Share

Falling For Cupid
Falling For Cupid
Author: Mselleinnaaaa

Prologue

"Good evening." Walang buhay na bati ko pagkapasok ko ng bahay. The lights were off and the house screams sadness.

Dumiretso ako sa kuwarto ko para mag-ayos, ni hindi ko man lang ako nag-abala na buksan ang ilaw sa sala at sa loob ng kuwarto. To my surprise, my husband was there. Nakikita ko ang anino niya dahil sa liwanag ng buwan na nagmumula sa bintana.

I can smell his familiar scent kahit ilang beses palang kaming nagkikita. I also know his built since I can only hold and see him in the dark.

A-Anong ginagawa niya dito?

Is it the time for his visit? He only comes here in our house thrice a month and leaves me frustrated, not letting me know his name and his face.

"What are you doing here?" Walang emosyon kong tanong sa kanya. 

Nagsimula siyang maglakad mula sa pagkakaupo papunta sa akin. He stopped in front of me and stared at me.

I can feel his deep stare piercing my soul. 

"I-I just want to see you. I-I missed you," aniya sa mababang boses habang nauutal. Anong meron sa kanya? Bakit bigla nalang niya akong namiss? He didn't even bother to attend our own wedding.

Pagak akong tumawa, if he really missed me, he'll always here for me.

He cupped my face with his hand. Nagsimulang magtubig ang mata ko, at the same time ay naiinis.

Alright, I'm always missing his presence pero kapag nandito na siya, napapalitan ng galit ang pagkamiss. I'm frustrated because I can't see the face of my own husband!

"W-Why can't I see you?" Tuluyan ng nabasag ang aking boses. I cupped his face, I can feel his chiseled jaw and his stubbles, making me feel that he's handsome. He held my hand and bring it to his lips, kissing the back of my palm.

"You'll hate me," aniya.

Sunod-sunod ang pag-iling ko. "No, I won't. Pumayag na nga akong magpakasal sa'yo, tapos hindi kita makikita? It's unfair!" Singhal ko sa kanya. Bumitaw ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa mukha niya at pinahid ang luha na nalaglag sa pisngi ko.

"I'm sorry." He said in a apologetic voice.

"If you're really sorry, p-please let me see you and let me know your name." Naiiyak kong sagot.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I can't, I'm sorry baby, I'll be sleeping in the guest room. Ayaw kong makipag-away. Call me a jerk or what. I love you." Mas napaluha ako sa sinabi niya bago siya sinundan ng tingin palabas ng kuwarto ko. 

Tuluyan akong napaupo sa kama at humikbi ng mahina. Nasasaktan ako dahil hindi ko man lang siya makita. Yes, I can hold him but it's not enough for me.

Humiga ako sa kama at tumingin sa ceiling. Iniisip ko ang sinabi ni Aria kanina. What can be his reason for not showing his face on me?

I remember Aria saying, "what if pangit pala siya? Or may kapansanan siya? A-And he's ashamed of you but he truly love you."

Mas lalo akong napaiyak. I don't even know his name. Ni kahit pangalan niya ay hindi niya sinasabi sa akin.

Kahit naman pangit siya o kaya ay may kapansanan siya ay tatanggapin ko.

After minutes of staring at the ceiling, I made up my mind, I'll go to his room and I will look at his face.

Bringing my flashlight with me, lumabas ako ng kuwarto ko at dumiretso sa guest room.

Nakikipagtalo pa ako sa sarili ko kung itutuloy ko ba ito, but I need to. I'm so fucking frustrated, ayoko ng ganito.

Tahimik ang pagbukas ko ng pintuan ng kanyang kuwarto, and there I see him, sleeping silently. Nakapatay pa rin ang ilaw na kahit siguro sa sariling biyang anino, ayaw niya magpakita.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, nakaharang pa ang kanyang braso sa kanyang mukha kaya hindi ko masyado maaninag.

I slowly removed his arm from his face and look at him.

Nang makita ko ang mukha niya ay halos mabitawan ko ang hawak kong flashlight dahil sa gulat.

N-No, t-this can't be.

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Bakit kailangang mangyari sa akin ito?

Nararamdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko na para bang matutumba ako any minute now.

I feel so betrayed, fuck.

Sa sobrang panginginig ng kamay ko ay nabitawan ko ang hawak kong flashlight dahilan para maglikha ng ingay na ikinagising niya.

Marahan siyang nagmulat ng mata at gulat na tumingin sa akin.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at umiling sa kanya. He stretched his arm to hold me, pero iniwas ko ang sarili ko.

"P-Psyche, let me explain.." pagmamakaawa niya sa akin.

"I-I don't need y-your explaination. Y-You betrayed me." Lumuluhang sagot ko bago tumakbo palabas ng kanyang kuwarto kahit nanghihina na ako.

I-I just can't believe that I marry the man who hurt me the most.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status