Share

Chapter 2: Fortunate

.

.

.

Dia's POV

Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha sa magkabila kong mata habnag nakatango ang aking ulo, hindi ko na alam ang iisipin ko sa mga sandaling iyon, blanko ang utak ko at hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin. Nakasandal lang ako sa pader malapit sa emergency room, ayaw kong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko lamang. Si Mama ang iniisip ko, ang kalagayan niya ngayon sa loob ng emergency room.

"Dia?" 

Dahan dahan kong itinunghay ang aking ulo, mukha ni Shine ang sumalubong sa aking paningin ng tingnan ko ang pinangyarihan ng boses na iyon. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako, napahagulhol ako sa iyak ng gawin niya iyon, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, maging ang mga luhang walang humpay sa pag agos mula sa aking mata, ang sipon na kanina pa nagbabadya sa aking ilong ay hindi ko na din napigilan, ang gusto ko lang sa mga oras na iyon ay ang umiyak, ng umiyak.

"Safe si Tita kay Doc Sylvia, okay?" sambit ni Shine habang yakap yakap pa rin ako, kung dati mabilis niya akong mapakalma sa simpleng yakap niya at pag aalala, ngunit sa mga oras na ito walang epekto sa akin ang mga iyon ni Shine at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa mga nangyayari. 

Kung kanina sobrang dami kong iniisip dahil sa sunod sunod na kamalasan ngayon naman nablanko na lang bigla ang utak ko nang makarating ako dito sa hospital.

.

.

.

Shine's POV

Nakaupo lang kaming dalawa ni Dia sa bakanteng upuan habang hinihintay na makalabas mula sa emergency room ang Doctor ni Tita Alondra, hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Dia magmula kanina. Naaawa ako sa kanya habang nakahawak siya sa kamay ko, kapatid na ang turing ko sa kanya magmula noon hanggang ngayon, siya ang best friend ko, na kapatid ko dahil wala akong kapatid at minsan kaaway ko din.

Sabay kaming lumaki ni Dia since 5 years old, kapitbahay namin sila noon pero nang lumipas ang mga taon lumipat kami ng bahay dahil nagresigned si Daddy sa trabaho niya at natanggap sa trabaho na hanggang ngayon ay mas mahal niya pa kaysa sa amin ni Nanay. Pero nang dahil sa trabaho niyang iyon nakatapos ako, at si Dia ang dahilan kung bakit natanggap si Daddy sa trabaho niya at siya din ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ako sa isang sikat na kompanya, siya ang nagpasok sa akin sa kompanyang iyon bilang stylist na ngayon ay isa ng manager ng isang department, pangarap naming pareho ang maging isang simpleng office girl pero hindi ko akalain na mas higit pa pala doon ang mararating ko kasama ang best friend ko kahit na tinanggal na siya sa trabaho niya bilang stylist, kaya siya ang dahilan sa lahat ng magandang nangyayari sa buhay ko at ng pamilya ko. Kaya sa lahat ng desisyon niya sa buhay ay nakasuporta ako, hindi dahil sa utang na loob kundi dahil sa kabutihan niya, hindi lang sa akin at sa pamilya ko maging sa mga nasa paligid niya.

Masipag, matalino, mapagmahal, maganda, mabait kahit na minsan dragon kapag nagalit at higit sa lahat malakas si Dia, ngunit hindi ngayon. Nakikita ko sa kanya ang pag aalala niya sa Mama niya, maging ako ay nag aalala dahil naing parte na sila ng buhay ko noon hanggang ngayon. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ang samahan si Dia at pakinggan ang kung anumang tumatakbo sa isipan niya ngayon.

Makalipas ang kalahating oras na paghihintay, napansin ko ang dahan dahang bumukas ang pinto ng emergency room. Agad kong ginising si Dia na nakasandal sa aking balikat na nakatulog kakaiyak.

"Doc kamusta po si Mama?" bungad na tanong ni Dia kay Doc Sylvia na nagtatanggal ng mask na nakaharang sa kanyang bibig. 

Walang emosyon akong nababasa sa mukha niya ng matanggal ang mask na suot niya.

"She's fine now, pero kailangan pa naming obserbahan ang kalagayan ng kanan niyang baga," mahinhing sagot ni Doktora Sylvia, napabuntong hininga ako sa mga sandaling iyon, maya maya pa ay muling nagbukas ang pinto at bumungad sa amin ang kama kung saan nakahiga si Tita Alondra, tinutulak iyon ng apat na nurse, isang babae at tatlong lalaki.

.

.

.

Nasa labas ako ng kuwarto ni Tita Alondra habang hinihintay si Doktora Sylvia, may kailangan daw siyang sabihin sa akin sambit ng nurse na babae kanina at habang si Dia naman naiwan sa loob kasama ni Tita Alondra.

"Ms. Yong sa office na lang po kayo ni Doktora Sylvia tumungo," napalingon ako sa tumawag sa surname ko, nilingon ko muna si Dia na nasa loob at hawak hawak ang kamay ni Tita Alondra. Napakagat labi ako bago tumungo sa office ni Doktora Sylvia.

