Share

HTBS 06:

Lilac

Kanina pa kami dumating sa bahay pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako. Inaamin ko naman na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Seve, at nasasaktan pa rin ako sa tuwing kasama niya ang bago niya.

"Lilac"

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Trayne. Nagdikit ang kilay ko para intindihin ang sinasabi nito, ngunit wala pa ring pumapasok sa utak ko.

"Mommy bakit ka po sad? ayaw niyo po ba na kumain ako ng ice cream?"

Malungkot na tanong sa akin ni Lucas, umiling naman ako sa kanya at pinatawag ang isa naming kasambahay para paliguan ito at makatulog na pagkatapos.

"Susunod lang si Mommy, mauna ka na sa kwarto okay? mag-uusap lang kami ng Daddy Trayne mo."

Tumango-tango naman kaagad ito, at lumapit kay Trayne para halikan ito sa pisngi. Pagkaalis ni Lucas ay agad naman ito tumingin sa akin.

"May fan meeting ka bukas, kakatanhin mo ba yung ginawa mong kanta para kay Seve?"

Umiling ako sa tanong ni Trayne, kakantahin ko lang iyon kapag napaiyak ko na rin ang sumira ng buhay ko. Uunahin ko na si Jonalyn, sisiguraduhin ko na iiyak siya bago niya pakasalan si Szellous.

Masama kong tiningnan si Trayne, nang pinitik nito ang noo ko. Ang sakit kaya, parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.

"Ano na naman yang iniisip mo? may plano ka bang masama para sa mga Dela Vega?"

Ngumisi siya sa tanong nito, kahit naman ayaw ni Trayne ang ginagawa kong paghihiganti ay palagi pa rin itong sumusuporta sa akin. Walang kami pero isang tawag ko lang rito ay iniiwan nito kaagad ang trabaho para puntahan ako.

"Sa mga Dela Vega wala pa, pero sa Bartolome na iyon meron. Gagawin ko ang lahat para maramdaman niya ang sakit na dinulot niya sa akin, dahil sa pagsira niya sa relasyon namin ni Szellous."

Walang salitang lumabas sa bibig ni Trayne, naramdaman ko na lamang ang paghila ng kamay nito sa aking bewang para yakapin ako.

"I'm sorry Lilac, I'm sorry."

Tiningala ko ito dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin, bakit ito nagso-sorry? may kasalanan ba ito sa akin?

"Sorry dahil hindi ako si Szellous, sorry dahil hindi ko kayang pawiin ang poot at sakit na nasa dibdib mo. Patawarin mo ako dahil hindi ako ang unang nakilala mo, kaya ka nahulog sa taong hindi ka kayang ipaglaban at kaya puno ka ngayon ng paghihiganti. Pasensya ka na at nahuli ako ng dating."

Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa mga luhang dumadaloy sa mukha ni Trayne. Sa mundong ito, may isang tao na magmamahal sayo ng lubos pero hindi mo masusuklian. Kahit masaya ka pa sa tabi niya ay may pangungulila pa rin sa puso mo, dahil hindi siya ang para sayo.

Pinahid ko iyon gamit ang aking palad, kung pwede ko lang palitan ang puso ko para siya na lang ang mahalin ko ay ginawa ko na. Napangiti ako nang maalala si Persephone, napaka-swerte ng mga taong umiibig sa angkan ng mga De Silva. Walang katapusan ang pagmamahal nito, kahit nasasaktan na ay tatanggapin ka pa rin.

"Sino ba naman ako para iyakan ng isang Attorney Leandro Trayne De Silva?"

Pang-aasar ko sa kanya, tumawa naman ito at pinisil ang aking pisngi.

"Ikaw si Lilac Jose ang unang babaeng inibig nito, pero di sinuklian."

Kinurot ko ito sa tagiliran na ikinahiyaw naman ito. Tinawanan ko siya at nagpaalam na rito dahil magga-gabi na at uuwi pa ito. May fan meeting din ako bukas at kailangan maganda ako sa araw na iyon.

"Goodbye my precious Lilac!"

Pinalipad nito sa ere ang halik dahil malayo na ito sa akin. Dinakip ko iyon at tinapik ang pwet ko, malakas na tawa ni Trayne ang aking narinig dahil sa ginawa ko.

"Kiss my ass Attorney."

"Yeah, ikaw nga si Lilac. My Crazy Lilac"

Tumawa na rin ako at kumaway na sa kanya, hindi ko alam kung makakapunta ba ito bukas. Marami naman kasing ginagawa si Trayne, napangiti ako ng maisip na hindi ito nawawala sa concert at fanmeeting ko.

--

Namamangha ako sa dami ng taong pumunta. Alam ko na sikat ako pero di ko naman inaasahan na mapupuno ang Lazaro Hall.

"Salamat sa mga pumunta sa fan meeting na ito, sa mga umaasa na kakantahin ko ang bago kung isinulat na kanta ay pasensya na po kayo."

Rinig niya ang bulong-bulungan ng mga fans niya, ngunit nawala rin iyon ng sinimulan na niyang kantahin ang isa sa mga kanta niya.

"Tears running down

  Your goodbye's still ringin'

My heart can't hide the pain

Love, why'd you leave this sudden"

Pumatak ang luha sa gitarang hawak ko, napatigil na rin sa paghiyaw ang mga taong na nanunuod sa akin. Tila ba nakikisimpatya sa nararamdaman ko ngayon.

