Share

Unexpected Royal
Unexpected Royal
Author: AillexSkcy

Chapter 1: Unfortunate

Mabilis akong lumabas ng bahay ng maisuot ko ang doll shoes kong luma na, tatakbo akong tumungo sa paradahan ng jeep upang makarating ng maaga sa trabaho ko ngayong araw. Napatingala ako ng mapansin ang makulimlim na langit, pero hindi ko na lang iyon pinansin. Nang makarating ako ay iilan lang ang nakapila na pasakay pa lamang sa jeep, mabuti na lamang dahil kadalasan palaging madaming pasahero ang nag aabang ng masasakyan lalo na ang jeep.

"Kuya last jeep na po ba ito?" tanong ko sa barker na nakasuot ng puting sando habang may good morning towel sa kanang bulsa ng kanyang suot na pantalon.

"Oo miss, kaya pumila ka na doon at baka mawalan ka pa ng mauupuan." sagot ng barker na patuloy pa rin sa pagtawag ng mga pasahero kahit padami na ng padami sa aking likuran ang nakapila. 

Makalipas ang ilang Segundo ako na ang nasa bungad ng pinto ng jeep, aktong ihahakbang ko na ang aking kanang paa paakyat sa jeep ng biglang may tumulak sa akin dahilan para mapatid ako sa unang baiting paakyat ng jeep. Napakunot ang kilay ko sa mga sandaling iyon, sinubukan kong lingunin ang aking likuran upang tingnan kung sino ang tumulak sa akin, ngunit sa hindi inaasahan may isang lalaking biglang sumingit, tinabig niya ang aking balikat at mabilis na sumakay sa jeep.

Agad kong itinuon ang aking kanang kamay bago pa ako lumagpak sa semento ng kalsada, nilapitan ako ng barker at tinulungan na makatayo.

"Pasensya na miss, nagmamadali lang ako." 

Napatunghay ako ng ulo ng marinig ang boses na iyon. 

Isang pares ng turquoise na mga mata ang sumalubong sa aking paningin, napakaganda niyon tingnan dahil sa asul at berdeng kulay na naglalaban sa paningin ko, ibinaba ko ang tingin sa may katamtamang tangos ng kanyang ilong pababa sa makakapal at maitim niyang bigote hanggang sa kanyang panga, at ibinaba ko pa ang aking tingin sa kanyang maliit na may pagkapinkish na labi, ang hulma ng kanyang mukha ay sakto ang sukat ng isang model na madalas kong nakakasalamuha sa aking trabaho. Nakasuot siya ng kulay itim na polo shirt, maong ang kanyang suot pang ibaba habang itim na rubber shoes na mukhang hindi pa nilabhan, simple at may dating ang suot niya lalo na ang maliit na sling bag na nakasabit sa kanyang leeg.

"Sa mga hindi nakaabot sa mauupan pasensya na, pero may darating namang bus maya maya, doon na lang kao sumakay papuntang bayan," sambit ng barker sa mga natirang pasahero.

"May bus namang dadaan dito mamaya, doon ka na lang sumakay miss," sabi sa akin ng barker matapos akong tulungang makatayo.

"Pero n-nagmamadali p-po ako," pautal utal at mahina kong sambit ngunit hindi ako pinansin ng barker.

"Larga na!" sigaw niya, binuksan na ng driver ang engine ng jeep at agad na umalis. 

Nakatingin lang ako sa jeep na palayo habang nakatayo dito sa tabi ng kalsada. Kapag nalate pa ako ngayong araw matatanggal na ako sa trabaho ko, napabuntong hininga ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko dahil sa nangyari kanina. Umupo ako sa isang bakanteng upuan kasama ng ibang naiwang pasahero.

"Miss dumudugo ang palad mo," agad kong tiningnan ang aking kanang palad ng marinig ang sinabi ng katabi ko, may bruise ang palad ko, namumula at dumudugo gaya ng sinabi niya.

"Here," napalingon ako sa katabi ko ng may iabot siya sa akin, isang panyo na puti iyon at may band aid pa na kasama.

