa na ako." I asked him calmly. Naubos na yata ang lakas ko sa pakikipagtalo sa kanya dahil ginugupo ako ng sakit kaya minabuti kong tahimik na bumaba na lang sana but he won't let me.

Sinabihan ko ulit siya at tulad kanina ay parang wala siyang narinig kaya sa ikatlong pagkakataon ay inulit ko iyon.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko bababa ako."

"Kung gusto mong umiyak, do it here pero hinding-hindi kita ibababa."

Naiinis akong bumaling sa kanya matapos niya sabihin iyon at magpatuloy sa pagmamaneho. Matalim ko siyang tinignan kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

"Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Ihinto mo na 'to, you don't have to bring me home."

"Alin din ba sa mga sinabi ko ang hindi mo ma-gets. Umiyak ka diyan hanggat gusto mo, sumigaw ka to your hearts content, that's fine with me pero hindi ka bababa. I'll get you home."

"Ano ba!" I raised my voice hoping this time ay pakinggan na niya ako but he just kept on driving. Binilisan pa niya iyon para wala na akong magawa pa.

Hindi na ako nagpumilit, I just cried silently. Feeling the pain and feeding from it in silence.

Hindi ko namalayang huminto na pala kami, nakita ko na lang nanakatapat na kami sa gate ng bahay ko na ipinagtakha ko kung paano niya nalaman.

"P-paanon-"

"Get inside and take some rest."

"Sinusundan mo ba ako?"

"Bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon? Huwag kang feeling," tapos ay bumaba ito sa driver's seat at umikot sa gawi ko upang pagbuksan ako ng pinto. Siya na rin ang nag-alis ng seatbelt ko dahil pakiramdam ko ay wala na akong lakas para gawin pa iyon.

I was mad.

Sa sitwasyon ko kanina at sa sitwasyon ko ngayon.

Bumaba ako ng sasakyan, isinara naman ni Jae ang pinto at saka ako hinintay na maglakad. When I was about to open the gate of my house, I instantly heared him call my name.

"Elijah,"

I stopped upon hearing his voice but what happen next is something I am not expecting.

Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap, he even pat my head na para bang inaalo niya ako at para bang sinasabi niya ayos lang na umiyak ako.

Ang buong akala ko ay tapos na ako sa mg ganoong tagpo. I genuinely believed that I have moved-on already, na nakalimutan ko na ang lahat ng sakit.

Pero nagkamali ako.

Its not over, seeing Ryan and Kim together just made me feel pathetic.

Helpless and hopeless.

Hindi na ako umalma pa sa ginawa niya dahil gusto ko ang pakiramdam ng kapayapaang ibinibigay noon sa akin. The warmth of his embrace, maging ang kapayapaang idinudulot noon sa akin ay bagay na hindi ko kayang putulin.

"Kasalanan mo 'to." sisi ko sa kanya habang yakap pa rin niya ako.

"Paanong naging kasalanan ko 'to? Ako ba ang nanloko sa iyo?"

Tinignan ko siya matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon.

Kingina, psychic ka ba?

"Paano mong alam na niloko niya ako?"

Pero bago niya ako sinagot ay muli niyang idinatay ang ulo ko sa dibdib niya at saka mahigpit muli akong niyakap.

"Lokohin ka kasi, iyong itsura mo pa lang pwede ka nang mabudol. Magtatakha ka pa kung bakit iniwan ka."

"Siraulo," sinubukan kong kumawala ngunit nanatili siyang yakap ako.

"Huwag kang malikot, just let it out para naman next time na makita mo sila eh okay ka na."

"Hindi ko na sila makikita."

"Iyon ang akala mo, I have a feeling na you'll be seeing them more often."

"Bakit?"

"Basta!"

"Bakit nga?"

"Basta nga, bakit ba ang kulit mo?"

"Ikaw 'tong makulit. Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin kung bakit?"

"Kasi nga magkikita at magkikita pa rin kayo sa ayaw at sa gusto mo."

"Ano bang alam mo?"

"Marami, tulad ng mga bagay nandito." He then pointed my heart. "At iyong mga nandito." At saka itinuro ang sentido ko.

