•Seve•
"Seve anak tulungan mo naman kami ng daddy mo, malapit ng bumagsak ang negosyo natin. Di namin kayang pigilan ang mga investor na umalis sa kompanya, at di nakakatulong ang ginawa ni Lilac tungkol doon sa bata di niya tayo mauuto. Kamukha daw pwe!"
Malungkot akong ngumiti sa harapan ni Mommy, umuwi ako dito para ma-comfort nito. Nakakatawa dahil umaasa ako na sana maramdaman nito ang paghihirap ko ngayon, ngunit puro trabaho ang nasa isip nito.
"My, pwede po ba bukas nalang yan? masama po ang pakiram—"
"Ano? Ano ka ba naman Szellous. Paano na tayo kapag bumagsak ang kompanya? Sigurado akong pagtatawanan tayo ng Lilac Jose na iyon, at kapag nangyari iyon sigurado akong magpapakamatay ako."
Tumango ako sa sinabi ni Mommy at lumabas na nang bahay. Pupunta pa ako sa opisina, sa totoo lang masama talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nanlalabo ang mata ko haba
•Lilac•Gusto sanang manatili ni Trayne sa bahay ngunit tinawagan naman ito ng sekretarya niya dahil may bagong kaso daw. Hindi na niya ito pinigilan lalo na at sa tingin niya ay importante ang lakad nito."Mommy, sleep na po tayo ulit?"Tanong sa akin ni Lucas at tumabi na sa akin. Agad akong tumango rito at tinapik ang braso ko para umunan ito roon. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako, bago sumiksik sa aking dibdib. Katulad ng ama nitong si Szellous, doon din ang paborito niyang pwesto bago matulog."Mommy, bakit po sabi ng guy kanina Anak—"Napatigil sa sasabihin niya si Lucas nang tumunog ang cellphone ko sa mesa. Agad nito iyong inabot at binigay sa akin."Hello"Bungad ko dito, kahit hindi pa tinitingnan ang caller ID. Napakunot ang noo ko nang di ko makilala kong kaninong boses iyon. Inilayo ko ito saglit at tiningnan ang screen
•Lilac•Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na pagdo-doorbell, nang kung sino sa labas ng unit ni Seve. Mabuti nalang at mahimbing pa rin ang tulog ni Lucas, kung sakaling nagising ito sigurado siyang masisipa niya ang taong iyon."Anong ginagawa niyo rito?"Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga kaibigan ni Seve sa labas. Hindi sila sumagot at nakatingin lang sa akin, napalunok ako at inayos ang sarili. Nahihiya ako sa mga gwapong lalaki na nasa aking harapan ngayon."Miss Lilac, ang ganda niyo po pala sa personal. Fan niyo ako. Bakit po kayo nandito?"Inabot ko ang inilahad na kamay ng lalaki, pagkatapos ay napakamot ako sa aking batok. Ano nalang ang iisipin nila? May fiancé pa naman si Szellous."Ano kasi tinawagan ako ni Soulle tapos wala raw mag-aalaga sa kaibigan niyo. Uuwi na rin kami ng anak
•Seve•Ganito pala ang pakiramdam ng mayakap ng anak. Ang init ng katawan nito ay napakagaan sa pakiramdam. Ramdam ko ang pagdaloy ng luha sa aking mata pero wala akong pakialam. Natatakot akong bitawan ang anak ko at baka di ko na naman ito makita muli."Ang init niyo po papa, iba po pala talaga ang yakap ng totoong papa. Ang sarap po na manatili dito, kaparehas po sa dibdib ni mama parang may savior din po ako rito."His words and voice warms my heart. He is my son, my own flesh and blood. Bumaba pa ang ulo nito sa dibdib ko, tila ba may pinapakinggan doon."Tug-dug-tug-dug. Papa naririnig ko po yan dito po."Hindi ito lumalayo sa kanya pero tinusok nito ang dibdib niya gamit ang maliit nitong daliri. Sinalubong niya ang tingin nito nang tumingala ito sa kanya."Alam mo ba ang ibig sabihin niyan anak?" nakangiti niyang tanong rito.
•Seve•"Hahayaan mo lang?""Kinuha na ng iba pero hinayaan lang kaya ka miserable, eh. Di ka marunong bumakod. Di ka marunong lumaban sa taong mahal mo."Ginulo ko ang aking buhok dahil sa ingay ng mga kaibigan ko. Para itong mga demonyo na nag-uudyok sa akin na gawin ang mali. Paano ko naman ipaglalaban si Lilac, kung may Jonalyn pa sa buhay ko. Kailangan ko munang ayusin ang buhay ko bago bumalik sa kanila."Alam niyo naman na nasa tabi ko pa si Jonalyn. Hindi ko naman kayang saktan ito. Alam niyo naman ang rason diba?" matamlay kong pahayag.Kapag nakipaghiwalay ako kay Jonalyn ay magpapakamatay si mommy at iyon ang ayaw kong mangyari.Isa akong anak na labis na nagmamahal sa ina na nagpalaki sa akin."Pare, kapag hindi mo hinabol si Lilac at ang anak mo ngayon. Tiyak na pagsisisihan mo ang desisyon mo.
