Share

Chapter 3: You're hired

Dia’s POV

Pinabalik ko na si Shine sa office niya dahil baka mawalan pa siya ng trabaho ng dahil sa akin, ako na lang muna ang magbabantay kay Mama habang wala pa akong nahahanap na trabaho. Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari ngayong araw, magmula kaninang umaga hanggang ngayong tanghali. May galit ba sa akin ang nasa itaas, sobra sobra na yata ang kamalasan na binibigay niya sa akin ngayong araw.

“Anak okay lang ako, bumalik ka na sa trabaho mo.”

Nginitian ko lang si Mama dahil sa sinabi niya, ginantihan naman niya iyon at ngumiti din na parang walang nararamdamang sakit sa loob ng katawan niya ngayon, ayaw ko munang sabihin sa kanya ang mga nangyari sa akin sa opisina kanina at mas makakabuti iyon sa kalagayan niya ngayon, akala ko kukunin na siya sa akin kanina kaya ganoon na lang ang paghagulhol ko sa labas ng emergency room. Hindi ko pa nakakausap si Doctor Sylvia tungkol sa nangyari sa loob ng emergency room kanina, siguro busy pa ngayon sa iba niyang pasyente, mas mabuti kung samahan ko muna si Mama dito sa kuwarto niya.

.

.

.

“Dia, kailangan na siyang operahan as soon as possible.”

Natigilan ako sa sinabi ni Doctor Sylvia, nakatayo ako sa tapat ng table niya sa mga sandaling iyon.

“Akala ko po ba next week pa ang schedule niya?” tanong ko sa kanya at nagbabakasakali na mabago ang schedule, para na rin makahanap ako ng trabaho na mas makakaipon ako ng malaking pera. Kulang pa ang pera kong naipon para sa surgery, at kailangan kong makahanap agad ng trabaho.

“Mas better kung aagapan agad natin ang operasyon.”

Napatango ako at napaisip sa sinabi niya, tama siya dahil kung hihintayin pa namin ang susunod na linggo baka kung ano pa ang mangyari kay Mama. Bahala na, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pandagdag sa hospital bill ni Mama pero susubukan kong makahanap at makasiguro na ligtas si Mama.

“Tama po kayo, mas mabuti kung mas maaga upang hindi na magkaroon ng komplikasyon ang right lung ni Mama.”

Dahan dahang gumihit sa aking labi ang ngiti na pilit kong ginagawa sa harap ni Doc Sylvia. Umalis na din ako pagkatapos makausap ang doctor ni Mama, tulog siya ng bumalik ako sa kuwarto niya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay, agad na pumatak sa aking kaliwang mata ang luha na hindi ko inaasahan. Si Mama na lang ang meron ako, at ayaw kong iwanan niya ako sa mundong ginagalawan ko ngayon. Hindi ko kilala kung sino ang tatay ko dahil si Mama lang ang kinagisnan kong magulang na nagpalaki sa akin, kaya wala akong idea kung ano ang hitsura niya. Kahit minsan hindi naikwento sa akin ni Mama ang tungkol sa tatay ko, pero hindi na iyon mahalaga, kami lang ni Mama ang magkasama sa loob ng mahabang panahon kasama ang pamilya ni Shine, at hindi ko na kailangang alamin kung sinuman ang aking tatay.

Nakatingin lang ako kay Mama habang inaalala ang masasayang sandali na kasama ko siya, nagpatuloy lang sa pag agos ang aking luha sa mga oras na iyon.

.

.

.

“I’m sorry Miss but we don't have vacancies up to this moment.”

Napatango na lang ako ng muling marinig iyon, ito ang panglimang company na nagsabi na may parehong sanaysay. Mukhang naextend ang kamalasan ng buhay ko, kung noong isang araw natanggal ako sa trabaho, kahapon holiday dahilan para maging sarado ang karamihan sa mga establishment tapos ngayon naman lahat naoccupied ang hiring nila.

Hanggang kalian ba ako titigilan ng kamalasang ito? Please naman kailangan ko ngayon ng trabaho . Please kahit anong trabaho basta malaki ang sweldo tatanggapin ko. Huwag lang pala prostitute kasi hindi ko yun masisikmura. Bulong ko sa sarili ko habang tinatahak ang daan patungo sa waiting shed.