"I've tried to be stronger

Coz I'm not your little girl anymore

But baby, sorry, I'm not the strong

I want you to come back to me

I love you still

I promise I'll be a good girl

Please come back to me

Let me be your woman

Let me be the one."

"Fight Miss L! kaya niyo po yan."

"Nandito lang po kami!"

"Lilac Jose, ikaw lang sapat na."

Napangiti siya sa narinig na sigawan, tinapos niya muna ang kanta, bago bumaba para mas malapit siya dito. Mas lumalakas ang loob niya, kapag naririnig ang mga boses ng mga fans niya.

"May isang tao akong nakilala dati, sa kabila ng mga ginawa niya sa akin ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko."

Rinig niya ang pag 'awwie' ng mga fans niya, kaya malakas siyang tumawa.

"Narinig ko lang ang kantang ito, at tugmang-tugma ito sa nararamdaman ko ngayon. Kanta ito ni Maria Mena, at ito yung gusto kong kantahin para sa lalaking mahal ko, na ikakasal na. Pakinggan niyo po ng mabuti ang mensahe ng kanta, ipikit niyo muna ang inyong mga mata para mas ramdam niyo."

Nauna na akong pumikit at sinimulan ng kumanta. Gusto kong marinig ni Szellous ang kanta na'to, pero meron ring nagsasabi sa isipan ko na hindi yun pwede, baka isipin nito na nagpapaawa ako.

"It's a small town

Word gets around

And travels in circles

Through hoops over hurdles Everyone's careless

They talk about our mess"

Nabutis ako ni Seve noon at nang maisilang ko si Lucas lahat ng mga nakakakilala sa akin ay nakikita ko ang mga pandidiri nila. Nagpabuntis daw ako sa isang mayaman na di naman ako kayang panagutan.

"They don't care how it hurts me

Must think it was easy

They say you have a new love

I'm happy for you love

I just don't wanna meet her

Are you gonna keep her

Cause I don't wanna see you with her I don't wanna see her face Resting in your embrace

Her feet standing in my place

I don't wanna see you moved on

I don't think that I'm that strong "

Limang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon di ko pa rin kayang isipin na may bago na siya. Tapos malalaman ko nalang na ikakasal na siya sa susunod na araw. Di ko na mapigilan ang luhang naipon sa aking mata, tuluyan na itong dumaloy sa akin pisngi. Wala akong pakialam dahil nakapikit rin naman ang mga fans niya.

"It hasn't been that long

Since I was the one on your arm

I don't like being sober

That's when it hits me it's over Although it was my choice

I can't shake your calm voice

Saying you found one

That makes you feel as strong

And helps you through hard times 'Cause that job was once mine

They say you have a new love"

Naaalala ko pa rin ang huling eksena, ang araw na iniwan ko si Seve dahil pinili niya ang dating iniibig. Ilang ulit akong naglasing kahit buntis ako, dahil sa sakit na aking nararamdaman.

"I'm happy for you love

I just don't wanna meet her

Are you gonna keep her

'Cause I don't wanna see you with her I don't wanna see her face Resting in your embrace

Her feet standing in my place

I don't wanna see you moved on

I don't think that I'm that strong "

Dinilat ko ang aking mata para tingnan ang tao na nasa harap ko. Nanlalaki ang mata ko nang makita ko silang nakatingin sa akin, at katulad ko ay may mga luha rin sa mga mata nila. Hindi ba ito pumikit at nakatingin lang sa akin?

"Miss Lilac, ramdam ko po ang sakit na nararamdaman ninyo."

Humihikbing sambit ng isa sa mga ito, tumawa ako kahit na may luha pa rin sa aking mata. Nanlalabo pa ang aking tingin dahil doon, kinusot ko iyon gamit ang kaliwa kong kamay.

"Salamat naman at hindi lang ako ang kawawa rito, umiyak din kayo eh."

Tinuro niya pa mga fans na nagtatawanan, lumapit siya rito at isa-isang pinapatahan ang mga ito. Nang nasa gitna na siya ay nakita niya doon si Trayne na nakangiti, he mouthed her 'I'm proud of you', tumawa siya, kaya nagsilingunan ang mga fans niya.

"Ay may bago na palang nagpapasaya kay Miss Lilac, ang pogi din!"

Namula sila pareho ni Trayne sa sinabi ng isang fan. Nagsimula naman itong kumuha ng litrato at nagtilian. Iba na namang isyu ang lalabas, mamaya. Napakamot siya sa batok at babalik na sana sa stage nang magsigawan ito.

"Kiss! Kiss!"

Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan, iiling sana siya nang mabilis na naglakad si Trayne papalapit sa kanya. Bago niya pa ito masaway ay inangkin na nito ang labi niya.

"Kyaah! ang sweet."

Nakatingin lang siya kay Trayne na nakapikit. Hindi niya ito tinulak dahil gusto niyang maramdaman ang pintig ng puso niya, yung palagi niyang nararamdaman kapag inaangkin ni Seve ang labi niya, ngunit humiwalay na lamang ito ay di niya pa rin iyon nahanap. T*nginang puso to, di marunong pumili.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Missy F
baka anjan pala si Seve, narinig panka dramahan mo..ba yan..talunan kpa din ..masyado ka obvious
goodnovel comment avatar
Puertos LyraMae
Tsk may matinong nagmahal at tanggap ka, ayaw mo pa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status