"Salamat po, okay lang ako," iniikom at itinago ko ang palad ko, hindi ko din tinanggap ang iniaabot niya sa akin, pero nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at idinampi ang panyo na hawak niya. Napaaray pa ako ng idiin niya ang pagdampi sa palad ko, pagkatapos niyon ay binuksan na niya ang band aid at inilagay sa sugat ko.

"Thank you," nakatango ako sa mga sandaling nilalagyan niya ng band aid ang sugat ko.

"You're welcome, alam mo nakaencounter din ako ng ganyan before. May isa ring lalaki na sumingit sa pila at natulak ako, mabuti na lang napahawak agad ako sa handle ng sasakyan kaya hindi ako natumba."

"Nandiyan na ang bus! Pumila na kayo ng ayos." 

Agad kaming napalingon sa barker na nasa tabi ng kalsada, maya maya pa ay dumating na nga ang bus na tinutukoy niya. Pumila na ako gayundin ang lalaking naglagay ng band aid sa palad ko, nang makasakay ay nakahinga na ako ng maluwag, ngunit may limang minuto na lang akong natitira upang hindi malate. Inilabas ko mula sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko, agad kong dinial ang number ng katrabaho at kaibigan ko na si Shine, pero hindi ko siya macontact kaya nagsend na lang ako ng message sa kanya.

Makalipas ang limang minuto papasok pa lang ang bus na sinasakyan ko sa bayan, kaya hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Tumayo ako ng mapansin na tumigil ang bus, napatingin ako sa labas ng bus. Madaming sasakyan ang nasa gitna ng national road, at nakastop pa ang traffic light na nagsimula sa 90 seconds kaya kinuha ko na ang bag ko at bumaba ng bus, medyo malapit na din kasi dito ang kompanyang pinagtatrabahunan ko kaya mas mapapabilis ako kapag tatakbuhin ko na lang.

Bakit ba naman kung kailan maaga akong nagising para pumasok sa trabaho tsaka pa nagsunod sunod ang mga kamalasan ngayong umaga? Bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo, mabuti na lang naisipan kong magsuot ng doll shoes ngayong araw, dahil kung nagheels ako dagdag kamalasan na naman at pahirap sa buhay. Takbo lang ako ng takbo, at makalipas ang ilang segundo narating ko din ang building ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho.

"Good morning kuya," bati ko sa guard na nakabantay, nginitian niya lang ako at chineck ang bag ko. 

Pagkatapos ay nagmadali akong tumungo sa information desk upang magsin in, pagkatapos ay tumakbo na ako patungo sa elevator, at ang mga kamalasan ko ngayong umaga ay nadagdagan na naman ng isa pa, under construction ang elevator kaya hagdan lang ang choice ko para makarating sa 7th floor ng office. Itinali ko muna ang buhok ko bago simulang akyatin ang hagdan ng walang hangganan, sunod sunod na kamalasan talaga ang nangyayari sa akin ngayong araw, at sana naman pagkarating ko huwag ng madagdagan ng isa pang kamalasan at ako'y quota na sa mga nangyayari ngayong araw.

.

.

.

"Ms. Madrigal you're fired!" isang malakas na sigaw ng aking superior na walang kasing sama ng ugali ng mga kontrabida sa mga napapanood kong teleserye gabi gabi. 

Natigilan ako at tila naging istatwa sa harapan ng superior ko sa mga sandaling iyon, magkahalong pagkainis at pagkalungkot ang nararamdaman ko habang nakatayo pa rin sa harapan ng table ng superior ko dito sa loob ng opisina niya. Napansin ko na sumenyas siya, kaya umalis na din ako sa harapan niya at nilasan ang opisina niya.

Tama nga ang pakiramdam ko kanina na ngayong araw na ito mawawalan ako ng trabaho, at kung hindi dahil sa nangyari kanina sa paradahan hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kasalanan ng lalaking iyon kung bakit may sugat ako sa palad at kung bakit nawalan ako ng trabaho ngayon. Bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang aking mga gamit.

"Dia pasensya na, nasa shooting kasi ako kanina," lumapit sa akin si Shine sabay hawak sa aking kanang braso, pinigilan ko ang luhang nagbabadya na namumuo sa aking mga mata na kanina ko pa tinitiis sa loob ng opisina ng superior ko.