.

.

.

"Pasensya na Shine kung sayo ko sasabihin ang tungkol sa kalagayan ni Mrs. Madrigal." 

Bigla akong kinabahan sa pambungad na sinabi ni Doktora Sylvia, napalunok pa ako ng laway habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Few days ago stable ang lahat ng vitals ni Mrs. Alondra, ngunit kaninang 9:25 am bigla siyang nagcollapsed habang inaayos ang kanyang room. Hindi na ako nagdalawang isip na tingnan kung bakit siya nagcollapsed, at ang kinugol namin sa kalahating oras kanina sa emergency room ay hindi surgery."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Doc Sylvia dahil sa kulang na detalye niya, maya maya pa napansin niya siguro na hindi ko naintindihan ng ayos ang sinabi niya. May kinuha siyang isang malaking brown envelope sa kanang bahagi ng table niya, binuksan niya iyon at inilabas ang laman. Isang chest x ray ang ipinakita niya sa akin, wala akong maintindihan sa larawan dahil wala naman akong alam sa mga anatomy x ray.

"Ang binabantayan naming right lung ni Mrs. Alondra ay stable at healthy." 

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, pero nagtaka ako ng biglang nawala sa mukha niya ang maaliwalas na hitsura.

"Ngunit hindi ang kanyang right pulmonary artery. Ito ang chest x ray niya kanina." 

Inilagay niya sa may ilaw ang x ray at may itinuro sa kanang bahagi kung saan may naaninag akong tila ugat na katamtaman lang ang liit.

"Ito ang kanyang right pulmonary artery, kung saan lumiit ang daanan ng blood vessels papunta sa kanyang right lung. At ito ang nagging dahilan kung bakit bigla siya ngacollapsed kanina, naapektuhan ang kanyang puso dahil sa maliit na daanan ng blood vessels patungo sa kanyang right lung."

"Nagagamot naman po yan, diba?" tanong ko sa kanya, may kakilala kasi ako na may pulmonary hypertension din kaya alam kong magagamot pa iyon.

"Sa ngayon hindi ko masasabi kahit na may cure sa disease na ito." 

Ibinalik ni Doc Sylvia ang chest x ray sa brown envelope na nasa table.

"Ayaw kong mag alala si Dia, lalo na at nalaman ko sa isa sa mga nurse na natanggal siya sa trabaho niya ngayong araw. Kaya sayo ko unang sinabi ang tungkol dito, upang may alam ka sa kalagayan ni Mrs. Alondra, at pasensya na din dahil mali ang test na ginawa namin sa kanya. Ang buong akala ko noong una right lung ang may komplikasyon sa kanya," pagpapaliwang ni Doc Sylvia sa akin.

"Okay lang po iyon, at least ngayon ay mas malinaw na kung ano ang dapat gawin upang magamot ang sakit ni Tita."

"Salamat sa pag unawa Shine, kung pwede huwag mo munang banggitin kay Dia ang tungkol dito." 

Ngumiti ako ng pilit sa sinabi ni Doc Sylvia.

Lumabas na din ako sa office na iyon at bumalik sa kuwarto ni Tita Alondra, nakangiti akong pumasok sa kuwarto niya. Naabutan kong natutulog si Dia sa upuan habang nakahawak sa kamay ni Tita Alondra, napatingin ako kay Tita Alondra na nakatingin din sa akin, nakangiti siya sa akin kaya ginantihan ko na din siya ng ngiti. Lumapit ako at umupo sa tabi ni Dia.

"Salamat Shine, pero baka hinahanap na kayo sa opisina. Ayaw kong nagagalit sa inyo ang superior niyo." 

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Tita Alondra, ayaw ko munang banggitin sa kanya na wala na sa trabaho si Dia at mas makakabuti kung hindi ko muna babanggitin ang tungkol doon.

"Nagpaalam naman po kami kaya okay lang po," magalang kong sagot sa kanya, muli siyang ngumiti sa akin dahil sa sinabi ko. Manang mana si Dia kay Tita Alondra, parehong mabait, maaalahanin, mapagmahal, at madaming magagandang katangian na meron silang dalawa.

Masaya ako dahil ang tulad nila ang naging kasama ko sa buhay, lubos ang pasasalamat ko simula noong makilala ko sila at hanggang ngayon na kahit nasa ganitong kalagayan ang buhay nila ay nagagawa pa rin nilang ngumiti at ipakita na ayos lang sila. Ang maging parte ng buhay nila ay isang magandang scenario sa buhay ko, unforgettable at memorable, hinding hindi mabubura at mawawala sa puso at isip ko ang mag inang ito. Habang wala si Nanay si Tita Alondra ang nandiyan para sa amin ni Dia, ako na yata ang pinakamaswerte dahil nakilala ko sila. Hindi ko matutumbasan ang lahat ng magagandang bagay na ipinaranas nila sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status