Pagkarating doon ay agad akong umupo sa sementadong upuan, napabuntong hininga pa ako bago umupo.

“Lord please kailangan ko po ng trabaho. Please, last company na po ang pupuntahan ko ngayong araw, at sana naman po this time may available na kahit anong position please.” sambit ko, habang nakadikit ang aking mga palad sa isa’t-isa na tila nagdadasal at nakatingin sa kalangitan. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mata at huminga ng malalim bago tumayo at maglakad patungo sa huling kompanya na pinagpasahan ko ng application form online. Mabuti na lang at kalapit lang iyon ng isang kompanya na pinuntahan ko kanina, kaya hindi ko kailangang gumastos ng pamasahe.

Ilang minuto ang lumipas bago ko marating ang building ng huling kompanya na pinag aplayan ko. Ibang iba ang pakiramdam ko ng tumapak ako sa mga bricks na ibang iba ang hitsura at kulay sa kalsada na dinadaanan ko kanina, tila may mangyayaring hindi maganda ngayong araw. Hays, please huwag naman kamalasan ito at ako’y sawang sawa na. Tutya ko sa aking isipan habang naglalakad papasok ng main door ng building.

Tumigil ako sa tapat ng main door ng mapansin ang mga modernong upuan sa loob ng unang palapag, huminga ako ng malalim bago pumasok. Binati ko ang nakabantay na guard ngunit nginitian lamang ako nito at pinatuloy sa loob.

Bumungad naman sa aking paningin ang modernong kagamitan na nakita ko kanina habang nasa labas, hindi masakit sa mata ang kulay ng unang palapag ng building, blue shadow na may touch pa ng pastel partchment at ilang bahagi ng baby blue, perfect pair ang tatlo kapag nilibot ng iyong mga mata ang kabuuan nito.

Dumiretso naman agad ako sa information desk, dalawang babae at isang lalaki ang nasa information desk ngunit isa lang ang pumansin sa akin ng makalapit ako.

“Excuse me, ako po yung nagpasa ng application form online," sambit ko habang kaharap ang isang babae na nakasuot ng cream ¾ sleeve , navy blue vest at navy blue ribbon, habang yung dalawa naman ay parehong nakalongsleeve suit. Humarap siya sa monitor ng isang desktop at may tinaype sa keyboard.

“Ms. Diala Madrigal right?” tanong niya sa akin, tumango tango naman ako bilang sagot.

“Our director will be here at around 11 in the morning. He is the one who conducts interview. Kindly wait for him at the lobby, thank you.” sambit niya, napatingin ako sa wrist watch ko 10 pa lang ng umaga, kaya isang oras pa ang hihintayin ko para dito sa huli kong interview,  nginitian ko siya at agad na tumungo sa lobby kung saan may ilang naghihintay din. Mga mag aapply din siguro ang mga ito. Sambit ko sa isip ko habang naghahanap ng bakanteng upuan.

Sa isang sulok sa bandang likuran ako nakahanap ng bakanteng upuan, at napansin kong karamihan sa mga naghihintay dito sa lobby ay mga babae, iilan lang ang lalaki kaya napakibit balikat na lang ako. Nang makaupo ay napahinga na lang ako ng malalim, inabala ko na lang ang sarili ko sa aking cellphone.

.

.

.

“For those who came here for the interview, kindly fill out these forms. The Director is on his way here. Thank you.”

Napatingin ako sa aking wrist watch at napansin ang oras, di ko namalayan na 10:54 na pala ng umaga at napatingin sa bandang unahan na nagsasalita, siya ang lalaki kanina sa information desk na nakasuot ng longsleeve suit. Lumapit ako upang makakuha ng form, at napansin ang mga tingin sa akin ng ibang naghihintay dito sa lobby.

Ako at ang lalaking may hawak ng form ang tanging nakatayo, nakaramdam tuloy ako ng awkwardness sa mga oras na iyon, lahat ng atensyon nila ay nasa akin maging ang lalaking nasa harapan ko.