"Okay lang Shine, siguro nga hindi para sa akin ang office girl na pangarap natin noon."

"Teka anong nangyari sa palad mo?" iniangat niya ang kamay ko at tiningnan ang palad ko.

"Shine come to my office now!" sabay kaming napalingon ni Shine ng marinig ang boses ng superior naming masama ang mga tingin sa akin, agad namang umalis si Shine at sumunod sa office ng walang hiya naming superior. Nang mailagay ko na sa isang box ang lahat ng gamit ko ay agad na din akong umalis at tinahak pababa ang hagdang walang hangganan.

.

.

.

Nang makarating sa baba ng building, nagsign out na din ako sa information desk. Nginitian lang ako ng guard na binati ko kanina, pinilit kong iguhit sa aking mga labi ang ngiti ng dumaan ang sa main door ng building.

Paano pa ako makakabayad sa bill ni Mama sa hospital kung wala na akong trabaho? Sambit ko sa isip ko at saktong pumatak ang aking luha ng makalabas ako ng building, ang mga luhang pinipigilan ko kanina ay pinakawalan ko na ng tuluyan habang naglalakad. Wala ako sa sarili habang tinatahak ang daan sa gitna ng ingay at heavy traffic ng national road, maya maya pa ay may naramdaman akong maliit na patak ng ulan, tumingala ako at nasundan iyon ng mas malalaking patak, kay dali dali akong tumakbo upang sumilong, isang waiting shed ang nasilungan ko ng bumuhos ang malakas na ulan sa ganito kaaga.

Napabuntong hingina ako at nahinto sa pag iyak ng makaupo sa waiting shed, puro kamalasan na lang ang nangyayari sa akin at ayaw ko ng paabutin pa ang kamalasan ko hanggang mamayang gabi, kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko at nagtype sa aking notes.

Maaga akong gumising kanina upang maghanda sa aking pagpasok sa trabaho, nagmadali akong makarating sa paradahan ng jeep, ngunit sa hindi inaasahan isang pangyayari ang hindi ko nagustuhan na magbibigay ng sunod sunod na kamalasan sa akin ngayong araw. Nasugatan na nga ang palad ko ng dahil sa lalaking tumabig sa akin kanina, nalate pa ako at nawalan pa ng trabaho, tapos ngayon biglang bumuhos ang ulan sa hindi ko inaasahan.

Ano naman ang susunod? Mabubunggo ako? May manghohold up sa akin? Ginagawa ko lang naman ito para sa Mama ko, siya na lang ang meron ako ngayon at ayaw kong maging ang pangangailangan niya lalo na ngayon ay hindi ko maibigay.

Napabuntong hininga ako sa itinype ko sa notes ko, napatunghay ako ng ulo ng mapansin na mas lumakas ang ulan. Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:45 na ng umaga pero tila maggagabi na, mas naging makulimlim ang langit dahil sa patuloy na paglakas ng ulan na sinabayan pa ng hangin. Sumandal ako sa kinauupuan ko at sandaling ipinikit ang aking mga mata.

"Here." 

Agad akong napamulat ng mata ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nasa harap ko ngayon ang lalaking tumabig sa balikat ko pasakay ng jeep kanina, may hawak siyang payong habang nakaangat ang kamay niya patungo sa akin, isang supot ang iniaabot niya sa akin. Napakunot noo lang ako habang nakatingin sa isang pares ng kanyang mga mata, nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumapit sa akin at inilagay sa kamay ko ang dala niyang supot.

"Anong tingin mo sa akin pulubi?" tanong ko sa kanya ng aktong hahakbang na sana siya paalis.

