Naglakad ako palayo. Pilit nagpapakatatag at pinipilit na huwag maiyak at huwag lumuha. Pero hindi ko iyon napigilan lalo na dahil wala man lamang Adonis na pumipigil sa akin. Hindi man lamang niya ako hinabol.
Naririnig ko si Eula na sinasabihan si Adonis na habulin ako pero wala, hindi niya ginawa.
Masakit! Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa sobrang sakit. Napatigil ako sa paglalakad nang alam kong medyo malayo na ako sa kanila. Napakapit ako sa pader. Doon na lumabas ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.
Hindi ako makahinga, ang sikip ng dibdib ko, lalo na noong maalala ko ang itsura ni Adonis nang makita ako. At ang imahe ng singsing na suot ni Crystal.
Oo, bago ako tumalikod ay napukaw ng pansin ko ang daliri nitong mahigpit na nakakapit sa braso ni Adonis.
I'm about to collapse nang may biglang umalalay sa akin. Napatingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang abong mga mata ng pinsan ni Adonis. Doon na tuluyang nagdilim an
"I'm sorry, baby."Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyon. Hindi ko na alam kung ano ang inihingi niya ng sorry, o ayaw ko lang talaga alamin dahil alam kong masasaktan ako. Pero ayaw ko na talagang tumakbo. Kailangan ko harapin kung ano man ang nasa isipan ko.Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita."Kaya ba pinahihintay mo ako noon dahil sa kondisiyon ni Crystal?" gumaralgal ang boses ko dahil naiiyak na naman ako.Lumapit pa siya sa akin. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Ang aking pisngi ay nakasubsob sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso."I'm sorry dahil nasaktan na naman kita. Wala na akong ginawa kundi ang paiyakin ka," napapaos niyang saad habang hinahalikan ang aking ulo. "I told you to wait kasi gusto kong maging maayos muna ang lahat. Para hindi ka masaktan at para na rin hindi masaktan si Crystal. But then, I was a
It's been three months simula noong tinakbuhan ko ang lahat at nagtago. Mag-aapat na buwan na rin ang tiyan ko at medyo halata na ang umbok nito. Dahil nga mataba ako, ang nakaraang buwan ay para lamang baby fat iyon.Nasa parke ako ngayon at nagpapahangin. Malamig ang hangin dahil tagsibol dito ngayon sa Canada, kung saan ako napadpad. Nakapamasyal na kami dito noon ni mama, sa kanyang kapatid. Noong nagpaalam ako kay mama at papa ay agad nila akong pinayagan. Walang tanong-tanong. Binigyan ako ng pera at umalis ako na hindi sinasabi kung saan ako tutungo. I always contact them at sinasabing okay lang ako. Naki-usap ako sa kapatid ni mama na huwag sabihing naroon ako.Kaya lamang ay alam na nila na buntis ako. Kaya halos walang araw-araw akong kinukumbinsi bi maa na umuwi na. Paano nila nalaman? Iyon daw ay noong sumugod si Adonis makaraan ng isang linggo na pagkakawala ko. Sinabi ni Joseph sa kanya ang kalagayan ko.Akala ko pagtatakpan ni Joseph iyon, a