Share

Chapter 4: Royal Blue Dress

Dia’s POV

Maaga akong umalis sa bahay at tinahak ang daan patungo sa terminal, nakangiti ang aking mga mata maging ang aking labi habang nakasakay sa jeep na nadatnan ko kanina.  Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din agad ang sinasakyan kong jeep, mukhang tinantanan na ako ng kamalasan ko, dahil wala kahit anong abirya sa pagsakay ko hanggang sa makarating dito sa city. Mas lumaki ang ngiti ko habang tinatahak ang daan patungo sa building ng Swisly Corporation.

Nasa sidewalk pa lang ako sa tapat ng building ng may mapansin dahilan para mapakunot ang noo ko sa mga sandaling iyon, agad akong tumakbo papalapit sa building at gaya nga ng napansin ko kanina sarado iyon at walang katao tao kahit isa, patay ang lahat ng ilaw maliban sa apat na ilaw dito sa labas. Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:40 pa lang ng umaga at 8:00 in the morning ang oras na nakalagay sa email sa akin matapos kong icheck kahapon, nakalagay din doon ang oras ng pagbukas ng office from 7:00 am to 6:00 pm.

“Excuse me, Miss hindi po ba kayo nainform na sa kabilang building ang gathering ngayong araw?”

Napalingon ako sa pinangyarihan ng boses na iyon, isang matangkad at may edad na lalaki na nakasuot ng itim na suit na tila galing sa isang business meeting dahil sa suot niya, ngunit naiba ang atensyon ko ng mapansin ng aking mga mata ang sasakyan na nasa likuran niya pero ibinalik ko din ang atensyon sa lalaking nasa harap ko na ngayon na may 2 metro ang distansya sa aking kinatatayuan.

“Ano pong gathering? Tsaka saan po ang kabilang building?” magkasunod kong tanong sa kanya, nakaramdam na naman ako ng kaba sa aking dibdib dahil sa tanong ko. Kung sakalaing malayo ang building na iyon mahihirapan ako makasakay agad, ngunit hindi ko din alam kung anong address ng building na tinutukoy ng lalaking nasa harap ko ngayon.

Kamalasan na naman ba ulit ito? Kasi kanina lang ang saya saya ko, ngunit ito pala ang madadatnan ko. Hindi man lang ako sinabihan ni Brando na may gathering ngayon at may isa pa palang building ang Swisly Corporation na ito. Sambit ko sa aking isipan habang nag iisip kung paano ako makakarating on time sa lugar na sinasabi ng lalaking ito.

“Pinapunta po ako ni Mr. Swisly para sunduin kayo.”

Napatingin ako sa lalaking iyon ng dahil sa sinabi niya.

Ako pinapasundo ng director ng kompanyang ito? Tanong ko sa isipan ko sabay tingin sa kabuuan ng building.

Teka sino nga ba ang director nila? Hindi ko maalala dahil ang haba ng kanyang pangalan at tanging apelyido lamang niya ang natatandaan ko. Muli kong bulong sa aking sarili.

“Sakay na po kayo Miss Madrigal.”

Tumalikod sa akin ang lalaking iyon at binuksan ang pinto ng sasakyan na nasa likuran niya kanina. Teka is this for real? Sasakay ako sa isang mamahaling sasakyan, tapos may nagbukas pa sa akin ng pinto. Nananaginip ba ako? Mga tanong na bumabagabag sa aking isipan sa mga sandaling nakatayo pa rin ang lalaking iyon habang hawak hawak ang pinto ng sasakyan. Never ko pa kasi naranasang sumakay sa isang magarang sasakyan na katulad nito, sa TV lang ako nakakakita ng Bentley Continental Flying Spur at karamihan sa kulay na nakikita ko ay black hindi katulad ng nasa harap ko ngayon na kulay maroon.

“Manong, Kuya, kung anuman po ang pangalan niyo, sure po ba kayo na pinapasundo ako ni Mr. Swisly?”

Nag-aalangan kong tanong sa kanya. Sino ba naman kasing director ang susunduin ang isang kakahire pa lang na empleyado? Tsaka ngayon pa lang ang unang araw ko sa trabaho ko dito sa Swisly Corporation.

“Hinihintay na po kayo sa gathering.”

Tumango lang ako at lumapit sa nakabukas na pinto ng isang magarang sasakyan, pumikit muna ako kasabay ng pagbuntong hininga ko bago sumakay sa sasakyang iyon. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay sumalubong sa aking paningin ang dalawang puting upuan na kahit sino ay mahihiyang umupo dahil sa sobrang puti nito, may kaunting strip ng maroon ito sa tagiliran, naagaw ng atensyon ko ang dalawang maliit na screen na nasa likuran ng dalawang upuan sa front seat, ganoon na lang ang pagkamangha ko sa mga sandaling nasa loob ako ng sasakyan habang nag aayos ng seat belt ang lalaki kanina na nasa driver seat na ngayon.

“Makikisuot na lang po ng seat belt niyo.”

Napatingin ako sa rear view mirror ng marinig ang boses na iyon, nakatingin sa akin ang may edad na lalaki sa mga oras na iyon pero agad din niyang inialis ng matapos siya sa pag aayos ng seat belt niya. Teka papaliparin niya ba ang sasakyan na ito at kailangan pang magseat belt? Tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ang seat belt.

“Nasa kaliwang bahagi ng upuan ang seat belt, at nasa kaliwa naman ang buckle.”