 Binitawan ko ang supot na inilagay niya sa kamay ko, kinuha ko ang box at sinugod ang malakas na ulan na may kasamang hangin. Hindi ko na inabala pang lingunin ang lalaking iyon, sa halip ay dire diretso lang sa paglalakad kahit basang basa na ang dala kung box maging ang cellphone ko at ako. Tumigil ako sa tapat ng pedestrian lane, nang magkulay green ang traffic light ay tumawid na din ako. Medyo malabo ang paningin ko dahil sa malalaking butil ng ulan, pero nakatawid naman ako ng maayos sa mahabang pedestrian lane na iyon. Kumanan ako ng may isang malaking taong sumalubong sa akin, nasagi niya ang dala kong box dahilan para mabitawan ko ang box maging ang cellphone ko. Nagkalat sa tabi ng kalsada ang lahat ng gamit ko, lahat ng iyon ay nabasa na ng ulan. Muli ko na namang naramdamang pumatak ang luha ko habang pinupulot isa isa ang mga gamit ko na nakakalat.

Hindi ko alam kung pinarurusahan ba ako ngayong araw, o nakatadhana talaga sa akin na puro kamalasan ang mga mangyayari sa akin. Mas inaalala ko ang bill ni Mama sa hospital kaysa sa akin, siya na lang ang meron ako. Siya ang dahilan kung bakit nagtitiis ako sa kompanyang iyon, dahil doon lang ako nakakatanggap ng mas malaking sweldo sa dinami dami kong pinasukan na trabaho. Hindi ko na alam kung saan ako makakahanap agad ng pambayad sa bill ni Mama, lalo na at ooperahan na siya sa susunod na linggo. Patuloy kong pagbulong sa aking isipan habang pinupulot pa rin ang mga gamit ko.

"Here," muli ko na namang narinig ang boses na iyon, nasa harap ko na naman ang lalaking iyon habang tinutulungan akong maglagay ng gamit sa box, sa sobrang inis ko ay  agad akong tumayo at binitbit ang box paalis.

"Wait!" sambit niya, pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad palayo sa kanya. Bakit niya ba ako sinusundan? Tanong ko sa isip ko habang naglalakad.

"Gusto lang kita tulungan, tsaka naiwan mo ang phone mo," napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya, nasa kaliwang kamay niya ang cellphone ko habang nasa kanan naman ang payong na dala dala niya. Dahan dahan siya lumakad papalapit sa akin at iniabot ang cellphone ko, kinuha ko iyon at inilagay sa box, nakangiti lang siya na akala mo naman ay walang ginawang kasalanan sa akin.

"I'm Nico," Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko na tila ba nakikipagkilala, siniringan ko lang siya at tumalikod.

"Nice to meet you, Dia." 

Nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ko, kaya muli akong napalingon sa kinatatayuan niya. Pero naglalakad na siya palayo sa akin, nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya habang nasa ilalim ng malakas na ulan.

.

.

.

Hindi pa rin ako makaget over sa mga nangyari kanina, lalo na ng maencounter ko ang lalaking nagbigay kamalasan sa maghapon ko. Dahil bago pa ako makauwi dito sa bahay, nakaencounter pa ako ng banggaan at holdapan, mabuti na lang hindi ako ang tinutukan ng baril kanina ng holdaper sa loob ng coffee shop. Then nang makarating ako dito sa bahay, tatlong bill ang bumungad sa akin na nakalagay sa tapat ng pinto.

Pero bago pa masundan ang kamalasan ko hanggang bukas magpapakilala muna ako, ako nga pala si Diala Madrigal, 24 years old, ulila na ako sa Ama at tanging si Mama na lang ang kasama ko sa buhay, wala akong kapatid kahit isa. Si Shine, siya ang best friend ko since grade school, part na din siya ng family ko kaya kapag may lungkot at saya siya ang kasama ko. Maliban ngayon na pinaghiwalay na kami ng mundo, ang ibig kong sabihin, hindi na kami magkasama sa trabaho dahil tinanggal na ako ng walang hiya kong superior na walang ginawa kundi pagalitan ako sa lahat ng ginagawa ko sa loob ng opisina. Hindi ko alam kung bakit palaging kumukulo ang dugo niya sa akin tuwing nakikita ako, wala naman akong ginagawang kalasanan sa kanya. Siguro kung buntis siya ako na ang napaglihinan niya, swerte ng magiging anak niya dahil maganda ang pinaglilihinan niya. Hays nawalan lang ako ng trabaho kung ano ano na ang mga iniisip ko. Tutya ko sa isipan ko habang nakaupo sa sofa dito sa living room.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status