May ilang oras na akong nakapasok sa kwarto at kanina pa rin nakaalis si Jar pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa parking lot. Iyong pagkikita namin ni Ryan at ng bagong grilfriend nito at maging ang pag-alo sa akin ni Jae.

I can still recall how he hugged me at kahit hindi niya iyon sabihin ay alam kong nag-alala siya lalo na nang makita niyang umiyak ako kanina.

Pero naiinis pa rin ako sa kanya, nagtalukbong pa ako ng kumot dahil tila ba hinahayaan ako ng sarili kong isipin ang mga ginawa niya kanina at hindi ang pang-aasar niya.

Hoy Elijah, huwag kong kalimutang binuko ka niya kina Maple at sinabi niyang may nangyari sa inyo.

Eh paano kung meron nga, paano kung meron talaga?

Magtigil ka! Don't tell me na mas maniniwala ka sa lalakeng iyon kesa sa sarili mo?

Eh paano kung nagsasabi talaga siya ng totoo?

Halos mabaliw na ako sa pagtatalo ng isip at puso ko. Parehong ayaw magpatalo at pafehong may ipinaglalaban.

December 2010

"Nakuha mo ba iyong assignment ni Sir Hugo?" natatarantang tanong ko sa katabi ko nang matapos ang una naming klase.

Adviser namin ang una naming teacher na kilalang terror at monster ng buong batch namin.

"Hindi ikaw ba?"

"Ang galing mo rin, eh anong ginawa mo kanina?"

"Natulog! Puyat ako kagabi, ang dami kong ginawa kaya bumawi ako ng tulog kanina."

"Kaya pala muntik ka nang humalik ng eraser kanina, mabuti na lang at busy din sa lecture si Sir. Kung hindi eh baka may bukol ka na ngayon."

"Nakita niya ba ako?"

"Hindi, pero muntik na. Nilibang lang siya nila August kaya hindi ka niya nakita."

"Hayaan mo lang iyon, so paano na 'yong assignment? Makakakuha ka?"

"Kingina, ano iyan? Aasa ka na lang ganon? Kilos din aba, hindi porket papa mo ang director ng school na 'to eh may karapatan ka nang magpa-easy easy. Narinig mo naman ang sabi ni Mr. Hugo, namemeligro ka."

"Sus, wala iyon. Kayang-kaya ko iyan. Gusto mo pakopyahin pa kita eh."

Mag-aals dos na ng madaling araw at nakailang baling na ako sa kama ko pero gising pa rin ang diwa ko, hindi ko alam kung dahil ba 'to kay Ryan o kay Jae na parehong hindi maalis sa isipan ko.

I was tired at maaga pa ang pasok ko bukas pero hindi ako magawang dalawin ng antok. I was pre-occupied with so many things at sa lahat ng mga iyon ay isang pangalan lang ang lumilitaw.

Jae Yuri Brillante

Gusto kong isumpa ang pangalan na iyan pero sa kabilang banda ay siya rin mismo ang nakapagpakalma sa akin kanina. I never expected that I'll be able to see him again, makalipas ng mahigit sampung taon.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, as I was about to fall asleep ay siya namang biglang pagtunog ng telepono ko. I looked at the screen and saw his name popped up with a text message.

From Jae:

You're at your most beautiful when you smile and I like you for that.

Hindi ko napigilang sumagot at magreply.

Bwisit ka, hindi ko pa rin nakakalimutang binuko mo ako sa mga kaibigan ko nang wala man lang akong matandaan.

From Jae:

Ano ba kasing ginawa mo?

Ako:

Baka may memory ako nang gabing iyon diba?

From Jae:

Huwag ka kasing mag-iinom kapag hindi mo kaya.

Ako:

Huwag ka kasing nananamantala.

From Jae:

Never...

Ako:

So wala talagang nangyari sa atin?

From Jae:

Tingin mo?

Saglit akong tumigil ng pagreply, nagsisimuka na naman akong mapikon sa kanya na kanina lang ay halos humupa na.

Hinayaan ko na lang siya, ayoko na mag-isip at gusto ko na matulog pero muling tumunog ang cellphone ko at nang basahin ko ang mensaheng naroon ay halos mapabalikwas ako ng bangon.

From Jae:

Handa naman akong panagutan ang nangyari, just tell me what to do.

Goodnight, babe!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status