•Lilac•"Ahhh!"Lumingon ako kay Seve dahil sa ingay na ginagawa nito nang magsimula ng gumalaw ang roller coaster. Nasa likuran rin siya namin dahil dalawang tao lang pwede."Ang ingay ni papa, mommy," nagrereklamong sambit ni Lucas sa akin."Seve, ano ka ba kakasimula pa lang."Tumingin ito sa kanya at umiling-iling. Muntikan na siyang matawa sa itsura nito nang bigla itong nagsalita."I don't want to ride this f*cking thing, Lily. Sayo ko lang gusto."Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito, buti nalang at wala itong katabi. Kung meron ay tiyak na mababatukan niya ito sa sobrang inis."Bastos ka talaga, Seve. Humanda ka talaga sa akin pagkababa natin dito."Tinalikuran na niya ito at inasikaso na lamang ang anak na sobra ang saya. Tinaas pa nito ang kamay sa ere
•Seve•"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo Veron? Dapat nasa opisina ka at nagtra-trabaho, hindi yung ibang bagay ang inaatupag mo."Nang makita ko si mommy sa labas ng unit ko alam ko na agad na sermon na naman ang aabutin ko at hindi nga ako nagkakamali. Hindi man lang ako nito hinayaang makabihis.Si mommy yung tipo ng tao na lahat ng mga kilos ko ay nababantayan nito. Ayaw nitong malihis ako sa daan na gusto niyang maitawid ko. Matamlay akong napatingin sa kanya habang nagkakamot ng noo. "Mommy pwede ba? Hindi ibang tao sa akin sila Lily. Ina siya ng anak ko at dapat lang maglaan din ako ng oras sa kanila."Pinipigil kong pagtaasan ito ng boses dahil inaalala ko ang kondisyon nito, pero habang tumatagal ay nasasakal na rin ako.Pinaningkitan niya ako ng mga mata tila ba kasalanan na ang pagbibigay ng opinyon o pagsagot ko sa kanya."Iyan! D
•Lilac•"Seve Dela Vega and Lilac Jose are dating""Szellous Veron Dela Vega's look a like, is his son?""Miss Bartolome, real attitude."Ang dami na namang issue tungkol sa akin at nasali pa ang anak ko. Kay aga-aga sinalubong na kaagad ako ng mga maiingay na reporter, halos di matigil ang tawag ng mga ito."Miss Lilac, Kailangan niyo na pong pumunta sa Bartolome's Clothing Line's head office."Ito lang ata ang balitang ikinatutuwa ko. Hindi ko pa nakikita ang mukha ni Jonalyn ay natatawa na ako. Uunahin ko muna ang babaeng to, isusunod ko ang Madame Luxin na iyon. Pinaghahandaan ko ang para sa kanya, ipaparamdam ko ang sakit nang nawalan."Mommy, saan po tayo today? Sino po ang kasama natin si Daddy Trayne o si Papa Seve po?" magkasunod na tanong ni Lucas.Hinaplos ko ang buhok nito sabay iling. Gusto ko man na is
•Lilac•Hapon na kami nakauwi ni Lucas, dahil pinuntahan pa namin si Trayne sa opisina ko. Sa tingin ko ay may iba na itong pinagtutuunan ng pansin ngayon. Suportado naman niya ang kaibigan kahit alam niyang malalayo ito sa kanila at may iba ng pro-protektahan. Mas gusto pa rin niyang makita ang kaibigan na masaya kasama ang taong itinadhana dito."Lily, Lucas."Napakunot ang noo ko nang makita si Szellous sa gate. Patakbo naman na lumapit dito si Lucas at niyakap ang ama."Seve? Bakit ka pumunta dito? Hindi ka ba busy?" tanong ko sa kanya. Umiling ito at binuhat si Lucas. Na nagsisimula ng mag-kwento sa ama, napangiti ako at pinapasok na sila. "Actually may trabaho ako ngayon iniwan ko lang dahil namimiss ko kayo," sambit nito na ikinalingon ko. Kikiligin na sana ako kaso naalala ko na naman si Jonalyn at ang magiging anak ng dalawa. Nap