Teka may dumi ba sa mukha ko, may mali ba sa mukha ko? Tanong ko sa sarili ko sa mga sandaling nasa akin pa rin ang kanilang atensyon. Ramdam kong namumula ang mukha at tainga ko dahil sa tension ng kanilang mga tingin. Kumuha na agad ako ng form at bumalik sa aking kinauupuan kanina, sinulatan ko na iyon. Wala pang limang minuto ng matapos ko ang pagpifill up, pagkatapos ay ibinigay ko na rin sa lalaking nakatayo pa rin na tila hinintay talaga ako na matapos sa pagpifill up ng form. Humakbang na ako palayo sa lalaking iyon, imbes na bumalik sa kinauupuan ko kanina ay mas pinili kong lumihis ng daan at tinungo ang restroom.

Napabuga ako ng hininga ng makapasok sa restroom, napatingin ako sa aking reflection sa salamin. Wala namang dumi sa mukha ko, pero bakit ganun na lang sila makatingin sa akin? Tanong ko sa sarili ko, agad na akong naghilamos ng mukha dahil ramdam ko pa rin ang pamumula ng mukha at tainga ko. Pagkatapos kong makapaghilamos ay kumuha ako ng tissue paper sa kaliwang bahagi ng restroom, dinampi dampi ko iyon sa aking mukha hanggang sa matuyo. Muli akong napatingin sa aking reflection sa salamin at napabuntong hininga, kinuha ko mula sa aking bag ang liquid foundation na mag aanim na taon ko ng ginagamit at ang lipstick na niregalo pa sa akin ni Shine noong birthday ko. Kaunting amount lang ng foundation ang inilagay ko sa mukha ko, dahil kahit hindi naman ako maglagay ng liquid foundation wala pa ring pagbabago sa texture ng mukha ko. Hindi sa pagyayabang pero mas better daw na wala akong make up sa mukha, yan ang palaging sinasabi sa akin ni Shine kaya kadalasan hindi na din ako naglalagay ng make up, dahil darating din yung araw na wala na akong pambili ng make up ko, lalo na ngayong kailangang kailangan ko ng pera para sa operasyon ni Mama.

Inayos ko rin ang aking blouse at skirt ng makatapos ako sa pag apply ng light make up. Lumabas na din ako at bumalik sa lobby, napatigil ako sa paglalakad ng makitang wala ng tao sa lobby kundi ang apat na guard, at ang tatlong employee na nasa information desk. Agad akong naglakad papalapit sa information desk.

“Excuse me, nasa office na po ba ang director niyo?” tanong ko sa lalaking nagbigay sa akin ng form kanina. Tumingin siya akin maging ang babaeng katabi niya, kumuha siya ng isang piraso ng papel at may isinulat doon.

“Please knock before you come in," sabi niya, iniabot niya sa akin ang papel na iyon at nagpasalamat. Tumungo ako sa elevator upang sumakay paakyat ng 10th floor ng building, wala pang limang minuto ay agad ko ding narating ang ikasampung palapag ng building na ito. Magmula kanina sa unang palapag hanggang dito sa 10th floor ay mapapansin ang logo ng kompanya, hindi ko alam ang ibig sabihin ng logong iyon. Dahil sa pagmamadali ko kahapon para makapagpasa ng application form hindi ko na nagawa pang icheck kung ano ba ang pangalan ng kompanyang pinapasok ko.

“Excuse me Miss, do you have any appointment?”

Isang lalaking nakapink suit ang lumapit sa akin na may hawak na papel sa kanang kamay at isang tasa naman sa kaliwa.

“I’m looking for Mr. Swisly," sagot ko sa kanya, mabuti na lang isinulat ng lalaki kanina sa information desk ang buong pangalan ng director nila.

“Girl hindi ka ba nainform na may press conference ngayon ang director namin?”

Nagulat ako sa sinabi ng lalaking iyon, napatingin ako sa kabuuan ng 10th floor dahil halos lahat ng nandito ay abala sa kanilang ginagawa maliban sa lalaking kausap ko at sa tatlong babaeng na nakatuon ang atensyon sa isang malaking screen.

“Kung sa job interview yan, doon ka na lang maghintay. 30 minutes lang naman ang press conference.”

Itinuro niya ang isang lobby na may kaparehong disenyo ng lobby sa unang palapag ng building naito.

Tumango ako at tumungo sa lobby, napansin kong napalingon sa akin ang tatlong babae na abala sa kanilang pinapanood sa malaking screen ng dumaan ako sa kanilang unahan.