Nakita ko kaliwa ko ang seat belt na kulay maroon, hinanap ko naman sa kanan ang sinasabi niyang buckle hindi ko alam kung ano iyon pero sa pagkakaalam ko doon ko ipapasok ang tongue nitong seat belt na hawak ko, hindi ko iyon makita kaya kinapa ko na lang, wala pang ilang segundo nakapa ko kaagad ang buckle, yun ang sabi niya buckle daw ang tawag dito. Tinunghay ko ang ulo ko ng maipasok ko ang tongue sa buckle.

“Ay kabayo!” gulat kong sambit, paano ba naman sino bang hindi magugulat sa hitsura ng lalaking nasa unahan na iyon, nakatingin sa akin at tila hinihintay ako na matapos sa aking ginagawa, ngumiti ako sa kanya pero nakatingin lang siya ng diretso sa akin at ibinalik na ang atensyon sa harap, napabuga ako ng hininga ng ialis niya ang tingin sa akin. Nakakatakot naman itong lalaking ito, paano ba naman napakaseryoso ng mukha. Tapos wala pang kareaksyon reaksyon ang mukha niya na para bang mangangain ng tao, hays naman. Sumbat ko sa aking isipan, maya maya pa naramdaman kong umaandar na ang sasakyan kaya sumandal na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.

.

.

.

“Miss Madrigal.”

Nagising ako ng may tumawag sa pangalan ko at tinapik tapik ang aking balikat, agad ko namang iminulat ang aking mga mata.

Si Manong iyon na nakatayo sa harap ng pinto na nakabukas. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, paano ba naman napakacomfortable ng upuan tapos ang air condition ay hindi ganoon kalamig at nakatutok pa sa akin, tsaka ang tagal ng biyahe kaya sino ang hindi makakatulog, nakakahiya tuloy.

Inayos ko ang suot ko bago lumabas ng sasakyan, pagkuway bumaba na din ako. Isang hindi kataasan na building at isang malaking hall ang aking napansin ng makalabas ako sa sasakyan.

“Dito na lang po tayo," inilahad ni Manong ang kamay niya sa kaliwang direksyon napatingin ako doon, isang kulay brown na pinto ang nakita ko ngunit ibinalik ko sa kanya ang aking tingin, kasi hindi ko alam kung ano ang pasikot sikot dito, maya maya pa mukhang naintindihan naman niya ang tingin ko kaya umuna na siya ng lakad at sumunod na lang ako sa kanya, at dahil mahahaba ang biyas niya at malalaki ang hakbang hitsurang patakbo ang gawa ko dahil medyo malayo na siya sa akin.

Binuksan niya ang pinto at agad na kumanan, sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa may buksan muli siyang isang pinto na kulay puti naman ang kulay. Sinundan ko siya hanggang doon, at isang malaking kuwarto ang sumalubong sa aking paningin, halos puti ang lahat ng nasa loob ng kuwarto, magmula sa kurtina hanggang sa furniture at sa mga nakadisplay.

“Manong, Kuya akala ko po ba gathering. Bakit po dito sa kuwarto niyo ako dinala?”

Napansin ko na napalingon si Manong sa akin, pero nagkibit balikat lang siya at lumabas, kaya naiwan ako mag isa dito sa loob.

Hays, ano bang klaseng trabaho ito? Akala ko pa naman matino ang pinasok kong kompanya, mukhang nagkamali yata ako ng pinag aplayan sa kompanyang ito, hindi ko mawari kung ano ba talagang meron. Napabuntong hininga na lang ako sa mga oras na iyon habang nakatayo sa tapat ng pinto ng puting kuwartong ito. Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa lugar na ito, at hindi ko din alam kung bakit walang tao kanina sa office ng Swisly Corporation.

Nasaan kaya si Brando? Siya pa lang kasi ang kilala ko dito.

“Simula bukas mas agahan mo pa ang pagpasok.”

Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang pamilyar na boses na iyon, si Brando iyon na nakasuot ng light blue suit, navy blue necktie at ang suot niyang round and black eyeglasses. Napakurap kurap ako ng mata habang nakatingin sa kanya. Si Brando ba ito? O kakambal niya? Tanong ko sa isipan ko dahil ang pogi niya sa hitsura niya at kahit na alam kong binabae siya ang lakas pa rin ng dating niya.

“Sweetie nakikinig ka ba?” narinig kong nagsnap siya ng kanyang daliri sa mukha ko kaya napakurap kurap ako at napatingin sa hawak niya.

“Mamayang 9:00 pa ang start ng gathering, at may 20 minutes ka na lang para magpalit ng damit, mag ayos ng buhok, maglagay ng make up at magpakalma. Girl hindi ka nananaginip kaya pumasok ka na sa dressing room.”

Hinawakan niya ako sa pulso at hinila patungo sa isa pang pinto sa kaliwang bahagi ng kuwarto, binuksan niya iyon at isang malaking salamin ang bumungad sa akin, maging ang isang off shoulder royal blue dress na nakalagay sa isang mannequin na kasing taas ko lang at nasa gitnang bahagi pa ng room.

“Isuot mo yan, then lumabas ka after mo.”

Isinara ni Brando ang pinto kaya ako na lang muli mag-isa ang tao dito sa isa pang room na puro salamin ang paligid habang nasa gitna ang isang magandang dress. Nakapagsuot naman na ako ng mga dresses before pero hindi katulad nito na napakaganda at napaka elegante. Nilapitan koi yon at hinawakan kung totoo nga, at napatawa na lang ako ng mahawakan ko ang pagkamatte ng tela habang kumikinang naman ang lace na nasa kabuuan ng dress.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jayson Arandea
bkit English version yn,, kainis nman gnda n sna eh,,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status