Umupo na din agad ako sa isang couch na malapit sa isang screen monitor. Napatingin ako screen na iyon ng mapansin ang isang lalaki na tila pamilyar sa akin ang hitsura, napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang lalaking iyon. Hanggang dito ba naman nagpapakita pa rin sa akin ang lalaking nagbigay kamalasan sa buhay ko. Hays sa tuwing nakikita ko siya may hindi magandang nangyayari.

“Sigurado po ba kayong siya ang Grand Princess ng Rallnedia?”

Napataas ang kilay ko ng marinig ang tanong ng isang reporter na babae.

“We are 100% sure, sa ngayon hindi na muna namin irereveal kung sino siya, at para na rin iyon sa kaligtasan niya," sagot ng lalaking malas sa buhay ko. Naparoll eyes ako sa sinabi niya at itinuon na lang ang atensyon sa aking cellphone ng may matanggap na text message mula sa unknown number. Inopen ko iyon at binasa ang message.

We thank you for choosing this company. We have received your online application last 5th of June, 2019. We humbly ask for forgiveness on your part due to the inconvenience of our company's Presi6 and Director. Please contact our exclusive secretary Brando Ramos for the final interview at the Swisly Corporation's main building, 10th floor. We extend our warmest welcome for our new employee. You can start tomorrow. We sent your schedule to the email address you used upon sending your curriculum vitae. Again, welcome to Swisly Corporation, Miss Diala Madrigal.

Nakangiti lang ako ng basahin ko mula sa simula hanggang sa huling salita na nakalagay sa message na natanggap ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa lalaking kinausap ako kanina. May excitement akong naramdaman habang hinihintay siya na harapin ako at kausapin muli.

“How may I help you, Miss?" sabi niya nang mapansin niyang nakaupo ako malapit sa table niya.

“May I speak with Mr. Brando Ramos?”

“Correction it’s Brenda Ramos," sabi niya sa akin, napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero nagets ko din agad iyon ng mapansin na hinawi niya ang kanyang maliit na bangs.

“I’m Diala Madrigal, nakatanggap po ako ng message mula sa kompanya niyo. At ang sabi dito makipag ugnayan daw ako sa exclusive secretary na si Brando.”

Napansin kong napataas siya ng kilay sa sinabi ko.

“Oh, I'm sorry. What I mean is Brenda Ramos," pagbibigay linaw ko sa kanya.

“Miss Madrigal, right?”

Tumango tango lang ako bilang sagot sa simpleng tanong niya.

“Hindi naman mahirap ang ibibigay kong interview sayo.”

Napansin kong sumingkit ang mga mata habang nakatingin sa akin, napalunok pa ako ng laway sa mga sandaling iyon.

“Ano ang gamit mong facial mask?”

“Po?”

Nagtaka ako sa tanong niya sa akin.

“Anong cleanser mo? May ginagamit ka bang mamahaling beauty products? Anong products iyon?”

“Excuse me, mukhang mali po yata ang binabasa mo sa nakasulat sa papel na hawak mo.”

Napansin ko kasi na iba ang nakasulat sa hawak niyang papel sa sinasabi niya.

“Please yun lang ang kailangan mong sagutin girl, dahil ang kinis at ang ganda ng mukha mo. How to be you ba ha?”

Natawa ako sa sunod niyang tanong sa akin.

“Wala po akong ginagamit na facial mask, facial cleanser, at kahit anong product.”

“Tunay? Pero bakit ang ganda at ang kinis ng mukha mo? I would kill just to have that kindof face.”

Muli akong natawa sa sunod niyang tanong. Tama ba ang pinasok kong kompanya? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa isang lalaki na akala ko ay lalaki talaga.

“Twice a day lang po ako naghihilamos. 'Yun lang ang ginagawa ko.”

“Honey, don't be too formal with me, we are just the same age. And by the way, bukas sabihin mo sa akin ang sekreto mo ha? Sige hired ka na.”

Hindi lang ako napangiti sa sinabi niya kundi natawa pa, ibang klase din ang lalaking binabae na ito. Nalinlang ako sa kanyang masculine na katawan, napagkamalan ko tuloy na lalaki at matigas.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nelvin Jayag
medyo mataas ang bonus o coin para mabasa, ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status